This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Media Interview with Vice President Leni Robredo

    Media Interview with Vice President Leni Robredo
    Brgy. Tugdan, Alcantara, Romblon

    [START: 00:08]

    REPORTER 1: Okay, sige. So, Ma'am, 'yun nga po nandito tayo sa Romblon. Binibisita po natin itong ating Community Learning Hub and then later meron po tayo with fisherfolks. Gaano po ka-importante 'yung mga ganitong programa under a Robredo presidency lalo na po sa edukasyon at doon po sa atin pong mga mangingisda?

    VP LENI: Ako unang-una, napakahalaga na ang presidente siya mismo 'yung bibisita lalo na sa mga malalayo at mga mahihirap na mga lugar kasi dito mo mararamdaman at makikita kung ano talaga 'yung pangangailangan. Ilang beses na ako dito pumunta. Nakita natin na matindi 'yung pangangailangan ng mga farmers saka fisherfolk. Matindi din 'yung pangangailangan ng mga schools. In fact, ngayon tinitignan– tinatanong ko 'yung principal. Kasi halimbawa, dito sa compound na ito maraming mga buildings ang hindi nila nagagamit dahil sira.

    Kailangan talaga na baba– parang bumabad ka. Bumabad, makiusap, kasi ito 'yung mga hindi mo naa-appreciate kung nakikita mo lang sa papel. Ang akin lang assurance na 'yung tulong hindi natin ibabase sa kung gaano kadami 'yung tao. Kasi ang nakita natin na pattern, na 'yung mga lugar na malalayo na hindi ganoon kalaki 'yung population mas konti din talaga 'yung access nila sa programa.

    So, under a Robredo presidency babaliktarin natin ito na lalo ka malayo, lalo kang maliit, lalo kang mahirap, mas pagtutuunan ka ng pansin. Dahil for a very long time hirap ka talaga sa access sa tulong ng pamahalaan. 'Yung pinaka-example ko dito 'yung isang program namin sa Sta. Maria National High school, meron silang culinary track sa senior high school pero wala sila ni isang gamit. Tinuturuan 'yung mga bata sa culinary track na theoretical, papaano matututo? So, nagdala kami dito ng partner 'yung Masflex nagdala ng complete line ng cooking– kitchen equipment. Tapos 'yung top two na estudyante ginawang scholar ni Chef Gene Gonzalez. Dinala sa Maynila, libre lahat, tinuruan para sila din 'yung magtuturo dito.

    Tapos itong Community Learning Hub meron tayong anim sa buong Romblon. Kung mas marami lang sana kaming resources, mas marami. Pero nakita naman natin kung gaano ka-helpful siya lalo na pag 'yung mga magulang wala talang capacity na magturo sa bahay.

    So, ito dahil nakita natin ito ngayong Vice President ako lalo natin pagtutuunan ng pansin lalo na pag mas marami 'yung resources saka mas malaki 'yung mandate na available. Tapos 'yung pagbibisita on the ground, it is something that we will continue doing kasi ito talaga 'yung nakaka-spur ng rural development pag 'yung presidente mismo 'yung pumupunta. Kasi 'yun 'yung nakakapagbigay ng atensyon sa lugar.

    REPORTER 1: Ma'am, na-mention niyo na rin po 'yung mga mangingisda saka mga magsasaka. Ma'am, nasabi niyo na rin ito noon pa 'yung mga dapat gawin dahil nga tuloy-tuloy 'yung pagtaas sa mga produktong petrolyo. Ma'am, nagayon March na tuloy-tuloy pa rin, apektado po sila. Ano po ba, Ma'm, 'yung nakikita ninyong puwede pang gawin ng kasalukuyan pong administrasyon? Ano po ba 'yung dapat bilisan pa?

    VP LENI: 'Yung mga puwede na kasing gawin agad, 'yung ayuda puwede na 'yung gawing agad kasi executive action naman 'yun. Puwede nang bigyan ng ayuda 'yung pinakaapektado ng pagtaas ng bilihin, lalo na 'yung gasolina, 'yung kerosene, 'yung diesel. Gawin na kaagad na hindi– para siguraduhin na na hindi na magugutom. Kasi pag dine-delay natin 'yung tulong mas mahirap kasi talagang magdadaan na sila sa nap-- magdadaan na sila sa sobrang challenging na times.

    At maliban doon sa pagbigay ng ayuda kailangan talagang desisyonan na. Ano bang klaseng subsidy 'yung ibibigay ng pamahalaan maliban sa ayuda? Kung isu-suspend ba 'yung excise tax o meron pa bang ibang paraan para hindi ganoon maramdaman 'yung palo ng pagtaas ng presyo. Halimbawa, 'yung pag-asses kung 'yung minimum wage ba natin ngayon enough siya para ma-cushion 'yung blow ng inflation?

    Kailangan siyang gawin na ngayon dahil for a very long time, nagrereklamo na talaga. Halimbawa, 'yung mga farmers natin ano ba 'yung reklamo nila? 'Yung reklamo ng farmers natin ang pagtaas ng presyo ng inputs lalo 'yung fertilizers, grabe na halos ano na pasalamat na nga sila pag nag-breakeven pa sila. Matagal na itong reklamo halos dalawang taon na na hindi naaaksyonan 'yung pagtaas ng presyo ng fertilizer.

    So hang– parang bawat araw na hindi natin ito inaaksyonan, dagdag din ito sa araw na pahirap sa kanila. Halimbawa 'yung mga fisherfolk natin, tinatamaan talaga sila ng pagtaas ng langis. Tinatamaan din sila lalo na pag tinamaan sila ng bagyo, pag masama 'yung panahon. Ano 'yung programa natin para sa kanila?

    So, kailangan i-institutionalize 'yung mga mekanismo kasi kung reactive lang tayo nang reactive, marami tayong hindi matutulungan at lalo na pag nagre-react tayo ng huli.

    REPORTER 1: Ma'am, sorry, last na. Isang sundot lang. Ma'am sapat po ba 'yung minimum wage ngayon?

    VP LENI: Kailangan ngang i-assess na. Kailangan nang i-assess. Marami 'yung humihingi ng pagtaas ng minimum wage pero kailangan na siyang upuan. Binabasa ko 'yung mga opinyon ng mga economists na ang sinasabi nila 'yung minimum wage ngayon actually, 'yung actual value niya mas mababa sa kung ano talaga 'yung wages ngayon dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

    So, ito kasi mahabang proseso ito kasi kailangan pakinggan 'yung– hindi lang 'yung saloobin ng mga sumasahod pero 'yung saloobin din ng mga employers. Kailangan isaalang-alang sa lahat– 'yung lahat kasi balancing act naman ito. Pero 'yung sinasabi lang natin, pumalo na 'yung pagtaas ng presyo, huwag na tayong maghintay na grumabe pa 'yung sitwasyon bago tayo umaksyon.

    ROMBLON NEWS NETWORK: Ma'am, [inaudible 07:00] po ng Romblon News Network. Isa po dito sa Romblon 'yung issue ng mining, ano. At alam naman namin na merong isinusulong ang gobyernong Robredo sa hinaharap kung magkapalad man ay– ano po 'yung magiging programa po ninyo lalung-lalo na sa paggamit noong mineral resources? Pero dito dahil archipelagic ito at alam natin na 'yung mga tao dito ay matagal nang tumututol sa pagmimina, ano po 'yung tayo ninyo sa issue ng pagmimina lalong-lalo sa isang archipelagic na country?

    VP LENI: Ako kasi for responsible mining ako. Pag sinabing for responsible mining, tinitignan natin siya na potential na economic activity pero para kasi sa akin, kailangang i-assess kung ano 'yung cost noon. Hindi lang 'yung economic gains pero ano 'yung cost. Pag tinignan natin, halimbawa, maraming mga lugar kung saan may minahan na ang hir– sobrang hirap pa din ng community. Maraming mga lugar na may minahan na nase-set aside 'yung mga IPs. Maraming mga lugar na 'yung mga dapat na naninirahan doon, napapaalis dahil sa mining activities.

    Meron tayong batas at 'yung batas nagre-require siya ng free informed and prior consent. Pero tila hindi ito nasusunod. Pag sinabi nating hindi nasusunod, hindi enough na nagpa-meeting ka sa kanila ng isang beses. Kailangan 'yung pag tinatawag mo sila for a consultation, kailangan maging multi-sectoral ito para ine-ensure natin na 'yung civil society nakakatulong sila pagbuo ng understanding ng communities kung ano 'yung expectation nila na mangyayari sa kanila pag ituloy 'yung activity.

    So, para sa akin number one, kung merong mining activity kailangang ang makinabang doon 'yung community. 'Yun 'yung number one sa akin. Pangalawa, siguraduhin na 'yung mga requirements under the law nasusunod 'yung heart and soul noon. Kasi, parang ginagawa ngayon, magpapa-meeting ng isa 'yun na 'yung pruweba nila nagkaroon ng free, informed, and prior consent.

    Pero 'yung pangatlo, kailangan talaga nating ipasa 'yung mga mahahalagang mga batas para mas ma-declare na natin 'yung mga no mining zones. Hanggang kasi ngayon, hindi pa dini napapasa 'yung NaLUA bill, 'yung National Land Use Act na ito 'yung sana 'yung magsasabi alin 'yung mga puwedeng for mining, alin 'yung hindi. So, hanggang hindi nalalatag 'yung lahat na parameters na 'yun, dapat hindi natin pinapayagan na halimbawa, magpatuloy na magbigay ng mga bagong mga lisensya para magsimula ng mining activities.

    'Yung mga existing naman, i-assess natin kasi marami namang responsible na mga companies eh na, di ba, marami kasing regulations na meron lang certain depth na pag naabot mo na 'yun, kailangan mo ng i-rehabilitate. So kailangan natin tingnan, sino ba sa mga mining companies ngayon 'yung sumusunod doon? Kasi, while maraming sumusunod, marami din 'yung hindi. Dapat 'yung mga hindi sumusunod, i-ban na. Kasi, hindi talaga siya nakakatulong, sabihin pa natin na meron tayong revenues from it, 'yung costs more than the revenues. Kasi, talagang nakikita naman natin 'yung ibang mga communities na hindi talaga siya naging advantageous sa community dahil irresponsible 'yung nagmina, hindi niya na-rehabilitate 'yung community. Marami halimbawa ngayon, ngayon na grabe na 'yung effects ng climate change, pati 'yung pagbaha merong mga sinasabi na it is because of the mining activities being conducted pag hindi nga naayos 'yung rehabilitation.

    So, ang dami niyang kailangan gawin on many different levels. Pero dapat maging maayos 'yung parameters kasi meron tayong batas pero 'yung implementation kasi ng batas, paminsan ano lang siya, parang naging stamping pad na kunyari, nagkaroon ng masusing consultation. Ako talaga, ipu-push ko na pag ganito 'yung usapin, kailangan na maglagay ng mechanism para 'yung civil society involved. Pag sinabi kong civil society, kasama doon 'yung academe, kasama doon 'yung simbahan, kasama doon 'yung mga advocacy groups, para just to ensure na 'yung mga hihingian ng consent, naiintindihan nila kung ano 'yung ino-oohan nila o hinihindian nila.

    MODERATOR: Ryan Ang.

    RYAN ANG: Ma'am recently, may mga nag-support sa inyo na mga celebrities kahit na iba 'yung sinusuportahan ng family nila. Recently po, si Daniel Padilla, ano pong masasabi natin doon?

    VP LENI: Malaking bagay naman sa amin every time na may nag-express ng support kasi kadalasan nga nito, unsolicited. Meaning to say, kahit hindi kami nakiusap na suportahan kami, sila 'yung nagkukusa na nagsasabi na magsu-support. In fact, 'yung gma sumasama sa mga rallies natin na mga celebrities, sila 'yung nagkusa. Parang nag-form din sila ng sarili nilang group na sila-sila din nag-uusap na oh ito 'yung pupuntahan namin na mga events. Ang laking bagay noon for us kasi una siyempre, sila nagpo-provide ng entertainment, sila 'yung nagpo-provide ng kasiyahan sa mga tao. Nakakalakas loob din siya sa mga supporters knowing na hindi sila nag-iisa sa pagsuporta. Kasi aware naman tayo kung saan tayo nanggaling di ba? Going into the filing, sobrang baba ng numbers ko, malayo ako sa ranking, pero the fact na 'yun 'yung pinanggalingan tapos ngayon ang daming nag-eexpress ng support, ang pag-value natin saka pag-appreciate noon, grabe talaga.

    RYAN ANG: Ma'am, noong 2016 you won here in Romblon po, but over the years medyo nagbago 'yung political landscape so some of the officials here are supporting your competitors. Are you confident that you can still win here in the province po?

    VP LENI: Ako sa province, Oo, kasi hindi naman ako huminto. Over the course of the six years that I was Vice President, tuloy tuloy 'yung programa dito. 'Yung relationship ko dito, hindi lang naman sa mga politicians, pero 'yung relationship ko dito with the communities that we've been helping. Ano naman 'yun merong mga gains, merong mga losses. Siguro 'yung losses kasi dahil umiba 'yung political landscape, maraming mga dating mga kasamang mga politiko na nasa ibang kampo.

    Pero, 'yung gains kasi far outweigh the loses. Meaning to say, 'yung mga kasama ko ngayon, ito talaga 'yung mga naniniwala. Hindi lang sila sumasama dahil kasama ko sila sa partido pero ito 'yung sumasama dahil pareho 'yung paniniwala sa atin at naniniwala sila na ako 'yung nasa best position na magdala ng kabutihan para sa lugar nila. 'Yung isang gain din, noong 2016 noong tumatakbo ako, wala akong ganitong volunteers. Walang mga volunteer groups on their own, nag-oorganize, sila 'yung nagkakampanya sa amin pag wala na kami sa lugar, and I think, ito 'yung pinaka mahalaga sa lahat.

    RYAN ANG: Ma'am last na po, on Saturday, you'll be proceeding up North po ano? So, parang how do you plan on penetrating 'yung base, 'yung the large base na nasa competitor niyo pa so far?

    VP LENI: Malaki kasi 'yung kaibahan ngayon compare to 2016. 'Yung 2016, talagang pagpunta ko sa North, parang suicidal siya in the sense na hindi mo nga alam kung may haharap sa'yo. Ngayon iba eh, months before kami pumunta, 'yung mga volunteers doon sobrang active na. They may not approximate the numbers na nandoon sa kabilang kampo, pero wala ako nito noon eh. So, ngayon, parang mas confident ako sa pagbisita, knowing na pagpunta namin may magho-host sa amin, may sasalo sa amin. Hindi ito available sa amin noong 2016, and fully aware kami kung ano na 'yung mga ginagawa nila from the start, and dumadami.

    Alam natin halimbawa, 'yung pupuntahan ko on Saturday, Cagayan saka Isabela. Halimbawa, 'yung sa Isabela, alam natin na nagkaroon ng maraming controversies about 'yung sa pagbaklas ng mga tarps, and talagang nanindigan 'yung mga volunteers natin doon. So ako, actually excited ako to go. Excited ako to go, knowing na may mga naglalakas ng loob despite the difficulties.

    Ganoon naman 'yun eh, meron talagang mga lugar na naturally sa iyo. Pag punta mo, pumunta ka man o hindi, naturally sa iyo. May mga lugar din na kailangan mong mag-exert ng more effort. And 'yung pagpunta sa north, admittedly, kailangan mag-exert ng more effort, pero wala naman– ako, basta nakapag-reach out tayo sa kanila, better than not going.

    RYAN ANG: Thank you so much po, ma’am.

    REPORTER 4: Ma'am last po, hindi po kayo matutuloy halimbawa, sa Sibuyan Island ano, at alam natin na ang malaking issue din doon, pagmimina. Pero at the same time, may mga communities po kasi doon na nakatulong doon sa programang magbibigay ng mga banig ano, doon sa mga nasalanta ng bagyo. Dahil hindi kayo matuloy doon sa Sibuyan Island, ano po 'yung magiging mensahe niyo doon sa mga hindi nakapunta dito sa Isla ng Sibuyan?

    VP LENI: Actually po, hindi pa naman siguradong hindi kami pupunta. Hindi pa siguradong hindi kami pupunta hanggang ngayon, evolving 'yung aming schedule. Ako, I would have wanted na pumunta just to give assurance to 'yung mga tao doon na anuman, ipaglalaban natin sila. Anuman 'yung kahirapan, kami ay nasa tabi nila. Ako ay ano pa din, umaasa ako na mahanapan ng pagkakataon. Ang pinakamahirap kasi ngayon kasi, 60 days na lang eh. 60 days na lang and talagang kulang na kulang sa oras, so pina-prioritize kung alin 'yung, papaano ma-maximize 'yung pagkakataon pero ako, try pa din.

    Pero kung hindi man ako makapunta before the elections, 'yung akin lang assurance na hindi natin sila iiwan. Actually, meron tayong mga groups doon na partner naman natin sa mga advocacies natin na patuloy naman 'yung relationship natin with them.

    [END 00:18:23]

     

     

     

    Posted in Transcripts on Mar 10, 2022