Media Interview with Vice President Leni Robredo
Don Bosco Multi-purpose Gym, Canlubang, Calamba City, Laguna
REPORTER 1: VP, bakit po natin chinallenge si Mr. Marcos for debate and ano ang reaksyon natin na hinid po nila ito tinanggap?
VP LENI: Ako sa lahat na patawag ng COMELEC siya lang 'yung hindi nagpaunlak. Responsibilidad niya sa tao na ihayag, hindi lang 'yung kanyang mga plataporma pero para sagutin 'yung mga issues laban sa kanya. Mahirap kung ayaw niyang harapin ito kasi napakarami ng disinformation saka fake news. At dapat tanungin siya nito harapan para malaman ng kanyang supporters kung ano ba talaga 'yung totoo. Kasi napakarami 'yung napapapaniwala ng mga kasinungalingan.
Dapat sana may pagkakataon 'yung taong i-confront siya about this. Kaya 'yung sa akin, respondibilidad namin sa tao. Kaming ibang kandidato pinrisinta namin 'yung sarili namin. Sa kanya, hindi nagkaroon ng ganoon na pagkakataon, na 'yung mga issues na kinakaharap niya ay hindi magkaroon ng opportunity 'yung taumbayan para marinig kung ano talaga 'yung totoo.
REPORTER 2: Wait, wait, wait, one question. So, on a lighter note lang ma’am, kasi 'yung ngayon San Beda pati Letran naka pink din ngayon. Eh 'yung UAAP dati, last week nagpi-pink din. To talk about the collegiate league na tumitindig na mag pink for your support.
VP LENI: Nakakataba ng puso na napakaraming mga iba ibang grupo na iba iba 'yung pinanggalingan, karamihan sa kanila magkakalaban. Gaya nito sa UAAP, magkakalaban sila sa collegiate basketball, pero dahil sa pagmamahal sa bayan, nag desisyon na magkaisa. Na ipakita 'yung kanilang tayo dito sa eleksyon saka mga issues na kinakaharap natin bilang isang bayan.
Bihira itong mangyari, hindi ko alam kung first time nga itong nangyari. Pero bihira siyang mangyari na maraming mga grupo na sine-set aside 'yung differences para i-recognize na may mas malaking laban beyond ourselves. At ito talaga 'yung tunay na pagkakaisang nakikita natin ngayon. 'Yung mga eskwelahan na magkaka kompetensya, nagsasama-sama ngayon. 'Yung mga grupo na dati naglalaban-laban ay nag desisyon na magkaisa para ipaglaban ang ating bayan. Salamat salamat.
[END]