This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Media Interview with Vice President Leni Robredo Don Celestino Martinez, Sr. Sports & Cultural Center, Bogo City, Cebu

    Media Interview with Vice President Leni Robredo
    Don Celestino Martinez, Sr. Sports & Cultural Center, Bogo City, Cebu

    VP LENI: Hi! Good morning.

    MODERATOR: Ready na? Anjo, unang katanungan.

    ANJO ALIMARIO: Hi, ma'am!

    VP LENI: Hi!

    ANJO: Ma'am expectations here po in Cebu considering that you won here in 2016 by 800,000 votes. But now ma'am the incumbent governor is backing Marcos. Are you still confident of a repeat victory here?

    VP LENI: Ako very optimistic ako. In the first place, 'yung volunteerism na nakikita ko sa Cebu ngayon, wala ito noong 2016. 'Yung mga local officials naman na tumulong sa atin in 2016, kasama pa din natin ngayon. Sina Vice Governor Junjun, 'yung grupo niya kasama pa din natin.

    Ako, unprecedented 'yung passion na pinapakita ng mga volunteers and nakakagulat kasi even in places as far away as Bantayan, very active 'yung ga volunteers groups. Pareho din ito noong pagpunta namin noong Feb. 24 sa south. Halimbawa, as far away as Argao, very active 'yung volunteer groups. Hindi ko ito nakita noong 2016. So, ngayon mas optimistic ako actually.

    MODERATOR: Okay. Gerard, TV 5.

    GERARD DE LA PEÑA: Hi Ma'am. Good afternoon po.

    VP LENI: Hi!

    GERARD DE LA PEÑA: Ma'am any chances po na mabago pa 'yung senatorial slate natin, considering na ngayon po pumasok na po sa 1Sambayan si Monsour del Rosario?

    VP LENI: Walang pagbabago. Walang pagbabago. 'Yung mga lugar na may partnership tayo with the [sambayan], nag jo-join naman tayo sa events. So, 'yung ibang mga senatorial bets na nasa 1Sambayan slate, nakaka join sa iba nating events as long as 'yung local partners natin ay okay with it. So, ngayon wala pa tayong nakikitang pagbabago. And I would like to think hanggang May 9 na ito.

    MODERATOR: Okay. Gab Lalu, Inquirer.

    GAB LALU: Ma'am hello.

    VP LENI: Hi!

    GAB LALU: Ma'am may mga nagsasabi kasi na lumutang din noong Sunday press conference na pag natalo raw kayo, magkakaroon ng– magkakagulo. May ganoong mga statements. Meron ba kayong sinabing ganoon, or meron bang lumulutang talaga from your camp na ganoong scenarios? To clear lang once and for all, Ma'am.

    VP LENI: Ako maraming media nagko-cover sa akin anywhere I go. Siguro ibabalik ko 'yung question sa media: narinig niyo na ba ako at any point na sinabi ko 'yun? Kasi ako, never ko 'yun sinabi. Ayaw ko siyang– thank you po. Ano po, 'yung sa akin lang, ayaw ko na kasi siyang patulan dahil may mas malaking laban tayong hinaharap. Hindi ito away ng mga kandidato pero pinaglalaban natin 'yung bayan natin.

    So, ako hindi ako– 'yung focus ko hindi madi-distract noong mga nangyayari. 'Yung focus ko nasa ano ba 'yung goal natin. 'Yung goal natin dito dapat beyond ito sa ating mga kandidato. Pero 'yung bayan 'yung ating pinapakipaglaban dito.

    MODERATOR: Christian Manio, DZRH.

    CHRISTIAN MANIO: Hi Ma'am good afternoon. Christian, DZRH. Ma'am first question, baka gusto niyo lang i-address 'yung panawagan ni Mayor Isko na be a hero and then mag withdraw kayo sa pagtakbong pangulo. And then secondly, 'yung hamon niya na i-deny ninyo 'yung mga panawagan na mag withdraw 'yung ibang kandidato.

    VP LENI: Ako, again uulitin ko, hindi ko siya papatulan. Dahil hindi naman ito simpleng laban lang naming dalawa. Laban ito ng bayan natin. May mas malaking laban na kailangan nating panalunin. Gaya ng sinabi ko kanina, extraordinary ang eleksyon na ito. Hindi lang ito contest ng mga kandidato, pero ito 'yung mag de-determine kung anong klaseng pamamahala at politika 'yung mananaig sa bayan natin in the next six years, na 'yun 'yung pinapakipaglaban natin ngayon. And hinihikayat natin 'yung lahat na samahan tayo sa laban na ito. Hindi na tayo mag si-spend ng time na makipagaway sa ibang kandidato. Kasi 'yung laban na ito is more than all of us combined.

    MODERATOR: Ryan of Rappler.

    RAPPLER: Good afternoon Madam Vice President. Just this morning, it was reported in local media that 15 volunteer buses were denied permits to attend the grand rally later, and about weeks ago, volunteers were also complaining about the LGUs denying permits for an event that they wanted to hold for you, and I know your campaign is very reliant on volunteers doing the groundwork. Do you have any message for LGUs na who are either not supporting or making it difficult for your volunteers to campaign for you?

    VP LENI: Ako very unfortunate na nangyayari 'yung ganitong mga sitwasyon kasi as always 'yung hinihingi natin pag respeto sa iba ibang mga pananaw. Kahit iba iba 'yung mga sinusuportahan na kandidato kailangan 'yung respetong ina-accord sa isa 'yun din 'yung ibibigay mo sa iba, lalo na kapag local government unit ka. Pero ako, while nalulungkot ako na nangyayari ito, hindi ako nababahala in the sense na 'yung mga volunteers natin naghahanap talaga ng paraan.

    Hindi ito first time na nangyari. Marami ng mga pagkakataon na hininto 'yung mga sasakyan, nagsara ng mga kalye, iba iba 'yung mga panggigipit na nangyayari pero pinakita ng mga volunteers natin na sila 'yung naghahanap ng paraan to go beyond 'yung mga limitasyon na binibigay sa atin. Ito siguro 'yung sukat kung gaano kadesidido. And kami, very grateful kami sa mga volunteers na dinedefy 'yung lahat na odds para ipaglaban– samahan tayo sa laban para sa bayan.

    MODERATOR: Huling tanong kay Kyle ng Business World.

    BUSINESS WORLD: Ma'am is it possible for you to include some members of the Aquino administration's economic team in your cabinet and may mga napupusuan na ba kayong members ng inyong economic team under a potential Robredo Presidency?

    VP LENI: Marami ng– alam mo since I assumed office in 2016 as Vice President, 'yung mandato ko succession. So, since 2016 we have been getting regular briefings from many different groups. Hindi namin tinitingnan kung cabinet ba sila nino o dati ba silang cabinet members. Nakita niyo naman 'yung endorsements na nakuha natin came from many administrations.

    So, sa atin, while tingin ko hindi ito 'yung panahon para mag pangalan tayo ng mga tao, pero hindi natin tinitingnan kung saan ba sila naki alliance before, kanino ba sila allied dati. Ang mahalaga nagfi-fit sila sa qualifications na hinahanap natin. Inuulit-ulit naman natin ito, kailangan expert sila sa field nila, kailangan respetado sila ng mga stakeholders na makakasalamuha nila, kailangan malinis 'yung kanilang record, walang anomaliya na nakakabit sa pangalan. At 'yung pinakahuli siguro na as important as all the other three, na pareho 'yung paniniwala namin ng mga bagay na dapat isulong para sa ikabubuti ng bayan natin.

    MODERATOR: Okay thank you very much, Vice President.

    VP LENI: Thank you!

    [END 07:12]

     

    Posted in Transcripts on Apr 21, 2022