Media Interview with Vice President Leni Robredo
Gymnasium, University of Pangasinan, Dagupan City, Pangasinan
REPORTER 1: Ma’am, comment lang po doon sa recent Pulse Asia Survey po. What does this mean po for your campaign po?
VP LENI: Malaking bagay siya para makita ng mga supporters natin na nagme-make ng mark ‘yung lahat ng ginagawa nilang pagod. Pero nakikita na namin to even before it came out. Nakikita na namin sa aming mga provincial surveys. Nakikita namin ‘yung movement saka ‘yung trajectory pataas. Ang pinakamaganda dito kasi ito ‘yung nagpapakita na ‘yung momentum na sa atin talaga.
REPORTER 2: Ma’am, mataas po yung nine points pero 30 days na lang po. Kaya po ba na ‘yung momentum ma-sustain o mahigitan pa hanggang Election Day?
VP LENI: Oo, kasi if there is one lesson na natutunan ko sa mga eleksyon, it’s not over until it’s over. Ano talaga ito, nakita natin ito hindi lang noong 2016 noong ako lumaban, pero in 2010. 2010, ‘yung halimbawa ‘yung come from behind win ni Vice President Jojo Binay, ganitong-ganito ‘yung sitwasyon noon. So, dapat lang na ‘yung mga supporters hindi napapagod na kumayod kasi ‘yung pinaka-mahalaga sa lahat na nararamdaman nila ‘yung fruits ng kanilang pagod. Ano naman ito, ‘yung mga tao paniniwala ko, if given the chance na mabigyan ng tamang impormasyon, pipiliin nila kung ano ‘yung makabubuti sa kanila.
JAKE LAZARO: Hi po, Ma’am! Jake Lazaro po. Ask ko lang, what do you think are your chances here in Pangasinan, and then quick follow up lang po doon sa reports na nare-receive online na your– the possible disenfranchisement of your voters here in Pangasinan as ah, naha-harass daw po sila, at may mga buses silang hinire privately na nagba-backout na daw po?
VP LENI: Hindi ito first time na nangyari. Hindi siya first time na nangyari na naha-harass ‘yung ating supporters. Hindi din first time nangyari na pinapahirapan lalo na ‘pag may rallies tayo. Pero ‘yung nakita natin kasi sa ibang mga lugar, noong ginawa ito lalong nanggigil ‘yung mga supporters. Lalong naging desiddo na ipakita ‘yung kanilang suporta. ‘Yun ‘yung sa pangalawang tanong. Sa unang tanong, ibang-iba ‘yung reception sa akin dito ngayon compared to 2016. ‘Yung 2016, I lost miserably in Pangasinan. Ngayon na 2022, mas hopeful ako. Mas hopeful ako kasi itong– ‘yung mga volunteers na nagse-self organize dito, ‘yung mga volunteers na walang pagod talaga na nagi-ikot, ‘yung active involvement ng napakaraming sector, wala ito noon eh. So, sa akin mas hopeful ako ngayon na mas mataas ‘yung numbers na makukuha ko.
REPORTER 4: Ma’am, sa education lang po. Do you think there’s a need to include ‘yung Martial Law atrocities and the plundering of the nation during the Marcos regime in the curriculum po sa secondary education and higher education to counter massive misinformation?
VP LENI: Ako, not just that. Pero kailangan talagang may greater awareness tayo na ‘yung mga lessons from history, mailagay sa curriculum ng mga estudyante para matuto tayo. During Marcos – Martial Law years, hindi lang during the Marcos era, pero marami pang mga leksyon na dapat hindi na maulit na pag sinisiguro natin na naituturo ito sa mga kabataan, ito ‘yung magpe-prevent for us to commit the same mistakes over and over again.
REPORTER 4: Ma’am, will that include po ba what happened sa Estrada Administration?
VP LENI: Definitely, definitely. Dapat ‘yung lahat. ‘Yung lahat ng nangyari sa Pilipinas. Lahat na contributory kung bakit sumama ‘yung kalagayan natin. ‘Yung lahat na korapsyon na nangyari, and how people reacted to corruption, dapat kabahagi ito, pati sa public officials nawa-warn sila na parating may sukdulan lahat ng pinaggagawa.
REPORTER 4: Thank you, Ma’am. Thank you po.
REPORTER 5: Ma’am, last na po. Ma’am, [inaudible] ng comment. Recently po may mga sumulpot po na modules from DepEd po that were blatantly biased against you po. Comment lang po on that end.
VP LENI: Kasi hindi ko alam kung totoo siya. Nakita ko na, nakita ko na siya pero hintayin ko ‘yung DepEd to comment. Pero responsibility nila ito eh. ‘Yung DepEd dapat hindi nagpapalabas ng anything– not just because ako ‘yung nasa receiving end ng ginawa, pero kahit ano na magpo-poison sa minds ng mga tao, dapat hindi ‘yun pinapalusot ng DepEd. Kasi pagpapakita lang– kung totoo, kung totoo na naka-lusot ito sa Grade 11 na mga modules, gustong sabihin na napaka inefficient ng DepEd. Ito lang ‘yung pinaka-ebidensya na napaka inefficient nila na pinapayagan nila na ‘yung mga module na ganito nakakalusot sa kanila
REPORTER 5: Ma’am, speaking of pangpo-poison ng mga isipan. May mga lumalabas po kasi sa social media na si L-Ray Villafuerte raw po, nagpapakalat ng ano– parang inuutusan niya ‘yung supporters na i-malign po kayo. Ano pong take niyo on that?
VP LENI: Ako, hindi ko kasi alam kung totoo siya kaya ayaw ko mag-comment. Pero alam mo ‘yung mga tao sa amin, kilala ako. Kahit anong paninira, kilala nila kung sino ako. Hindi magtatagumpay ‘yon.
[END]