This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Media Interview with Vice President Leni Robredo Saint Louis College Gymnasium, San Fernando City, La Union

    Media Interview with Vice President Leni Robredo
    Saint Louis College Gymnasium, San Fernando City, La Union

    ADRIAN AYALIN: Ma'am 'yung tungkol sa mga fake news na sunod-sunod kahapon 'yung sa daughter ninyo, kay Aika, 'yung solicitation ng OVP sa anti-drugs daw and 'yung exit polls, parang ang dami kahapon. Anong masasabi niyo doon?

    VP LENI: Hindi ako nagugulat dahil ito na talaga 'yung kalakaran ng kalaban mula pa noong natalo siya noong 2016. Noong 2016, talagang inulan ako ng lahat na fake news. Hindi ako nababawasan noon kasi lahat hindi totoo. Ang tingin ko, nababawasan noon 'yung mga napapapaniwala niya sa kanya. 'Yung mga lawyers will take legal action, pero ako– kami ng mga bata, we refuse to be deterred by, 'yung mga gawa-gawa na ganyan. Dati, ako lang 'yung focus ng lahat. Pero ngayon na gumagalaw din 'yung mga anak ko na tulungan ako, pati sila biktima na. Inaasahan namin siya, pero gusto nating ipakita na hindi ito 'yung klase ng pamumuno saka kampanya na gusto natin. Kung papano sila lumaban ngayon, ganoon din pag nakaupo na sila. Puno ng kasinungalingan, puno ng dumihan. Dapat ang i-highlight na lang nila 'yung kabutihan nila saka 'yung kaya nilang gawin. Siguro kaya nag-reresort sa fake news kasi wala na talagang masabing maganda tungkol sa kanila.

    ADRIAN AYALIN: Ma'am kalaban 'yung ina-attribute ninyo kay Bongbong Marcos

    VP LENI: Oo naman, oo naman kasi ginawa na niya sa akin since 2016, consistently ginagawa 'yun sa akin since nag-pick up 'yung numbers ko noong 2016 elections. Noong hindi pa nagpi-pick up 'yung numbers ko, hindi naman ako pinapansin eh. Pero nag-pick up 'yung numbers ko noong 2016, naging nasa receiving end na ako ng lahat na kasinungalingan. Nakikita naman natin 'yung mga nakapaligid sa kaniya, ito din 'yung mga ginagamit niyang mga influencers hanggang ngayon. Hindi ako hinintuan over the last six years, pero kung meron mang lesson na nakuha ko from that, wala talagang kapalit ang paggawa ng kabutihan, walang kapalit 'yung katotohanan, kasi 'yung kasinungalingan pinapaniwalaan lang 'yun ng mga tao na napapaniwala nila sa atin. Pero at the end of the day, sa dulo ng lahat, kabutihan at katotohanan pa din 'yung pipiliin ng tao.

    REPORTER 2: Hi ma'am. Ma'am just this morning po, nag-switch na 'yung largest volunteer group ni Isko Moreno, the IM Pilipinas, to your campaign. How crucial ma'am 'yung ganitong klaseng additional sa inyong campaign?

    VP LENI: Very crucial 'yung– very crucial 'yung pagpili sa atin ng mag supporters na galing sa ibang sides. Whether from one candidate o from all the other candidates, crucial 'yun kasi papalapit ng papalapit sa eleksyon lahat na makakadagdag sa atin, welcome parati. Nagpapasalamat tayo, nagpapasalamat tayo and sana ma-meet ko sila in person para makapagpasalamat din ako in person.

    GERARD DE LA PEÑA: Hi ma'am, good morning. Ma'am may nabalita po sa overseas absentee voting na may mga pre-shaded ballots daw. How do you feel about that po?

    VP LENI: Ako, cause for concern siya lalo na kasi bago pa nag-start 'yung absentee voting sa– para sa mga OFWs, marami na 'yung nagwa-warn sa atin na 'yung pre-shaded ballots meron talagang balak gawin. Pinapatignan natin ito sa mga lawyers natin, pero definitely magfa-file tayo ng ano– ng pagpapahayag ng mga– galing sa aming mga lawyers na kailangang imbestigahin ito kasi baka hindi lang ito mangyari sa isang lugar. Sana isolated incident siya pero kailangang magbantay tayo.

    REPORTER 4: Good afternoon– good morning ma'am. Ma'am the Zubiris publicly endorsed BBM in Bukidnon. Would you still keep your word of not removing him from yoru slate given that Monsour del Rosario is also waiting in the wings?

    VP LENI: Actually, hindi pa namin 'yun napapag-usapan, kasi everyday nasa campaign trail ako. Iniiwan ko siya sa campaign team sa campaign headquarters para pagdesisyunan 'yung mga bagay na 'yan. Kukunsultahin naman nila ako eventually, pero I think hindi pa siya nauupuan considering na grabe 'yung schedules ngayon. Pero eventually, pagdedesisyunan 'yun.

    JACOB LAZARO: Good Morning, Ma’am. Ask ko lang po. Ano pong campaign plans natin for after the Holy Week, and ito po ba ay para malabanan ang mga fake news na lumalabas sa inyo at saka mas mai-intensify po ba ang house-to-house campaign?

    VP LENI: Oo kasi hindi ako hihinto dahil sa mga fake news. Hindi ako mag we-waste ng time para sagutin lang ‘yan kasi in the first place hindi naman totoo. So, hahayaan ko na lang ‘yung iba na mag-debunk. Pero ako, tuloy-tuloy ‘yung pagsisipag. If at all, mas lalo pang sisipagan. ‘Yung schedules namin from April 18 until May 7 ay nakalatag na lahat. Marami pang request na wala pa sa schedule na pinag-uusapan pa ngayon kung paano masiksik.

    ‘Yung house-to-house campaign, tuloy-tuloy iyon. In fact, everyday kahit wala ng encouragement from the national headquarters, everyday ‘yung mga volunteers natin tuloy-tuloy, even in the most unexpected places. So, gusto natin magpasalamat. Pero sa akin kasi, ‘yung fake news, ‘yung iba na ‘yung mag-asikaso niyan. ‘Yung lawyers natin, ‘yung mga gustong tumulong sa social media. Nire-request natin na lahat ng nagpo-post about it o nagsi-share, i-report sa ating lawyers, sa Lawyers for Leni. Pero hindi ako magsasayang ng oras na hihinto ako sa kampanya para harapin lang kasi praktisado na ako eh. In the last six years, ‘yun na ‘yung ginagawa natin pero never akong nagpa-apekto.

    JACOB LAZARO: Quick follow up lang po. So, mas magiging intense po ba ‘yung house-to-house campaigning rin po natin?

    VP LENI: Definitely. Definitely mas magiging intense siya. Actually, ‘yung mga volunteers natin, pinapaki-usapan na lang natin na mag-slow down ngayong holy week. Kasi ang iba talaga, sobrang grabe ng energy. Sobrang invested na mag house-to-house campaign. Pero definitely, after Easter Sunday, mas doble pa ‘yung sipag at oras na ilalaan.

    MARLON RAMOS: Ma’am, follow up lang po ‘yung sa OWWA. Should the Senate investigate this incident?

    VP LENI: Dapat. Dapat imbestigahan. Hindi lang ng Senate pero lahat na bodies na merong mandato na mag-imbestiga. Kasi ang at stake dito, hindi ba, ang at stake dito ‘yung integrity ng elections. Hinihikayat natin anyone na makita na ‘yung binigay sa kanyang ballot na pre-shaded, kailangan i-report para nado-document natin.

    As of now, ‘yung sabi ng COMELEC, isolated incident. I hope isolated talaga siya. Pero kailangan, hikayatin natin ‘yung lahat to report. Hindi natin alam kung papaano nakapasok ‘yung pre-shaded na ballots. Pero ‘yung worry kasi natin, baka sa ibang lugar mangyari pa din ito.

    MARLON RAMOS: Kahit na ‘yung Chairman po ng Senate Electoral Reform ay kapatid ng isa sa mga kalaban ninyo?

    VP LENI: Ako, dapat siya na ‘yun eh. Dapat sana may pagkukusa. Dapat sana may pagkukusa mag step down, sa kanyang assignment kung may respeto sa proseso. Dapat sa kanya na mang-galing. Kasi ang pinaka-crucial ngayon, ‘yung integrity ng eleksyon. Kapag merong pagduda ang tao, maco-compromise lahat.

    AKSYON RADYO: VP Leni, sa Love Radio Laogan po at Aksyon Radyo. Ano pong mensahe ninyo sa mga anak– o magulang ng anak ng BBM supporters? Kasi isa sa La Union sa marami noon?

    VP LENI: Ano lang talaga, hinihikayat natin ‘yung lahat. Hindi lang ito naka-direct sa BBM supporters, pero naka-direct ito sa lahat na sana ‘yung eleksyon na ito, pag-desisyunan natin according sa tamang impormasyon. Hindi natin ito pagdedesisyunan dahil sa kasinungalingan. Huwag natin pagdesisyunan dahil kapareho lang natin ng pinang-galingan. Kasi ‘yung at stake dito, ‘yung kinabukasan ng mga anak natin. Na hindi ito kung saan ka nang-galing. Hindi ito na Ilocano ka rin o Bicolano ka din.

    Ako, hinihikayat ko na tignan ‘yung aming mga track record. Hindi lang ‘yung aming mga pangako. Tignan ‘yung aming track record, tignan ‘yung aming plataporma. Siguraduhin na ang pinag-babasehan natin hindi fake news para makapag-desisyon tayo ng tama.

    [END]

    Posted in Transcripts on Apr 12, 2022