This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Media Interview with Vice President Leni Robredo Vaccine Express for Seafarers at MOA

    Media Interview with Vice President Leni Robredo
    Vaccine Express for Seafarers at MOA

    [START 00:11]

    REPORTER: Ma'am ok na po ba ma'am? Game na po?

    VP LENI: Yes.

    REPORTER 1: Ma'am, good morning. Ma’am, ayun nga po, ngayon po nagbabakuna tayo ng booster para po sa ating pong mga seafarers. Kahapon po inanunsyo na mayroon na pong Omicron variant sa bansa. Mayroon po ba tayong mga nakikitang mga idadagdag pa po natin sa ating pong mga Covid programs, o kaya mga nakikita natin na mga gagawin pa po nating pagbabago? Tulad po dito po sa Vaccine Express and sa Bayanihan E-Konsulta?

    VP LENI: Actually, wala tayong problema sana sa volunteers. Marami tayong private partners na willing to give us access to supply. ‘Yung nanakikita lang namin na pinakaproblema namin ngayon, kasi kandidato ako, ako ‘yung head of office, and by February 8, official campaign period na. So hihingi sana kami, we're- we're preparing our- our petition na sana ay payagan kaming ituloy-tuloy ng office.

    Hindi ako. Hindi ko pupuntahan ‘yung mga programs, pero sana payagan kaming ituloy-tuloy ‘yung mga programa, especially for Covid-related operations gaya ng Vaccine Express, ‘yung Swab Cab, ‘yung Bayanihan E-Konsulta kahit campaign period na. Kasi ‘yung need nandiyan eh. So hindi ko alam kung sa– sana payagan ‘yung office.

    Siguro mayroong mga, siguro mayroong mga commitments na gagawin like pag, pag official campaign period na, hindi ko pupuntahan. Pero ngayon, ngayon kasi na may bagong variant, dapat talaga mas alert tayo ngayon kaysa noon kasi ang dami na nating lessons na nakuha from the past. So ‘yung– ‘yung vaccination kailangang iramp up kasi ‘yung mga– ‘yung mga ano naman, ‘yung mga findings sa ibang mga bansa na ‘yung– ‘yung chances pa din na pinakatatamaan ‘yung mga unvaccinated, ‘yung mga vaccinated pero wala pang booster.

    Pero kanina lang binabasa ko, binabasa ko online na ‘yung findings pag vaccinated ka na may booster ka, parang ten times na least likely na makuha mo ‘yung– ‘yung bagong variant. So dapat talaga pagtulungan ng lahat.

    REPORTER 1: Ma'am, follow up po doon sa mga seafarers natin. I understand ito po ay isang sektor, ‘yung maritime sector na gusto nyo po talagang bigyan ng atensyon sa inyo pong plataporma. Ano po ba ‘yung nakikita natin na specific po na ibibigay po natin na programa para po sa mga seafarers natin pag kayo po ay naging pangulo?

    VP LENI: Actually, may sinimulan na kami. May sinimulan na kami with the sector. Noong 2018, sa Bulan, Sorsogon, naglagay kami ng isang, parang isang– isang programa sa paaralan na mayroong cadet– parang leading to cadetship siya. Kasi ano ba ‘yung datos ngayon? Ngayon mga one million ‘yung seafarers natin. Mga one million ‘yung seafarers natin pero ‘yung mga opisyal, ang last count nila kanina, nag-uusap kami nung mga representatives ng sector, parang ‘yung estimate nila mga 120,000 lang of the 1 million ‘yung mga opisyal. Ang layo ng sweldo, ang layo ng sweldo ng opisyal saka hindi opisyal. So kung 'yung gobyerno sana tutulungan nya 'yung mga– 'yung mga 'yung mga seafarers natin na magkaroon ng mga cadetship program sa mga paaralan natin. Mas marami– kasi 'yung cadetship program kapag nag-graduate ka dito can- maka-qualify ka maging opisyal. So mas marami sana mga seafarers natin, ang dami natin. Mas marami sana sa kanila na mga opisyal.

    Anong gustong sabihin nun sa economy natin, 'di ba 80% sa kanilang salaries ay nire-remit. Ngayon 'yung– yung nireremit nila parang nasa mga almost 8 billion, almost 8 billion a year. 'Pag mas maraming opisyal talagang ma– madodoble triple mo kasi mas mataas 'yung sweldo nila. 'Pag mas marami tayong mga seafarers na nate-train, mas marami din 'yung papasok sa industry.

    So ang laki talaga, ang– ang laki noong- ang laki noong potential for us. Ayun sa– sabi ni Cong Jess hindi– hindi lang daw yun pesos pero dollars yun. So ngayon kasi konti, konti 'yung opportunities para sa mga Pilipino na mag-undergo ng cadetship program kasi konti– konti 'yung suporta ng– ng pamahalaan dito, pero pag– ngayon 'yung ginagawa namin with Cong Jess Manalo, ginawa namin– nagstart kami 2018 sa Bulan, Sorsogon. Maliit na bayan, maliit na bayan pero nakapag-graduate na kami sa 1st year, ‘yung– ‘yung first year na mga nag-graduates, 72. So imagine kung sa isang maliit na bayan gaya ng Bulan makapag-graduate kami ng 72 a year, 'di dagdag yun sa mga pwedeng mag-opisyal. Kung magawa pa natin yun in many other parts of the Philippines ang laki talaga ng potential.

    REPORTER 2: Going back lang duon sa Omicron variant, how it affect yung pag ikot nyo po sa bansa? Lalo na in some of your sorties di ba you draw crowds po, so how, what would be the effect?

    VP LENI: Kami naghihintay kami, naghihintay kami sa mga advice ng mga experts. Pero ‘yun talaga 'yung number one na nakaka– ‘yun 'yung number one na nakakalimit ng activities kaya– kasi halimbawa, everywhere we go 'yung mga volunteers gusto talaga pumunta lahat, pero kami kailangan namin ilimit yung tao. Paminsan nga hindi din nasusunod.

    Pero kung– kung napapansin nyo 'yung pupunta kami sa isang lugar, gagawin namin isang lugar sobrang dami ng activities para hindi nagko-conglomerate sa isa lang na lugar. Ano siya, challenge, challenge siya kasi maki-oras. Challenge din siya kasi 'yung pwede mo sana magawa in one go, kailangan mo siya i-divide in– in man– to many events para lang makapag– makapag-conform with physical distancing. And yung experience talaga namin ang hirap niya ipasunod, kasi lalo na 'pag dumadating kami talagang nagsisiksikan ‘yung– 'yung tao nakakatakot– nakakatakot tignan.

    Ngayon siguro– nung mas mababa kasi yung kaso mas lax tayo. Pero ngayon na may bagong variant mas magiging mindful tayo na talagang nasusunod ‘yung mga protocols


    REPORTER 2: Thank you, ma’am.

    REPORTER 3: Hi ma’am. I hear you’re closely monitoring the typhoon Odette. May ginagawa ba or gagawin ang office niyo to those affected areas?

    VP LENI: Actually, kanina kausap ko na si– ‘yung governor ng Surigao del Norte saka Dinagat Islands, kasi nakikita ko doon yung grabe ngayon. Sabi ni Governor, umiikot siya sa mga evacuation centers, at kailangan pagkain. So, kami nakikipag-coordinate na kami sa kanila. Maraming tao kasi sa evacuation centers, so tinitignan nila kung alin ‘yung pinaka-hardest hit at ipapaalam sa amin.

    Kanina sa Dinagat ay signal number 3 na sila. Pero ine-expect nila na anytime today magiging Signal 4. So, sila, nag-aano sila, nagma-mandatory evacuation. And alam natin, ‘yung problema ‘pag mandatory evacuation kasi talaga kailangan maraming pagkain. So ito kasi, iba-ibang lugar. Iba-ibang lugar, iba-iba ‘yung pangangailangan. So, sinabi ko sa kanila na kung ano pa ‘yung kailangan, sabihin sa ’min. Pero ang tinitignan na naming ngayon na magpadala na ng team, para may nag-aasikaso na on the ground para mabilis.

    Kasi ‘pag mga ganitong sitwasyon, hindi pwedeng next week ka pa mag-aasikaso. Dapat kung kailan kailangan, gawin na. Actually, ready na kami as of several days ago, pero ‘yung– umiiba kasi ‘yung direksyon ng bagyo. Bumaba siya eh, bumaba siya tapos westward siya ngayon. Tinitignan namin baka mas maraming mga lugar ang ma-affect. So, dun sa mga lugar na mino-monitor namin na medyo grabe na ngayon, ‘yun ‘yung mga tinatawagan natin.

    REPORTER 3: Ma’am, isang follow-up lang po. How important is it for a top official, for a president to be visible and on top of the situation?

    VP LENI: Nakakalakas kasi siya ng loob. Nakakalakas siya ng loob na una, ‘yung number one na mensahe na binibigay mo na hindi sila papabayaan. ‘Yung number 2 na ‘pag nandun ka, maraming pwedeng gawin. Maraming pwedeng mangyari, pwede mong kausapin ‘yung mga agencies na kinakailang– kinakailanganan ng tulong na pumunta na. Tapos ‘yung private sector, ‘pag nakita niya na nandoon ka, tapos humingi ka sa kanila ng tulong, mas madali din silang tumulong kasi alam nila na alam mo ang situation on the ground. Kaya hindi ako nakukuntento na hindi ako mismo ‘yung bumababa. Hindi ako nakukuntento na binibigyan lang ako ng report, kasi paminsan ‘yung report hindi niya naka-capture yung tunay na sitwasyon. So ako, lahat ng sakuna, almost all na sakuna pinuntahan ko. Na-limit lang talaga ako during the pandemic. Kasi during the pandemic kung naalala niyo, marami ‘yung mga lindol, ‘yun ‘yung mga hindi ko napuntahan. Pero before the pandemic, halos lahat na bagyo, halos lahat na lindol, halos lahat na volcanic eruption, ako mismo ‘yung nandun.

    REPORTER 4: Hi, ma’am. Papa-comment lang po sana kami sa passage ng bill sa Senate na pinapayagan na po ‘yung 100% foreign ownership sa mga public services.

    VP LENI: Actually, before coming over pinapahanap ko ‘yung– pinapahanap ko ‘yung version na pumasa. Pinapahanap ko ‘yung version na pumasa kasi ‘yung nasa amin ‘yung original version pa. Ako open naman ako, open ako dito sa intent ng batas. Gusto ko lang masiguro na may safeguards na hindi naman madedehado 'yung mga Pilipinong nga investors. Kaya hinihingi ko– hinahanap ng office ngayon kung ano 'yung version na pumasa, pero 'yun 'yung aking interes, na while okay sa 'kin na buksan for foreign ownership– kasi kailangan talaga ngayon na, kailangan 'yung investments, ay kailangan ng investors dun sa mahahalagang, ‘yung mga public sector na mga pangangailangan natin. Pero siguruhin lang, siguruhin lang 'yung hinahanap ko safeguards. Safeguards para sa mga Pilipinong investors na hindi naman sila madehado.

    REPORTER 4: Ma'am, on another topic po. Can I ask you to comment lang sa withdrawal ni President Duterte sa Senatorial race and also 'yung withdrawal ni Senator Bong Go sa Presidential race?

    VP LENI: Ako kasi, kailangan natin respetuhin 'yun kasi personal naman na desisyon nila 'yun. Kami naman, gaya nang sinabi kong paulit-ulit, 'yung amin namang, 'yung aming journey dito sa papasok sa official campaign period ay nakatutok sa, sa maraming mga taong tumutulong sa 'min na hindi naman kami affected ng mga desisyon ng nasa, nasa labas ng grupo.

    REPORTER 5: Ma'am, sorry isang sundot lang. Pagdating po sa mga disasters, sa mga sakuna, sa bagyo, sinabi niyo na rin Ma'am, sa lindol, sa volcanic eruption, anong klaseng Presidente po ang aasahan ng publiko mula po sa inyo? Mas totoo po ba, ano po ba 'yung nakikita ninyo na mas magagawa niyo pa kung kayo ay mailalagay bilang Pangulo?

    VP LENI: Ako definitely very hands on ako. At hindi lang 'yung pupunta ako para– para silipin. Ako– ako alam ito ng mga constituents ko sa distrito, na before, during, and after every sakuna, nandun ako. Gusto kong sabihin nandun ako for as long as I'm needed, hindi 'yung parang nagpakita lang ako.

    Kasi ang experience ko talaga, maraming magagawa kung ako mismo 'yung nandun eh. Mas mabilis 'yung response, mas coordinated 'yung response, kasi ako 'yung may mandatong magpatawag na– sa lahat na puwedeng magbigay ng tulong. So ako naman kahit, kahit nung VP ako, kokonti naman 'yung mandato ko. Parati akong nafru-frustrate pag nasa ground kasi ang feeling ko ang dami ko pa sanang puwedeng magawa kung mas malawak 'yung mandato ko. Pero kami naman 'yung parati naming, parati naming policy, huwag na nating isipin 'yung limitations kung ano lang 'yung puwede nating gawin, gawin natin. So kami sa opisina, talagang nag-set aside kami ng malaking percentage ng budget namin for disaster relief– disaster relief and mitigation saka rehabilitation efforts. Tapos 'yun, pag may sakuna ako talaga 'yung pumupunta kasi paminsan, 'yung report sa 'yo, while tama naman 'yung mga report, pero pag bumaba ka marami ka pang ibang makikita na hindi na-capture nung report.

    REPORTERS: Thank you, Ma'am.

    [END 12:42]

    Posted in Transcripts on Dec 16, 2021