This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Media Interview with VPLR at Talisay City

    Media Interview with VPLR at Talisay City
    Talisay City, Cebu

     

    [START 00:00:00]

    MODERATOR: Ryan of Rappler.

    RAPPLER: Hello magandang hapon po. Kanina po nakabisita kayo sa isang fishing community doon sa Tangke Talisay and isa sa mga reklamo nila ‘yung container port na apektado ‘yung hanapbuhay nila. Bilang Presidente how will you balance interest ng marginalized community tulad ng mga fisherfolks at ng business?

    VP LENI: Ito kasi dapat bago nagbababa ng proyektong ganoon tinitingnan kung sino ‘yung mga maaapektuhan at inaasikaso. Inaasikaso ‘yung pag-apekto. ‘Yung report nila sa atin kanina, merong mga pag uusap na inisyal pero wala pang nangyayari doon sa pag uusap, ito 'yung hindi natin papayagan. Dapat bago payagan na mag umpisa 'yung isang proyekto sa isang lugar, laging sinisiguro natin na 'yung mga maaapektuhan ay inaasikaso. Hindi naman– sa atin hindi tayo against sa development pero ang gusto nating klaseng development laging inclusive. Pag sinabi nating laging inclusive, hindi naman pwedeng negosyante lang 'yung kumikita. Dapat 'yung mga maaapektuhan gaya noong nakita natin kanina, dapat inasikaso, ano ba 'yung alternative na ibibigay sa kanila, granting na nawala 'yung hanapbuhay nila to a very considerable amount?

    RAPPLER: Related follow-up lang. You said kanina na you will continue to [repute 01:31] the community even before becoming President, can you explain what kind of help are you going to extend to the community?

    VP LENI: Ang help kasi binibigay mo 'yung kapag alam mo na 'yung pangangailangan eh. Ang pinaka kontra tayo na pupunta tayo, sasabihin natin ito 'yung tulong natin na hindi nga natin sila kinausap what will matter to them? Pero ito kasing mga ganito hindi siya nadadala sa isang bisita, nadadala siya sa isang malalim na engagmement na binababad mo 'yung sarili mo doon mismo sa community para hindi ka lang nakikinig pero nararamdaman mo kung ano 'yung kahirapan na pinagdadaanan nila. Kasi kung wala 'yung pakiramdam na 'yun, hindi ka makakapag-respond in a manner na dapat ka mag respond.

    So sa akin sorry ako kanina na doon lang ako nakapunta. Sana meron akong time na bumalik na baka ako na lang, na wala na masyadong entourage para buwelo naman 'yung mga tao doon na makakwentuhan ano ba talaga 'yung mga– ano 'yung– papaano tayo makakatulong. So sa akin, ganoon parati 'yung policy ko na pupunta ako for the first time para makinig, para makipag-usap, pagbalik ko nandoon 'yung tulong. Hindi 'yung ako ang mag i-impose kung ano 'yung tulong na ibibigay sa kanila.

    MODERATOR: GMA 7 Cebu

    GMA 7 CEBU: VP, aside form the fisherfolks po, sa ilang ulit niyo pong nandito na po sa Cebu, ano pa po 'yung ibang problema o ibang sektor na nakikita niyo pong pangunahin sigurong sosolusyunan niyo pag kayo ang maging Presidente.

    VP LENI: Hindi lang kasi ngayon ito. Kasi since 2016 nag launch kami ng Angat Buhay Program for Cebu. So marami na kaming engagements dito. Halimbawa, iba iba depende sa lugar saka sa pangangailangan. Halimbawa sa San Remigio in the North, meron tayong Mental Health Program doon. Nag construct 'yung opisina namin ng facility pero hindi lang siya pag construct ng facility pero 'yung buong programa for mental health. Ito, 'yun aksidente 'yun na nalaman namin 'yung problema. Pumunta kami doon to visit a fisherfolk community, pero pagpunta namin nalaman namin na mental health is such a big problem as far as San Remigio is concerned. So ngayon ongoing 'yung programa, 2018 pa siya sinimulan.

    Halimbawa sa Tuburan, meron tayo doon na water system for coffee farmers. Nagpagawa tayo ng water system para matulungan 'yung livelihood ng mga coffee farmers doon. Halimbawa dito sa Carcar saka sa Naga, nag construct tayo ng parang bagsakan center para doon sa mga farmers na may– meron silang ano ito– meron silang center na 'yung mga goods na galing sa iba't ibang mga barangay ay doon binabagsak. Marami tayo– halimbawa noong pandemic, 'yung pandemic talagang naglaan tayo ng isang team na nandito. Nag roll out tayo ng iba't ibang mga programs, halimbawa 'yung shuttle services for frontliners, meron tayong shuttle boat from Olango Island to Mactan, nagkaroon tayo ng several dormitories, nagkaroon tayo ng Vaccine Express, nagkaroon tayo ng Swab Cab, tapos 'yung tuloy-tuloy na pag supply ng mga PPEs saka mga medical supplies.

    'Yung Odette, the day after Odette andito ako. Tapos pagpunta ko dito inalam ko lang 'yung mga pangangailangan, nag-iwan ako ng team. 'Yung team namin was here for more than a month doing relief operations. Ano lang 'yun hindi lang doing relief operations pero the whole gamut of 'yung mga interventions na kinakailangan. Everytime may sunog ditong malaki, nagpapadala kaming team for relief operations. So it's not like pupunta lang ako dito dahil kampanya, magbababa ng proyekto. Pero 'yung proyekto namin ongoing. In fact, meron ditong dalawa ba o tatlong mga sewing communities na sila 'yung nagtatahi ng PPE sets for us. So ano naman 'yung engagement natin province-wide at tuloy tuloy ito. Siguro maantala lang siya ngayon kasi maraming prohibitions dahil kandidato ako.

    MODERATOR: Rowena [inaudible 05:29]

    REPORTER ROWENA: Maayong hapon, VP.

    VP LENI: Maayong hapon.

    REPORTER ROWENA: Marami na po kayong mga lugar na inikot ikot, ano pong mga challenges natin lalo na at two months lang po election time na.

    VP LENI: Maraming challenges. Halimbawa ngayon dahil pandemic pa din, napakahirap– napakahirap sundin 'yung protocols dahil hindi mo kontrolado 'yung mga tao. Mahirap din kasi 'yung disinformation talaga ang lakas. Talagang hinaharap namin ngayon 'yung grabeng disinformation. Pero ang upside about it na hindi pa namin nakita in the past elections, 'yung volunteers talaga 'yung nagpapatakbo ng lahat. 'Yung lahat ng mga rallies, 'yung lahat ng mga town hall meetings, 'yung mga mini pagtitipon gaya nito, hindi siya centralized sa campaign headquarters pero 'yung volunteers lahat 'yung nag aasikaso, na nakikita namin it's a good thing kasi sobrang high energy noong mga pagtitipon kasi pumupunta 'yung tao on their own. Walang hakutan, pumupunta 'yung tao organically. Tapos nakikita niyo naman na sobrang involved sila every step of the way. So para sa akin, silver lining siya. Hindi lang silver lining pala, pero napakalaking blessing. Kasi ito 'yung mahirap ibuo eh, 'yung to inspire people to their share para sa buong laban na ito.

    MODERATOR: [Jun Perez 6:51]

    REPORTER JUN: Maayong hapon, VP Leni. Groundswell is very evident already sa supporters mo pero they say it is still not enough. Ano pa ba ang dapat gawin ng team Leni-Kiko para ito ma-sustain at / or improve para sa darating na halalan?

    VP LENI: Maayong hapon. Hindi pa talaga siya enough dahil siguro one of the factors is late din kami nag-umpisa. So kumbaga 'yung pag self organize ng iba't ibang mga groups nangyari lang after we filed. Maraming challenges 'yung ganoon na hindi centralized 'yung organization dahil nagkakanya-kanya and pa minsan syempre nadi-diffuse 'yung messaging, 'yung narrative kasi marami 'yung gumagawa ng sarili nilang mga initiatives without running through– without running by sa campaign team. Pero 'yung enthusiasm, tingin ko hindi maalis, masu-sustain siya until the very end. Pero ang challenge siguro papaano magparami, papaano magparami lalo na doon sa mga sektor na walang masyadong access to information, na halimbawa, ang information na nakukuha nila form Facebook, from Youtube, from Tiktok kasi ito 'yung hindi mo na alam kung kasinungalingan pa ba o katotohanan. So 'yung china-challenge, napapansin niyo siguro ito everytime I talk to our volunteers, ang challenge natin sa kanila is labanan 'yung propaganda on the ground. Para doon sa mga walang access, magkakaroon sila ng chance na malaman kung ano 'yung katotohanan na wala 'yung toxicity na binibigay ng social media.

    MODERATOR: Follow up po?

    REPORTER JUN: Follow up lang ma'am. Former Cebuano Senator Serge Osmena said na kung may, dapat ano, i-correct sa campaign is not to hit Bongbong Marcos, it's to hit the father, 'yung ginawa noong father.

    VP LENI: Kanya-kanyang paniniwala. Pero sa akin kasi hindi siya limitado kung sino 'yung ihi-hit pero para sa akin 'yung truth talaga 'yung dapat na basehan ng lahat eh. Hindi siya– para nga sa akin hindi na siya political strategy. Pero we owe our kababayans nothing less than to give them access to the truth. So kung ano man 'yung katotohanan, whether sa tatay 'yun o sa anak, kailangan may access 'yung taumbayan para 'yung decision-making nila naka base sa katotohanan.

    MODERATOR: [inaudible 09:22] DZRH

    DZRH: Ma'am good morning. Ma'am hihingi lang ng reaction regarding the endorsement of the different sectors especially yesterday, Vincentian family, and then the other day 'yung former officials na nag trabaho kay President Gloria Arroyo.

    VP LENI: Ako, sobrang humbled, sobrang thankful, sobrang grateful lalo na kasi unsolicited. Gustong sabihin, ang mensahe kasi noon sa akin mas marami na ngayong mga tao saka mga groups ang nararamdaman how important this election is going to be. Meaning to say, hindi lang siya simple na labanan ng mga personalities pero pinaglalaban na ano 'yung mangyayari sa atin in the next six years. So, ang stakes talaga are very high. Pag binabasa ko– hindi ko pa nababasa 'yung lahat ng endorsements pero halimbawa kahapon, nabasa ko 'yung endorsement ng dating mga cabinet members ni President Gloria Macapagal Arroyo, sina-cite nila doon ‘yung reasons sila kung bakit tayo tinutulungan. Halimbawa, 'yung mga presidente ng Philippine Bar Association, 16 Presidents yata 'yung nag-endorse, sinasabi nila na how important ma-protect natin 'yung rule of law.

    So, iba-iba 'yung pinanggalingan pero iisa 'yung hangarin. So if at all, ito talaga 'yung tunay na unity eh. 'Yung unity sa aspirations for the country, hindi siya unity sa mga political na considerations pero ito iba-iba na itong grupo. Iba-ibang pinanggalingan, iba-iba– halimbawa, 'yung pinakaunang lumabas 'yung cabinet ni President Ramos, tapos cabinet ni President Aquino, tapos cabinet ni President Arroyo. Tapos ‘yung, halimbawa, 'yung mga retired UN officials, ‘yung mga retired DSWD officials, so iba-iba. Iba-iba 'yung pinanggalingan pero one aspiration for the country and how to achieve that aspiration would depend on the results of the elections.

    MODERATOR: Jervis.

    REPORTER: Hi ma'am. Ma’am, last 2016 you won big time here in Cebu City. Do you believe that you can replicate that again now that you are running for President?

    VP LENI: Ako, I am very hopeful. Kasi noong 2016, pumunta ako dito, nangangako ako pero wala pa akong resibo. Meaning to say, lahat na sinabi ko sa mga Cebuano ay pangako. At nagpapasalamat tayo na grabe ang tiwalang binigay sa akin, pero ngayon na pagbalik ko, iba na eh. Nangangako ulit ako, pero meron na akong resibo na nagfa-follow through ako sa aking mga pangako, na hindi ko pinabayaan 'yung Cebu in the last almost six years that I was Vice President.

    So para sa akin, mas ano 'yun, mas hindi na lang siya nakasalalay sa hope, pero nakasalalay siya sa proof na 'yung serbisyong pina-promise natin ay hindi lang isang pangako kundi isang serbisyo na ito na talaga 'yung– ito na 'yung klase ng service na binibigay natin every single day as Vice President, and pag binigyan tayo ng pagkakataon bilang Pangulo.

    MODERATOR: Ma’am last two, [Czarisa] and Marlon

    REPORTER: Ma'am, Czarisa from [inaudible 00:12:36]. Itatanong ko lang kasi na-mention mo kanina about the projects and the program kapag ikaw ang umupo na bilang Presidente. So ngayon ma'am, anong masasabi niyo po sa Build Build Project ni Presidente Duterte, at anong– may tinitingnan ba tayo na possible na ico-continue din natin ito lalong lalo na nakakabuti sa pamayanan?

    VP LENI: Actually, nag-release na tayo nito ng public statement siguro two months ago na 'yung plano talaga natin 'yung Build Build lalo pang papaigtingin, pero meron tayong mga priority na mga projects na bibigyan ng pansin. Halimbawa, 'yung number one doon 'yung water. Magkakaroon na tayo ng malaking problema as far as water supply is concerned. So, maglalaan talaga tayo ng malaking pondo para asikasuhin at siguraduhin na hindi mawawala 'yung tubig inumin.

    'Yung pangalawa, 'yung building back better sa mga lugar nasasalanta lagi ng bagyo. Palagay natin ang Odette, isang one big opportunity to show na mas pang long term na 'yung tinitingnan natin na kung magre-rebuild tayo, sisiguraduhin natin na 'yung ni-rebuild natin mas magiging resilient na siya sa mga dadating na mga sakuna.

    'Yung pangatlo na mas importante, sisiguraduhin natin na 'yung bini-build natin under the infrastructure program, magsi-spur talaga siya ng rural development. Meaning to say, 'yung pag-disperse ng development sa mga cities lang, sisiguraduhin natin na 'yung rural development magiging end goal siya, kasi ito naman 'yung makakadala talaga ng trabaho, ito 'yung makakadala ng better quality of life para sa mga Pilipino.

    Saka 'yung pagbalik din doon sa dati nang nasimulan, past administration na greater focus on PPP para hindi ginagastusan ng gobyerno 'yung pwede namang i-partnership with the private sector. Lalo na ngayon na ang taas ng debt-to-GDP ratio natin. Marami tayong utang na babayaran. So 'yung mga projects na pwedeng masalo ng private sector ay 'yun 'yung ie-encourage natin.

    MODERATOR: Huling tanong na, Marlon.

    REPORTER MARLON: Ma'am, dozens of Hong Kong OFWs po are being evicted or driven out of their homes dahil nga sa may sakit sila, wala silang mapuntahang hospital. How should the government address this at may plano po ba kayo na magpadala ng [inaudible 00:15:10]

    VP LENI: Actually, we are in close contact with several Filipino organizations in Hong Kong. Noong pumutok pala 'yung balita na marami 'yung nagkakasakit and lumalabas sila doon sa– pinapaalis sila doon sa tinitirhan nila and nandoon sila sa facilities, ang iba sa mga makeshift na mga stations, kausap na natin 'yung iba't ibang mga leaders ng iba't ibang grupo doon, and ito may ginagawa 'yung mga organizations natin doon to make sure na walang naiiwan. Walang naiiwan doon sa mga nagkakasakit kasi ang pagkaalam ko, konti lang 'yung nasa ospital, mas marami nagpapagaling elsewhere.

    Sinisiguro lang natin na maasikaso sila. Pero pina-check ko sa office with DFA. 'Yung DFA is doing all they can para siguruhin na 'yung mga Pilipinong nandoon ay naasikaso. Ito, aside pa ito doon sa private na efforts na ginagawa noong mga partners natin na nandoon ngayon.

    MODERATOR: Ma’am ok lang, last na ho?

    REPORTER: Ma’am ano, Russia and Ukraine war has began. Ma'am, in your capacity, what can we do for Filipinos, not only in Ukraine but also in Russia as well, considering ma'am anything can happen kapag there's war?

    VP LENI: Ito cause of concern ko kasi I think it was two or three weeks ago na sinabi ko na siguraduhin na 'yung safety noong 320 plus na mga Pilipinong nandoon. Pero 'yung latest na balita natin, nag-offer na 'yung DFA na i-repatriate sila. Konti lang 'yung gustong umuwi. Gustong sabihin, pakiramdam nila ay safe pa sila doon. Ako dapat, tutukan ito. Dapat tutukan kasi anytime now pwedeng mag-shift 'yung conditions na pwedeng okay ngayon in a few days, hindi na.

    So, kailangan talaga 'yung mga plano kung saan sila dadalhin ay maayos na. Pero more than this, kailangan din nating paghandaan, ano ba 'yung epekto nito sa halimbawa sa presyo ng– 'yung world prices ng halimbawa, langis, ng marami pang ibang produkto, na 'yun 'yung natural consequence na meron ganitong upheaval.

    Pero 'yung sa akin, pinapakita kasi ngayon how important 'yung relationship natin with the other forces are concerned. Ito 'yung parati kong inuulit na mahalaga 'yung participation natin saka membership natin sa coalition of nations para 'yung pag-resolve ng problema hindi natin sinasarili, pero 'yung pag-relove ng problema, shine-share natin with all the other allies na, whether traditional o emerging allies natin. We continue to assess the situation very, very closely. Pero number one talaga, 'yung kaligtasan ng mga Pilipino doon.

    MODERATOR: Ma’am huling tanong, galing [inaudible 18:05].

    OneNews: [inaudible 00:18:06] from One News. Tanong ko lang, sabi niyo nga po disinformation is the main challenge in your camp and in the last few days, you've been meeting with local church officials and then calling their help to fight against disinformation. And in your speeches, you've been mentioning, especially the youth, to call out disinformation. Now, is the local Catholic Church and the youth your main weapon against disinformation?

    VP LENI: Ang Catholic Church kasi, sila 'yung may machinery. Sila 'yung may machinery on the ground na pwede talagang mas concerted ‘yung effort to fight disinformation. Hindi lang machinery pero 'yung stature ng mga pari. Halimbawa, 'yung stature ng mga pari, they are leaders in the community whom people trust. So, pag pinadaan sa ganitong klaseng proseso na 'yung Church 'yung nagsi-spearhead ng fight against disinformation, at least assured ang tao na 'yung information na nakakahula nila ay malinis, totoo dahil 'yung mga kaparian 'yung nagpo-propagate nito.

    Pero 'yung call ko, hindi lang talaga sa Catholic Church pero lahat ng institutions na merong presence on the ground. Kasi hindi lang naman ito problema ko as a candidate, pero problema natin ito lahat. Kasi, if we are not able to successfully fight disinformation, the elections will be based on lies. So 'yung sa akin lang, sana, I also urge the other candidates na nagiging biktima din ng disinformation to join this fight with us. Kasi, ang pinakainteres naman natin nito na whoever makes it in the elections, ang naging basehan, katotohanan.

    REPORTER: Okay, maraming salamat VP Leni.

    [END 00:19:53]

     

     

    Posted in Transcripts on Feb 24, 2022