This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Mensahe ng Pangalawang Pangulo sa Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution

    Mensahe ng Pangalawang Pangulo sa Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution

    Kaisa ako ng sambayanang Pilipino sa paggunita ng ika-36 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

    Higit pa sa pangalan o apelyido ang diwa ng araw na ito. Ang kuwento ng EDSA, kuwento ng pagtindig at paglaban para sa pangarap ng paglaya. Kuwento ito ng pagkakaisa— ng kabataan at matatanda, ng buong bansa, ng mga madreng lumuluhod sa harap ng baril at sa mga sundalong di mapigilang maluha nang sabitan ng rosaryo ang mga baril na ito. Kuwento ito ng pagmamahal.

    Buhay ang diwa ng EDSA. Mapalad tayong makita ito sa mga nagpapakain ng kapwa, sa mga nag-aabot ng makakaya para tumulong sa nasalanta, at sa mga nagtataya ng pagod at oras para sa isang gobyernong tapat, na magdadala ng lipunan kung saan aangat ang buhay ng lahat— lahat nabibigyang-lingap, lahat nabibigyang-lakas, lahat napupuntahan nang agaran dahil may pamahalaang itinuturing na sentro ang laylayan.

    Puso at pagmamahal ang nagdala ng tagumpay ng bayan sa EDSA. At tuwing isinasabuhay natin ang pagmamahal na ito— People Power man o People’s Campaign; sa mapayapang rebolusyon man o napakahalagang halalan—kaisa natin ang lahat ng henerasyong nauna at susunod pa: Sa pagtindig, pagkakapit-bisig, at pagbubukas ng loob sa kapwa, sa ngalan ng isang maunlad, mapagpalaya, at makataong bukas.

    Isang maligaya at makabuluhang anibersaryo ng EDSA sa bawat Pilipino. (END)

    Posted in Statements on Feb 25, 2022