This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Mensahe ni Bise Presidente Leni Robredo para sa Araw ng Kalayaan

    Mensahe ni Bise Presidente Leni Robredo para sa Araw ng Kalayaan

    Ngayong Araw ng Kalayaan, kinikilala at ginugunita natin ang landas ng Pilipino tungo sa kalayaang tinatamasa natin ngayon. Puno ng pagsubok at sakripisyo ang landas na ito: Sa harap ng makapangyarihan, parang naging imposible ang pumalag. Noon hanggang ngayon, ito mismo ang gustong ipapaniwala sa atin ng mga kalaban ang kalayaan: Na mahina tayo. Na watak-watak tayo. Na nag-iisa tayo, at mas dapat nating pagtuonan ang indibiduwal na interes kaysa sa kolektibo.

    Pero ipinakita natin noon sa mga Kastila, at sa lahat ng sumubok maniil sa ating bayan: Mukha mang tagilid ang laban, basta humuhugot tayo ng lakas sa isa’t isa, kaya nating magtagumpay.

    Saksi ang kasaysayan sa layo ng kaya nating marating, at sa tayog ng mga pangarap na kaya nating abutin— basta sama-sama at tulong-tulong tayo, basta iisa ang direksyong tinatahak natin. At kung magbubuklod tayo, kung pagsasamahin natin ang ating lakas sa likod ng iisang layunin, masisiguro nating wala nang muling makaaagaw ng ating kalayaan.

    Ito sana ang baunin natin sa harap ng mga krisis at hamon, ngayon at sa hinaharap: Sa pagtugon sa pandemya, sa pagkasira ng planeta, sa kahirapan at gutom at pang-aabusong dumidiin sa napakaraming Pilipino. Paalala ang Araw ng Kalayaan: Walang Pilipinong nag-iisa. Tayo ang lakas ng ating kapwa. Anuman ang tawag ng panahon, mukha mang imposible ang sitwasyon, kakayanin natin, magtatagumpay tayo, dahil iisang bayan tayo— humihirang sa iisang lupain, duyan ng magiting, hinding-hindi pasisiil.

    Isang ligtas, masaya, at makabuluhang Araw ng Kalayaan sa ating lahat. Mabuhay ang Pilipinas, mabuhay ang sambayanang Pilipino.

     

    #

    Posted in Statements on Jun 12, 2021