Message and Closing Remarks of Vice President Leni Robredo
at Dasal Bayan: An Interfaith Prayer Gathering For Leni And Kiko
[START]
VP LENI: Hi everyone. Good morning, maraming salamat for this event today. Pasensya na wala akong boses. Ayun, pasensya na. Hindi ko ma-unmute 'yung sarili ko kanina. 'Yung [inaudible] pasasalamat, pasasalamat for gathering everyone today in prayer. Alam naman natin na this elections is very important. Pasensya na talaga, wala akong boses eh. Alam natin na this elections is very important and mahalaga na maintindihan ng lahat na hindi lang ito about us, hindi lang ito about the candidates, pero ano talaga ito, pagdesisyon kung ano 'yung gusto nating journey, anong gusto natin na direksyon 'yung tatahakin ng bansa natin in the next six years.
Marami 'yung at stake this elections, hindi lang 'yung kung sino 'yung mamumuno pero anong klaseng pamahalaan, anong klaseng politika 'yung mamamayani sa atin. And having said that, mahalaga talaga na nagkakaisa tayo sa pagdesisyon. Nagkakaisa tayo sa pagdesisyon, again hindi lang para piliin kung sino 'yung mas gusto natin pero tanungin 'yung sarili natin how much are we willing to sacrifice para siguraduhin lang na 'yung bansa natin patungo doon sa– not just progress pero patungo doon sa ano ba 'yung magsasalamin ng lahat na aspirations ng Filipino people.
Meron na lang 13? 12 days to campaign and mahalaga 'yung bawat oras, mahalaga 'yung bawat oras. Alam naman natin at the end of the day, basta ginawa natin 'yung lahat na gusto nating gawin, talagang nasa Diyos 'yung pagpapasya kung saan tayo patutungo. Pero what ever the results of the elections is, hindi naman natatapos 'yung laban. Hindi natatapos 'yung laban na pag tayo ay binigyan ng pagkakataon mamuno ng bansang ito, kailangan pa din natin 'yung bawat isa. Kailangan natin 'yung bawat isa to continue fighting for what we think is right.
Halimbawa kami ni Senator Kiko, 'yung maging president and vice president, kinakailangan namin 'yung mga tao to be as involved kasi 'yun naman 'yung magshe-shape ng mga policies namin. Kailangan namin 'yung suporta ng tao para magawa namin 'yung mga gusto naming gawin. Kailangan namin na punahin nila kami pag kami nagkakamali para nakakabalik ulit kami doon sa tamang daan. Pag hindi naman kami nabigyan ng pagkakataon, kailangan pa din namin 'yung mga tao to fight alongside us para patuloy na mga pinapakipaglaban 'yung mga adhikain ng bawat Pilipino. So, mahalaga 'yung pagtitipon ngayong umaga, not just to take stock of things but to join everyone in prayer na sana– sana maisakatuparan 'yung lahat na ninanais natin para sa bansa, hindi dahil sa amin ni Senator Kiko pero dahil sa pinagkaisang lakas nating lahat.
[END]
CLOSING REMARKS
[START]
VP LENI: Nagpapasalamat ulit ako sa lahat na nagdasal para sa atin ngayong umaga. Nagpapasalamat ako sa lahat na sumama. Ito 'yung nagbibigay sa atin ng lakas from the start of the campaign until ngayon na homestretch. Siguro 'yung akin lang na patuloy na kahilingan, na sama-sama tayo sa laban na ito. Marami pa tayong magagawa, meron pa tayong 12-13 days. 'Yung pagdadasal ngayong umaga, I hope gave us the kind of extra energy that we will need in the days to come.
Gusto ko din kunin 'yung pagkakataon magpasalamat sa lahat na mga kasama natin na been working so hard in this campaign. Nakikita naman natin na ordinaryong mamamayan 'yung nag-fufuel ng campaign na ito. Marami 'yung– marami 'yung limitations natin, limitations sa pera, limitations sa makinarya, pero lagi ko siyang sinasabi na walang tatalo sa nagkaisang taumbayan. Pag tayo nagdesisyon na magvo-volt in tayo lahat para sa ating bayan, walang imposible. Pinagdaanan natin 'yung mga lahat na mahihirap– walang dahilan para malampasan pa natin 'yung lahat na mahihirap.
Pahingi ako ng paumanhin na kailangan naming– kailangan naming magpaalam na. After this, I have another Zoom meeting na guest speaker ako, pero please know that we are with you not just in prayer but we are with you every step of the way habang pinaglalaban natin 'yung ating bayan, so maraming maraming salamat.
[END]