Message of Iloilo Governor Arthur “Toto” Defensor, Jr.
Grand Province-Wide H2H Pasasalamat
La Paz Football Field, La Paz Plaza, Iloilo City, Iloilo
Tagalog Translation from Hiligaynon:
Iloilo! Leni! Leni! Leni!
[Crowd chants “Leni! Leni! Leni!”]
Kiko! Kiko! Kiko!
[Crowd chants “Kiko! Kiko! Kiko!”]
Ang susunod at mahal ng Iloilo at nagmamahal din sa Iloilo, ang sunod na presidente ng Pilipinas, Leni Robredo!
[Crowd cheers]
At kasama niya, for Vice President, Kiko Pangilinan!
[Crowd cheers]
Kasama rin natin ang nagmamahal sa probinsya ng Iloilo, ang senador na nagdala ng napakaraming proyekto na nagbago sa napakaraming buhay sa Iloilo, Senator Franklin Drilon!
[Crowd cheers]
At ang aking partner, ang inyong minamahal, ang mayor ng lungsod ng Iloilo, Mayor Jerry Treñas!
[Crowd cheers]
At hindi ko makalilimutan si Tatay, former Governor Art Defensor, Sr.!
[Crowd cheers]
At ang aking nakatatandang kapatid, si Congressman Nonoy Defensor!
[Crowd cheers]
Ang isa sa kakaunting congressman na kakampi natin, na nagaulong kay Vice President Leni Robredo, Congressman Mike Gorriceta!
[Crowd cheers]
Board Member Matt Palabrica, Oton Mayor Carina Flores, Mayor Suzette Alquisada of Tigbauan.
[Crowd cheers]
Maraming salamat sa pagtipon.
Ang kailangan nating gawin, protektahan ang pinaghirapan ninyo.
Mas paigtingin natin ang boto ni Leni Robredo sa ating mga komunidad at barangay. Kayong lahat ang nagpakahirap na magkampanya, mag-house-to-house para lang makakumbinse ng boto para kay VP Leni Robredo.
Balikan natin sa ultima oras ng kampanya, paigtingin natin at proteksyunan so we can deliver the votes na pinaghirapan ninyo para kay Vice President Leni Robredo.
Sa lahat sa atin, sa ating mga youth leader, organizational leaders, sectoral leaders, sa ating mga magulang, pakisuyo, pagtulungan natin. Kampanyahan ninyo ang lahat ng tao sa palibot ninyo. Let us deliver all the votes that we can. Ilang araw na lang ang natitira para kay Vice President Leni Robredo.
Noong nagdaang eleksyon, mahigit 700,000 ang binigay ninyong abanse kay Vice President Leni Robredo.
Ulitin natin! Ulitin?
[Crowd chants “Yes!”]
Ulitin?
[Crowd chants “Yes!”]
Ulitin?
[Crowd chants “Yes!”]
Hindi! Dagdagan natin! Dagdagan! Dagdagan! Dagdagan!
[Crowd chants “Dagdagan! Dagdagan! Dagdagan!”]
Dagdagan!
Salamat, salamat.
Ulitin ko ha. Our assignment: Uuwi tayo sa ating mga komunidad at barangay at gawing pulido ang boto para kay Vice President Leni Robredo at kay Sen. Kiko Pangilinan at sa mga kasama nila na senador.
Salamat at magandang hapon sa lahat!
[END]