Message of Iloilo Mayor Jerry Treñas
Grand Province-Wide H2H Pasasalamat
La Paz Football Field, La Paz Plaza, Iloilo City, Iloilo
Tagalog Translation from Hiligaynon:
Magandang hapon! Magandang hapon sa inyong lahat! Magandang hapon diyan sa inyo! Magandang hapon dito, doon, at sa lahat!
[Crowd cheers]
Ang pinagmamalaki natin sa lungsod ng Iloilo, matagal nang naninilbihan sa atin, at malaki ang naitulong sa ating lungsod, palakpakan po natin, Senator Franklin Drilon!
[Applause]
Ang ama ng ating gobernador, higit sa tatlumpung taon ang serbisyo dito sa ating probinsya. Malaki ang naitulong sa ating probinsya, at parating nandiyan tumitindig sa wasto at tamang kandidato, Governor Art Defensor!
[Applause]
Ang kongresista ng ikalawang distrito, palakpakan natin, Congressman Mike Gorriceta!
[Applause]
At mga minamahal kong Ilonggo, ang susunod nating presidente, ang susunod na presidente ng Pilipinas…
[Crowd chants “Leni! Leni! Leni!”]
Leni Robredo!
[Crowd cheers]
May mga nagtatanong, bakit nandito ako? Bakit pink ang damit natin? May pipiliin pa ba tayo? May pipiliin pa ba tayo na kandidato?
[Crowd cheers]
Sino ang kandidato na nakapagtapos, di lang isang beses, kundi dalawang beses? Sino ang kandidato na walang kaso sa Ombudsman? Sino ang kandidato na may plano para sa gobyerno ng bansa? Sino ang ating kandidato? Sino kandidato mo? Sino ang dadalhin natin sa Malacañang?
Sasamahan niyo ba ako? Sasamahan niyo ba ako? Sasamahan niyo ba ako?
[Crowd cheers]
Kanino niyo ako sasamahan?
[Crowd chants “Leni!”]
Sino dadalhin natin sa Malacañang?
[Crowd chants “Leni!”]
Magandang hapon sa inyong lahat.
[Applause]
[END]