This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at the Turnover of the San Remigio Mental Health Facility

    Turnover of the San Remigio Mental Health Facility

    San Remigio, Cebu

    Thank you very much. Kindly take your seats.

    Mayor Martinez; Mayor Aljun; Vice Mayor Alfonso Pestorante; our Sangguniang Bayan members who are here with us this morning; of course, Dr. Ursal, our Municipal Health Officer; iyong atin pong mga department heads; iyong ating mga barangay captains who are here; the rural health unit staff; iyong ating chief of police, Supt. Emily Santos—ay, hindi pala, chief of police ng Bogo; Maj. Orbert Ungos, the Battalion XO of the 53rd Engineering Brigade; Capt. Ceasar Guittering, Operations Office; my fellow workers in government; ang atin pong mga kababayan: Maayong buntag kaninyong tanan! Hanggang doon lang iyong alam kong salitain, pero nakakaintindi po ako ng Cebuano. Kahit nagsasalita ako ng Tagalog, ang kausap ko Cebuano, magkakaintindihan pa din tayo.

    Magandang umaga muli sa inyong lahat. Sabi ko, baka nagsasawa na sa akin iyong San Remigio, kasi November yata, ‘di ba—I was here just last November para i-check iyong facility, tapos nandito na naman ako ngayon para sa inauguration.

    Pero it’s a happy occasion, ‘di ba? It’s a happy occasion for all of us, dahil— Naaalala ko, I was here for the 1st time… Kailan ako unang pumunta? I think later part of 2016 or earlier part of 2017. Pero noong nagpunta kami, iba iyong sadya namin. Iyong pumunta kami, naaalala ko, there was a scheduled consultation in one of the coastal communities, with fisherfolk. Iyon talaga iyong pinunta namin. Pero noong nagpunta kami dito, marami kaming nakakuwentuhan at maraming mga napulot na mga pangangailangan saka mga aral. And then, I remember we brought Physicians for Peace here, ‘di ba, para magbigay ng mga assistive devices for PWDs.

    Pero the good thing about it is… you know, Cebu will always be close to my heart and the hearts of my children, because this is the last place that my husband went to before that fateful crash. Noong 2012 po, dito po pumunta iyong asawa ko. As DILG Secretary, may in-attend-an siya na groundbreaking ng isang training center sa Consolacion. Pumunta siya sa Consolacion, groundbreaking ng training center ng PNP, nag-attend siya doon. Noong pauwi siya sa amin—it was a Saturday, so pauwi na po siya ng Bicol—sumakay siya sa eroplano dito sa Cebu, hindi na siya nakarating sa amin. Kaya iyong sa akin, iyong Cebu will always have a special place in our hearts. In fact, noong… matagal po kaming hindi nag-eroplano pagkatapos noong plane crash, pero noong magwa-one year anniversary iyong asawa ko, pumunta ako dito sa Cebu, hinanap ko iyong widow noong captain noong eroplano, si Captain Bahinting. Taga-dito sila. Hinanap ko iyong widow kasi pareho kaming nawalan. Pareho kaming nawalan, for the first time nagkakilala kami. Sabay kaming naging biyuda, nagkakilala kami, and we developed a very deep friendship already.

    Noong nakaraan lang pong Holy Week, dinala ko dito iyong mga anak ko, at dinala ko sila doon sa training camp. Kasi iyong ginroundbreaking ng asawa ko, tapos na siya. Tapos na siya, binisita namin iyong training camp, at natuwa naman kami kasi pinangalanan nang Jesse Robredo Training Camp iyong kaniyang groundbreaking. Kaya talagang babalik-balik kami, kasi siguro next to Bicol, ito na iyong tinitingnan namin na second home.

    Noong ako po ay… When I became a Vice President in 2016 — siguro familiar naman kayo sa opisina ng Pangalawang Pangulo. ‘Di ba iyong opisina ng Pangalawang Pangulo, wala naman po kaming masyadong nasasaad na trabaho? Pero noong ako po ay naging Pangalawang Pangulo, sinabihan ko po iyong aking staff na mag-isip tayo ng paraan kung paano tayo makakatulong sa mga pinakamahihirap. Nag-isip po kami ng paraan, naisip nga naming gawin iyong Angat Buhay. Iyong Angat Buhay, iyon iyong anti-poverty program ng aming opisina. Pero iyong pinaka-problema po ng opisina namin, kasi wala kaming pondo para sa mga programa. Kung titingnan niyo po iyong budget ng aming opisina, isa kami sa pinakamaliit na budget, at iyong budget namin, para lang talaga sa operations ng office saka pang-suweldo ng staff.

    So noong ni-launch po namin iyong Angat Buhay in October of 2016, parang kinonceptualize po namin iyong programa in such a way na kukunin namin iyong pondo para sa mga programa sa private organizations. Bale kami lang iyong maghahanap ng mga partners, kami iyong magpapagod, pero iyong partners ili-link namin with the communities. So nag-umpisa po kami sa 50 communities, at naging matagumpay iyong aming first year.

    Noong nakaraan pong taon, habang nagde-defend kami ng budget sa Senado, naaalala ko po tinanong ako ni Senator Sotto, Senate President Sotto. Sabi niya—kasi noong tinitingnan niya iyong budget namin, wala yata siyang nahahanap na Angat Buhay. Tinanong niya po ako, “Saan ba dito naka-charge iyong Angat Buhay program niyo?” Ang sabi ko po sa kaniya, “Wala po kaming pondo para sa Angat Buhay.” So sabi niya— Inulit niya pa: “Saan naka-charge?” “Wala po kaming pondo para sa Angat Buhay. So sabi niya, “Paano niyo nagagawa iyong programa?” Sabi ko, “Hingi lang po kami nang hingi sa mga private [organizations].” Naaalala ko iyong comment niya, “Nakakahiya naman tayo. Gobyerno tayo pero tayo pa iyong humihingi sa pribado, na dapat tayo iyong tumutulong.” So nabigyan po kami ng kaunting proyekto. Kaya kami nakabigay sa inyo nitong mental health facility. [applause]

    Noong nabigyan po kami ng kaunting pondo, binalikan po namin iyong mga lugar na nakikita namin hindi lang nangangailangan, pero iyong local officials very proactive. Mahirap po kasi na nagbaba ka lang ng proyekto, tapos parang hindi naman naaalagaan, ‘di ba, hindi naman naaalagaan. So one of our requirements is not just for the municipality to be poor; ang requirement po namin, mahusay iyong local chief executive.

    So dito po sa Cebu, nag-identify kami ng ilan. Nag-identify po kami ng ilan na mga partner municipalities—and San Remigio is one of them. Kaya po ngayon, mayroong six ongoing projects dito sa Cebu. Kaya po nandiyan si Mayor Aljun, napakahusay din na mayor ng Tuburan. Hindi lang LMP President ng Cebu, pero napakahusay na mayor ng Tuburan. Mayroon din po kaming proyekto sa kanila, ano. Iyong proyekto po namin sa kanila, water irrigation para sa mga coffee farmers, kasi ‘di ba napakasarap ng kape ng Tuburan, at napakarami na ng nagawa ng Mayor Aljun para tulungan iyong mga coffee farmers. Pero hindi niya pa ako iniimbita. Nagpapaimbita ako, hindi pa niya ako iniimbita kasi hindi pa daw tapos ang project, kasi nasa bukid kasi. Kaya sabi ko kanina kay Mayor Aljun, “Kailan na ba ako pupunta sa iyo?”

    Mayroon din pong ongoing project na mental health din, mental health program din, in Dalaguete. Mental health program din doon, pero sa kanila, hindi facility; sa kanila, hiningi nila iyong gamot.

    Tapos mayroon po sa Naga City, Cebu. Mayroon po tayong kino-construct na livelihood center, ano. Mayroong kino-construct na livelihood center. Tapos mayroong dalawang… dalawang… ano ito… bagsakan center para sa mga farmers—isa sa Carcar at isa sa San Francisco.

    So iyon. Iyong kaunting pondong naibigay sa amin, pinapantulong po natin iyon sa mga munisipyong hindi lang nangangailangan pero mahuhusay.

    Gaya po dito sa San Remigio, kaya po dagdag nang dagdag iyong tulong na binibigay, hindi lang po namin pero ng aming mga partners, kasi every time we come, we get inspired, ano. Halimbawa, iyong huli ko pong pagpunta dito noong November, binisita ko lang po—the only intent why I came was to check on how the construction of the facility was going on. But I was so impressed by the health program of the municipality. Sobrang husay ni Mayor, sobrang husay ni Doktora. Tapos nakita namin, ang wala X-ray [machine], ano. Walang X-ray [machine], so namalimos po ulit ako. Sobrang kapal na po ng mukha ko, kung kani-kanino ako namalimos. Nakahingi po ako ng X-ray [machine]. [applause] We were hoping that… We were hoping na dala-dala na po namin this morning iyong X-ray [machine], pero alam niyo po, iyong nahingian po kasi namin, ang pangalan po ng organisasyon nila ANCOP USA. Ito po iyong foundation na… ewan ko kung narinig niyo na iyong Couples for Christ? Iyon pong Couples for Christ, mayroon po itong foundation, ang pangalan ng foundation nito ANCOP. Ito po iyong mga Couples for Christ na taga-Amerika, mga Pilipinong nasa Amerika. Nandito po sila ngayon kasi nag-medical mission sila sa Marawi—through the partnership with our office din—kaya medyo naantala iyong X-ray [machine]. Pero ang dala po namin ngayon, dahil alam nila na mayroon tayong programa dito for mental health patients, nagbigay din sila ng mental health medicines, so may dala kami dito na kaunti. Hopefully, bago matapos iyong March, nandiyan na iyong X-ray [machine] niyo.

    Pero ang punto po nito, hindi po siguro alam ng mga taga-dito, napakatiyaga po ni Mayor saka ni Doktora na mag-attend noong aming Bridging Leadership course. Kasi ayaw po namin basta lang nagbibigay; gusto namin na ang nag-i-identify ng problema, kayo mismo, pero pinaghahandaan—iyong sabi ni Mayor kanina—na kahit wala na kami, patuloy pa din iyong programa. Kami po ni Mayor, hanggang 2022 lang iyong aming term, pero pareho kami, iyong aming dasal, na kahit tapos na iyong aming termino, iyong programa patuloy pa din. At napakasipag po ni Mayor saka ni Doktora mag-attend noong Bridging Leadership Program. At iko-congratulate ko po kayo—hindi ko din alam kung kinuwentuhan kayo ni Mayor—nag-Top 3 po kayo doon sa aming competition [applause], sa pinakamahuhusay, pinakamahuhusay na mga programa. Ito po ay, parang, competition ng 30-plus—34?—34 LGUs all over the country. Luzon, Visayas, and Mindanao. Pero ngayon ko lang na-realize, Doktora, Mayor: ang nag-Top 3 pala, lahat Visayas, ano? Iyong Top 3 po, ito, San Remigio, tapos dalawang towns sa Iloilo, ano. Iyong isa ay Lambunao, iyong isa ay… San Francisco ba? Ah, San Joaquin. Iyon po iyong Top 3: San Remigio, San Joaquin in Iloilo, and Lambunao. So napakahusay ng San Remigio. At kapag nagsasalita po ako sa ibang mga lugar, parati kong example iyong mga programa dito sa San Remigio—lalo na sa health. Kaya mapalad po kayo. [applause] Mapalad po kayo na parating naghahanap ng paraan iyong local government na mapabuti.

    Iyon naman po iyong pinaka-adbokasiya, advocacy, ng Office of the Vice President. Ayaw po namin na basta nagpapadala lang ng proyekto. Ang gusto po namin, paano ba natin mama-maximize iyong use ng resources, kasi kaunti lang iyong resources. Iyong kaunting resources, paano ba natin iyon magagamit sa tama?

    Masayang-masaya po ako kasi noong pagpunta ko ng November, na-meet ko iyong isang batch ng mga pasyente ng mental health program, saka iyong mga caregivers nila. At iyong improvement, hindi lang sa health nila pero sa buhay ng pamilya nila dahil sa programa niyo ay napakalaki na.

    Kaya ngayong araw po— Sayang, kahapon po pumunta iyong Philippine Mental Health Association, kasi dapat po kahapon ako pumunta; nagulo lang po iyong aking schedule. Kahapon po nandito sila.

    Nagpapasalamat din po tayo, hindi lang sa Philippine Mental Health Association, pero sa Solanaland Foundation—sila po iyong nag-provide ng furniture saka equipment sa loob ng facility. Tapos kagaya po ng sinabi ko kanina, ANCOP USA, na magpo-provide ng X-ray [machine] saka ng gamot. At marami pa pong ibang mga partners na nadala na at dadalhin pa dito sa San Remigio.

    Pero hindi po ito magiging… maisasakatuparan, kung hindi po kay Mayor, kung hindi sa local officials, kung hindi kay Doktora siyempre, na napakahusay at napakagaling. Kaya maraming, maraming salamat po muli sa mainit na pagtanggap sa akin. [applause] Mabuhay po kayong lahat!

    Posted in Speeches on Feb 21, 2019