This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo A10 ang Bukas: Mabuhay ang Manggagawa!

    Message of Vice President Leni Robredo
    A10 ang Bukas: Mabuhay ang Manggagawa!
    Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City

    VP LENI: Maraming salamat. Ayan, maraming salamat. Magandang umaga sa inyong lahat. Bago po ako magpatuloy, ang aking pagbigay galang sa ating susunod na Vice President. Palakpakan po natin, Senator Kiko Pangilinan. Kasama din po natin dito sa stage ang atin pong Senatorial Candidates: Senator Sonny Matula, Senator Risa Hontiveros. Kasama din po natin ngayon umaga, Senatorial Candidate Elmer “Bong” Labog. Kasama din po natin Senatorial Candidate Neri Colmenares.

    Hindi ko na po iisa-isahin ‘yung lahat na organisasyon dahil nabanggit na ni Senator Kiko, pero sa lahat po ng mga kasama natin ngayon: sa Workers for Leni-Kiko, Ang Koalisyon ng mga Manggagawa, lahat na organisasyon na kasama natin ngayong umaga, pati po ‘yung ating mga guests: nandito ‘yung Sumilao Farmers, Banasi Farmers, ‘yung Urban Poor for Leni-Kiko, nandito din po representatives ng Archdiocese of Manila. Sa inyo pong lahat, magandang, magandang umaga ulit.

    Isa pong maligaya at puno ng pag-asang paggunita ng Araw ng Paggawa sa ating lahat. Sa mga organizers mula sa Workers for Leni na nagpagod para magkasama-sama tayo ngayon; sa lahat ng mga gumising nang maaga at nagmartsa kanina para po sa pagtitipon natin; sa lahat ng patuloy na nagpapakita ng suporta sa laban nating ito, maraming, maraming salamat po sa inyong lahat.

    Sa araw pong ito, kinikilala natin ang napakahalagang kontribusyon ng manggagawang Pilipino sa lipunan at kasaysayan. Sa lahat pong nagtatrabaho sa bawat bahagi ng lipunan—mga drivers at riders; mga guro; mga medical frontliners; mga kasambahay; mga manggagawang kababaihan; migrant workers; mga nagtatrabaho sa informal sector; mga manggagawa sa iba’t ibang industriya at sektor, pribado man o publiko—marami pong salamat sa inyo. Lahat po kayo, mahalaga; lahat kayo, malaki ang ambag hindi lang sa ekonomiya, kundi sa pag-abot ng ating mga pangarap bilang isang bansa.

    Kinikilala at pinasasalamatan din po natin ang labor movement. Sa kahit na anong laban: Mas lyamado ‘pag organisado. Alam niyo ito. Mas malayo ang mararating, mas maraming tagumpay na nakakamit, kung nagkakaisa tayo. ‘Yung Eight-hour Day Law, ‘yung Minimum Wage Law, ‘yung social benefits, ‘yung maternity at paternity leaves—lahat ng mga karapatan at proteksyong mayroon tayo ngayon, naging bunga ng ating pagbibigkis, pagkilos, at pagbuhos ng pawis at pagod ng mga advocates, mga kahanay sa gobyerno, at ng mga labor movements. Kaya masaya ako na magkakasama tayo sa labang ito. Sa patuloy na pagkakaisa at pagkikilos natin, alam ko pong marami pa tayong magagawa para sa mga manggagawa.

    Naglabas na po tayo ng mga plano noong nagdeklara tayo ng ating pagkandidato; ‘Yung pinakauna, ‘yung Kalayaan sa COVID plan, susunod ‘yung Hanapbuhay para sa Lahat. Marami sa mga laman nito, naging bunga ng pakikinig sa sektor ninyo—dahil po ang paniniwala ko, ang mga polisiya ng gobyerno, dapat nagmumula sa kung sino ang pinakaapektado: Ang karaniwang Pilipino. Ganito po ang maaasahan ninyo sa gobyerno natin. Sabi ko nga noong pumirma tayo ng covenant noong Nobyembre kung naalala niyo: Hindi natin ugali ang basta-basta magpangako. Pero po ang commitment natin, ang manggagawang Pilipino, malakas ang magiging tinig sa ating pamahalaan. Ang gobyerno, lagi kayong pakikinggan. Hindi lang ako kandidatong nanliligaw ng boto; kahanay niyo po ako, matagal nang kabalikat sa pagkilos.

    Ang layunin po natin sa Hanapbuhay para sa Lahat jobs plan, gisingin ang lakas ng industriyang Pilipino. Tututukan natin ang mga industriya kung saan malaki ‘yung potensyal natin: Halimbawa na lang, maritime, agrikultura, tech, at manufacturing. Siyempre, walang industriya kung walang manggagawa; kung malakas naman ang manggagawa, malakas din ang industriya, malakas din ang ekonomiya. Kaya po ang gobyerno natin, ituturing kayong susi sa istratehiya natin tungo sa pag-angat. Ibig sabihin nito, prayoridad ang dignidad ninyo: Sapat at patas na pasahod, proteksyon mula sa pang-aabuso, at seguridad, at kaligtasan ng trabaho.

    Isusulong po natin ang pagpasa ng Security of Tenure bill, kasama ng iba pang mga batas at polisiya na magpapalakas sa seguridad sa trabaho. Gagawin natin ang dapat gawin para mapigilan ang talamak na pang-aabuso sa contractualization.

    Itataas din po natin ang minimum wage para mailapit ito sa kinakailangan para sa maayos na pamumuhay ng isang pamilya. Ang mga tripartite wage boards, aatasan ko na regular na magpulong at pag-aralan ito.

    Ako mismo po ang tututok para maipatupad nang husto ang mga batas at patakaran sa labor, tulad ng Anti-Age Discrimination Act. Wawakasan natin ang diskriminasyon; anuman ang edad o anuman ang natapos mo, basta handa kang magbanat ng buto, karapatan mong magtrabaho.

    Paiigtingin po natin ang pagpapatupad ng labor laws and standards sa occupational safety; pag-aaralan natin ang pag-accredit at pag-authorize ng mga labor organizations para makatulong sa pagpapalakas ng kapasidad ng DOLE sa pag monitor ng compliance sa mga ito. Sisiguruhin po natin na walang espasyo ang karahasan sa mga lugar ng trabaho, kaya susuportahan natin ‘yung ratipikasyon ng ILO Convention 190 Concerning Violence and Harassment in the World of Work.

    Magkakaroon din po tayo ng Public Employment Program at Unemployment Insurance; gobyerno na mismo ang magbibigay ng trabaho at sasalo sa’yo sa oras na kailangan mo.

    Kulang ang oras natin ngayon para maibahagi lahat ng plano at pangarap natin para sa inyo. Pero may iisang prinsipyo na tumatahi sa lahat ng ito: Isang gobyernong tapat. Pamumunong mapagkakatiwalaan ninyo. Pamumunong makikinig sa inyo. Pamumunong tatapatan ang husay at sipag ng mga manggagawa at ng lahat ng Pilipinong pinaglilingkuran nito.

    Kapag tapat ang gobyerno, babalik ang tiwala ng industriya at ng taumbayan sa sistema. Pipigilan po natin ang korapsyon, at sisiguruhin ang bawat piso ng kaban ng bayan, makakarating sa taumbayan. Pinakamahalaga para sa sektor ninyo: Ang gusot sa pagitan ng negosyo at manggagawa, magagawan ng paraan, dahil ang pamahalaan, laging nakatuon sa panalo ng lahat ng Pilipino—dahil ang gobyerno, hindi maghahanap ng delihensya, hindi mabibili, hindi madadaan sa palakasan. Kung lagi pong patas, kung laging patas ang laban, lalago ang negosyo, dadami ang trabaho, maisasadiwa ang katotohanan: Na ang lakas ng manggagawa, katumbas ng lakas ng buong bansa.

    Ididiin ko po: Hindi ito kayang gawin ng kahit sino kung nag-iisa lang siya. Ang pag-angat ng buhay natin, nasa kamay nating lahat. Gaya rin po ng sabi ko sa inyo noong Nobyembre, noong nag-sign tayo ng covenant: Hindi ako nangangako na ‘pag nahalal ako, bigla nang giginhawa ang buhay natin. Pero ang pangako ko sa inyo: Sasamahan ko kayo. Magsisikap ako sa tabi ninyo. Ang manggagawa at ang pamahalaan, laging magiging magkatuwang. ‘Yung pagod at pagkayod ninyo para sa inyong mga pamilya, tatapatan ko ng pagod at pagkayod para sa inyo at para sa lahat ng Pilipino.

    Maaasahan niyo po na parati tayong handang makinig, makipag-usap, at makipagtulungan. ‘Yung covenant natin ang isa sa pinakaunang pinirmahan ko. Hindi naging mahirap dahil magkasundo tayo sa mga polisiyang iko-commit natin, dahil alam n’yo ‘yung track record ko bilang abogado ng mahihirap at ng batayang sektor; alam n’yong magkakahanay tayo ng layunin at pangarap; alam n’yong malinaw ‘yung pagpapahalaga ko sa ambag ninyo sa bansa natin.

    Isang linggo na lang po. Isang linggo na lang, boboto na tayo. At alam ko na marami ding nanliligaw sa inyo. Walang nanliligaw? laughs Pero ang tanong ko sa inyo: Sino ba sa aming nanliligaw sa inyo ang may best chance na isulong ang agenda ng manggagawa kapag naupo? Sino ‘yung may kakayahan na iarangkada sa burukrasya ‘yung kapakanan ninyo—‘yung hindi lang magpapangakong babaguhin ang sistema, pero kabisado ang mga hakbang at may sapat na suporta para ipatupad ang pagbabagong ito?

    May napakalaki tayong pagkakataon ngayon para wakasan ang luma at bulok na sistemang matagal nang dumadagan sa uring manggagawa. Kilala niyo po ako, alam n’yo kung nasaan ang puso ko. Kaya po sana samahan ninyo ako, samahan niyo po kami nina Senator Kiko sa mga natitirang araw na ito, ibuhos na po natin ang lahat. Kumbinsihin ang kayang kumbinsihin. Ibuhos at ihayag nang buong-buo ang pakikiisa sa ating layunin: Ang makamit ang tagumpay hindi lang ng isang kulay, hindi lang ng iisang kandidato, kundi ng lahat ng Pilipino.

    Muli, maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Happy labor day ulit sa mga araw-araw na nagsasakripisyo at nagpapagod para sa inyong mga pamilya. Mabuhay po kayong lahat. Maraming maraming salamat.

    [END]

    Posted in Transcripts on May 01, 2022