This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Ako ang Saklay Center

    Message of Vice President Leni Robredo at the Ako ang Saklay Center
    Ako Ang Saklay Center, Brgy. Luyos, San Antonio, Nueva Ecija


    VP LENI: Ayan, magandang hapon. Magandang hapon po sa inyong lahat, Father Arnold, Father Elias, Father Angel, sa lahat pong mga kaparian na kasama natin dito. Sa inyo pong lahat, magandang hapon muli. Pangalawang pagkakataon na nakabisita po ako dito. Naalala ko 'yung pinaka-una kong pagbisita, gusto kong tingnan 'yung programa ng Saklay sa mga PWUD. Hindi pa po ako noon na-aappoint sa ICAD, long before ako ma-appoint sa ICAD. Pero mula po kasi noong nagkakaroon na ng patayan sa ngalan ng paglaban kontra sa iligal na droga, isa po ako sa mga advocate na kontra doon. Ang paniniwala ko, dapat kapag meron tayong mga kababayan na nagkakamali kailangan silang tulungan na gumaling. O kailangan tulungan sila na makabalik sa dati para makapamuhay ulit ng normal kasama ang kanilang pamilya.

    Noong narinig ko po na may programa si Father Arnold dito sa Saklay, pumunta ako para tingnan. Naalala ko noong pumunta ako dati graduation yata 'yun. Graduation ba 'yun? Graduation, pero siguro gusto ko lang ibahagi na kaya sobra ko na-aappreciate 'yung ginagawa dito, kasi ito 'yung aking paniniwala. Ang akin pong paniniwala 'yung mga PWUD natin hindi dapat itinatakwil. Dapat sila tinutulungan, inaalalayan, at binibigyan ng pagkakataon na makapamuhay ng pareho nating lahat.

    Pero noong mga panahon na sinimulan ng Saklay 'yung programa, 'yun 'yung panahon na mas– parang mas popular 'yung patayan. Parang may mga pinapatay na, may nagchi-cheer pa tayo, nagchi-cheering squad pa tayo. Ginagawa pa siyang pamantayan kung gaano kahusay 'yung mga pumapatay. Pero sa akin po kasi may pinanggagalingan ako. Hindi lang 'yung aking pananalig pero sa akin datos.

    Ano 'yung datos? Ang datos kasi sa buong mundo, lahat ng nag-resort sa patayan in the name of drug war hindi naging matagumpay. Kapag tinignan natin, maraming gumawa noon. Gumawa ang Mexico, gumawa ng maraming ibang mga South American na mga bansa. Hindi naman nila natanggal 'yung drug addiction. Pero kapag tinig– kapag tiningnan natin, sino 'yung mga nagtagumpay? Ang mga nagtagumpay 'yung mga bansa na siyensya ang naging batayan. Ano ba 'yung sinasabi ng mga matagumpay na mga bansa? 'Yung mga matagumpay na bansa, inayos nila 'yung mga batas nila para 'yung mga gumagamit hindi sila natuturingan na kriminal.

    Gustong sabihin, iba-ibang kasing stages 'yung addiction. Merong paminsan-minsan lang 'yung gumagamit, merong nalululong na talaga, at merong tumutulak na talaga. Ako agree ako na kapag tumutulak na talaga, considered na 'yun na kriminal. Pero sa akin 'yung gumagamit lang kailangan tignan natin siya bilang problema ng pangkalusugan na kailangan 'yung intervention. So, 'yung paniniwala ko kailangan sana ayusin natin 'yung ating bansa para 'yung mga nahuhuli na gumagamit, hindi pinapatay number one. Number two, hindi dinadala sa kulungan.
    Kasi kapag tinignan natin 'yung datos, lalo mo dinadala sa kulungan lalo pang lumalala ang problema kasi halo-halo na sila doon. So, dapat 'yung hindi pa naman malala ay community-based drug rehab program lang. Gustong sabihin, 'yung nagkakaproblema, problema natin 'yun lahat, di ba? Gustong sabihin dapat 'yung community nagte-take ng responsibility para tulungan 'yung mga napa-mali na makabalik sila at mabigyan sila ng buhay na may dignidad na kung gumaling na sila hindi sila itri-treat na kriminal.

    Pangalawa, 'yung medyo nalulong ng grabe na bigyan si– parang may institutional rehabilitation. Gustong sabihin, merong mga institusyon na experto sa pagpapagaling na sila 'yung tutulong. So, mula 2016 'yun na 'yung advocacy ko hanggang nakapasok ako sa ICAD. Nandoon ako 18 days, after 18 days natanggal ako. Pero hanggang ngayon 'yun pa rin ang aking tinutulak. At kapag ako naging Pangulo, 'yung 'yung gagawin natin dahil ang paniniwala ko pareho din 'yun ng kahirapan.

    'Yung kahirapan dapat hindi lang 'yung mahihirap 'yung nagdudusa. Dapat 'yung kahirapan tinitingnan natin na responsibility natin lahat para kabahagi tayo ng solusyon. Hindi 'yung mahirap ka, iiwanan ka. O mahirap ka 'yung tingin sa iyo mababa, bibigyan ka ng ayuda. While 'yung ayuda okay– okay naman 'yung ayudang pansamantala, pero tingin ko ang pinakamahalaga na 'yung pamahalaan number one, siya 'yung nagbibigay ng trabaho para nabubuhay 'yung mga kababayan natin na may dignidad, di ba? Kapag 'yung perang meron ka ay nakuha mo dahil nagbanat ka ng buto, pinapahalagahan mo 'yun kaysa 'yung– ako tingin ko kahit 'yung mahihirap 'yun din 'yung gusto. Hindi naman nila gusto na tatanggap lang sila ng ayuda pero ang gusto nila, may trabaho sila at dapat 'yung pamahalaan ginagawa 'yun, 'yun 'yung number one.

    Number two, 'yun 'yung ginagawa namin sa Office of the Vice President, na dahil wala naman kaming pera, ginagawa namin na parang center of gravity 'yung opisina namin na kami 'yung nagli-link ng mga nangangailangan saka gustong tumulong. At tingin ko 'yun din 'yung ginagawa dito sa Saklay na 'yung mga nangangailangan, nili-link sila doon sa mga gustong tumulong para nararamdaman ng community na parang– di ba may kasabihan na we are our brother's keeper? Na hindi dapat natin pinapabayaan na merong naghihirap.

    So, sa akin ang paniniwala ko, magiging maayos lang 'yung pamahalaan natin pag ang tao inspirado. Dapat nagbibigay tayo ng inspirasyon para 'yung mga taong nakakaluwag naman ay tinitingnan niya na responsibilidad niya na 'yung kaluwagan niya 'yun 'yung itutulong niya sa iba. Kapag hindi kasi ganoon 'yung– kapag hindi ganoon 'yung nararamdaman, ang resulta ganito: merong mayaman na mayaman, meron namang mahirap na mahirap. Dapat hinahanap natin na ma-achieve natin 'yung sana 'yung kalabisan ng iba ay magpuno doon sa kakulangan ng iba.

    At sa Angat Buhay po natin– sa Angat Buhay Program natin sinimulan natin noong 2016 hanggang ngayon tuloy-tuloy, ganoon 'yung konseptong ginagawa natin. Halimbawa 'yung pandemic, bakit ang dami nating natulong? Dahil alam kasi natin na maraming gustong tumulong. Tayo lang 'yung nag-asikaso na 'yung mga tumulong, makatulong sila doon sa nangangailangan. Halimbawa, 'yung ginawa natin 'yung Bayanihan E-Konsulta. 'Yung mga tao puwede na magkonsulta na free data lang sa Facebook kahit wala silang pera makakakonsulta sila sa espesyalista, papadalhan sila ng gamot. Bakit namin 'yun nagagawa kahit wala kaming pera? Kasi maraming doktor na gustong tumulong. Kailangan mo lang– kailangan ka lang maglagay ng parang isang mekanismo para makatulong sila. Ang nagbe-benefit, 'yung mga wala.

    Pero dahil 'yung nagbe-benefit, hindi niya nararamdaman na parang nanlilimos siya. Pag natutulungan siya, siya na din 'yung nagpe-pay forward ng kanyang tulong. Naalala ko lang, di ba nag-rally sa Pasig noong isang araw, 'yung nag-rally sa Pasig noong isang araw, hindi ko ito nakita pero nakita ko na nasa Facebook kagabi na meron kaming isang tinulungan na buntis during the pandemic, ito hindi ko ito makalimutan, si Tin yata naalala, naalala mo Tin 'yung ano, 'yung buntis na pinasundo natin tapos nasira 'yung ambulansya natin? Kasi si Tin ano 'yan, nasa Bayanihan E-Konsulta. Kagabi nandoon siya, noong isang gabi, nandoon siya sa Pasig dala niya 'yung baby niya.

    Dala niya 'yung baby niya, meron siyang karatula na sinasabi "10 months na po 'yung baby ko, kung hindi niyo kami tinulungan siguro wala siya." So alam mo 'yun? Ang gusto sana nating ma-cultivate na sense of community, na hindi 'yung, hindi natin pinapabayaan 'yung nangangailangan and dapat, gobyerno 'yung gumagawa noon. Ang gusto kong sabihin, hindi gobyerno 'yung gagawa ng lahat pero dapat 'yung gobyerno 'yung nage-encourage sa tao na ginagawa niya 'yung kanyang share.

    Kaya kung hindi niyo po napapansin 'yung mga rallies– ewan ko lang kung meron ditong naka-attend na ng any of our rallies– pag nagra-rally po kami after one hour, malinis na malinis na dahil, 'yung mga tao mismo naglilinis eh. 'Yung mga nawawalan, 'yung mga tao mismo 'yung nagbabalik. Natatawa nga ako noong sa Pasig kasi may tawag ng tawag na nakapulot ng P1,000. Walang nagka-come forward para sabihin kanya 'yun. Eh kung 'yung kasamaan 'yung nag-iiral siguro kahit hindi kanya 'yun, may nagsabi ng akin 'yun. Pero kaya ko lang ito sa inyo kinikwento kasi ito naman 'yung essence ng election eh. 'Yung election, hindi lang naman natin binobotohan kung sino 'yung mas popular. Hindi naman binobotohan kung sino 'yung type lang natin na pagmumukha. Pero 'yung binobotohan natin, paniniwala eh. 'Yung binobotohan natin, character ng tao. 'Yung binobotohan natin, uri ng pamamahala na gusto nating mamayani sa bansa natin sa susunod na anim na taon.

    So 'yung sa akin, siguro 'yun din 'yung hihingiin ko sa inyo na tulong na napakahalaga ng eleksyon na ito, dahil hindi lang ito 'yung eleksyon na pare-pareho naman 'yung kandidatong sinusulong so bahala na kayong pumili, hindi eh. 'Yung eleksyon na ito, ibang iba 'yung mga pinanggalingan namin, ibang-iba 'yung mga paniniwala namin at dapat, 'yung pagdedesisyon natin, nakabase doon na ano bang klaseng pamamahala 'yung nakikita natin na tingin natin, makakabuti sa atin? Ang problema lang, mga panahon na ito, ang daming kasinungalingan. So kailangan, pagtulong-tulungan natin na 'yung mga tao, makakadesisyon nakabase sa katotohanan.
    Pero itong pagbisita ko naman dito sa Saklay, hindi ito kabahagi ng campaign, ano ito, side trip ito. Hindi natin ito tinitingnan na bahagi ng campaign kasi kung titingnan bahagi ng campaign, magpapa-gather sana tayo ng isang gym na puno ng tao, di ba? Pero tingin ko kasi– parang ang sarap akyatin ng– di ba, 'yung mga bata pa tayo di ba pag ganyan na klaseng puno, ang sarap akyatin? Pero tingin ko kasi, marami dito 'yung like-minded naman sa atin, di ba na to take the responsibility para 'yung tulong natin sa bayan, hindi natatapos sa pagboto niyo sa akin. Pero, ano ito eh, ito 'yung magsasabi kung saan tayo papunta. So sana, seryosohin natin ang next 48 days, 48 days na lang.

    Meaning to say, 'yung mga hindi pa o baka iba 'yung paniniwala sa atin, tiyagaan natin. Wag natin pilitin na ako 'yung botohan, kasi may kanya kanya namang desisyon. Pero siguraduhin lang natin na 'yung pamantayan niya sa pagboto, hindi rin nakabase sa kasinungalingan dahil ngayon kasi, marami ng hindi nakakaalam kung ano talaga 'yung totoo saka ano 'yung hindi di ba? So, 'yun 'yung pagtulungan natin. Hindi na ako magkakampanya kasi iimbitahin ko na lang kayo mamaya doon sa [inaudible 00:22:54].

    Ito talaga, pagbisita lang sa mga kaibigan dahil nabisita– si Father Arnold naman, kahit hindi ako pumupunta dito, 'yung opisina namin saka siya, lagi namang may ugnayan kung ano matutulong, hindi lang naman kami 'yung tumutulong pati siya tumutulong din sa amin. So ganoon naman dapat 'yung relationship. So ako, natutuwa ako na from the last time na pumunta ako dito, ang dami ng bago. Naalala ko una kung pagpunta ko hanggang doon pa lang tayo sa may entrance, 'yun pa lang 'yung pinaka-hall na malaki, dun pa lang. Tapos pagpasok ko ngayon, ano, five years? After five years, ang dami ng pagbabago at nagawa lang 'yun I am sure, nagawa lang 'yun dahil maraming mga mabubuting puso 'yung tumutulong, and 'yun 'yung dapat ginagawa natin as Filipinos, di ba.

    [crowd cheers]

    Hindi ko 'yan pangako ha. "Mag-aasawa na ako pag si Leni-Kiko ang nanalo." Hindi pa ako nangangako ng hindi ko magagawa, hindi ako magikero. 'Yan 'yung mapapangako ko, "Sa gobyernong tapat, may pag-asa lahat." "Kay Leni, walang bato lahat tayo panalo." "Bagong buhay si Leni ang tulay." Pero di ba, ito po 'yung mga nagdaan dito sa– Rotary Club of Gapan, maraming salamat. 'Yung mga nagdaan po dito sa mga mahihirap na yugto ng buhay, di ba wala naman tayong ibang pinangarap kundi makabalik tayo sa dati at hindi tayo tingnan bilang hindi kapareho ng iba at mabigyan tayo ng mga pagkakataon na available din sa iba so dapat, 'yun 'yung ginagawa natin.

    Saka sa akin, hindi ko tinitingnan 'yung mga numero kung make-claim ko ba na papunta na tayo sa mabuti, hanggang kasi may naiiwan, hindi natin di ba? Hanggang may naiiwan, hindi natin puwedeng ma-claim na okay na tayo. So dapat, ang pamantayan natin wala na bang naiiwan? Nadala na ba natin lahat? Hindi tayo nangangarap na yumaman nang yumaman. Pero ang pangarap lang natin na pag umasenso 'yung isa, damay 'yung lahat di ba? So sana kayo rin. Sana kayo rin ganoon din 'yung pangarap. Hindi na po ako magtatagal dahil napakarami pa nating lakad ngayong hapon pero magkikita tayo mamaya, di ba magkikita tayo mamaya? So maraming salamat, masaya po ako nagkita-kita ulit tayo.

    [END]

    Posted in Transcripts on Mar 22, 2022