This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo and Q&A with Kasambahays for Leni

    Message of Vice President Leni Robredo and Q&A with Kasambahays for Leni

     

    VP LENI: Magandang hapon! Magandang hapon, Ina! Magandang hapon, Belinda! Kanina si Ate Lisa, si Alra, napanood ko kanina. Masayang masaya ako—masayang masaya ako na nakasama ko kayo ngayong hapon, kaya maraming salamat sa imbitasyon. Siguro, ano, sabi sa akin mayroong question and answer. Pero alam ko kasi na marami dito hindi pa ako kilala masyado. So gusto ko sana parang kuwentuhan lang. Parang kuwentuhan lang para mas makilala niyo ako. Ikuwento ko lang sa inyo ang pinanggalingan ko. Kasi kagaya niyo, ordinaryo lang naman iyong aking pinagdaanan. Alam niyo, pagkatapos ng college, iyong pinakauna kong trabaho pagkatapos ng college, doon ko nakilala iyong asawa ko. Siya iyong boss ko, kaya napakaaga ko nag-asawa. Pagka-graduate lang, one year after, nag-asawa na ako. Ang pangarap talaga para sa akin ng pamilya ko, mag-abogado ako, pero nauna iyong pag-aasawa ko. Pero nauna iyong pag-aasawa ko. Nauna iyong pag-aasawa ko pero naalala ko noong namanhikan iyong asawa ko, ang sabi ng tatay ko sa kaniya, “Hindi pa puwede mag-asawa ang anak ko kasi mag-aabogado pa iyan.” So nangako iyong asawa ko sa tatay ko na ‘Sisiguraduhin ko po na kahit mag-asawa na kami, mag-aabogado pa rin iyong anak niyo.” So noong mag-asawa na kami, wala pa kaming anak, kapag araw, nagtatrabaho ako. Kapag gabi, nag-aaral ako. Noong una madali siya, pero mula noong nagkaroon na kami ng anak, mahirap na. Kasi nagtatrabaho ako mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon. Tapos iyong klase ko sa law school, nagsisimula, 5:30 p.m. hanggang 8:30 ng gabi. Ang ginawa ko, para may oras pa rin ako mag-alaga ng anak, paunti-unti. Matagal ako nag-Law school kasi hindi ako full-time, pero kinalaunan, natapos din. Noong naging abugado ako, dalawa na iyong aking anak. Tapos at that time, iyong asawa ko, Mayor na siya ng Naga. Taga-Naga ako, taga-Bicol. Ewan ko kung mayroong mga Bicolano dito. Pero Mayor siya ng Naga, tapos ako full-time akong nagtatrabaho. Naging abogado na ako. Iyong pinaka-una kong trabaho bilang abogado, sa PAO. Hindi ko alam kung alam niyo iyong PAO. Pero iyong PAO, ito iyong abogado ng gobyerno na nag-dedepensa sa kliyente na walang pambayad ng abugado. So doon ako nagtrabaho. Masaya iyong trabaho ko, pero naghanap ako ng ibang mapapasukan kasi Mayor iyong asawa ko noon. Ang naalala ko parang mayroong conflict iyong trabaho namin. Kasi halimbawa, iyong asawa ko, ipapahuli niya iyong mga drug addicts. Tapos ma-a-assign sa akin, ako iyong mag-dedepensa sa kanila. So marami mga pagkakataon na ganoon, naghanap ako ng ibang trabaho.

    Iyong nahanap kong trabaho, NGO siya, ang pangalan SALIGAN. Iyong SALIGAN, parang PAO din siya, nag-aabugado sa mga mahihirap. Hindi kami puwedeng mag-represent ng may pera. Hindi kami puwede mag-represent ng mayaman. So iyong mga nire-represent namin mga magsasaka, mga mangingisda, mga katutubo, urban poor, mga manggagawa. Iyon iyong aking trabaho [for] more than 10 years, habang Mayor iyong asawa ko. Parati ko itong ikinukuwento na napakahirap noong trabaho namin kasi talagang tumitira kami sa mga communities. Kapag pupunta kami sa community ng sabihin natin magsasaka, doon ako matutulog ng ilang gabi kasi talagang tinutulungan namin iyong mga kliyente namin. Ang ginagawa namin noon, iyong mga batas, sinasalin namin sa local dialect. Tinuturuan namin iyong mga sektor. Paniniwala namin na kapag alam nila iyong karapatan nila sa ilalim ng batas, mas nasa posisyon sila para ipaglaban iyong kanilang karapatan. So more than 10 years iyon na trabaho ko. Marami akong kahirapang pinagdaanan. Buntis ako doon sa pangatlo kong anak. Buntis ako, nag-i-immerse ako sa mga fishing communities. Mayroon isang beses na walang matutulugan, pinapatulog ako sa mga bangka. Buntis na buntis ako, natutulog ako sa bangka. Pero iyong pinakamahirap—kasi nakakatulog naman ako—pero pinakamahirap, ginigising ako ng alas-dos ng umaga. Gigisingin nila ako ng alas-dos ng umaga kasi kailangan na nilang lumayag, kailangan na nila iyong bangka. So mahusay ako matulog na naka-upo. Mahusay ako matulog. Halimbawa, sa mga farming communities, alam niyo iyong mga payag na walang dingding? Mayroon lang bubong, walang dingding. Iyon iyong mga tinutulugan namin. So iyong buhay ko for more than 10 years, ganoon. Pero sobrang saya ko. Sobrang saya ko sa trabaho kong iyon. At akala ko noon—akala ko noon, tatanda ako na ganoon iyong trabaho ko bilang abogado. Nag-aabogado din ako sa mga kababaihan, iyong mga biktima ng domestic abuse. Nire-represent ko sila sa korte. Nire-represent ko iyong mga biktima ng domestic violence, iyong mga naaapi, iyong mga hindi sinusuportahan ng mga asawa. So marami akong mga kasong ganoon. Pero, again, kahit mahirap, gustong-gusto ko iyong trabaho.

    Pero noong 2012, August 18, 2012, namatay iyong asawa ko. Namatay iyong asawa ko noong nag-crash iyong eroplanong sinasakyan niya. At that time, miyembro siya ng Cabinet. Ano siya, Secretary ng DILG. Galing siya sa isang speaking engagement sa Cebu. Pauwi siya sa amin sa Naga. Sumakay siya sa maliit na eroplano. Ako, nandoon ako sa airport para sumalubong sa kaniya. Pero hindi siya dumating tapos nalaman ko nag-crash iyong eroplano. Tatlo iyong anak ko—tatlo iyong anak kong babae. Bilang abugado ng mga mahihirap, ang liit lang naman ang suweldo ko. Pinakamahirap siyang pinagdaanan namin sa buhay kasi hindi inaasahan. Wala naman sakit iyong asawa ko, pero bigla siyang nawala sa amin. Iyong bunso namin—iyong bunso namin na anak, 12 years old pa lang noon. So noong namatay iyong asawa ko, nahirapan talaga ako. Nahirapan ako kasi solo na lang ako naghahanap-buhay. Tapos mayroon akong tatlong anak na papalakihin.

    Pero hindi lang iyon, ilang buwan lang pagkatapos niya mamatay, mayroong eleksyon. Ito iyong 2013 na eleksyon na nag-away-away iyong mga kakampi ng asawa ko sa pulitika. Noong hindi na sila nagkakasundo, ako iyong pinag-kandidato para lang magkasundo sila. So naging kandidato ako ng bigla-bigla. Iyong kalaban ko, incumbent na miyembro siya ng malaking political dynasty sa amin. Silang buong pamilya nasa politika, maraming pera. Ako, biyuda, wala akong kakampi, wala akong pera, kandidato ako for Congress. Iyong pag-kandidato ko, hindi ako nagkaroon ng kahit isang rally kasi hindi ko kaya mag-arkila ng sound system. Lumakad lang ako nang lumakad. Sa walong mayor sa distrito ko, isa lang iyong kakampi ko. Tapos sa 186 na mga barangay captains, 25 lang iyong kakampi ko. Hindi ako pinapahiram ng mga barangay hall. Basta sobrang hirap ng kampanya. Pero may isang napakalaking aral na napulot ko doon. Kasi kahit sobrang hirap ng kampanya, iyong kalaban ko ang daming pera, ang daming pinapamigay, may raffle, maraming artistang pumupunta para sumayaw at kumanta. Pero kapag eleksyon, landslide iyong panalo ko. So noong nakita ko na landslide iyong panalo ko, naisip ko na while mahalaga na may pera ka sa kampanya, iyong tao parating pipiliin niya iyong makakabuti sa kaniya. Ang iba na walang-wala, napipilitang tanggapin iyong pera, pero kahit tinatanggap nila, iyong pipiliin pa din nila iyong makakabuti sa kanila.

    Kaya mula nang manalo ako for Congress, talagang noong nakaupo na ako, karamihan sa mga batas na ini-sponsor ko sa Congress, para talaga sa mahihirap. Iyong para sa mga magsasaka, mangingisda. Kasi ito iyong sektor kong tinutulungan dati, sa mga babaeng inaabuso. Tatlong taon, iyon talaga iyong pinapasa ko nang batas kasi sabi ko, “tatlong taon lang ako dito. Hindi naman talaga ako politiko. Hindi ako tatagal.” Pero noong patapos na ang term ko, bigla na lang naluklok ako na kumandidatong Vice President. Alam niyo noong nag-kandidato ako ng Vice President, hindi ko lang alam kung naalala niyo pa iyong eleksyon noong 2016, anim kaming magkakalaban. Ako lang iyong babae, ako lang iyong bagong salta. Iyong lahat ng kalaban kong lima, lahat sila incumbent na Senators. So sila, kilalang kilala na. Ako, wala—kakaunti lang iyong nakakakilala sa akin. In fact, iyong mga survey noong bago akong file, 1% lang ako, pang-anim ako sa anim na kandidato. Pero sinipagan ko. Sinipagan ko during the elections. At iyong 1%, paunti-unti umakyat. Dati, number six ako, naging number five, naging number four. Hanggang election day, naging number one ako. So pinanalo ko iyong VP.

    Pero, iyong hindi ko inaasahan noong nanalo na akong VP, na sobra pala magiging mahirap iyong panunungkulan ko bilang VP kasi hindi ako gusto. Hindi ako gusto ng mga nakaupo. So parang lahat ng kahirapan, talagang tiniis namin. Hindi kami naiimbita sa mga… sa mga okasyon ng pamahalaan. Kami iyong pinakamaliit na budget. Maraming balakid na parang humaharang sa gawain namin. Pero malaki ulit iyong aral, na kahit wala kaming pera, ang dami naming nagawa. Ang dami naming nagawa kasi may tiwala sa amin iyong tao. Noong umupo ako, naging ISO-certified iyong opisina namin. Ang hirap nito makamtan. Ang hirap makamtan iyong ISO certification kasi marami kang mga prosesong kailangang ayusin at saka baguhin. Tapos three straight years hanggang 2020, kami iyong pinakamataas ang rating sa COA. Iyong COA iyong tumitingin kung may corruption ba sa opisina o wala. And mula 2018, 2019, 2020, kami iyong pinamataas na rating sa COA. At pinagpaguran namin ito. Pinagpaguran namin siya kasi alam namin na mayroon lang makikipag-partner sa amin pag pinagkakatiwalaan kami. So marami kaming napagawa. Kanina, kinukuwento ni Alran iyong—kinukuwento niya na nagkita kami doon sa mga ospital na nagpatayo kami ng mga temporary shelters. Kinukuwento niya na nagpatayo kami ng isang village, ng mga pabahay sa Guinobatan. Actually, ngayon, several iyong mga villages. Mayroon kami sa Marawi, mayroon sa Guinobatan, mayroon sa Lupi, Camarines Sur. Marami mga programa. Iyong mga dormitories, kung nakita niyo iyong video kanina. Sa mga mahihirap na lugar, nagpapatayo kami ng mga dormitories sa loob ng highschool, sa loob ng campus ng high school. Dito iyong ang mga estudyante, marami sa kanila, naglalakad ng napakalayo para lang makapag-aral. Ilan na iyong dormitories namin ngayon—sa Siayan sa Zamboanga Del Norte, mayroon kami sa Sumilao sa Bukidnon, mayroon kami sa Balangkayan sa Samar, mayroon kami sa Negros Oriental—iba-ibang bahagi ng Pilipinas. Naglalagay kaming dormitories para iyong mga bata na high school na na naglalakad everyday, hindi na sila kailangan maglakad araw-araw. So bakit namin ito nagagawa? Iyong pera dito, hindi pera ng gobyerno. Pera siya ng pribado. Kaya maraming tumutulong kasi tumitiwala.

    So iyong sa akin, ganoon iyong panunungkulan ko, lima at may kalahating taon. Marami kaming natulungan, and iyong priority lagi namin, kung saan iyong pinakamalalayong lugar, doon iyong pupuntahan namin. Kasi kadalasan, iyong pinakamalalayong lugar, iyon iyong walang kuryente, walang tubig mainom, walang masyadong kabuhayan iyong mga tao. So doon kami pumupunta. So five and a half years, kahit pinapahirapan kami ng mga nakaupo, marami kaming nagagawa. Marami kaming livelihood programs. Marami kaming mga programa para sa mga magsasaka at mangingisda. Marami kaming mga feeding program sa mga malnourished na mga bata. Noong nakaraang pandemic lang, nag-asikaso sa mga frontliners natin. Kanina, napanood natin si Ate Lisa na nagkasakit siya, pinadalhan natin ng COVID care kit, tapos mayroon sa kaniyang tumatawag two times a day para i-monitor siya. So kabahagi iyon ng programa natin.

    Ito, hindi ko binalak na kumandidato bilang Pangulo kasi wala naman akong pera. Alam ko na kapag kumakandidatong Pangulo, kailangan napakalakas mong pulitiko. Kailangan marami kang pera para makapag-kampanya. Pero nangyari—nangyari na kandidato ako. Iyong ginagawa namin ngayong kampanya pa lang, nagre-reach out kami to as many people as possible. Kasi alam ko, marami sa akin hindi nakakakilala. Tapos mayroon mga kasama namin dito nag-re-request na “Puwede ba makausap mo iyong grupo namin kasi marami sa kanila nakakakuha ng information sa Facebook, sa YouTube, sa TikTok, at marami iyong fake news doon.” Maraming fake news, maraming iyong disinformation, so marami iyong nagde-desisyon, naka-base sa hindi totoong balita.

    So sa akin, nagpapasalamat ako sa mga nag-imbita na nabigyan ako ng pagkakataon na makausap kayo ngayong hapon. Siyempre, nagpapasalamat din ako sa mga boss niyo na napakasuwerte niyo na pinayagan kayo mag-participate dito sa activity natin. Hindi lahat na kasambahay, hindi lahat na nagtatrabaho sa household kasing palad niyo. Marami kayong mga kasama na hindi nabibigyan ng pagkakataon—hindi nabibigyan ng pagkakataon na makilahok. Hindi nabibigyan ng sapat na mga tulong habang matagal na sa serbisyo na—alam ko kasi kung gaano kahirap. Kasi halimbawa, iyong mga kasama ko sa bahay, ang tagal na din sa amin. Ako, madalas, nagi-guilty din ako kasi may mga anak din sila. May mga anak din sila, mga pamilya, pero pinili nilang kami iyong asikasuhin. Pinili nilang kami iyong asikasuhin tapos iyong nag-aalaga sa pamilya nila, ibang tao. Ang laki ng pasasalamat namin.

    Kaya sa amin naman, halimbawa, matagal na namin sinu-support iyong Kasambahay Act. Matagal na naming sinu-support iyong lahat na social services na available sa inyo. Matagal na namin sinu-support hindi lang sa mga kasambahay dito, pero lahat ng OFWs, na sana mas mabuti iyong panunungkulan sa atin, mas mabuti iyong ekonomiya natin. Para anytime na gusto na natin mag-retire, anytime na gusto na nating magpahinga, mayroon tayong choice. Mayroon tayong choice kasi may mauuwian na trabaho, may mauuwian na hanapbuhay. Ang iba, kahit may sakit na, kahit pagod na, hindi humihinto sa pagtrabaho kasi walang opportunity sa uuwian. So iyon iyong pinagtatrabahuhan natin ngayon, na sana mayroon tayong choice. Na sana, habang nanunungkulan tayo, iyong pamahalaan, iyong mga batas natin, binibigyan tayo ng sapat na parang support system, para naaasikaso hindi lang tayo, pero iyong mga pamilyang iniiwan natin dahil nagtatarabaho tayo sa iba.

    So siguro hindi ko na ito patatagalin kasi mayroon pa tayong question and answer. Pero masayang-masaya ako na kasama ko lahat kayo ngayong hapon. Sana magkaroon ng pagkakataon na ma-meet ko kayo in person. Mas mahirap ngayon dahil sa pandemic, pero sana. Sana kapag mabuti-buti na ang sitwasyon, magkaroon din tayo na pagkakakilanlang. Maraming salamat sa mga organizers. Masayang-masaya po ako ngayong hapon.

    INA RIVERA: Maraming salamat, VP Leni. Alam mo, ang dami kong natutunan tungkol sa iyo. Ang dami ko nang nabasa, ang dami ko nang napanood—fake at totoo—pero marami pa din akong natutunan. And sa palagay ko, and naramdaman ko, na tama lang na ang suporta ko, suporta ng mga tao na nandito—alam mo ba 1,000 na tayo. Ay bumalik na sa 1,000. Nabawasan ng isa kanina. Lahat kami, sumusuporta sa iyo. Ang tiwala namin sa iyo, hindi kami nagkamali. Hindi ko na patatagalin, ha? Tuloy na tayo dito sa mga hinandang tanong. Iyong mga tanong na ito, nanggaling ito sa mga kasambahay kasi nagpalabas kami ng survey. So uunahin ko na. Ngayong panahon ng pandemya, paano mo ba or paano po ninyo maiaahon sa hirap ang mga Pilipino mula sa epekto ng pandemya?

    VP LENI: Alam mo, Ina, ang pinaka—ako, ang daming puwedeng gawin. Halimbawa, pinag-uusapan ngayon buksan na iyong ekonomiya, magbukas na sa normal. Alam natin, iyong mga anak natin, pangalawang school year na ito, ‘di ba, pangalawang school year na na walang pasok. Pero iyong plano kasi na iyan, hindi magagawa hanggang hindi natin nako-control iyong pandemic. Kapag tiningnan natin iyong mga ibang bansa, mayroon tayo dito mga kasama from other parts of the world, ‘di ba, from Singapore. Mas normal na sa inyo kumpara sa atin. Sabi nga sa datos, parang tayo iyong pinaka-last na bansa na magbubukas iyong paaralan. So bakit ba—bakit ba marami pang hindi nagbubukas sa atin? Bakit ba iyong negosyo hindi pa rin buhay na buhay? Bakit ba marami pa din iyong trabaho hindi nakakabalik? Dahil iyong kaso natin, parang roller coaster pa din. Iyong kaso natin, tumataas, bumababa, tumataas, bumababa. So iyong sa atin, ang pinaka dapat talaga gawin ng pamahalaan, siguraduhin na iyong nangyaring surge noong August-September, last na iyon. Papaano natin masisigurong last na iyon?

    Ang pinakauna, siguraduhin na bilisan na ang pagbakuna. Siguro sa Metro Manila, malamang nabakunahan na kayo, ‘di ba? Iyong mga nasa Metro Manila dito, kasi ang daming bakuna dito sa Metro Manila. Pero hindi ganiyan sa mga probinsya. Sa mga probinsya, ang dami pa ding mga lugar na hindi pa nababakunahan iyong karamihan. Sa amin din, iyong mga taga Bicol dito, ang baba pa ng vaccination rate. In fact, marami pang mga seniors, hind pa din nababakunahan hanggang ngayon. Iyong po pinropose ko noong Linggo, na marami tayong bakunang available, ang daming mag-e-expire, sabi ko, “Puwede ba patulungin na kami na i-prioritize natin iyong mga OFW? I-prioritize natin iyong mga OFW para pag mayroon nang–kapag tinawag na ulit silang bumalik sa mga pinagtatrabahuhan nila, readily—ready na sila kasi mayroon nang bakuna.” Tapos iyong dapat iturok sa kanila, iyong Pfizer, Moderna, J&J, o AstraZeneca kasi iyon iyong mga recognized ng ibang bansa na bakuna. So iyong sa akin, kung mas bukas lang na pagtulungan, magiging mag mabilis.

    Pangalawa, may mga lugar na ang testing hindi accessible. May mga lugar na gusto mong magpa-test, pero mahirap maghanap ng pagpa-test. So para sa akin, i-improve natin iyong accesibility sa testing. Sa ibang bansa, dadaan ka lang sa drugstore, puwede ka nang magpa-test. Tapos iyong resulta ng test mahihintay mo in less than 30 minutes. Sa atin, lalo na sa mga probinsya, halimbawa sa amin, ang hirap hirap makapa-RT-PCR. Tapos kapag na-test ka, maghihintay ka ng isang linggo bago dumating iyong results. Ang mahirap kapag ganiyan katagal, kasi hindi mo alam kung positive ka or negative, lalong hindi nako-control iyong pandemic. So sa akin, iyon, bakuna, iyong contact tracing, iyong paghanap ng mga nakasalamuha mo.

    Tapos iyong pang-apat na isa sa pinaka-importante, iyong treatment. Kasi, ewan ko sa inyo kung mayroon nagkasakit noong August-September—pinakamalalang surge sa atin. Kasi kami, may Bayanihan E-Konsulta, ‘di ba, ang dami naming pasyente na kailangan nang ma-hospitalize, walang ospital na available. Walang ospital na available. Ang iba, naghihintay ng ilang araw sa tents—sa labas ng ospital para lang ma-accommodate. Ang iba namamatay habang nasa sasakyan kakahintay lang na ma-accommodate. Ang sabi ng mga ospital, hindi lang kama iyong kulang sa kanila, hindi lang gamit pero pati health workers kulang sila ng doktor. Kulang sila ng nurses. At bakit sila kulang ng doktor at nurses? Kasi hindi natin nako-compensate nang maayos. Iyong bayad natin sa kanila parang hindi sapat sa pagod na binibigay nila. So ang iba nating mga doctors at saka nurses, naghahanap na lang ng employment sa labas kasi siyempre, may mga pamilyang binubuhay iyon. So para sa akin, iyon iyong pinaka-una. Iyon iyong pinaka-una. Kung magla-lockdown, dapat may ayudang ready.

    Ang pangatlo, pagbalik natin sa normal, kailangan sana—ito, matagal ko nang suggestion, magbigay sana ng conditional na stimulus package sa mga maliliit na negosyo. Kasi kapag tiningnan natin iyong statistics sa Pilipinas, karamihan sa mga negosyo maliliit. At noong tumama iyong pandemic, iyong mga maliliit na negosyo karamihan sa kanila either nagsara o nag-layoff ng mga empleyado. So sa akin, kung puwede sana mag-budget iyong pamahalaan. Bibigyan nila ng financial grant iyong mga maliliit na negosyo, sa kondisyon na hindi sila magle-layoff ng empleyado o papabalikin nila iyong mga na-layoff nilang empleyado. So para sa akin, iyon iyong pinaka-basic: siguraduhin muna—siguraduhin na kontrolado na ang sakit para unti-unti mabuksan iyong ekonomiya. Pero iyong mga nawalan ng trabaho, mga nagkasakit, mga namatayan, dapat sapat iyong tulong. Halimbawa, may mga pamilya na namatay iyong tatay, namatay iyong nanay, dapat sana saluhin natin iyon. Papaano na mag-aaral iyong kanilang mga anak? ‘Di ba? Dapat sinisiguro natin na naaalagaan sila. Iyong halimbawa, nagkasakit iyong isang family member. Kailangang i-quarantine; hindi makakapasok sa trabaho. Dapat siguraduhin na iyong pamilya niya kakain habang hindi siya nakakapagtrabaho. So ang daming kailangang asikasuhin. Pero confident ako na kaya natin. Kaya natin ito. Kung ang ibang bansa nga kaya, walang ibang dahilan para hindi natin kayanin.

    INA RIVERA: Salamat, VP Leni. Salamat. Napakaganda ng mga sinabi mo at napakalinaw ng mga steps o paraan para makaahon tayo sa pandemyang ito.

    Madam, itong tanong na ito para sa mga kasambahay natin, ano. Na-mention niyo po kanina, nabanggit niyo iyong Kasambahay Bill. Kasi ang isa sa mga katanungan, papaano niyo matutulungan na maprotektahan ang mga karapatan nila sa pang-aabuso, mababang sahod, at pagbigay ng tamang benepisyo. Puwede niyo po bang ipaalam or bigyan ng idea ang ating mga nakikinig, nanonood, kung ano iyong Kasambahay Law?

    VP LENI: Kasi iyong Kasambahay Bill ano ito, iyong sa Kasambahay Law parang package siya. Package siya ng mga dapat sanang natatanggap ng mga kasambahay dahil ito iyong magsisiguro na iyong minimum na kinakailangan niya, iyong basic na kinakailangan niya ay napoprotektahan under the law. Bakit kailangan siyang maprotektahan under the law? Para obligasyon siya. Para obligasyon siya ng employer na sinusunod. Kasi kung walang batas—walang batas na nandiyan, kapag hindi sinunod, walang kaakibat na parusa. Pero itong Kasambahay Law, sinasabi niya na ito iyong mga kailangan na natatanggap ng mga kasambahay. Ito iyong mga privileges o mga karapatan na dapat sana nae-enjoy niya. Kabahagi na diyan iyong suweldo. Kasi alam natin na iyong suweldo kasi ano siya, eh, ang daming hindi sumusunod. Ang daming hindi sumusunod sa minimum na dapat na suweldo. Ang pangalawa, maraming kasambahay ang walang SSS. Maraming kasambahay ang walang PhilHealth. Alam natin na may batas patungkol sa SSS, may batas patungkol sa PhilHealth, pero iyong pinaka-tanong kasi, kung hindi ba sinusunod ng employer, ano iyong karampatang parusa? Iyon iyong talagang malaking pagkukulang. Kasi ngayon halimbawa, halimbawa sa amin lang, nagkaroon akong dalawa na kasambahay kasi naaksidente iyong napakatagal na sa amin. Tinatanong ko iyong SSS number nila at saka PhilHealth number kasi ako iyong magpapatuloy ng pagbayad, sabi nila wala sila. Pero ang tagal na nilang namamasukan, pero wala sila noon. Dapat sana basic iyon, ‘di ba. Dapat basic iyon kasi halimbawa iyong SSS, papaano kung may nangyari? Papaano kung gusto nang mag-retire? Dapat sana may pension siya. Kapag kinakailangan niya urgently na may mahiram siyang pera, may mautang, kung hindi siya member, eh ‘di wala siyang mapupuntahan. Iyong PhilHealth ganoon din. Ang magbe-benefit hindi lang siya kung magkakasakit siya, pero pati iyong immediate family member niya na beneficiary niya. Dapat sana magbe-benefit din. Eh kung hindi binabayaran iyong PhilHealth, eh ‘di papaano? Papaano kung nagsakit? Mabuti kung generous iyong employer or mayroong means na sila iyong sasagot—paminsan hindi rin. Maliban doon, iyong mga kasambahay ba nabibigyan ng day-off. Iyong halimbawa, ang tagal mo nang nagtrabaho, gusto mo naman na magpahinga na, mayroon ka bang pension o mayroon ka bang madadala man lang sa pamilya mo na ang tagal-tagal mo nang nagtatrabaho. Mayroon ka bang capacity na kahit hindi ka na magtatrabaho, mabubuhay ka pa rin at saka mabubuhay iyong pamilya mo? Ito iyong mga—ito iyong package. Ito iyong package ng batas na sinisiguro niya na  kung hindi magko-comply dito, may karampatang parusa.

    Ang paniniwala ko—matagal akong naging labor lawyer, lahat na employees—kahit hindi kasambahay—lahat na employees, kailangan ng ganitong proteksyon. Kailangan nila ng ganitong proteksyon kasi dapat pinapangalagaan ng pamahalaan iyong hindi tayo naaabuso. Iba-iba naman iyong kalagayan. Maraming mga kasambahay na masuwerte rin. Maraming mga kasambahay na masuwerte rin sa employers kasi iyong trato sa kanila kapamilya. Pero hindi lahat, masuwerte. Hindi lahat masuwerte. Mayroong iba na hirap talaga. Hirap talaga. Ano iyong solusyon doon? Ang solusyon doon, iyong proteksyon sa ilalim ng batas.

    INA RIVERA: Maraming salamat, VP Leni. Oh, mga ate, mga kuya, mga manang, at manong, alam niyo na, may batas para sa inyo at si VP Leni, alam niyo na, sa 2022 siya ang magsisiguro na talagang mapapasatupad ang batas na ito. Ngayon, VP Leni, mayroon tayong question—hindi ito galing sa akin, ha, talagang galing ito sa mga sumagot sa survey—parang hindi ko maitanong [chuckles]—VP, galit ka raw ba kay Bongbong Marcos?

    VP LENI: [laughs] Sa akin, tingin ko dapat hindi tayo nagagalit sa tao, eh. Ang dapat nagagalit tayo sa ginagawa. Iyong sa akin, dapat—hindi lang kay Bongbong Marcos pero sa ibang mga public officials. Kami kasing mga public officials, mayroon kaming obligasyon. Ang obligasyon namin na maging malinis iyong aming panunungkulan, na kapag hindi namin iyon nagawa, dapat ang tao magalit sa ginagawa namin. Ganoon din ako. Bakit ba ako may pag-alinlangan? May pag-alinlangan ako kasi noong sila pa iyong nakaupo, matindi iyong korapsyon. Matindi iyong korapsyon, maraming nang mga desisyon ang mga korte na sinasabi—marami nang mga desisyon ang korte na sinasabi na talagang marami iyong kasalanan na ginawa, na kailangang ibalik iyong pera sa taumbayan. Hanggang ngayon, mayroon nang naibalik pero hindi pa lahat. Pero recently, ang pinaka-reklamo ko ito, at ito, ilang beses ko nang inuulit-ulit: marami talaga iyong fake news sa social media. Marami iyong fake news sa social media at maraming tao iyong naniniwala sa fake news. Ang para sa akin, kahit pa napapasama ako dahil doon, pero para sa akin, kasalanan iyon doon sa mga napapaniwala. Kasi marami sa atin mayroong mga desisyon. Pero iyong mga desisyon natin, nakabase sa maling impormasyon. Iyong para sa akin, kasalanan iyon. Kasalanan iyon kasi obligasyon nating lahat na siguruhin na iyong impormasyon na available, tama. Kasi iyong lahat na taong tumitingin sa atin, magdedesisyon siya base sa impormasyon na nakukuha. Iyong pinaka-problema, kung iyong pinaka-impormasyon na inilalahad ay kasinungalingan, naaapektuhan pati iyong tao na nagdedesisyon. So iyong sa akin, iyon iyong talagang agam-agam ko ngayon.

    I am sure marami sa inyo nasa Facebook. Ako, nasa Facebook din ako. Nasa YouTube, nasa TikTok. Kapag binuksan mo, ang daming hindi totoo. Ang daming hindi totoo tapos marami sa atin nagdedesisyon naka-base roon. Na sana huwag ganoon. Sa akin, kung ang—halimbawa, gusto ko ang taong ito dahil—kung ang basehan natin totoo, okay iyon at dapat respetuhin natin. Kahit hindi pareho iyong paniniwala natin, dapat respetuhin natin iyong paniniwala ng iba. Pero iyong nakakatakot lang talaga, kung iyong paniniwala ay naka-base sa maling impormasyon. Kasi dapat kayo iyong nagagalit, eh. Dapat kayo iyong nagagalit na bakit pinapaniwala kayo sa isang bagay na hindi totoo? So naka-cloud iyong mga desisyon. Paminsan iyong desisyon mali dahil pinaniwalaan kasi natin. At iyon iyong pinaka-malaking takot ko ngayon. Nangyayari iyon hindi lang dito sa atin pero may mga bansang iba na nangyayari din iyon at mabuti na lang na nagdesisyon ang tao na baguhin na iyon. Kaya ngayon, iyong advice ko rin sa supporters—kasi maraming nag-aaway on social media—parati kong sinasabi na, “huwag kayong makikipag-away. Huwag kayong mag-astang troll. Kapag may nakikita tayong kasinungalingan, i-correct natin. I-correct natin sa isang paraan na magalang pa rin tayo kasi hindi naman kasalanan noong iba na naniwala sila kasi iyon iyong available na information, eh.” So ang pinapakiusap ko, maging mahinahon, habaan iyong pasensya, at saka hindi natin masosolusyonan iyong pagka-toxic, ‘di ba. Nararamdaman niyo ba iyon? Parang napaka-toxic iyong environment sa social media kapag mag-away-away tayo. So parati kong sinasabi, iparamdam natin sa mga kababayan natin na hindi sila iyong kaaway. Sila nga iyong pino-protektahan, sila iyong pinapakipaglaban. Pero kapag may nang-aaway kasi tapos nang-away din tayo, pareho lang ng style, iyong nag-asta troll na tayo, wala tayong nasolusyonan. So iyong sa akin, doon nanggagaling iyong aking pagkalungkot. Pagkalungkot sa nangyayari na maraming tao na napapaniwala. Actually, madali namang i-check iyong information kasi available iyong tamang information online. Pero marami kasing mga sites ang sila talaga iyong pinagmumulan ng fake news. So ang advice ko siguro, i-identify na natin. Dapat alam natin kung ano iyong site na mapagkakatiwalaan. Ano iyong site na mapagkakatiwalaan at kapag mayroong kaduda-dudang impormasyon, i-check muna natin. Halimbawa, iyong isang halimbawa doon, ako iyong biktima, eh. Ang parang sabi, “Ay, si Leni ang bobo kasi hindi siya marunong ng math. Ang computation niya ng”— 4x40 yata, ‘di ba?—“ang computation ng 4x40, 1,600 daw iyon.” So ang dami na sa aking tumitira, “Ay, ang bobo. Mahina sa math!” Pero kapag tiningnan mo iyong video ng interview ko, pinutol nila. Kaya siya naging 1,600 kasi 10x4x40. Iyong 10, inalis nila. So ang inuulit na lang nila, iyong 4x40 equals 1,600. Kasinungalingan siya pero maraming naniniwala. Sasabihin nila, “Ay nako, VP pero hindi marunong ng math” o “hindi marunong mag-compute.” So iyon iyong pangalagaan natin. Na okay lang naman na hindi niyo gusto iyong isang tao, pero dapat iyong basehan kung bakit hindi niyo siya gusto, katotohanan. Kasi kung ang basehan kasinungalingan, ‘di ba iyong lugi tayo rin? Iyong lugi tayo rin kasi napapapaniwala tayo into something na hindi naman pala totoo.

    INA RIVERA: Tama. Tama talaga, VP Leni. Alam mo, salamat sa napaka-honest at makatotohanan mong answer. Pinaintindi mo sa amin na hindi natin kailangang magalit sa tao, doon sa ginagawa. At salamat din na tinuruan mo kami kung papaano ba huwag mag-astang troll, ‘di ba. And tayo po, sa mga nanonood sa atin, imbes na makipagsagutan tayo, ‘di ba, ang kailangan nating gawin is research natin. Hanapin natin kung totoo ba ito o hindi and then sumagot tayo. Iyan ang pinaka-magandang gawin natin. Kung may oras tayong sumagot, may oras din tayong mag-research, ‘di ba.

    VP LENI: At saka ano rin, Ina, may ano rin ako, may suggestion, kasi may isang grupo tayo, ‘di ba. Siguro kapag mayroon tayong issue na nalalabuan tayo o mayroong issue na hindi tayo sigurado kung totoo, siguro ibato sa grupo para iyong grupo iyong makakatulong sa paghanap kung ano talaga iyong katotohanan. Kasi sabi ko nga, hindi niyo kasalanan, eh. Hindi niyo kasalanan na napapaniwala kayo. Minsan din tayo, ‘di ba, halimbawa, minsan may mababasa tayo na, “Oh, walang pasok bukas!” Akala natin totoo, iyon pala fake news. So ngayon, ang problema lang ngayon, ang daming ganiyan. Ang daming ganiyan sa Facebook. So siguro iyong isang puwedeng maitulong ng grupo, ayon, para makakatulong na natatanungan na, “Totoo ba ito o hindi?” Para alam natin na iyong desisyon natin naka-base doon.

    INA RIVERA: Tama. Salamat sa suggestion mo, VP Leni. Belinda, may gusto kang itanong, ‘di ba, kay VP Leni tungkol sa vote-buying?

    BELINDA BAYLAN: Hello po, VP Leni!

    VP LENI: Hi, Belinda!

    BELINDA BAYLAN: Hello po. Ano pong maibibigay niyong payo po sakaling may mag-alok sa amin na bilhin ang aming mga boto?

    VP LENI: Ako, alam mo, Belinda, ako magiging honest ako sa inyo, ha. Kasi noong nag-run ako for congressman, grabe iyong bilihan ng boto sa amin. Alam mo, mali siya. Mali iyong pagbibili ng boto. Pero iyong sinasabi ko sa tao, tanggapin niyo. Parati kong sinasabi, “Tanggapin niyo kasi galing din naman iyan sa atin. Iyong pinambibili ng boto, pera din iyan ng taumbayan. Pero tatanggapin mo pero ang iboboto mo kung sino iyong nasa konsensya mo. Huwag kang boboto dahil pakiramdam mo mayroon kang utang na loob kasi tinanggap mo, ‘di ba.” Iyong sa akin, tanggapin mo iyong pera, pero iboto sa konsensya. Kasi na-imagine mo, Belinda, kapag mayroong namili ng boto pero paglabas ng resulta ng eleksyon, talo siya. Next time, mag-iisip na iyon. Next time mag-iisip na iyon na, “Oh, hindi effective iyong pagbibili ko ng boto.” Pero iyong huhulihin mo, ang hirap. Dapat hulihin kasi mali iyon, pero iyong ginawa sa amin—kasi mayroon talaga sa aming mga sobrang—may mga bahay sa amin na sila talaga iyong namimili ng boto, pini-people power ng mga barangay. Ang ginagawa nila, parang nag-aano sila, parang nag-aano ito, nagbabantay sila sa labas ng bahay para walang makalabas at walang makapasok so hindi nakakabuwelo sa bilihan ng boto. Pero ngayon kasi madali na. Kasi ngayon, may GCash, ‘di ba. May GCash ngayon, so madali na iyong bilihan ng boto. Pero ang assurance ko lang sa lahat, wala silang way na malalaman kung ano iyong binoto kasi iyon iyong pantakot nila, eh. Iyon iyong pantakot nila na, “Malalaman ko kung ano iyong boto mo.” So ikaw, dahil takot ka, takot ka na, “Oops, iboboto ko na lang siya kasi baka balikan ako kasi kinuha ko iyong pera niya tapos hindi ko siya iboboto.” Wala pong paraan. Walang paraan para malaman niya kung ano iyong binoto niyo. So iyong sa akin, para sa akin, kung binibili niya, hindi niya gagamitin iyong sariling pera niya sa pagbibili. Iyon po iyong itaga niyo sa bato. Iyong pera niya na gagamitinsa pambili—

    BELINDA BAYLAN: Maraming salamat, VP Leni! Ngayon, alam na namin—

    VP LENI: —may pinanggalingan iyon na hindi tama.

    INA RIVERA: Oo nga, VP. Hindi nila malalaman iyon, ‘di ba. Oh, ayan, so huwag kayong matakot, ha. Kasi iyan ang takot nila, eh. Babalikan sila noong mga bumibili ng boto. So hindi po kayo babalikan. Alam niyo na po.

    VP, alam ko busy kang tao at marami kang ginagawa, ‘di ba. Hindi na kita papatagalin. Ngayon, may huling mensahe ka po ba para sa amin?

    VP LENI: Ako lang, una, gusto ko lang magpasalamat sa inyo. Gusto kong magpasalamat sa inyo, hindi lang sa pagbigay sa amin ng oras ngayong hapon, pero gusto kong magpasalamat kasi ito iyong siguro pinaka-underappreciated ng lahat ng tao, iyong trabahong ginagawa niyo para sa pamilyang Pilipino. Iyong trabahong ginagawa niyo sa loob ng bahay, naninilbihan sa pamilya, napaka-vital nito sa bawat pamilyang Pilipino. Na alam namin napakalaki ng sinasakripisyo niyo—[technical lag]—walang kapantay. Nararapat lang naman na kaming mga nasa pamahalaan, iyong pinaka-sukli na namin sa utang na loob namin sa inyo, siguraduhin namin. Siguraduhin namin na mapangalagaan iyong inyong mga karapatan. Iyon naman iyong mapa-promise ko sa inyo na kapag binigyan tayo ng pagkakataon, iyong karapatan ninyo ay papangalagaan namin. Sisiguraduhin namin na dapat sa pangangalaga sa inyong mga karapatan, maramdaman niyo. Maramdaman niyo kung gaano kami nagpapasalamat sa inyo. Maramdaman niyo na sobrang na-a-appreciate namin iyong ginagawa niyo. So maraming, maraming salamat sa inyong lahat.

    INA RIVERA: Maraming salamat din, VP Leni. Alam mo, naramdaman ko iyong pag-asa. Parang excited na excited na talaga akong mag-2022 at ang promise ko rin sa iyo—ako, personal—one million percent ng suporta ko, ibibigay ko iyan sa inyo. Sigurado ako, silang lahat din.

    VP LENI: Thank you, thank you.

     

     

    - 30 -

     

     

     

    Posted in Transcripts on Oct 26, 2021