This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at Anehan: Nueva Ecija People's Rally

    Message of Vice President Leni Robredo
    at Anehan: Nueva Ecija People's Rally
    Old Provincial Capitol Oval, Cabanatuan City, Nueva Ecija

    VP LENI: Magandang gabi sa inyong lahat! Magandang gabi Cabanatuan! Magandang gabi Nueva Ecija! [crowd cheers] Ayan, ayan. Pasensya na kayo. Pinahinto ko muna– pinahinto ko po muna 'yung tugtog kasi habang tumutugtog, sumasayaw din 'yung stage. Kaya para makalapit ako sa inyo, ayan. Magandang gabi. Kumusta kayo diyan? Hanggang doon pala 'yung tao! Maraming salamat sa inyo. Maraming salamat.

    Alam niyo po, may aaminin ako sa inyo. Alam niyo po 'yung sinasabi pa lang sa amin na dito sa oval gagawin 'yung ating rally, natakot ako. Pinadalhan po nila ako ng picture, nakita ko napaka laki. Ang sabi ko sa aming team, sabi ko "Hanap tayo ng mas maliit na lugar." Kasi sabi ko, "Napaka laki naman niyan. Baka aalog-alog tayo diyan." Ginulat niyo ako ngayong gabi. [crowd cheers] Maraming salamat.

    Alam niyo, kanina po, nag-umpisa 'yung araw natin sa San Jose City. Sino ba 'yung mga taga San Jose dito? Meron! So, 'yung mga taga San Jose, kung nandoon din kayo sa una nating event, nagulat na din ako doon kasi napaka rami ding tao. Lumipat po kami sa Talavera, akala po namin– ayun mga taga Talavera– akala namin, sandali lang kami magdro-drop by, konting meet and greet, pero nagulat ako kasi napaka rami din nila kaya maraming salamat. Pagkagaling po namin sa Talavera, lumipat kami ng Aliaga, lumipat kami ng San Antonio, lumipat po kami ng– San Leonardo bago po kami pumunta dito sa Cabanatuan, lahat pong dinadaanan, nagugulat ako sa inyo. Pero alam niyo po, nagugulat ako sa inyo kasi naaalala ko po 'yung 2016 elections. Naalala niyo ba 'yung 2016 elections?

    [crowd chants: Babawi kami!]

    Ayan, promise niyo 'yan ha? Ayan, promise niyo ba na babawi kayo? Alam niyo, 'yung 2016 elections kasi, alam niyong talo ako dito. Kaya medyo kabado akong bumalik ngayon kasi sabi ko baka parehong pa din ng 2016. Pero alam niyo–

    [crowd cheers: Walang solid north!]

    Ayan. Pero ito naman, hindi niyo naman ako masisingil. Dahil kahit talo ako dito, over the past six years, pabalik-balik ako dito sa inyo dahil marami po kaming programa na ginawa dito sa lalawigan ninyo. Iba-ibang klaseng programa. Ang naaalala ko, isa sa pinaka una naming programa dito sa Cabanatuan, naglagay po tayo ng mga water pumps doon sa Sama-Bajau community dito. Naalala ko, 'yun 'yung isa sa pinaka una naming project dito. Pero marami pong naulit pagkatapos noon. Nagkaroon po tayo ng maraming mga programa para sa mga farmers, sa mga magsasaka, nagkaroon po tayo ng maraming programa noong pandemic. Sunod sunod po 'yung pagpadala natin dito sa iba't ibang mga ospital ng mga PPE sets, ng mga– ng mga medical supplies.

    Actually po, nagbigay din po tayo ng pondo sa dalawang ospital dito sa Dr. Paulino Garcia Memorial Research and Medical Center, ayan. Nandito po 'yung Doctors and Nurses for Leni. Maraming salamat. Maraming salamat. Maraming salamat. Mamaya na tayo magpapa-picture kasi nagsasalita pa ko darling. Okay, nakalimutan ko tuloy 'yung sasabihin ko. Nasaan? Ah ito ba? Nandito pala. Dr. Paulino Garcia Memorial Research and Medical Center.

    Naglagay po tayo ng kaunting pondo galing po sa Office of the Vice President para po 'yung mga taga dito sa inyo, na kinakailangan ng medical assistance, hindi na kailangang pumila pa sa opisina namin. Puwede na pong diretso dito. Pareho din po 'yung tulong na binigay natin sa Talavera General Hospital.

    Noong pandemic din po, alam natin na nagsarado 'yung mga paaralan. Ang ginawa din po natin, doon po sa Santa Rosa– meron ba ditong mga taga Santa Rosa? Ayan. Sa Santa Rosa, naglagay po tayong isang Community Learning Hub. Hindi ko alam kung meron ditong taga Community Learning Hub ng Santa Rosa, pero 'yung nilagay po natin para 'yung mga bata na kinakailangan may magturo sa kanilang mga tutors, meron silang mga pupuntahan na meron din silang mga gadget na magagawa.

    Maliban po noon, nagkaroon din po tayo ng mga sustainable livelihood and training program ng mga grupo na tinulungan po natin sa Gapan. Ayan, meron ba ditong mga taga Gapan? Meron? Ayan.

    So, bakit ko po ito kinukuwento sa inyo? Kinukuwento ko po ito sa inyo dahil ngayong eleksyon, marami ulit 'yung pupunta ditong kandidato, manliligaw sa atin. Ang mga pupunta dito, manliligaw sa atin, ang sasabihin sa atin, "Mahal ko ang Nueva Ecija," pero 'yung sa akin lang po, ang pakiusap ko lang sa inyo, kung sino man 'yung nagsasabing "Mahal ko ang Nueva Ecija," tanungin po natin sila, "Asan ba kayo noong hindi pa eleksyon?" Dahil lagi 'yang nangyayari sa atin di ba? Pag panahon ng kampanya, 'yung mga kandidato nag-uunahan mag-bisita sa atin. Pag meron tayong kailangan, pag panahon ng eleksyon, nag-uunahan din pagtulong 'yung mga kandidato. Pero ang tamang sukatan, ano 'yung ginagawa ng kandidato noong wala pang eleksyon? Dahil, ito 'yung sukatan kung anong klaseng public servant siya. Marami pong magsasabi, mahal ko 'yung magsasaka pero, naisipan niyo ba 'yung magsakaka noong hindi pa kayo kandidato? Lalong lalo na 'yung mga dati naman na nasa gobyerno, tanungin po natin sila: Pag sinabi niyang mahal ko 'yung magsasaka, 'yung nakaupo ba kayo sa Kongreso o sa Senado, may inihain man lang ba kayong panukalang batas para mapagaan 'yung pinagdadaanan ng mga magsasaka?

    Pag sinabi pong galit kami sa korapsyon, tingnan po natin 'yung record nila. Pag nagsabi pong galit ako sa korapsyon, tanungin natin, nagbabayad ba 'yan ng tamang buwis? Ako po, hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, pero kami po, may eleksyon o wala, kasama niyo kami. May sakuna man o walang sakuna, kahit po talo ako dito sa Nueva Ecija, ako pa din 'yung unang pumupunta pag kinakailangan kami.

    Pero alam niyo po, 'yung mga lingkod bayan dapat pagkatapos ng eleksyon, hindi na tinitingnan 'yung kulay. Hindi na dapat tinitingnan, tinulungan ba ako nito o hindi? Dahil pag kami po mga lingkod bayan, tinulungan man kami o hindi, mandato po naming tulungan ang lahat. Napakarami pong mga magsasaka dito sa Nueva Ecija, 'yung mga magsasaka natin, napakahirap ng pinagdadaanan ng mga buhay nila ngayon dahil ang daming mga murang imported rice na pumapasok, maraming mga smuggled na mga gulay na pumapasok, mas mura kaysa sa napo-produce nila.

    Ang dapat pong tingnan natin, hindi lang 'yung programa. Sasabihin natin, tutulungan namin kayo pero tingnan niyo, ano ba 'yung record namin? Ano ba 'yung track record namin pagdating sa tulong sa mga magsasaka? Dapat po tinitingnan niyo, ano ba 'yung karakter ng mga kandidatong humaharap sa inyo? Dahil baka nagpapakita lang sila dahil kampanya. Dapat po kampanya o hindi, pag mahal kayo pinupuntahan kayo. Maraming mga– sino ba ang mga dalagang single dito? Ayan, mga dalaga ha. Bilang isang nanay, makinig po kayo sa akin. Ganoon din ang dapat na tinatanong ninyo sa mga manliligaw ninyo. Pag nanliligaw po sa atin, wag lang tayo magpabudol sa mga pambobola. Pag sinabi ng manliligaw sa atin, mahal nila tayo, tingnan po natin kung ano 'yung ginagawa hindi 'yung sinasabi. Ang unang tanong, nandiyan ba sila sa oras na kailangan natin sila? Inuuna ba nila kayo? Parang grabe naman 'yung mga hugot niyo, di ba? Pero tama 'yun ha. Inuuna ba nila kayo kaysa sa sarili nila?

    Ganoon din po dapat kayong lahat, 'yun 'yung dapat na tinatanong niyo sa amin. Kasi kung inuuna namin 'yung sarili naming interes, hindi kami karapat dapat ng tulong ninyo, di ba? Ngayon po, marami dito mga kabataan– sino ba dito ang botante for the first time? Ang dami di ba? 'Yung mga boboto for the first time, wag naman po sana natin sayangin 'yung ating boto. 'Yung boto po natin, 'yun 'yung ating kapangyarihan. Kaya titignan po natin hindi lang 'yung programa pero ano 'yung track record. Gaya po sa amin, pag sinabi namin galit kami sa korapsyon, ano 'yung track record namin? Tatlong sunod sunod na taon, nakukuha po namin pinakamataas na COA Audit Rating. Hindi lang po kami 'yung nagsasabi na malinis kami pero ibang ahensiya nagsasabi na malinis 'yung pagpapatakbo ng aming opisina. Kahit po kaunti 'yung budget ng aming opisina, napakarami po naming natutulungan dahil 'yung pera napupunta kung saan dapat mapuntahan. Pero kung hindi po kami malinis at maraming korapsyon sa opisina namin, siguro hindi ganito 'yung mga programa namin.

    Pero ang pakiusap ko po sa inyo, sana gamitin natin 'yung kapangyarihan natin ngayon para po siguruhin na ang eleksyon na ito, madedesisyunan base sa katotohanan hindi sa kasinungalingan. Marami po sa inyo nasa Facebook, nasa Youtube, nasa Titkok, nasa Twitter, napakaraming fake news. Tulungan po natin 'yung mga kulang ang pag-intindi kung alin 'yung katotohanan saka kasinungalingan. Ang pinakamasaklap na puwedeng mangyari sa atin na ang eleksyon, madedesisyunan dahil sa kasinungalingan. Pero ang pakiusap ko po, sa ating pagnanais na ang kasinungalingan mapalitan ng katotohanan, lawakan po natin ang ating pag-intindi. 'Yan po 'yung aking sinasabi sa inyo na radikal na pagmamahal. Ang radikal na pagmamahal, pinipilit nating inuunawa 'yung mga tao na iba 'yung paniniwala sa atin. Kaya 'yun po 'yung aking pakiusap. Meron po tayong 48 days before the elections. Nakita ko kung gaano kayo kasipag. Kaya pa ba nating sipagan ang sarili natin para maipaglaban natin ang ating bayan?

    48 days pa, hindi pa ba kayo pagod? Handa pa bang makipaglaban para masiguro natin ang eleksyon na ito, madedesisyunan base sa katotohanan? Dapat po, handa tayong lawakan hindi lang 'yung pag-unawa pero dapat pagmamahal. Dapat handa tayong kumbinsihin 'yung ating mga magulang na iba pa 'yung paniniwala sa atin. Kumbinsihin ang ating mga kaibigan, handa tayong kumatok sa pintuan ng ating mga kapitbahay para mapaabot kung ano 'yung katotohanan. Pag handa po nating gawin 'yun, magiging kulay rosas nga ang ating bukas.

    Ang araw pong ito, napakasaya para sa amin dahil marami kaming hindi inaasahan na nakita namin dito. Napakarami pong kailangang pasalamatan. 'Yung mga local officials po na nandito ngayon, sa pangunguna po ni Congresswoman Ging Suansing ng Fourth District. Kasama po natin, Congresswoman Acel Nagano, maraming salamat. Maraming salamat din po kay Mayor Myca ng Cabanatuan. Maraming salamat po kay Mayor Jobby Emata ng Gabaldon, Mayor Ilan Nagano ng San Leonardo, Board Member Nat Interior, Councilor Jun Corpuz, 'yung atin pong mga organizers, maraming salamat po sa kanila. Gusto ko lang pong pasalamatan, Attorney Joel and Aileen Santos, Carlos Bryan Nolido, ang ating Youth Representative, si Rey and Esther Arimbutayan, ang ating RPC Sectoral, Miss Irma Cecilio, TLR- Nueva Ecija, maraming salamat. Joel Bonifacio ng 1Sambayan, maraming salamat po. Maraming salamat din sa RPC Hope and Beyond. Maraming salamat po sa iba't ibang mga youth groups dito, Nueva Ecija Youth for Leni and Kiko, maraming salamat sa inyo. Of course 'yung TLR Nueva Ecija, 1Sambayan. Ang atin pong mga District Heads, former Mayor Marivic Belena, saka si Mr. Dindo Berino, Mr. Eric Uy, maraming salamat.

    TLR Youth, maraming salamat. Ano ‘yun? Ah, Kilos Ko Youth, ayan nasaan po 'yung Kilos Ko Youth? Nasaan 'yung kasama ko. Ano 'yun? "Youth for Leni - Gapan," "Youth for Leni-Kiko San Isidro," maraming salamat. "Nurses for Leni," maraming salamat. "Dentista for Leni," kanina po kasama namin Doctors for Leni. "Lawyers for Leni," Ano ito? "Sayareni– Scilenians," ayun. Ano po 'yun? "Mga abonado for Leni," sino ditong mga abonado for Leni? Sabi niIa ay hakot daw kayo? Sabi niIa bayaran. Pero totoo ba na abonado? Ang sabi niIa hindi naman daw 'yun abono, investment for the future. Ayun. "Swifties for Leni," "Ga-graduate na si Leni ang Presidente," "CICians for Leni," "Karats for Leni-Kiko," Ano ito? "Sibuyas Iang ang magpapaiyak sa tigre," "Magsisibuyas for Leni from Sibuyas CapitaI of the Philippines, Bongabon," Ano 'yun? Maraming salamat. Maraming salamat.

    "Tinalo mo na dati, tatalunin ulit ngayon," kailangan pa din natin pag trabahuhan. "Red flag man ang gusto ko, sa Pink pa rin ang boto ko," "'Di naman ako buntis, pero nagke-crave ako ng President Leni for six years," "Tinanggal man ang sapatos, at least degree ay natapos," "Hello pamilya kong BBM." Ayan ano 'yun? "Roses are red, Violets are Blue, Leni sa 2022 is a big–" ano 'yun? "–uwu," "Raise your hand if you will vote for Leni-Kiko, raise your standards if you will not," "Lights off sa tax evader, lights on sa human rights lawyer," "You entrust us your life, why not your future? Mga nurses for Leni." "I use the word nursing for want of a better leader." Ang ganda naman niyan. Nakita niyo 'yung tsinelas na inflated. "Ang sarap magmahal ng jowang Kakampink." Sino ba ang may resibo? Sinong may resibo, mga may jowang Kakampink. Ayan "Malalaki ang tiyan for Leni," "Talagang mainit sa kawatan ang sibuyas– talagang mainit sa katawan ang sibuyas." Ano 'yun? "Rally before–" Ay huwag, mapapagalitan ako ng teachers niyo. "Magsasaka for Leni-Kiko," "Ang bato ni Darna para kay Leni," Naku hindi ko mabasa 'yung iba kasi baka hindi ako makaalis dito. "The probability of us having a woman President is like–" Ay saan? Magre-request po tayo ng medic. Medic, medic. Okay na? Papunta na? Okay?

    "Hindi sapat ang 18 hours of work, gawin nating six years," "Ang kasunod ng 16 percent ay 17th Vice President," Ayan, “Gobyernong tapat, may baby Tams lahat," ano ito? "Independent women for Leni," "Mga mabilis malasing for Leni," "Kakampinks will never settle for less, we deserve Mama Leni," "B-day ng utol ko pero andito ako. Happy birthday, PJ." Hi PJ, happy birthday. "Kulot man ang buhok ko, tuwid na gobyerno naman ang ipapanalo ko sa Mayo," "Mga nag day off para kay Leni," "VetMed students para kay– for Leni," Ano 'yun? "Once for Leni," "Mga takas for Leni," "Ang boto ko ay para sa bayan, hindi sa pamilyang nagnakaw sa kaban ng bayan." Maraming salamat.

    Ayan ako lang po 'yung pakiusap ko, hindi lang po ako 'yung tutulungan pero pati din po ang ating vice president, Vice President Kiko Pangilinan. Ang atin pong mga senatorial candidates, Congressman Teddy Baguilat, Senator Leila de Lima, Dean Chel Diokno, Senator Risa Hontiveros, Attorney Alex Lacson, Attorney Sonny Matula, Senator Sonny Trillanes, Senator Dick Gordon. Ayun nasabi ko na lahat. Ang akin lang po ulit pakiusap, sama sama po tayo sa laban na ito ha? Sama sama tayo. Wala pong sinabi ang pera, makinarya sa nagkakaisa at nagkakapit-bisig na taumbayan. Mabuhay po kayo. Maraming maraming salamat.

    [END]

     

     

    Posted in Transcripts on Mar 22, 2022