This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at Araw Na10 'To!: The People's Rally

    Message of Vice President Leni Robredo at Araw Na10 'To!: The People's Rally
    Diosdado Macapagal Blvd., Pasay City


    VP LENI: Maraming salamat, maraming salamat, maraming salamat po sa lahat na mga pagbati na natanggap natin ngayong umaga hanggang ngayong hapon, hanggang ngayong gabi. Maraming salamat po sa mga alay ninyo, sa mga bulaklak, sa mga regalo, lalong lalo na 'yung mga pinagpaguran ninyo. Lalong maraming salamat dahil marami po sa inyo nag-martsa papunta dito. Nag-bisikleta at nag-motor papunta dito. Nag-organisa ng mga watch parties, mga kaninang kanina pa nakatayo, mga wala pang hapunan. Kahit napaka-init, nandito pa din kayo. Hello po doon sa mga nasa may Seaside Boulevard, maraming salamat sa inyo, napaka layo na nila. Hello din doon sa mga nasa malapit na sa EDSA, maraming maraming salamat po sa pagta-tiyaga. Alam kong malalim na 'yung gabi kaya hindi ko po ito pagkakatagalan, pero iibahin ko naman po 'yung mensahe ngayon kasi birthday ko naman.

    Siguro, siguro po pag birthday ko puwede naman ako mag-birthday wish sa inyo, 'di ba? Pasensya na po sa aking paos na boses. Pero kaya ko 'yun sinasabi kasi gusto ko pong i-report sa inyo na mula po noong nag desisyong akong kumandidato, talaga pong sinisipagan namin. Wala po kaming sinasayang na oras, lahat na mga lugar na kaya naming puntahan, pinupuntahan po namin.

    Gaya po kaninang umaga, nasa Maguindanao po ako. Bumalik po ako ngayong hapon lang. Alam niyo, nasa Maguindanao pa ako, tinitignan po namin sa Facebook, tinitignan namin sa Twitter, napakarami nang taong naghihintay dito kaya maraming maraming salamat.

    Pero alam niyo po, 'yung aking kahilingan sa inyo, ito.

    Alam niyo naman siguro na mula noong nanalo ako noong 2016 elections, kung anu-ano na 'yung fake news na sinasabi sa akin. Hindi ko po alam kung ano na 'yung mga narinig ninyo, pero napakarami na. Nagsimula po ito sa nandaya ako sa eleksyon. Pangalawa, marami akong mga boyfriend. Pangatlo, buntis ako. Pang-apat, 'yung asawa ko daw ay hindi ko unang asawa.

    Alam niyo naman na tinawag na akong lugaw, tinawag na akong lutang, tinawag na akong bobo, pero nakita niyo na ba akong naapektuhan nito? Sa palagay niyo ba 'yung mga paninirang ito, nakaapekto sa paggawa ko sa aking trabaho?

    Malamang hindi dahil kung naaapektuhan ito 'yung aking pag-trabaho, siguro wala kayo dito sumusuporta sa akin, 'di ba? At konektado po doon 'yung hihilingin ko sa inyo. 'Di ba ngayong gabi ang sabi po natin, hindi lang ito pagtitipon ng mga naka-pink, ang sabi po natin, pumunta dito kahit iba't ibang kulay 'yung suot, pumunta dito kahit hindi pa nakakapag-desisyon na sumama sa atin, pumunta dito kahit ayaw sa atin.

    Pero 'yung pagpunta dito, ang hinihiling ko po sa inyong lahat, buksan ang ating mga puso, habaan ang ating pasensya dahil ang eleksyon pong ito, hindi lang po ito simple na away naming mga kandidato. Ang eleksyon pong ito mas malaki pa kaysa sa aming lahat. Dahil ang eleksyon pong ito, pagdedesisyonan natin kung ano 'yung magiging kinabukasan nating lahat, at ano ang mangyayari sa bansa natin.

    Kaya ang hiling ko po sa inyo ngayon, alam ko na maraming mga fake news lalo pa po pag tumataas nang konti 'yung ating numero mas lalong dumadami ang fake news. 'Yung pinaka huli, NPA daw ako. Naniniwala ba kayo doon?

    Pangalawa, nabasa ko lang kaninang umaga, advisor ko daw 'yung isang hindi ko na po papangalanan dahil wala naman tayong authority-ng magsabi kasi hindi totoo. Blinock ka? May nagrereklamo ditong blinock siya.

    Pero kaya ko po ito sinasabi dahil ang kailangan na pinaglalaban natin dito 'yung ating bansa. Ang pinaglalaban po natin dito, kinabukasan ng bawat Pilipino.

    Kaya po ang pakiusap ko sa inyo, 14 days na lang ang natitira para tayo magkampanya. Marami na po tayong nasabi. Marami sa inyo nanonood ng mga rallies natin online. Siguro po 'yung paulit-ulit nanonood sa atin, 'yung mga speeches namin nina Senator Kiko saka mga Senador, marahil puwede niyo na ngang i-recite.

    Pero dahil laban po natin ito para sa ating mga kababayan, kailangan buksan natin 'yung ating mga puso. Huwag po tayong mapanghusga. Respetuhin po natin 'yung ibang iba naman 'yung paniniwala.

    Pero huwag din tayong mapagod sa paglaban sa fake news. 'Yun po 'yung pagkukulang ko din noong nakaraang six years. Alam niyo po, noong nakaraang six years, napakaraming fake news sinasabi sa akin, pero hindi ko masyadong pinapansin kasi sabi ko istorbo lang.

    Pero mali pala ako. Kailangan pag fake news, sinasabi kaagad natin na kasinungalingan 'yan at 'yung kasinungalingan palitan natin ng katotohanan.

    Pag ito pong eleksyon na ito ang magpapanalo sa mga kandidato kasinungalingan, kawawa 'yung bayan natin. Kaya po 'yung hinihiling ko sa inyo, sabay-sabay po tayo sa laban na ito. Sa pag bukas po natin ng ating mga puso, sa pagpahaba natin ng ating mga pasensya, siguraduhin din nating pinapalitan natin ang mga kasinungalingan ng katotohanan.

    14 days na lang. Alam ko po marami sa inyo nagpapagod mag-house to house. Sino ba dito sa inyo ang mga nagha-house to house? Masaya 'yung mga kuwentong nakukuha natin.

    Pero bakit ba natin hinihikayat kayo mag-house to house? Dahil tingin po natin ito 'yung pinakaepektibo na babasag sa mga kasinungalingan dahil tao sa tao, puso sa puso, ang pag-uusap.

    Alam ko po 'yung pagpunta niyo lang ngayong araw napakalaking sakripisyo sa inyo, di ba? Maaga pa, mainit, gutom, uhaw, naubos na 'yung mga baon na tubig pero andito pa din kayo.

    Bakit kayo nandito pa din kahit malalim na ang gabi? Dahil sa pag-asa. Di ba, nararamdaman natin na buhay na buhay ang pag-asa sa puso ng bawat Pilipino.

    Kanina po pinapanood ko sa Facebook 'yung mga videos. Tinitignan ko 'yung mga pictures. 'Yung mga pumupunta dito ang dala nila mga baon hindi lang para sa sarili nila kundi ang dala nilang baon dinadamay nila 'yung iba.

    Kanina nakikita natin pag nangangailangan ng medic, 'yung ating volunteer medics nagtatakbuhan.

    Pag sinabing kailangan ng tubig, nagshe-share ng mga tubig. Kanina nga may ice cream, gusto ko sanang lasahan, pero pagdating ko ubos na. Pero, 'di ba, napaka sarap sa pakiramdam? Napaka sarap sa pakiramdam na nakikita natin na ang Pilipino, nagtutulungan.

    Marami po sa atin, nag-aakusa: kaya daw napakarami niyo dito dahil sa mga artista. Totoo ba 'yun?

    Marami din nagsasabi: nandito kayo dahil lang sa aming mga kandidato. Totoo ba 'yun?

    Hindi 'yun totoo. Pero nandito kayo, bawat attend niyo ng rally, umuuwi kayo, nararamdaman niyo sa inyong mga puso 'yung saya, 'di ba? Ang pakiramdam niyo: mabait pala ang Pilipino, nagmamahalan pala ang mga Pilipino, nagtutulungan pala ang mga Pilipino. At pag ganito ang pakiramdam ng bawat isa sa atin, sasabihin natin: may pag-asa pa ang Pilipinas.

    At 'yun po 'yung dahilan kung bakit nagsasama-sama tayo ngayong gabi: dahil lahat tayo naniniwala na pag nagkaisa ang taumbayan, pag tayo ay nagkakaintindihan, pag tayo ay sabay-sabay lumalaban para sa disente at matino na pamamahala, may pag-asa pa ang ating bayan.

    Gaya po noong mga nasa malalayo, nakikita nalang natin sa mga drone shots, napakalayo na nila. Siguro kung hindi naman sila interesadong makisama sa krusada natin, malamang kanina pa sila umuwi.

    Pero bakit karamihan nandito pa din kahit gutom na gutom na? Dahil gustong iparamdam sa bawat isa na sama-sama tayo sa laban na ito. At dahil 'yung laban namin ni Senator Kiko, laban niyo din, siguraduhin po nating maparamdam sa kapwa po nating Pilipino, ang pagmamahal natin sa kanila.

    Alam ko marami sa inyo, nakikiaway sa Facebook. Sobrang nata-touch naman po ako pag dinedepensahan niyo ako.

    Pero 'yung pakiusap ko lang, meron namang mas magandang paraan sa pag depensa. 'Yung ayaw po nating ginagawa nila sa akin, huwag na po natin sa kanilang gawin, 'di ba? Dahil, alam niyo naman, maraming mga kabataan ngayon, 'di ba?

    Ang mga kabataan ngayon, mas tumitino tayo, mas sumusunod tayo sa mga magulang natin, pag pinaparamdam sa atin ang kanilang pagmamahal. Ganoon din po sana 'yung gawin ng bawat isa sa inyo. Ang aming pong pangako sa inyo: Gobyernong tapat–

    CROWD: Angat buhay lahat.

    VP LENI: Para umangat ang buhay ng lahat. Ito po, lagi ko itong inuulit: wala pong pag-asa na umangat ang buhay ng lahat pag ang gobyerno natin hindi magiging matapat. Kami pong mga kandidato, lahat na pangako gagawin namin.

    Pero ang tanong, tingin niyo ba magagawa namin 'yung pagbabago kung walang tiwala sa amin ang taumbayan? 'Di ba? Kami po sa Office of the Vice President, bakit namin nagagawa 'yung marami naming nagagawa kahit kulang 'yung aming pera? Dahil pinapangalagaan namin ang pondo ng taumbayan. At dahil pinapangalagaan namin ang pondo ng taumbayan, maraming nagtitiwala sa amin.

    At ito po 'yung klaseng pamamahala na pinapangako namin sa inyo. Isang pamamahala na nag-uugat sa pagiging matapat sa aming trabaho. Isang pamamahala na matitino at mahuhusay ang lingkod bayan para pagkatiwalaan ninyo.

    Siguro po nakikita ninyo sa aming mga report, kasi po lahat na ginagawa namin nire-report namin. Hindi po kami nakukuntento sa isang malaking rally lang. Ang kasulok sulukan pinupuntahan namin. Nakikita niyo ba 'yun? Bawat po bumababa kami sa isang probinsya, merong malaking rally sa gabi, pero buong araw umiikot po kami sa mga bayan bayan.

    Bakit kailangan namin 'yung gawin? Dahil 'yun 'yung klaseng pamamahala na pinapangako namin sa inyo, na gobyerno ang lalapit sa tao. Sisiguraduhin ng gobyerno na pag kinakailangan siya, andiyan siya. Kaya kung naniniwala po tayo sa ganitong pamahalaan, tulong tulong po tayo.

    Meron po tayong 14 days pa. Marami po sa ating kumakantyaw, nakikita ko sumasagot kayo sa Facebook, ang sabi sa atin wala naman kayong pag-asang manalo.

    Naniniwala ba kayo na wala tayong pag-asang manalo?

    [crowd cheers: Hindi]

    Nakita natin kung sino 'yung mga artista, mga napakasisikat na mga singers, mga actors and actresses, mga entertainers, mga social media influencers, dahil– kahit po hindi tayo nangunguna sa survey, tumataya sa atin. Bakit kaya? Dahil malaki ang pagmamahal nila sa ating bayan. Dahil naniniwala sila, nasa kamay nating lahat ang kapangyarihan.

    Ang kapangyarihan pong tunay, wala sa kamay naming mga politiko pero nasa kamay ng ordinaryong mamamayang Pilipino. Kaya sana po tumiwala tayo sa kapangyarihan natin. Ipakita po natin sa May 9 kung nasaan 'yung tunay na kapangyarihan. Hindi po tayo dapat sumusunod lamang pag hindi naman tayo naniniwala. Kailangan po pinaparamdam natin ano ba 'yung gusto nating mangyari, ano 'yung paniniwala natin.

    Kaya ang tanong ko po sa inyo, kaya ba natin ang ganitong klaseng laban? Na bubuksan natin ang mga puso natin sa mga kababayan natin kahit iba ang kanilang mga paniniwala? Kaya ba nating ipaglaban ang pagnanais natin ng pagbabago sa ating pamahalaan? Kaya ba nating sugpuin, kaya ba nating wasakin 'yung luma at bulok na klase ng politika na patuloy na nagdudulot ng pagkahirap ng buhay sa bawat isa sa atin?

    Dahil kung kaya po natin ito lahat, nasa kapangyarihan ponatin ang pagdala sa buong bayan natin sa liwanag na inaasam natin.

    Pero ang hinihiling ko po sa inyo, hindi lang po ako ang kailangang tulungan. Pero kung tutulungan niyo po ako, dapat po tulungan din natin ang ating vice president, Senator Kiko Pangilinan.

    Alam niyo po siguro dahil birthday ko, bihirang bihira pong mangyari na kumpleto kami dahil iba iba pong mga lugar 'yung pinupuntahan namin kaya aayain ko po 'yung buong ticket, dito po tayo sa harap. Iisa-isahin po natin: Congressman Teddy Baguilat, Senator Leila De Lima, Dean Chel Diokno, Senator Risa Hontiveros, Attorney Alex Lacson, Attorney Sonny Matula, Senator Sonny Trillanes, Senator Dick Gordon.

    Magpo-posterity shot po kami kasi sa ka busyhan po namin bihira po kaming magkasama-sama sa isang stage na sabay sabay. Senator Kiko Pangilinan ang ating VP. Maraming maraming salamat po sa inyo. Mabuhay po kayong lahat.

    [END]

     

     

    Posted in Transcripts on Apr 23, 2022