This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Assembly of Lingkod Lingap sa Nayon Mother Leaders Of Bulacan

    Message of Vice President Leni Robredo
    at the Assembly of Lingkod Lingap sa Nayon Mother Leaders Of Bulacan
    Bulacan Capitol Gymnasium, Malolos, Bulacan


    [START 00:08:58]

    VP LENI: Ayan, maraming salamat, maraming salamat Gov. Bago po ako mag patuloy, ang akin pong pagbigay galang siyempre, saka pagpapasalamat sa napaka-generous introduction. Sa atin pong minamahal, napakasipag, napakabait na Gobernador, palakpakan po natin Governor Daniel Fernando. Ang atin pong susunod na Vice Governor, palakpakan po natin Vice Governor Alex Castro. Ang atin pong mga napakasisipag na mga bokal, kasama po natin ngayong hapon hindi ko na po sila iisa-isahin. 'Yung atin pong Provincial Administrator, Attorney Antonette, maraming salamat. 'Yung presidente po ng ating provincial federation na Bayanihang [Babae 09:48] Foundation, Ma'am Hilda Yayain, maraming salamat po sa'yo. Ang ating mga department heads na nandito saka siyempre po ang atin pong iniidolo, napakuhsay at napakasipag na public servant, Senator Joel Villanueva, magandang hapon po Senator Joel.

    Alam niyo po, isang napakalaking karangalan parati pag ako naiimbitahan sa okasyon para parangalan ang mga kababaihan. Paminsan nakakalungkot na pinapangaralan tayo kadalasan pag National Women's Month lang pero alam po natin kung ano ang ginagawa natin sa pang araw-araw, hindi lang po sa mga pamilya natin pero lalo na sa komunidad. Alam niyo po noong nakuwento ko na labing-walong oras ako nagtatrabaho sa isang araw, marami pong pagtutuligsa 'yung aking natanggap. Pero kayo pong mga nandito, alam niyo na tayong mga nanay, pag umaga tayo ang pinakaunang gumigising para siguraduhin natin na 'yung mga anak natin, mga asawa natin, bago pa man magsimula ang araw, nakahanda na 'yung lahat para sa kanila.

    Tatrabaho tayo pag hapon, tutulong tayo sa komunidad. Pag dating ng gabi, kahit apgod na pagod tayo, tayo pa din 'yung pinakahuling natutulog hindi ba? At tayo, hindi tayo nagrereklamo dahil sanay tayo. Hindi tayo nagrereklamo sa araw-araw na ginagawa natin dahil sanay tayo na naghahanap tayo parati ng paraan. At ito pong katangiang ito ng kababaihan, ito 'yung tumulong sa akin noong ako po naging pangalawang pangulo. Alam niyo po, 'yung opisina namin, 'yung Office of the Vice President, napakaliit lang naman ng aming pondo, napakaliit ng aming mandato pero dahil isang nanay po ako na sanay naghahanap ng paraan, sanay na nagba-budget ng pera, sanay na pinagkakasya ang pera kahit po napakaliit ng pondo namin, marami po kaming mga natulungan sa buong bansa. In fact, dito po sa Bulacan, napakarami pong proyektong naibaba dito, hindi lang para sa mga kababaihan pero pati para sa mga drivers noong pandemic, para po sa mga frontliners, para sa mga magsasaka, para sa mga mangingisda. At 'yun po, nagawa namin dahil sa pagtulong-tulong ng mga pwersa ng maraming mga kababaihan.

    Kaya po tuwing March, isang malaking karangalan lagi na naalala 'yung sakripisyo ng bawat kababaihan. Kaya ngayong hapon po, nagpapasalamat po ako kay Governor Daniel Fernando sa pag-imbita sa akin na makiisa sa inyo. Makiisa sa inyo sa pagpaparangal at pag-aalala na sa lahat ng ginagawa po dito sa lalawigan ng Bulacan, maraming hindi magagawa kung wala kayo at nagpapagod, nagsasakripisyo sa araw-araw. Kaya ito po kinikuwentuhan po ako kanina, sabi po ni Governor Daniel saka ni Vice Governor Alex, sila 'yung mga marites ng komunidad. Pero ito 'yung ating pinakamahalagang trabaho di ba? Alamin 'yung lahat na issue, alamin 'yung lahat na problema at tayo din 'yung naghahanap ng solusyon.

    At ito po ngayong hapon, kahit pagod na pagod tayo, patuloy na sinasagot natin 'yung mga problemang dumadating gaya po ng sabi kanina, siguro dito marami din na kapareho ko na mga single parent. Ako po, nawalan ako ng asawa. 54 years old po 'yung asawa ko, aksidente 'yung kanyang kinamatay. Walang paghahanda pero kahit napakahirap, kahit kailangan kong buhayin 'yung tatlo kong anak, kinakaya natin dahil ganoon tayong mga nanay, na kahit po anong kahirapan 'yung hinaharap antin para sa ating mga anak. Kaya 'yung mga programa po namin sa Office of the Vice President na siya ring magiging programa pag tayo po ay bingiyan ng malaking pagkakataon na manilbihan pang muli, sisiguraduhin po natin 'yung Hanapbuhay Para sa Lahat– katrabaho po natin si Senator Joel dito sa pagsiguro kahit tayong mga nanay, kahit hindi tayo puwedeng full time na nagtatrabaho, meron tayong hanapbuhay para meron tayong kahit papaano, pinagkukunan ng ating hanapbuhay na hindi tayo kinakailangang umasa ng umasa sa iba dahil kaya natin.

    Para nga po sa akin, hanggang kaya pang magbalat ng buto, dapat meron kang trabahong available para sa inyo. Tayo naman pong mga magulang, wala naman tayong iabng hiling para sa ating mga anak na sila makatapos, na 'yung kahirapan hindi siya magiging sagabal para mabigyan ng dekalidad na edukasyon 'yung ating mga anak. 'Yun naman 'yung pangarap ng bawat magulang: na makatapos lang 'yung mga anak, puwede na natin silang iwan na mabuhay nang sarili kasi, kaya na nilang mamuhay na wala tayo sa tabi nila. Pangarap po antin na kahit mahirap tayo, hindi siya magiging sagabal para hindi tayo makatanggap ng medical assistance na 'yung kailangan natin na medical assistance para sa ating mga kapamilya ay kahit mahirap tayo, mabibigay sa atin. Kaya po 'yun 'yung battle cry natin, pag ang gobyerno matapat, aangat ang buhay ng lahat dahil 'yun po 'yung pinakita natin sa Office of the Vice President: na pag maayos 'yung paghawak antin ng pera ng taumbayan, mas marami tayong matutulungan dahil 'yung kakaunti ay mapapalaki natin dahil walang napupunta sa korapsyon.

    Kaya ito po, International Women's Month, National Women's Day, Happy Women's Month po sa inyo. Ang atin pong pangarap na hindi lang tayo naaalala pag March, pag Women's Month, pero 'yung mga asawa natin, 'yung mga anak natin, na-aappreciate 'yung ginagawa natin sa pang araw-araw dahil wala pong– walang biro 'yung sakripisyong ginagawa ng mga kababaihan at mga nanay. Kaya nagpapasalamat po tayo sa provincial government ng Bulacan sa pagpaparangal na ito sa inyo at pag-aasikaso sa lahat ng pangangailangan ninyo. Ito pong pag-recognize ng napakalaking bahagi kayo sa pag-unlad ng inyong napakagandang lalawigan.

    Kaya sa inyo pong lahat, congratulations. Maraming salamat sa lahat ng sakripisyo ninyo para sa ating mga kababayan. Mabuhay po kayong lahat.

    [END 0:16:47]

     

     

    Posted in Transcripts on Mar 05, 2022