This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at Awra Aurora People’s Rally

    Message of Vice President Leni Robredo at Awra Aurora People’s Rally
    Plaza, Baler Municipal Hall, Baler, Aurora


    VP LENI: Maraming salamat! Ayan maraming salamat. Magandang umaga, Baler! Magandang umaga, Aurora! Parang hindi kayo naiinitan? Ayan. Napakainit na nga, napakainit pa ng pagtanggap ninyo sa amin ngayong umaga. Kaya maraming maraming salamat. Pero bago po ako magpatuloy, ang akin lang pagbigay galang sa mga local officials na kasama po natin ngayong umaga. Pagpapasalamat na din sa kanilang suporta, palakpakan po natin Board Member Nano Tangsaon ng 1st District, Board Member Lordan Roxas ng 2nd District, Board Member Jennifer Araña ng 2nd District, Councilor Pandus Valenzuela, mga barangay captains from Baler and Dipaculao na nandito ngayong umaga, lahat ng ibang LGU officials, ang atin din pong mga former local officials, former Governor Chit Ong, nasaan ba si Gov. Chit? Nandiyan? Bakit nandiyan si Gov.? Kanina ko pa ikaw Gov hinahanap. Governor Chit Ong, former Vice Governor Annabelle Calderon-Tangson, nandiyan din, maraming salamat. Former Baler Mayor Arthur Angara, former Baler Vice Governor Karen Angara, former Baler Vice Governor Mario Gudoy, former Dingalan Vice Mayor Edgar Liu, nakita ko dito Philreca Partylist, nasaan na kayo? Nandiyan? Maraming maraming salamat.

    Ayan, ito po special, sandali lang, mamaya na tayo sumigaw para magka rinigan tayo. Ito po special pa-thank you dahil alam ko na kayo talaga 'yung nagpagod para po matuloy ang ating event ngayong umaga, former Board Member Gian Ong, ang ating Provincial Coordinator, maraming salamat. Aurora for Leni-Kiko Movement, maraming salamat. Youth Vote for Leni - Aurora, Aurora Electric Cooperatives, ang atin pong general manager, Noel Vedad kasama natin ngayon. Ang ating Board President Noel Dulay, saka si Mr. Ricky Avanceña. Marami pong kailangan pasalamatan, salamat po sa nag decorate ng ating stage. Sino ba 'yung mga nagpuyat dito para mag-ayos? Parang binibiro niyo lang ako eh. Walang tulog, sino 'yung mga walang tulog?

    Ayan alam niyo po– maraming salamat. Ayan alam niyo po, masaya ako na nakabalik ulit ako dito. Ano 'yun? [crowd cheering] Salamat. Salamat. Thank you po. Pasabi sa mama mo, salamat. Salamat. Salamat. Salamat po. Ayan. Tahimik ulit tayo. Sabi ni teacher tahimik muna. Keep quiet muna para magka rinigan tayo. Alam niyo po, unang una, masayang masaya ako na nakabalik ako dito. Pabalik balik naman po ako sa Aurora. Kadalasan po nandito ako pag may sakuna. 'Yung pinaka huling bisita ko po dito, pagkatapos ng typhoon Rolly saka typhoon Ulysses. Kung hindi ako nagkakamali, January yata? BM kailan ba 'yun? January yata 2021. Tinulungan po natin 'yung ating mga mangingisda sa Dingalan.

    Sila po 'yung pinaka tinamaan– 'yung huli ko pong punta, hindi ako nakapuntang Baler dahil dumiretso po ako doon. Pumunta po kami sa San Luis, kausap po namin 'yung mga taga Dingalan na mga mangingisda natin. Pero masaya ako na nakabalik ulit ako na walang sakuna kasi lagi na lang nandiyan tayo pag merong problema. Ngayon, walang problema, isa po itong masayang okasyon. At ginulat niyo po ako. Hindi ko inaasahan na ganito karami 'yung pupunta ngayong umaga. Kasi hindi naman po matagal 'yung ating preparations di ba? Kaya salamat po kay Board Member Gian. Hindi po ganito katagal 'yung ating preparations kahit kaunting panahon lang andito kayo lahat kaya maraming maraming salamat.

    Ako po lagi kong iniisip, dahil marami dito kabataan di ba. Pero bakit kaya? Bakit kaya 'yung mga kabataan ngayon sobrang active sa kampanya. Alam niyo po, noong mga nakaraang eleksyon, sanay na sanay na kami na napakahirap ng mga kabataan ayain to take action. Pero ngayong kampanyang ito baliktad. 'Yung kampanya ngayon 'yung mga kabataan nagse-self organize, 'yung mga kabataan hindi na naghihintay sa amin para sabihan sila kung ano 'yung gagawin. Pero kayo na mismo 'yung nag-iisip ng paraan kung papaano lumaban.

    Ako po 'yung paniniwala ko, correct me if I'm wrong, ang paniniwala ko dahil kayo nakakaintindi kung gaano ka importante ang eleksyon na ito. Ang eleksyon pong ito, hindi na lang tayo pumipili kung sino ba 'yung type natin na kandidato. Pero alam na alam niyo, lalo na 'yung pagpili ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Senador, na ito 'yung magsasabi kung saan patutungo 'yung ating bansa sa susunod na anim na taon.

    Kaya po kami ni Senator Kiko, ang dala dala po naing pangako, ang pagbigay sa inyo ng isang gobyernong tapat:

    [CROWD CHANTS: Angat buhay lahat]

    Para umangat ang buhay ng lahat. Ano po ang gustong sabihin ng gobyernong tapat? Ang gobyernong tapat nangangako sa inyo na ang inyong mga lingkod bayan magiging matino at mahuhusay. Bakit po mahalaga na matino at mahusay ang lingkod bayan? Mahalaga ito dahil pag pinangalagaan ang pera ng taumbayan, mas maraming natutulungan.

    Ang pinaka halimbawa po nito ang Office of the Vice President. Sabi ko nga po, bawat sakuna nandito kami sa Aurora. Kahit po noong pandemic, kahit po noong pandemic nagpapadala po kami sa mga ospital dito at mga medical institutions ng mga PPE sets saka medical supplies. Noong bumagyo po pinakahuli, nagbigay po tayo ng kabuhayan, nagbigay po tayo ng mga bangka para sa ating mga mangingisda.

    Kahit kaunti 'yung aming pondo, papaano namin ito nagagawa? Nagagawa po namin ito dahil 'yung kakaunting pera namin, pinapangalagaan amin, walang nahuhulog sa korapsyon, kaya mas marami ‘yung napapanilbihan. Ang amin pong sinusulong, isang klase ng pulitika na tao ang may prayoridad, hindi pulitiko. Sa mahabang-mahabang panahon, ang nakikita po natin, ‘yung bulok at luma na klase ng pulitika na hindi binibigyan ng espasyo ‘yung ordinaryong mamamayan para makilahok. Ang lahat ng pagdedesisyon, ang nangunguna ‘yung kaginhawaan ng pulitiko. Pero kami po ni Senator Kiko pag kami nangako, masasabi po namin sa inyo, mahaba ang aming resibo. Kapag sinabi po namin na galit kami sa korapsyon, meron po kaming ebidensya at ang ebidensya po namin, ang aming track record.

    [CROWD CHEERS]

    Si Senator Kiko, napaka-tagal nang politiko. 2001 pa naninilbihan. 2022 na po ngayon, pero meron ba kayong narinig man lang na anumalya na naidikit sa kanyang pangalan. Wala hindi ba? Kami po sa Office of the Vice President, pinakita namin na malinis ‘yung aming mga proseso. At hindi lang po kami ‘yung nagsasabi na malinis ang aming opisina, COA na mismo ang nagsasabi. Sunod-sunod na taon, nakukuha po namin ang pinakamataas na COA audit rating. Bakit po ito mahalaga? Mahalaga ito, dahil ang paniniwala po natin, magagawa lang natin ‘yung mga pagbabago, kapag ang taumbayan may tiwala sa kanyang pamahalaan. Dahil pag may tiwala ang taumbayan sa kanyang pamahalaan, siya talaga ay nagaambag.

    [CROWD CHEERS: Leni Kiko!]

    Nagulat ako, akala ko may hiwalay na rally doon. Pero salamat ha. Parang beauty queen ako dito sa Baler. Kanina ko pa tinitignan ‘yang mga placard ninyo. Maraming salamat. Oh my god, nakita ko ‘yung isa. Ano ‘yan, turnover ng crown? Maraming salamat. Ayan. “Ang daming for Leni, asaan na ‘yung for me,” “Lasing man kagabi, bumangon pa rin for Leni.” Hoy, ‘wag muna kayong maglalasing, pagkatapos na ng eleksyon kasi kakampanya pa tayo. “Mga inutangan na hindi binayaran for Leni.” Ito pa, inon na inom na din ito. “VP Leni, tara shot. Balita ko marami ka daw ambag,” “Red flag man ang gusto ko, pero pink naman ang boto ko.” “Mga Sakristan for Leni-Kiko.” Hindi naman kayo sakristan ah. “Kung Aurora–” wala na akong boses. “Kung Aurora ay bukang liwayway, si Leni ang liwanag ng buhay.” Ayan, “Si VP Leni puro gawa, hindi ngawa, at higit sa lahat hindi ngiwi.”

    [CROWD CHEERS]

    Ayan, “Nasa tamang tao na, may tamang boto pa.” Oh, ito. Ito mayroong naghahanap ng partner. “VP Leni, ireto mo naman ako.” Talagang ako pa ‘yung magtu-tulay ha. “Hindi ako–” ano ito? “Hindi ako bilib sa baby mo, pero kay Nanay Leni, sigurado ako.” “Ang LENIwanag ng pag-asa, kay Leni maKIKOta.” Nandito pala si Spider-man. Ayan, “Palayain si Senator Leila de Lima.” “VP, pareho po tayong magbi-birthday sa April 23.” Halika, mabait ka din, ka-birthday mo ako.

    Ano ito, “Blue Falcons The Noble International - The Wind of Change is Pink.” “Sa gobyernong tapat, bakit never akong naging sapat?” Grabe naman ‘yung hugot mo. “Hindi ka maliligwak, vebs, for today’s video.” Ayan, “Blank ilampaso, Leni-Kiko para sa makabayang pagbabago.” Ano ito, “Akkaw, gusto namin radikal magmahal,” “Mangingisda ng Dingalan for Leni.” Nandito pala kayo. Hinahanap ko kayo. Nandito pala kayo. Magusap-usap tayo mamaya. Kanina ko pa kayo hinahanap. “Three generations of Optometrists for Leni.” ‘Yung mga mangingisda, akyat po kayo dito sa stage. “Leni, ngiti mo pa lang, pag-asa na,” “Paranas naman ng anim na taon na walang trust issues.” “Lingkod kabataan for Leni.” Ano ito, “Akkaw, solid Leni-Kiko, ang bayang sinilangan ni Pangulong Quezon, ayaw sa mandarambong.” “Mommy Lita approved.” “Kogkog tayo kapag hindi si Leni-Kiko ang pinili mo.” “Ang kuryente dito sa Baler ay parang si ano, laging wala.”

    [CROWD CHEERS]

    “Bawat Leni sa balota, may Kiko dapat na kasama.” Tama! “My number ten missing outputs for Leni.” “Foresters for Leni,” “Sa kulay rosas ay natatakot kaya laging sinasabing may hakot.” Meron ba dito sa inyong hinakot ngayon? Hindi natin ‘yan gawain.

    [CROWD CHANTS: Hindi kami bayad!]

    Hindi bayad, abonado pa. “Proud Leni-Kiko family,” “Why would I lower my standard if Leni-Kiko are the standards?” “Looking for jowang kakampink.” May nagkatuluyan na dahil sa kampanya. Ayan ganoon pa din. “Bawat Leni sa balota, may Kiko na kasama,” “Maligat for Leni.” Ano ito, “Bobo sa taxation pero hindi boboto sa tax evader.” “Cat lovers for Leni-Kiko.” “Mama Leni galing pa po akong Nueva Ecija, pa-picture naman po.” Ang layo naman ng byinahe mo. “Kung laging absent, huwag mag-president.” Ayan, “Sa kulay rosas na bukas, dapat GARB isabatas.” “Accountancy students for Leni.” “Tumakas sa bahay dahil may BBM supporter na tatay.” Ligawan. Liligawan natin tatay mo. “Mga best in Sharon sa handaan for Leni-Kiko.”

    "History Teachers sa CASPI for Leni." "Maurag for Leni." "Wag tayo sa walang credentials, dito tayo sa lugaw na essential." "Future CPAs for Leni." "Piliin mo si Leni tapos isunod mo ako." Maraming naghahanap dito. "Sa gobyernong tapat, makakasakay sa surfboard lahat." "Galing pa sa QC para magpa-picture kay Leni." "Nandito para manindigan, hindi dahil kami ay bayaran." "VP Leni, puwede po bang pa-selfie, regalo ko lang sa nanay ko na 2016 ka pa pinipili at pinaglalaban." Halika, lapit ka dito.

    "We deserve a working asset, not someone with liabilities." "Ang tax binabayaran, kami hindi." "Ni-late night talk pero di jinowa for Leni." Ang dami namang hugot ng mga kabataan dito. "Leni ka na lang, iingatan niya ang buwis mo." "Sa gobyernong tapat, secured mental health ng lahat." "Sikolohiya for Leni." "Leni hey" Siguro mga ano ito, KPOP, KPOP stans.

    "Ayaw ni Sen. Kiko ng may magugutom." Ayan, "Btw, Miss Jillian, kumain ka na ba?" Tatanungin ko si Miss Jillian. "Takot mag-commit for Leni." "Sa gobyernong tapat, mabibiyayaan ng jowa lahat." "Ang 16% magiging 17th President." Huy, hindi na tayo 16% ngayon, tumaas na tayo. "Kung ang pink ay rosas, magnanakaw dapat iposas." "Leni, sagot ko na gas mo papuntang Malacañang." "LENIsin ang gobyerno, KIKOyanin ito." "Sure ako kay VP Leni, sa'yo pa kaya?" "President Leni, pa-picture po. Pasalubong po pag-uwi ng bahay kina Mama at Papa." Sige po, magpi-picture tayo mamaya. "Kina Leni-Kiko ang tunay na bagong Pilipinas at bagong mukha." "Ang Aurora ay napaakaw kay Leni lugaw." Akaw? Ano gusto sabihin ng akaw? Ah, wow. "#IpapanaloNaNatinIto." "Leni is the revolution." "CODM players for Leni." Maraming salamat.

    "Kapag nanalo si Kiko at Leni, titigil na ako kaka-Shopee." "Gobyernong tapat, papasa ngayong second sem ang lahat." "Crammers, not scammers for Leni." "Ang ikli ng 18 hours, gawin nating six years." "Mula sa laylayan tungo sa sentro, Leni Robredo para sa Pilipino." "Studentiista for Leni." "Pa-selfie naman po with you." "VP Leni, para sa'yo unang boto ko." Sino ba mga first time voters dito?

    "#MamaKoPink." "Araw-araw kang pipiliin baby este Madam Leni." "Looking for Kakamfling." "PHILRECA for Leni." Maraming salamat. "Sa PHILRECA, protektado ka na. Kay Leni, Angat Buhay ka pa." Ang president ko ay woman kaya Leni, pa-picture naman." 'Yung mga magpa-picture, dito na sa may unahan. "Hindi kami bayad parang 'yung tax niya." "Kung si VP Leni–" Nako-cover po. Wala pa. "Kung si VP Leni para sa Senado." Hindi ako para sa Senado ha, para Pangulo tayo ha. Ako– Ikaw ba 'yan? Oh my God, taga-dito ka? Ka-opisina ko po dati noong ako nasa NGO. Dito ka, akyat ka dito.

    "Wala pang research title for Leni." Oh, tulungan niyo, tulungan niyo. "VP Leni, kung ikaw ang Pacific Ocean, okay lang tangayin sa gitna ng karagatan dahil alam namin na lulunurin mo kami ng inyong pagmamahal." "VP Leni, tulungan mo naman kami. Student namin, may hospital bill na malaki, baka puwede naming ilapit sa OVP." Puwede, meron po akong dalawang staff na kasama, taga-dito sila sa inyo. Nasaan na si Apple saka si April? 'Yung kailangan ng tulong sa hospital bill, dito po. Si Apple taga dito, aasikasuhin kayo.

    "Nasa tamang tao na, nasa tamang presidente pa, pa-selfie." Lapit dito. "#PinayaganAkoNiMama." "Pink of the family for Leni." "VP Leni, pa-picture naman." Dito po. "VP Leni, di po ako hihinga hanggat hindi po kayo nagpa-picture sa akin." Baka malagutan ka ng hininga. "Future educators for Leni." "VP Leni, kahit mahal ang gas ihahatid kita sa Malacañang Palace." "Mga iginapang ang BSA for Leni."

    Meron pa ako isang ka-birthday, ano 'yun? "April 23–" Ano 'yung nakasulat? Magka-birthday po tayo. Nasaan na isa kong ka-birthday? Ayan, lapit po dito, lapit ka din dito. "Couples for Leni." Sinong ka-couple? Kayong dalawa 'yung magka-couple? Buti pa 'yan, sana all. "Are ay kulang 18 hours, gawing six years." "VP Leni, pa-autograph." Nasaan 'yung pangpirma natin? "Tanggal ang angas ko pag na-shoutout ako ni VP Leni." Wag nang maangas ha? "Ikakagalit ba ni Natoy kung mas mahal kita?" Sino ba si Natoy? Ah, character ni Zanjo? Oh, okay. Hindi na ako nakakapanood. Nako-cover po 'yung iba. Ito, "Senator Kiko Pangilinan, hindi dapat sayangin, hindi dapat iwanan." Correct. "Anak ng BBM supporter for Leni - Baler Chapter." Oh, 'yung mga members niyo ay may assignment sa atin."

    "Steady–” Ano ito, steady na– ay oh my God. “Steady na panga para sa steady na ekonomiya." Kayo ha. "Leni muna bago research." Naku. "Di uso ang roar sa Aurora." "Hindi pa makapaglaba for Leni." Puwede na po, patapos na tayo. "Mga babawi next sem for Leni." "Psych students for Mareng Leni." Ayan, sandali lang po, magpipirma lang tayo. "Doon tayo sa may konkretong plano para sa Pilipino, hindi puro drawing lang - BS Archi for Leni." Maraming salamat. "Fur moms for Leni." "Maligayang pagbabalik sa lalawigan ng Aurora."

    Ano 'yun? Medic? Medic, medic. May tubig kayo diyan? Medic, medic. Ayan, tatapusin na natin ito kasi masyado nang mainit, kawawa naman kayo. Ito, "Anak ng COA Auditor for Leni." Maraming salamat.

    Maraming salamat po sa inyo. Mabuhay po kayong lahat.
    [END]

    Posted in Transcripts on Apr 09, 2022