This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Binalbagan City Rally

    Message of Vice President Leni Robredo at the Binalbagan City Rally
    Grounds, BCC, Binalbagan City, Negros Occidental


    [START 00:26]

    VP LENI: Maraming salamat! Kumusta kayo lahat? Magandang hapon Binalbagan! Ayan, kahit napaka init ng panahon, nandito kayo mainit pa din ang pagtanggap. Maraming maraming salamat. Marami na kaagad messages. "Calufa Association" "Kabungbungan–” ano 'yan? "[inaudible 00:00:58] United Ffarmers and Farm Workers Association." "Thank you ma'am Leni for the Angat Buhay program," maraming salamat po. Ano ito? "Maghimakas ta Asosasyon for Leni " "Talaptap La Castellana,” maraming salamat.

    Ayan, "Mga na-ghost for Leni," Huwag pumayag ma-ghost, ipaglaban lagi. "Dating apologist for Leni." "Teachers for Leni." "Farmers for Kiko, Farmers for Leni." "Mga palamunin for Leni," maghanap na ng trabaho para 'wag na palamunin. "Mga poging bading for Leni." "Himamaylan youth for Leni," galing pa lang ako sa inyo kanina. "Maria Leonor Santo Tomas Gerona, will you marry our country?" "Catholic school teachers for President Leni." "Mga conyo for Leni, let's make panalo na this." "Kulay rosas ang–?"

    [crowd responds]

    "Medyas!" "Sad girls for Leni." "Sa gobyernong tapat, salamat na lang sa lahat-lahat." "Mas radikal ang gugma kaysa sa kuwarta." Hindi ko nababasa 'yung iba, pasensya na po dahil sa payong, hindi ko na nababasa." "Kabataan ng Binalbagan para kay Leni." "Babae ang susunod na presidente." "Negros for Leni." "Lovable, excellent, noble, I miss you." "Cuties for Leni." "Masayang–" ano 'yang sabi mo? "Masayang makita si VP–" ano ito? "Pero masaya akong uuwing may bebe." Grabe naman, ganoon ba– ganoon ba kayo katagal naghintay dito nakanap ka kaagad bebe? "Singles for Leni." "Mga nag-settle sa walang label for Leni." "Para lang kay Leni ang una kong boto." Sino po 'yung mga boboto dito for the first time? Ayan. 'Yung mga– 'yung mga boboto for the first time 'wag sayangin ang boto.

    "VP Leni pa-picture," mamaya. "Idol VP Leni, puwede pa-selfie? From La Castellana," mamaya din, umusog na po dito. "Leni-Kiko– " teka, "[speaks in Bisaya 4:08 - 4:22–]" hindi ko, ano yun? Ito, merong– merong mensahe dito, "Kalma– ang boto ko ay kulay rosas, kalma 16% lang kami." "[Speaks in Bisaya 4:47 - 4:53–]" ano 'yon? "[Speaks in Bisaya 4:54]" tama ba? Tama ba 'yung basa ko? "Matamis ang tubo pero mas matamis pag si Leni nanalo." "Leni, ikaw ang among paglaum." "Bayots for Leni." "Not all heroes wear capes, some wear pink." "Pink ang– pink ang [speaks in Bisaya 5:26 - 5:28], Talaptap La Castellana." Sen. Kiko may tanong sa'yo dito, "Boss Kiko, kumain na ba si Donny?"

    "VP Leni, pa-sign po," nako sinulatan niyo 'yung gitara niyo. Mamaya, mamaya 'yung iba para mabasa natin. "Hell hath no fury like a woman reborn." "Ang dami mong sabi VP Leni, ikaw na lang kaya mag-presidente." "Nandito kami because in the difficult moments, we show up." "Antukin pero pupukawin ang natutulog pang lakas." "Hindi nababayaran ang–" ay na-cover po. "Tarot readers for Leni: Sabi sa aking baraha, mananalo ang babaeng Bicolana." "Hindi nababayaran ang galing, talino at puso." "Ayaw daw nila sa 18 hours, gawin nating six years." "Pag-inggit, Pink-it!" Ano ito? "Holy click–" ba ito? "Holy click for Leni." "Crammers for Leni." "Future educators for Leni." Ano 'yun? Ano 'yun? "BCC–?" "BCC for Leni." "Mga baliw kay Attorney Luke Espiritu for Leni." "May mga online class later for Leni," bilisan na natin kasi bawal mag-absent.

    Ayon. Maraming salamat- po na kahit napakainit, naghihintay kayo dito. Makikita ba namin kayo sa Bacolod? Ayan, pagkatapos dito punta na kayo ha? Ayan, alam niyo po– pa-picture, Oo pa-picture pero, magme-message muna ako nang sandali kasi kukunin ko 'yung apgkakataon na kasama ko kayong hapon.

    Madalas po akong pumunta sa Negros Occidental pero bihira akong magawa dito sa inyo sa Binalbagan. Kaya ngayon na nandito ako, gusto ko pong magpasalamat na kahit wala kami ni senator Kiko dito, ang dami na sa inyong nagvo-volunteer para sa amin. Ito po 'yung pagkakaiba ng eleksyon na ito, di ba? ilan ba dito 'yung ngayong lang nag-active sa kampanya? Marami di ba? Marami 'yung nag-aactive sa kampanya ngayon lang at ginagawa natin 'yun kasi naiintindihan natin na napakahalaga ng eleksyon na ito dahil 'yung eleksyon na ito, hindi natin pinagdedesisyunan lang 'yung type natin na kandidato. Pero ang election na ito ang makakapagsabi kung anong landas ang tatahakin ng ating bansa in the next six years. Kaya dapat, 'yung mga i-eelect natin, shini-share natin 'yung aspirations saka values nila, di ba?

    Marami sa inyo dito mga teachers, mga estudyante, ang pinag-aaralan natin 'yung mga mabubuting mga aral na bigay sa atin ng kasaysayan. Ang pinag-aaralan natin na ang pamamahala, kailangang matapat parati. Ang gusto natin, mga public servants na matitino at mahuhusay at alam natin na pag ang public servants hindi matitino at mahuhusay, hindi natin mapagsisilbihan nang maayos ang ating bayan, di ba? Pero, pag panahon ng eleksyon, marami kasing manliligaw sa atin at 'yung mga manliligaw sa atin, 'yung pinakamatatamis na salita ipaparinig sa atin. So ang pakiusap natin, bago natin ibigay ang ating matamis na oo, pakinggan muna natin sila pero lampas pa sa pakikinig sa kanila, tingnan natin kung meron silang track record.

    Pag sinabi nila na “Galit kami sa korapsyon,” dapat may resibong ipapakita sa atin. Baka naman galit sa korapsyon pero napakaraming kasi tungkol sa korapsyon. Kami po ni Senator Kiko, parehong hindi man lang nadawit sa kahit anong anomalya sa mahabang panahon ng panunungkulan namin. Kami po sa Office of the Vice President, mahaba po 'yung resibo namin na anti-corruption 'yung isa sa aming mga priorities. Tatlong sunod sunod na taon, nakukuha po namin ang highest COA audit rating dahil, malinis ang aming pamamahala. Sinisiguro po namin na 'yung pera ng taumbayan, mapupunta sa tao kung saan niya dapat tulungan. Kaya po kahit maliit lang 'yung aming budget, marami kaming natutulungan. ayun, 'yung La Castellana, meron kaming proyekto sa La Castellana.

    Marami pong lugar dito sa Negros Occidental na meron po kaming proyekto. Meron po kami ilang proyekto sa Hinoba-an, meron po kami sa Sipalay, meron po kami sa Cauayan para sa mga mangingisda, meron tayo sa Kabankalan, meron tayo sa Himamaylan. Marami po tayong mga– halimbawa noong pandemic, dito nagbigay po tayo ng regularly ng mga PPE sets saka medical supplies. Papaano po namin 'yun nagagawa kahit maliit 'yung budget namin? Dahil maayos po 'yung paghawak namin ng pera. Kung walang perang napupunta sa korapsyon, mas maraming matutulungan. As Vice President, kahit po kakaunti 'yung mandato namin saka pera, andami naming nagawa lalo pa pag binigyan tayo, mas malaking pagkakataon maging pangulo.

    Pero 'yung sa akin lang po, dahil kayo 'yung may access sa maraming information, di ba? Hindi lahat ng kababayan natin may access sa maraming information. kaya marami po tayong mga kababayan na naniniwala pa sa disinformation. Pagtulong-tulungan po natin. Hindi po tayo makikipag-away sa Facebook, pero pagtulong-tulungan natin na 'yung mga nakikita nating naniniwala sa fake news, baka po puwedeng tiyagaan natin para ipaintindi sa kanila na hindi totoo 'yung kanilang mga nababasa. 'Yung kasinungalingan, palitan po natin ng katotohanan, puwede ba 'yun?

    Nakita po namin everywhere we go, kanina po nagsimula po kami sa San Carlos, pumunta kami ng Sagay, pumunta kami ng Kabankalan, pumunta kami ng Himamaylan, andito na kami sa inyo ngayon, pagkagaling dito dadaan kami ng Hinigaran. Pagkagaling ng Hinigaran, dadaan kami ng La Carlota bago pumunta ng Bacolod pero lahat pong napupuntahan namin, ramdam na ramdam namin 'yung energy ng tao.

    Kahapon po, kahapon po nasa Romblon kami, ganoon din. Noong isang araw po, nasa Agusan Del Sur at Agusan Del Norte kami, akala namin wala na doong volunteers, ang dami pala. Bago po niyan, nandoon kami sa Surigao Del Sur, Surigao Del Norte, napakarami ding mga volunteers. Pag kaya po natin at ma-sustain ang energy na ito hanggang May 9, malaki po 'yung pag-asang mananalo tayo. Kaya po sana 'yung sigasig niyo ngayon, hanggang May 9 na sana ito. Pagtulong-tulungan po nating iahon ang ating bansa para 'yung pagbabagong matagal na nating gustong makamtan, maramdaman na natin, puwede ba 'yun? 59 days to go, kaya? Kaya. Pag kaya ang sunod namin balik, magvi-victory party na tayo. Maraming salamat, mabuhay po kayong lahat.

    [END 00:14:42]

     

     

    Posted in Transcripts on Mar 11, 2022