This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Bislig People’s Rally

    Message of Vice President Leni Robredo at the Bislig People’s Rally
    Bislig City Cultural and Sports, Center, Bislig City, Surigao del Sur


    [START 00:00:33]

    VP LENI: Maayong aga, Maayong Buntag Bislig! Kumusta kayo lahat? Ayun, ang aga-aga, mataas na kaagad 'yung energy level. Ayun, bago lang po ako magpatuloy, ang aking pagbigay galang, kasama po namin si Mayor doon sa kabilang okasyon, doon sa Women's Month Celebration pero babatiin ko na din, Mayor Enchong Garay pati po si Board Member Margarita Garay, maraming salamat po. Nandiyan na pala si ma'am, nandiyan na pala si ma'am, magandang umaga po. 'Yung atin pong mga councilors, Councilor Castillo, Councilor Corvera, Councilor, Casas, Councilor Alviso, Councilor Alvar. Nandito din po 'yung mga barangay captains ng Bislig saka mga barangay officials, maayong aga po sa inyong lahat. nandito din po 'yung mga barangay health workers naatin, magandang umaga din sa inyong lahat.

    Magandang umaga din po sa ating mga volunteers na andito sa pangunguna po ni Edwin, si Edwin Roble ang ating people power volunteer for reform. Nandito din po si Henry Laroya, maraming salamat. Nandito din si Kristy Evangelio ng Bislig for Leni, maraming salamat po. Si Raul Roldan, Bayani Ampon ng Youth for Leni Bislig. Nandito din 'yung Robredo People's Council ng second district ng Surigao del Sur. Nandito din po 'yung mga Bisliganons for Leni, nandito 'yung iba't ibang chapters ng Youth for Leni, nasaan po 'yung Youth for Leni Bislig? Nasaan 'yung Youth for Leni Lingig? Youth for Leni Hinatuan? Youth for Leni Barobo? Youth for Leni Tagbina? Nandito din po Women for Leni. Happy Women's Day po sa lahat ng kababaihan na nandito ngayon. Nandito din 'yung Senior Citizens of Bislig City, magandang umaga po sa inyong lahat. Nandito 'yung LGBT Bislig Agaha, nasaan kayo?

    Ayan, nandito po binabasa ko galing sa malayo, Ako Padayon Pilipino. Maraming salamat Philreca Partylist, kaibigan po natin sila. Marami din na mga signs na andito, "Hindi po kami bayad." "Manifesting Leni Sunbaenim." Ano 'yan? "Second wins santwice." "F the patriarchy, panalo si Leni." "Swifties for Leni." "Leni-Kiko, pa-picture." Sure, mamaya. "Lingig Youth for Leni." "First time voters for Leni." Sino 'yung mga first time voters dito? Ayan, marami. Naku, "Flat chested for Leni." "Kakain na lang ng lugaw kaysa bumoto ng magnanakaw." Kayo may sabi niyan ha? "Gobyernong tapat cutie." Nasaan? Tignan ko nga kung cutie talaga, oo naman. "Took a leave, show my support for Leni-Kiko." Naku, absent ka ngayon, maraming salamat pero huwag parating gagawin ha. "Pirme tulog pero mata sa kamatuuran." Maraming salamat. "VP Leni, abtikay, mistuhay, hayahay ang buhay." "Mga crammer for Leni-Kiko." Naku, ano ito? "I'm waiting for it, the pink light I want it na." Parang pinaganda mo ako diyan ha? "Mga gwapa for Leni-Kiko." "Abante Babaye." "Atong barugan ang dili daotan." "I once believed Love would be burning red but it's all pink." [crowd cheers]

    Ayan, "Pink [inaudible 00:05:18] for Leni." Naku, pasensiya na po kayo. "Dili me bayaran, period." "Mga kulang sa tulog for Leni-Kiko." Sino mga kulang tulog dito? Pare-pareho tayo. Ayan, "Wala ni abot og five feet para kay Leni-Kiko." "Depressed Scholars for Leni-Kiko." Ayan okay yan ha, "Gobyernong tapat, glow up lahat." Oh eto, "Enchanting Hinatuanons diri matulaw sa pag-barog diri musibog sa pag-indog para kang Leni for President." Maraming salamat. "EXO-L for Leni." Ay andito na pala si Mayor, Mayor magandang umaga po. Palakpakan po natin si Mayor Enchong. "Mga late comers for Leni." "Seniors for Leni." "Anak ng BBM supporters for Leni." Ayan, may assignment kayo ha? May assignment kayo. Ah eto, pakinggan niyo ito, pakinggan niyo ito ha at sumunod kayo, "Leni muna bago landi." "#BayotsFullSpport."Sa gobyernong tapat, kawatan may katapat." "May panininang, may paninindigan." "Who run the world? Girls." Ayan, Women's Day ngayon. "Leni, ang tanging ina." "Mga LenKi kami, #LeniatKiko." "Bayots for Leni." Grabe effort nito, "President Leni Robredo hindi Robredon't." "The future is female." "My favorite F word is Female." Ano ito? "Walang unity unity for today's video." Ano 'yan? "Pag inggit, pink it." "Di baleng broke basta kay Leni, woke." Ayan, maraming salamat. "Leni, ikaw na g'yud ang pag-asa namin." Naku, "Absent sa klase, present kay Leni." Mapapagalitan ako ng teacher niyo. "Nagpaa over nagbulsa." [crowd cheers]

    Ayan, alam niyo, pangalawang pagkakataon pa lang na nakabisita ako dito sa Bislig kaya hindi ko alam kung ano 'yung aasahan namin, dahil bihira po kaming magawi dito. Hindi po namin alam kung kumusta kayo pero noong dumating kami at nandiyan kayo at sobrang init ng pagtanggap niyo sa amin talaga pong masaya sa pakiramdam. Ito may "Lasallians for Leni dito." Ayan, pero ito po gusto kong magpasalamat. Alam ko, halo-halo tayo dito merong mga seniors, merong mga kapareho kong edad, mga lalaki, maraming mga babae kasi women's day ngayon pero karamihan, mga kabataan. Karamihan mga kabataan at marami po kaming pinupuntahan, binibista, halos lampas kalahati mga kabataan. [crowd cheers]

    At ito po, alam niyo po kami ni Senator Kiko halos magka-edad po kami, halos magka sunod kami noong college. Noong pa-graduate na kami, pa-graduate na po ako ng college 1986 'yun, 'yun 'yung panahon ng People Power revolution. Noong mga taon bago mag People Power revolution, ganito din 'yung nakikita namin. Mga kabataan na nagdedesisyon na nasa kamay nila ang kapangyarihan at nasa kamay nila 'yung paghingi ng pagbabago sa pamamahala dito sa atin.

    Kaya ngayon po, everytime nakikita ko 'yung mga bata katulad niyo na sobrang sigasig, nabibigyan kami ng pag-asa dahil alam niyo po, alam niyo naman siguro nagfe-Facebook naman kayo di ba? Nagyu-Youtube ba kayo? Nagti-Tiktok kayo? Kung nandoon po kayo sa mga social media platforms na 'yun, alam niyo na ang dami kong bashers. Di ba, nababasa niyo ba 'yun? At sobrang dami ng fake news laban sa akin mula pa po ito noong 2016 noong ako kumandidato bilang Vice President. Ang pinakauna pong sinabi sa akin, nandaya daw ako noong eleksyon. Pero nagkaroon po ng kaso sa Supreme Court at sinabi po ng Supreme Court ang boto po 15-0. Ang sinabi sa Supreme Court, hindi totoo na nandaya ako.

    Pero kahit po sinabi na 'yun ng Supreme Court, patuloy pa din 'yung mga fake news, patuloy pa din 'yung bashing. HIndi lang po na nandaya, kung anu-ano 'yung sinasabi sa akin. Di ba, nakita ko nga "Leni Lugaw". Ano ba 'yung nababasa niyo laban sa akin? "Lutang". Ano pa? "Bobo", di ba? Kung anu-ano 'yung sinasabi pero alam niyo-- alan niyo kung sino nagsabi, ah. Pero alam niyo po kung napapansin niyo, kahit pa po binash tayo nang binash over the course of the six years, hindi po natin pinansin 'yun. Nagtrabaho lang tayo nang nagtrabaho. 'Yung opisna po namin, 'yung Office of the Vice President, napakakonti din 'yung aming budget, pero siniguro po namin na kahit konti 'yung budget namin marami kaming natutulungan.

    Pagka-upo pa lang po namin noong 2016, sinimulan po namin 'yung programa namin na Angat Buhay. At pag tinignan niyo po 'yung listahan ng Angat Buhay Projects namin sa buong six years, ang majority po noon andito sa Mindanao. Iba-iba po 'yung mga projects pero 'yung pinupuntahan po namin, kung ano 'yung pangangailangan, kung saan nagkakaroon ng krisis at sakuna, kung saan kami makakatulong.

    Kaya halimbawa po, marami po kaming projects sa Lanao del Sur dahil noong nagkaroon po ng Marawi Siege, tinulungan po namin hindi lang 'yung Marawi pero 'yung mga karatig na mga municipalities around Marawi. Marami din po kaming mga programa sa Basilan, may mga programa kami sa Sulu, may mga programa po kami sa Zamboanga Sibugay, meron kami sa Zamboanga del Norte, meron po tayo sa Bukidnon, meron kami-- marami po kaming programa sa Veruela sa Agusan del Sur.

    At 'yung lahat pong mga sakunang dumaan dito, lagi pong may team kami na pumumunta dito. Halimbawa. 'yung sunod-sunod na lindol, 'yung sunod-sunod na bagyo. Noong December lang po hanggang January dito sa Surigao saka Siargao tatlong beses po ako bumalik dahil sa typhoon Odette. Noong pandemic naman po, halos lahat na ospital dito po sa buong Mindanao, talagang pinapadalahan namin on a regular basis ng PPE sets saka ng medical supplies.

    Pero bakit ko po ito kinukuwento sa inyo? Kasi sinasabi po natin, "gobyernong tapat, angat buhay lahat". Naipakita po namin ito sa Office of the Vice President na kahit kaunti 'yung aming pera, dahil walang perang napupunta sa korapsyon, marami kaming natutulungan. At 'yun po 'yung pinapangako namin sa inyo. Ang pinapangako po namin sa inyo na isang gobyernong tapat, kung saan 'yung mga public servants na ma-eelect ninyo ay matitino at mahuhusay para marami 'yung natutulungan, walang naiiwan sa laylayan.

    Lahat po kaming kandidato, gaya ng sabi ni Senator Kiko, ang panahon ngayon panahon ng panliligaw. Marami pong pupunta dito sa inyo liligawan kayo para makuha nila 'yung boto niyo. Lahat po magsasabi: "Ito 'yung gagawin ko sa inyo. Mahal ko 'yung mahihirap". Pero kayo, lalo na 'yung mga kabataan kasi mga first time voters, huwag po tayong basta-basta maniniwala. Pag merong pangako, hingian po natin ng resibo na noong wala pang eleksyon, ano ba 'yung ginawa nila para sa inyo?

    Kami po, napakahaba na ng listahan ng aming ginagawa may eleksyon man o wala. Kaya sa amin po itong pag-iikot namin, maliban sa pagpangako namin sa inyo na kapag kami binigyan niyo ng pagkakataon, maninilbihan kami ng tunay, punong-puno po kami ng resibo. Pag sinabi po namin na galit kami sa korapsyon, ang resibo namin taon-taon kami 'yung nakakakuha noong highest COA audit rating. Pag sinabi po naming paghuhusayan namin 'yung aming panunungkulan, marami po kaming resibo dahil marami po kaming awards sa aming opisina. Meron po kaming ISO Certification, meron po kaming recognition galing sa Civil Service Commission, 'yung mga programa po namin laging nakakasali sa mga outstanding government programs. So, hindi lang ito pangako. Hindi po ito lista sa tubig kung hindi lahat na pangako meron kaming resibo.

    Meron na lang pong 63 days bago mag-eleksyon kaya siguro itatanong ko, lalo na sa mga kabataan 'yung sigasig ba na pinapakita niyo ngayon hanggang eleksyon kaya ang sigasig na ito? Pag tinignan po natin 'yung kasaysayan sa buong mundo, halos lahat ng pagbabago nag-uumpisa sa mga kabataan. Kaya sana po hindi niyo maramdaman na hindi niyo pa panahon ngayon, ang panahon niyo sa susunod pa. Hindi po 'yun totoo. Ang panahon niyo ngayon na. Kaya huwag niyong hahayaan na magkamali kayo sa eleksyon dahil ang pinagbobotohan po natin ngayon hindi na lang tungkol sa mga sino 'yung mas gusto nating kandidato. Pero 'yung bobotohan po natin, anong klaseng gobyerno 'yung mamumuno sa atin in the next six years.

    Pag sinabi po namin na ang programa namin para sa mga kabataan, hindi magiging hadlang 'yung kahirapan para magkaroon kayo ng de kalidad na edukasyon, marami po kaming resibo noon kasi programa na namin 'yun ngayon. Ang programa po natin para sa lahat: sa kalusugan hindi magiging hadlang 'yung kawalan ng pera para hindi po natin makamtan 'yung medical services na kinakailangan natin. 'Yun po meron na kaming resibo dahil ginagawa na namin 'yun ngayon under po sa aming Medical Assistance Program.

    'Yung sentro po ng programa natin, trabaho para sa lahat kasi 'yun 'yung magbibigay ng dignidad sa bawat isa. Hindi po 'yung lahat binibigay pero sinisiguro natin na magkakaroon ng de kalidad na trabaho lahat. Ano 'yung resibo? Ginagawa na po namin ngayon, ipagpapatuloy lang. Kung ngayon pong Vice President ako na kakaunti 'yung pondo namin, kakaunti 'yung kapangyarihan marami kaming nagagawa, ano pa kaya pag Presidente na?

    Kaya ito po, nagpapasalamat po kami sa inyo. Dalawang araw po kaming iikot sa CARAGA. Pagkagaling po dito lilipat po kami ng Tandag. Pagkagaling pong Tandag ay pupunta po kami sa Surigao City. Bukas naman po, Agusan del Sur saka Agusan del Norte kami. Pero pag-alis po namin dito baon po namin 'yung mainit niyong pagtanggap sa amin. Ito po 'yung magbibigay sa amin ng lakas at inspirasyon sa susunod na mga araw kaya maraming-maraming salamat po sa inyo. Hangad po namin lagi 'yung kabutihan, hindi lang ng lugar pero ng bawat isa sa inyo. Kaya mabuhay po kayo, maraming-maraming salamat.

    [END 19:46]

     

    Posted in Transcripts on Mar 08, 2022