This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Ca10dungan Para Ki Leni: Catanduanes Grand Rally

    Message of Vice President Leni Robredo
    at the Ca10dungan Para Ki Leni: Catanduanes Grand Rally
    Virac Town Center Metrowalk, Virac, Catanduanes

     

    Start at 00:50

    00:50 – 04:03
    Magandang gabi sa inyong lahat! Magandang gabi, San Andres. Magandang gabi, Caramoran. Magandang gabi, Bato. Magandang gabi, Viga. Magandang gabi, Pandan. Magandang gabi, San Miguel. Magandang gabi, Baras. Magandang gabi, Bagamano. Magandang gabi, Panganiban. Magandang gabi, Gigmoto. Lahat ko na po kayong nabanggit. Ayan, bago lang ako magpatuloy, ang aking pagbibigay galang sa aking mga kasamahan sa taas, sa pangunguna po ng ating minamahal na gobernador. Palakpakan po nating lahat si Gov. Boboy Cua. Kasama rin po natin ang ating ipinagmamalaking Bikolanong dumayo pa sa Virac. Palakpakan po natin si Gov. Joey Salceda ng Albay. May fans ka dito, Gov. Magandang gabi rin po sa ating San Andres mayor, and LP president ng Catanduanes, Mayor Peter Cua, salamat po. Mayor Johnny Rodolfo, Mayor Olog Tabligan. Nagpapasalamat din po ako sa organizers na nag-asikaso, si JR Cua at si ma’am Selina Cua. Ang atin pong mga members ng Catanduanes Board of Directors, ang iba pang mga mayor at local officials, ang atin pong mga barangay captains at iba pang mga barangay officials, sa mga iba’t ibang grupong nagtulong-tulong para po maipagpatuloy ang okasyong ito. Catanduanes for Leni, salamat sa inyo. Catanduanes Youth for Leni, Solid Leni Bicol – Catanduanes, Leni Is Our President, Bugkos-Catandunganon, Ahon Laylayan Coalition, Leni Para Sa Lahat – Caramoran, Doctors for Leni – Catandunganon. Ayan…ano? Anong sabi niyo?

    04:08 – 05:51
    Ang ipapakiusap ko lang sa inyo, ang malaking pakiusap ko lang sa inyo, hindi lang po Leni Robredo for President, kundi Kiko Pangilinan for Vice President. Sa lahat ng Lening isusulat, dapat karugtong din nito si Kiko. Ipapakiusap din po natin ang ating senatorial candidates. Ngayon pong araw, kasama po natin si Sen. Dick Gordon. Tulungan din po natin ang isa pang Bikolana sa Senado. Mayroon po siyang representative ngayon, Sen. Leila de Lima. Represented din po ngayong gabi, Atty. Sonny Matula. Isa pang Bikolano, Sen. Sonny Trillanes. Tulungan din po natin, Sen. Risa Hontiveros. Tulungan din po natin, Atty. Alex Lacson, Cong. Teddy Baguilat, at Dean Chel Diokno.

    05:57 – 08:07
    Ngayon po, isang napakalaking pagkakataong mayroong isang Bikolanang tumatakbo at pwedeng maging presidente. Alam natin kung anong ibig sabihin niyan para sa Bikolandia. Alam natin kung anong ibig sabihin niyan para sa Catanduanes. Ang Catanduanes, bihirang bisitahin. Kapag ang nasa Malacañang ay isang Bikolana, mas mabibigyang atensiyon ang ating mga pangangailangan. Pero ang akin lang po, ang akin lang, sana tutulungan niyo ako hindi lang dahil sa Bikolana ako, kundi pag-aralan niyo kung ano ba ang aking track record. Tanungin niyo ang inyong sarili: nung wala pang eleksyon at hindi pa ako kandidato, naiisip ko ba kayo? Nung wala pang eleksyon, nabibisita ko ba kayo? Dahil kapag eleksyon, maraming mga kandidatong pupunta dito para ligawan kayo. Lahat mangangako, lahat mangangakong gagawin ang lahat upang mapabuti ang inyong mga buhay.Pero ang aking pakiusap sa inyo, huwag tayong basta-basta magtitiwala. Sa mga kandidatong nagpapakita lang sa atin kapag nangangampaniya…mag-isip-isip nga tayo. Dapat kapag narito sa harap niyo ang isang kandidato, hihingin ang inyong boto, ang dapat niyong itanong: Nasaan kayo nung kami ang nangangailangan sa inyo?


    08:12 – 16:04

    Alam po nating ang nakaraang anim na taon, napakaraming krisis ang pinagdaanan ng Catanduanes. Naaalala kong ilang buwan pa lang akong Vice President, tinamaan kayo ng Typhoon Nina. Ewan ko kung alala niyo pa yun. Nung Typhoon Nina, pumunta ako dito. Pumunta ako nung bumagyo…nung bagyo mismo. Alala ko, tumama ang Typhoon Nina nung Christmas. 2016. Pagkatapos ng Christmas, nakita ko ang danyos. Ilang beses pa po akong bumalik dito pagkatapos ng una kong punta upang bumisita. Bumalik ako upang magdala ng tulong. Doon kina Mayor Goste, galing ako sa San Andres. Nakita ko ngang may nagpapasalamat sa sea wall. Naglagay po tayo ng sea wall sa San Andres pamalit sa nasira ng Bagyong Nina. Naalala ko, sa Bato ata yun, nagpagawa tayo ng mga classrooms, nagbigay tayo ng tulong para sa shelter repair. Kahit na maliit lamang ang ating pera, nahahanapan po natin ng paraan. Hindi ba mayroong kasabihang, “Kapag gusto, palaging may paraan.” Hindi hadlang ang kawalan [ng pera] upang makatulong. Ang sunod-sunod kong pagpunta dito pagkatapos ng Typhoon Rolly, pagkatapos ng Typhoon Ulysses. Ako, aaminin ko sa inyo. Isang araw, pagkatapos tumama ng Typhoon Rolly ay narito na po ako. Nakita ko kung gaano kalala ang danyos dito sa inyo. Dito lang sa Virac, nakita ko paglabas sa airport kung gaano kalala. Nakakalungkot. Nagdala na po kami ng relief goods noon pero hindi pa nagtagal ay tumama na naman ang [Typhoon] Ulysses. Muli kaming bumalik agad pagkatapos ng Ulysses. Iba’t ibang klaseng tulong ang ating dinala. Hindi lamang mga relief goods, kundi ang iba pang pangangailangan upang maayos muli ang mga bahay ng mga apektado. Nang pandemic, tuloy-tuloy po ang pagpapadala namin dito ng mga PPE sets, mga medical supplies hindi lang sa mga ospital dito sa Catanduanes, kundi sa mga LGUs, sa mga barangay health centers, kahit sa mga RHU, dahil nung panahong iyon ay kulang sa supplies. Nang nagsara ang mga paaralan ay nagbukas tayo dito ng tatlong community learning hubs na nilagyan natin ng mga computers at binigyan natin ng mga trained tutors. Hindi ko alam kung may mga trained tutors dito. Maraming salamat sa inyong pagvolunteer upang ang mga kabataan, kahit sarado ang mga paaralan, ay may mapupuntahan pa rin upang magpatulong sa kanilang pag-aaral.

    Pero bakit ko po ito sinasabi sa inyo? Sinasabi ko ito sa inyo dahil kapag magdedesisyon tayo sa eleksyon, ang basehan ay hindi lamang ang mga nagawa kapag kampaniya. Pero ang dapat na basehan, “Ano ba ang nagawa namin lalo na nung wala pang kampaniya?” Ito pong mga nagawa namin dito, ginawa po nating hindi sukat akalaing tatakbo tayo bilang Presidente. Itong mga nagawa natin dito ay labas pa sa panahon ng kampanya. Ang pasok lang sa kampaniya ay nito lang December. Nung December ay bumalik ako dito dahil meron tayong Vaccine Express. Katulong po natin ang Municipal Government ng Virac upang maroll out ang Vaccine Express, upang mapabilis ang pagbabakuna sa inyo.

    Pero ang dapat na hinihingi natin sa mga kumakandidato, ay isang tunay na pagserbisyo. Ano ang ibig sabihin ng Gobyernong Tapat? Gobyernong Tapat na Mag-aangat ng Buhay ng Lahat. Kapag sinabi po nating “Gobyernong Tapat,” isang gobyernong malinis at magaling, mga public officials na hindi kurakot. Ang amin pong opisina, kahit konti lamang ang budget, ay maraming natutulungan. Ito ay dahil walang napupunta sa korapsyon. Si Sen. Kiko po, matagal nang nagsisilbi sa bayan pero may narinig ba kayong nainvolve ang kaniyang pangalan sa anumang anomalya? Wala po kayong narinig dahil malinis ang kaniyang record para sa inyong lahat. Ang Office of the Vice President po, hindi lang kami ang nagsasabing malinis kami, COA na mismo. Sa sunod-sunod na taon, nakukuha namin ang pinakamataas na COA Audit Rating. Ibig sabihin, malinis ang aming pamamalakad. Inaalagaan namin ang pera ng gobyerno. Ito po dapat ang ating hinahanap dahil kapag namali tayo ng pipiliin, sino ang lugi? Tayo rin lang. Kapag may hindi magandang record ang ating pinili, tayo rin lang ang lugi.

    Ngayon po, napakaraming fake news sa Facebook, sa Youtube, sa Tiktok. Dapat matuto tayong kilatisin kung ano ang dapat paniwalaan. Kapag may nakikita tayong kasinungalingan, imbes na makipag-away tayo, dapat ay pinapalitan natin yan ng katotohanan dahil kapag ang iba ay walang pagbabasehan ng impormasyon, marami ang naniniwala kaagad sa kanilang mga napapanood. Kaya ang hinihingi ko sa inyo, pagtulungan natin. Dahil kapag nagkaroon ng Bikolana sa Malacañang, maraming masasagot na pangarap ng mga Bikolano.

    16:11 – 18:26
    Ito po, nagpapasalamat ako sa inyo dahil, sabi po ni Cong. Boboy, ang iba sa inyo ay narito na kaninang umaga pa lang. Alam kong ang iba sa inyo ay malayo pa ang pinanggalingan. Babalik-balik po ako dito sa Catanduanes. Pero tuwing pumupunta ako sa mga nakaraang taon, tuwing pumupunta ako, palaging may krisis. Kapag pumupunta po ako, bagyo. Palaging pagkatapos ng bagyo. Nung huli kong punta, pandemic. Ang naaalala ko lang na pumunta akong walang krisis ay noong lumaban ang aking anak sa Palarong Bikol. Isang linggo akong nasa Virac, nagbabantay. Nung nagbabantay ako sa anak ko, kandidato na ako noong Congresswoman pero iniwan ko muna. Iniwan ko muna ang aking kampanya para magbantay sa anak ko dito. Naalala ko pang dito na nagbirthday ang anak ko. Isang masayang okasyon para sa Catanduanes. Ang ating panalangin, sana sa susunod na mga araw, ang pagsasamahan natin ay palaging isang masayang okasyon. Sana sa susunod kong pagpunta dito ay victory party na natin. Pero, mangyayari lang ito kapag pinagpaguran natin. Kulang na lang ng isang buwan, eleksyon na. Humuhingi po ako ng tulong dito sa Catanduanes, na sana’y malaking boto po ang makuha ng Leni-Kiko tandem. Pwede ba nating asahan ito sa inyo?


    18:43 – 31:31
    Maraming salamat, Mga Iska para kay Leni-Kiko. Sa bawat Leni sa balota, dapat may Kiko na kasama, Best choice Leni- Kiko. Ano yan? Uya kita sa matino asin malinig [Yes tayo sa matino at malinis]. Accountability, credibility, transparency. I believe in Pink. Dun tayo sa may assurance. Saka na yung tamang tao, kahit tamang pangulo na muna. Pero pwede namang pagsabayin. Isinara ang tindahan para kay Leni-Kiko. Maraming salamat po, wala kang benta ngayon. Sagana ang pamilyang Pilipino sa bigas, isda dahil si Robredo ang pangulo. Magdedefend…magdedefense ng thesis for Leni. Mamatay high blood for Leni. VP Leni, panahon na para tanggalin ang V. VP Leni, payakap naman po, regalo ninyo na sa bday ko. April 19, 2022. Singles for Leni. Tabang VP Leni. Cat Lovers for Leni-Kiko. Mga hindi bayad for Leni. Ay ito, future wife ni Donny Pangilinan. Pambihira. Friend, meron ka pala ditong pamangkin in-law. Ito naman, anak ko na. VP Leni, akin na si Doc Tricia. Hindi mo naman favorite. Mayroon pa akong nakita dito, si Aica ang minimention. Nasaan na yun? Si Leni, presidente ko. Si Aica, crush ko. Umulan man o bumagyo, tatayo kami para kay Leni at Kiko. Why settle for less when we deserve the best? Hindi pa ako botante…uy, ilang taon ka na? 11 years old. Hindi pa ako botante, pero love ko si Leni. Pwede kang mangampanya. Trial guard for Leni. Leni Lead Lawyers. Maraming salamat, Catanduanes. VP Leni, ako si Avic Vera. Kapag nabasa mo ito, makakapag-asawa na ako. [Inaudible 21:40 - 21:42]. May dagdag pa, ninang ka. May nahanap ka na bang asawa? Ang koryente sa Catanduanes parang si ano, laging wala. Student nurse for Leni-Kiko. Reparo [Inaudible 21:11] for Leni-Kiko. Ang boto ko ay kay Leni. Di pilit ang Unity pag leader ay kind and witty. GCs and RPMs for Leni-Kiko. VP, birthday ko po sa 30, baka naman po papicture. Mamaya po. Oh ito, may hugot. Makinig kayo kasi may hinahanap siya. Ang daming for Leni, wala ding for me? Social climbers para kay Leni. Afam hunters for Leni. Nasa tamang tao na ako, tamang presidente naman ang hanap ko. High standards sa babae pati na rin ang presidente. Gagraduate kaming si Leni ang pangulo. Mga may hangover for Leni. Saka na uminom kapag tapos na ang eleksyon. Kapag panalo na tayo, saka na kayo uminom. Board topnotchers for Leni. Ang dami mo pong alam VP Leni. Ikaw na lang kaya maging presidente? Future doctors for Leni. Magbabarkada for Leni. Future Med Techs for Leni-Kiko. We’re all typhoon resilient here for Leni. Ang Kakampinks, parang 203 billion, hindi pa nababayaran. Para sa Catanduanes, Leni tayong lahat. Di bale nang walang bebe, basta manalo si Leni. Aminadong umiiwas sa hugasan pero hindi sa debate. Ano ito, Cabcab (?) Youth for Leni-Kiko. Form Pasig Laban to Catandungan, di kami bayad. Crammers for Leni-Kiko. Bitches for Leni. Kiko, nasaan si Donny? Ba-Youth for Leni. Umulan man, patuloy ang aming suporta sa’yo. Hindi mauubos. Salamat, salamat. Sinong gumawa? Salamat, salamat. Sa gobyernong tapat, may Empi lahat. Squads for Leni-Kiko. Lenlen de sarapen, ipanalo natin. Sa gobyernong tapat, absent sa Gmeet ang lahat. Mga favorite child for Leni. Ano ito? Ang L sa Leni ay love you. Balik ka na, please. Sino kayang pinapatamaan? Ay ito din, may patama, may patama ito. Koryente sa Catanduanes, parang si ano, pawala-wala. Sa gobyernong tapat, kaya kong iwan ang lahat. Above all, elegance sa tapat na governance. Sa bawat Leni, dapat may Kiko. Magaganda for Leni. Sa gobyernong may resibo, sigurado na ang pag-asenso. Coffee is better with Leni. Baka naman po, madam President. Please, tara kape po. Anak ni Leni para kay Leni. Kasama ninyo mama ninyo? Katukayo ko? Nasaan si Leni? Narito? Kay VP lang kami may forever fling. Nagparebook ng flight for Leni. Di baleng walang afam, basta may Leni-Kiko sa Malacañang. Ito, Lasallians for Leni. I bleed green, but vote pink. Boto ng isla is Leni. Oh ito, may promise. Kilalanin ninyo kung sino kasi sisingilin natin. 6 years akong hindi iinom ng alak. Nasaan? Dating BBM, Kakampink na ngayon. Di ko masyadong nakikita ang suot mo, pero kung pula yan, labhan natin lagi para maging pink. Ayos, ayos. Mga wala na sa kalendaryo para kay Leni. Huwag niyo namang pahubarin. Sa gobyernong tapat, mga trapo sa gobyerno mawawala. Malilito sa sched and venue pero hindi sa kandidato. Uy, wow. Crinush back for Leni. Sana all. VP Leni, tara shot. Balita ko, marami ka raw ambag. Ang tara shot, pagkatapos ng eleksyon, kapag panalo na tayo. Swifties for Leni-Kiko. Hindi ako buntis pero nagke-crave ako ng nakaupong Leni for 6 years. Tao po, hindi sibuyas. Leni ang aming presidente. Kapag ito ang nanalo, hindi tayo magsisisi. Pwede pong papicture? Lumapit na po dito ang gustong magpapicture. Madam President, payag ka po bang maging guest speaker sa graduation namin? Payag na payag basta imbitahan ako. Mahirap ang mag-gate crash. Kapag naimbitahan ako, muli akong pupunta dito. VP Leni, taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tulong at sakripisyo para sa Pilipino. I love you. Salamat. Isay scholars for Leni-Kiko. Kung hindi ka para sa akin, kahit kay Leni na lang. Ito na naman, mahilig siguro ang mga Catandunganong uminom. VP Leni, pashot ka naman. Yung kaya akong lasingin ng 6 years. Ang Catanduanes ay para sa gobyernong honest. Mga delikado sa 2nd sem for Leni-Kiko. Mga ‘di takot sa deadlines for Leni. Si VP Leni ay parang abaka, ang useful. Federated Tsismosas of Dimasangca para kay Leni at Kiko. Grabe pala ang mga Marites dito, Federated. Campus Journalists for Leni. Future CPAs for Leni-Kiko. Si Leni ang ating ina pero dun pa rin ako sa anak ni…ano yan? Si Leni ang ating ina, di ko na nababasa ang dulo. Pero dun pa rin ako sa anak ni Tita. Sino yang tita na yan? Sino yang anak ni Tita? VP Leni, kailangan talaga namin dito ng liwanag sa dilim kasi palaging brownout. Ito po…ito lang yan ha. Hindi lang sa Catanduanes ang problema ng brownout kung hindi sa buong Bikol. Kaya po, ‘yan ang isa sa maipapangako kong tututukan natin. Tututukan natin ang problema sa koryente dito sa buong Bicol Region. Ayan, shot na naman. Sa Catanduanes, shot ang aayawan, hindi si Leni na handang magsilbi sa bayan. From Thailand to Catandungan. Kung sa gobyernong tapat, angat buhay lahat, kailan ka uli magchachat? Thank you, maraming salamat. Salamat, salamat.

    31:36 – 32:05
    Alam po ninyo, baliktad na ngayon ang mundo. Dati, ang kandidato ang nagreregalo. Ngayon, ang kandidato na ang nireregaluhan. Kaya maraming salamat sa inyo. Hindi na ako magtatagal, salamat. Leni-Kiko at ang ating senatorial candidates. Mabuhay po kayong lahat.

     

     

     

     

    Posted in Transcripts on Apr 12, 2022