This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo Cagayan de Oro People’s Rally

    Message of Vice President Leni Robredo
    Cagayan de Oro People’s Rally, Divisoria Plaza, Cagayan de Oro City


    VP LENI: Maraming salamat. Maayong gabii, CDO! Nakakagulat naman, gabing-gabi na nandito pa din kayo lahat. At maraming salamat sa napakainit na pagtanggap sa amin ngayong gabi. Ayun, alam niyo po– grabe pa 'yung energy niyo, maraming salamat. Ayon, alam niyo po– alam niyo, lagi naman po akong pumupunta dito sa inyo sa CDO. Parati po ako pumupunta dahil marami po kaming proyekto sa Office of the Vice President dito po sa Northern Mindanao. At bawat punta ko po, bawat punta ko dito, parating napakagandang experience dahil napakababait ng mga tao. Ang dami po sa inyong tumutulong sa amin lagi. Pero ngayon lang po ako pumunta na ganito kayo ka-wild. Bakit kaya?

    Kanina po sabi ko nga lagi naman kami pumupunta dito para sa trabaho. Pero first time na pagpunta ko na official campaign period na. Actually po noong pagka-file ko, pagka-file ko po ng aking candidacy, nandito din po ako noong October kasi nagkaroon po tayo ng Vaccine Express para doon sa mga trisikad drivers. Pero ngayon lang ako bumalik after nag-start 'yung official campaign period at ginulat niyo talaga ako.

    Ang tanong ko po pag tumingin tayo sa paligid, lahat yatang edad represented. Kanina po noong umiikot kami, napakarami pong mga bata na naghihintay. Pero pagpunta ko sa likod, napakarami ding seniors 'yung nakikipagsiksikan. Pero ngayon ang pinaka maingay dito sa harap, mga bata. Ito po huhulaan ko lang. Huhulaan ko po kung bakit ganito kayo ka-passionate. Huhulaan ko kung bakit ganito kataas ang inyong energy. Ang akin pong paniniwala– ang akin pong paniniwala, pareho ko, naniniwala din kayo kung gaano ka-importante itong darating na eleksyon para sa atin lahat.

    Kukwentohan ko lang kayong madali. Alam niyo po, napakarami na ding eleksyon ang pinagdaanan ko. Ako po bilang kandidato ito 'yung pangatlo kong eleksyon, pero bago po ako nagkandidato, 'yung asawa ko anim na eleksyon ang pinagdaanan. Ngayon lang pong eleksyon na ito 'yung pinakakakaiba kumpara po doon sa ibang mga eleksyon. Bakit kakaiba? Kakaiba po dahil tao na mismo 'yung gumagalaw.

    Gusto pong sabihin, dala-dala natin sa ating mga puso at isipan na ang laban na ito, hindi lang po laban ko, pero lalung-lalo na laban niyo din. Ano po 'yung pinapakipaglaban natin ngayon? Hindi lang po ito contest ng mga politiko kagaya namin, pero ngayon po ang pinaglalaban natin, isang klaseng pamamahala at politika na kakaiba na. Pagkakataon na po ang eleksyon na ito para ibahin natin 'yung takbo ng ating politika. Ang atin pong pinapangarap: isang gobyernong tapat, para angat buhay lahat.

    Ano po 'yung gustong sabihin niyan? Pag ang gobyerno po matapat, 'yung ating mga aasahan na public servants matitino at mahuhusay. Gusto niyo ba 'yun? Pagmatitino at mahuhusay ang nasa pamahalaan, makakaasa po tayong maaangat 'yung buhay ng mga nasa pinaka laylayan ng lipunan. Papano natin iaangat? Pag pinag-usapan po natin, ano ba 'yung pinaka kailangan ng ordinaryong Pilipino ngayon? Trabaho. Pag matapat ang gobyerno, sisiguraduhin po natin may trabaho ang bawat Pilipino. Noong nakraan pong pandemya, napakarami noong nawalan ng trabaho. Hindi na po antin hahayaan na maulit 'yun. Paghahandaan na po natin sa ilalim po ng ating pamahalaan, pag nawalan ka ng trabahong hindi mo naman kasalanan, bibigyan ka ng ayuda ng gobyerno hanggang magkaroon ka ng panibagong trabaho.

    Pag pinag-usapan po natin 'yung kalusugan, ano ang ating pangarap sa isang gobyernong tapat? Hindi magiging hadlang ang kahirapan para tayo ay mabigyan ng asistensya medikal. Lahat ng tao may access sa libreng doktor, lahat ng nangangailangan ng gamot ay hindi na dahilan 'yung pagkawalan para hindi niya mainom 'yung kanyang mga gamot. Marami po sa inyo dito, estudyante. Pag ang gobyerno matapat, ang lahat na estudyante magkakaroon ng access sa dekalidad na edukasyon. At 'yung dekalidad na edukasyon, hindi po 'yun nareresolbahan ng scholarship lamang, pero sisiguruhin po natin na kahit may scholarship kayo pag nahihirapan pa din kayo sa pang araw-araw, nahihirapan pa din sa tirahan, nahihirapan sa gastusin, tutulungan kayo ng gobyerno dahil marunong siya gumastos ng pera ng taumbayan.

    Napatunayan po natin sa Office of the Vice President na kahit kaunti 'yung aming pera, marami po kaming pangangailangan na natutugunan dahil malinis at matapat ang aming pamamahala. Pag malinis ang pamamahala, 'yung pera ng pamahalaan, napupunta kung saan pinakakinakailangan.

    Ang sabi po nila, mahirap ang laban na ito, totoo. Mahirap ang laban na ito dahil maraming wala sa atin. Kulang po 'yung ating resources, kulang 'yung ating makinarya, pero ang tanong ko, meron ba sila ng meron tayo? Kayo 'yun. Meron po tayong mga kagaya ninyo na dahil sa paniniwala, walang bayad na hinihingi, gumagastos ng sarili, magpaimprenta ng mga tarpaulin, nagpapaimprenta ng sariling t-shirt. Ang mga headquarters po natin, lahat pahiram ng ating mga supporters. Gustong sabihin, pag may tiwala sa kanilang tinutulungan, handang handang magambag, hindi po ba?

    'Yung mga walang pamba– [stream feed cuts 00:10:38] –Pasig for Leni-Kiko thank you, Akbayan Youth LGBTQIA+, Angat-Buhay Lahat LGBTQ+ for Leni, maraming salamat, thank you, thank you po, salamat. May pakiusap po ako sa iyo, hindi ko po kasama ngayon si Senator Kiko, nandoon po siya sa Tarlac saka sa Pampanga kasama 'yung anak ko, si Jillian. Pero hinihingi ko din po siya ng tulong. Kasama po natin 'yung ating mga Senatorial Candidates, nandito po Congressman Teddy Baguilat, Attorney Alex Lacson, Senator Dick Gordon, Attorney Sonny Matula represented po ng kanyang asawa, si Melba, Doctor RJ representing Senator Risa, Congressman Tom Villarin representing Senator Leila De Lima.

    Huwag po sanang kalimutan siyempre po, nagpapasalamat po ako kasama ko po ang ating minamahal na Mayor, atin pong Gubernatorial Candidate, Mayor Oca Moreno at ang atin pong Vice Gubernatorial Candidate Ayi Hernandez at ang atin pong mga candidates for Board Members. 'Yung iba pa po nating mga local officials na andito, pero sasabihin ko po sa inyo bago po ako magpaalam, mahal na mahal ko po kayo. Ramdam na ramdam ko po ang pagmamahal niyo sa amin, babalik po kami sa Maynila na bitbit namin 'yung pag-asa at inspirasyon na binigay ninyong lahat. Mabuhay po kayo!

    May nakalimutan po ako, meron po pala si Senator Migz Zubiri, palakpakan po natin. Pahabol na lang nang po kaunti, ps na po ito, ps na. Bukidnon Press Club, maraming salamat and Bukidnon Media, Sada-Cagayan Leni-Kiko, maraming salamat. PICE for Leni, GobRedo for Leni, Chel Dikono wag kalimutan. Naku, ike-kwento ko kay Chel Diokno na marami siyang Cheldren dito. Maraming salamat, mabuhay po kayong lahat.

    [END 00:13:49]

     

    Posted in Transcripts on Feb 22, 2022