This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo Calapan People’s Rally

    Message of Vice President Leni Robredo
    Calapan People’s Rally

    [START 00:00:00]

    VP LENI: Maraming salamat. Maraming salamat po, magandang hapon Calapan! Magandang hapon Oriental Mindoro! Bago po ako magpatuloy, ang akin pong pagbigay-galang sa dalawa ko pong kaibigan, nag-introduce na po sa atin, palakpakan po natin, Congressman Doy Leachon, saka si Ma'am [RM 00:30] gaya po ng sabi niya, magkaibigan po kami sa 16th Congress, magkatabi po 'yung aming opisina. Ayan, kaya ang barkada po namin sa Congress, lahat babae. Muse po namin si congressman doon.

    Magandang hapon din po sa matagal na din po nating kaibigan, kaibigan pa po siya noong yumao kong asawa. Noong wala na po 'yung asawa ko, ako naman 'yung naging kaibigan niya, palakpakan po natin, Congressman Boy Umali. Kasama din po natin– alam ko po nandiyan– magkasama po kami kanina, palakpakan po natin Mayor Arnan Panaligan ng Calapan. Nandito din po si Mayor Rocky Ilagan ng Puerto Galera, nandito po si Vice Mayor Marlon Lopez ng Puerto Galera, nandito din po– ito po kabarkada ko ito– Vice Mayor Dodjie Panganiban ng Pola. Ang grupo din pong magkakasama ngayong hapon maliban po sa akin, palakpakan po natin Senator Kiko Pangilinan. Ang ating pong mga kasamahan na sana tulungan ninyo na magse-senador, umpisahan ko po: Attorney Sonny Matula; Attorney Alex Lacson; Congressman Teddy Baguilat; Representative po ni– Hi Mayor. Representative po ni Senator Leila De Lima, Attorney Philip Sawali. Sa inyo pong lahat, magandang magandang hapon.

    Alam ko pong mahaba 'yung listahan ng mga grupong nandito, kanina po naka-upo ako binabasa ko, nandito po: Akbayan Partylist, Magdalo Partylist, Social Workers For Leni; Oriental Mindoro Butterfly Society Incorporated For Leni; sandali lang– Calsedeco for Leni, maraming salamat po.

    [VP LENI STARTS READING PLACARDS 00:02:43]

    Ito, ito bantayan niyo ito ha? "Pag nanalo si Leni, six years akong mag-susuot ng pink," promise mo iyan ha? "Sa gobyernong tapat–" Oh my God, "–malalasing ang lahat." [crowd cheers] "She will not rob the nation, she will redo it," maraming salamat. "Anak ng teatro para kay Leni," "Pagkain, Tubig, Hindi Mina, Alyansa Tigil Mina, maraming salamat sa inyo. "Mga pandak for Leni," sino-sino iyan? Hindi naman ah. Ito, may assignment ka pagkatapos nito ah, "Anak ng BBM supporter for Leni," [crowd cheers] o may assignment ka, meron pa tayong 68 days para kumbinsihin magulang niyo. "Mga sawi sa pag-ibig for Leni-Kiko." Ayan, President Leni, nagtampo daw si misis niya kasi inuna niya na naman ako. Baka hindi na sa akin bumoto misis mo ha. Oh my God, baka makumprumiso ako niyan pero maraming salamat sa inyo. "We are life, we are Leni, we are one," maraming salamat po. [inaudible 4:20 - 4:24] ano po, mga kakilala ko po sila noon pa, maraming salamat sa inyo. "Tara na mga katropa," maraming salamat. "Sayangin–" pataas nga, "Sayangin mo na ako, huwag lang si Chel Diokno." Ayan, hindi po natin kasama si Chel Diokno pero tutulungan po natin siya. "Ang cravings ko for the next six years ay babaeng Presidente." "Psych majors for Leni-Kiko," "Mga babagsakin for Leni?" "Mga babagsakin," nako mag-aral kayo, dapat good– dapat good influence kami ni Senator Kiko sa inyo ha? "Cheerleaders for Leni," "Mga naligo for Leni," [crowd cheers] sino kaya ang hindi member dito? "Mahilig sa pogi for Leni," "Leni Sunbaenim, second win," "Buti pa ang cylinder, graduated," [crowd cheers] "Mga magagandang [inaudible 5:40] for Leni."

    Ayan, sabi niya "Madam VP pa-kiss po kay Rocco,” aso po namin iyun kakilala nila. "Mindoro tamaraw, tama raw na iboto ka," maraming salamat. "Mga hindi pa [inaudible 5:58] for Leni, maraming salamat. "Vet students for Leni." May nabasa ako dito kanina, may nag– ito bantayan niyo din. Kasi sabi niya, "Kapag nanalo si Leni, titigil na ako kaka-Shoppee." Bantayan niyo ha? "Last man standing is a woman," "Calapan City LGBTQIA+ para kay Leni." "Guys itabi niyo, si Leni ang uupo." "Di baleng walang add to cart sa 3.3, basta ipanalo si Leni." Ay grabe naman kayo, "Bobo man sa acads, at least hindi sa pagboto." [crowd cheers] "Campus journalists for Leni," ayan. "Scientists forever Leni," ay ayoko iyan, mapapagalitan ako, hindi ko babasahin. Basahin niyo na lang. [laughter] "Mouldist for Leni," "Mga tambay for Leni," "Clout chasers for Leni." “Political Science Students for Leni,” “Basta PolSci Mahusay,” “Kay Mama Leni Lang Man Din,” “Abante Babae, Abante Pinas”. “Mama Leni, Bikolano,” tama ba Bikolano? “Sikolohista for Leni,” “Puwedeng pa-autograph?” Salamat po.

    Rocco Enbancio, maraming salamat. ENT Doctors for Leni, thank you very much po sa Doctors for Leni na nandito maraming salamat sa inyo. Lawyers for Leni Mindoro, maraming salamat. “MMG Hospitals supports Leni Robredo,” thank you very much po. “CPEs For Leni,” “Debaters For Leni,” “Singles For Leni,” “Flat Chested For Leni,” “Single Teachers For Leni.” Ito naman, “Fastest Filipina Rapper, Leni R.” “Mga Akla For Leni.” Naku, delikado ito dahan-dahan lang dapat ang pagbasa nito kasi pag nagkamali ng basa, lagot tayo. “Si Leni ang Tanging Ina Mo.” Ayun, “Engineers For Leni,” “Sa Gobyernong Tapat Walang Madedekwat,” “VP Leni always tama ang behavior.”

    Ano ito? “BESAI Students For Leni?” “Child Development Center For Leni,” “Nag-eexam ng Bio Chem ngayon For Leni,” mapapagalitan ako ng mga magulang niyo. “Pag-asang puhunan para kulay rosas ang bukas.” “Gobyernong Tapat, Angat Buhay Lahat.” “You make me feel special with VPink.” “Leni is the Revolution, “Sugar Babies For Leni,” “Queen Leni Yassified,” “Ang Presidente ko kaya ang 18 hours na trabaho.” Nandito din po muli si [inaudible 00:09:24], palakpakan natin sila. “Art Students For Leni-Kiko,” “Material Girls For Leni,” “Kung hindi si Leni at Kiko sa Mayo,” ano 'yan? Shot kuno? “Para sa gobyernong nakikinig, hindi pumapatay.” “Dito tayo sa MaLenis na Serbisyo,” “Yes to Rapper No to Robber. “#SleepDeprivedForLeni-Kiko,” “Ang ikli ng 18 hours, bigyan ‘yan ng six years.” [crowd cheers]

    Ito, “Pag hindi nanalo si Leni at Kiko magdadabog ako.” Ano ito? Mga nadala ng Discord Boy For Leni,” tama ba? “Mas malalim pa sa dimple ni Leni ang pagmamahal niya sa atin.”

    “A picture with my Pres please,” maraming salamat. “Future Agriculturists For Leni-Kiko,” “VP Leni pakiss isa lang,” hindi pa nga po ako sumasagot, “Eh di wag.” “Marurupok For Leni,” “VP Leni picture lang.” Marami pa, “Tiis Ganda Para kay Leni,” “Accountants For Leni,” sorry pag malayo na hindi ko na nababasa. “She’s strong, she's invincible, she is a woman, she is my President,” thank you. “Quezon City represent,” ang layo naman ng dinayo mo. “Daks For Leni.” “Borahae.” Maraming salamat. Ano 'yan? “[inaudible 11:32-11:35] COD Players For Leni.” Ayan, sawi. Ang nababasa ko lang sawi. “Iboto, makakalikasang kandidato.” Maraming salamat.

    [END OF READING OF PLACARDS 00:11:48]

    Ayan, thank you very much po sa mga flowers. Ayan pero alam niyo, ayan “Queen of receipts.” Alam niyo kaya ko binabasa? Kasi ito 'yung pagkakaiba ng eleksyon ngayon. Ang eleksyon pong mga pinagdaanan ko dati, ito 'yung mas conventional na election, na dahil kami 'yung kandidato, kami 'yung mag-oorganize ng supporters. Kung mag-uuniform, pare-parehong uniform, kung may tarpaulin pare-parehong tarpaulin. Pero ngayong kampanya po, sobrang iba dahil taumbayan mismo 'yung gumagalaw.

    Napansin niyo ba 'yun, napansin niyo? Tingnan niyo po 'yung mga katabi niyo. Marami 'yung naka-pink pero iba-iba 'yung t-shirt ninyo. Iba-ibang pagka-pink, iba-ibang pag-print, iba-iba 'yung nakasulat. Marami dito, kanya-kanyang gawa ng mga signs. Ito 'yung nagbibigay sa amin ng energy saka inspirasyon sa amin lahat nina Senator Kiko saka 'yung mga kasama. Alam po namin na mahirap 'yung eleksyon ngayon. Noong una ko pong kinausap si Senator Kiko, inaaya ko siyang maging partner ko, sinabihan ko na po siya, “Sen, maghanda tayo kasi magiging malungkot ang kampanya.” Ang basehan ko po noon, 'yung nakaraan na five and a half years. Pero alam niyo po, mula noong nag-umpisa kami mag-meeting sa mga taong kagaya niyo, baligtad 'yung nangyayari.

    Para po sa amin, ito na yata 'yung pinakamasayang kampanya na pinagdadaanan namin. Pinakamasaya dahil ang taumbayan mismo 'yung nagse-self organize. Ang taumbayan mismo 'yung nagpaplano kung anong gagawin. Ngayon lang po, 'yung organizers natin, 'yung mga kabataan dito sa Calapan. Noong nakaupo kami, tinuturo sa akin ni Senator Kiko, may food booth pala doon sa dulo, ang nakalagay “Sa Gobyernong Tapat, Kumuha lang ng Sapat.”

    Pero ano 'yung pinapakita nito? Ang pinapakita po dito, taumbayan mismo ang inspirado. Taumbayan ang nagbibigay ng pag-asa na puwede pang magbago 'yung ating kinabukasan pag tayo ay gumalaw ngayon. Pag panahon po ng eleksyon, maraming kandidatong pupunta dito. Marami pong bibisita dito, ang iba bibisitahin kayo for the first time. Pag punta dito sasabihin sa inyo, “Mahal ko ang Oriental Mindoro, mahal ko ang Calapan.” Pero pag hiningian niyo ng resibo, wala namang naipapakita kung papaano nila minahal ang Oriental Mindoro.

    Karamihan po sa inyo dito mga kabataan. Ang mga kabataan ganadong ganado ngayon kasi may nakikitang pag-asa di ba? Pero alalahanin po natin na ang pag-asa wala po sa iisang tao lang. Ang pag-asa po nasa puso at isip nating lahat na nandito ngayon. Bakit po natin 'yun sinasabi? Dahil 'yun 'yung klaseng pamamahala na ipini-presinta namin sa inyo. Isang pamamahala na hindi lider 'yung nagdidikta. Pero isang pamamahala na matapat, mga lingkod-bayan na mga matitino at mahuhusay, pamahalaan na nakikinig. Kanina binasa sa atin, ano 'yung ating mga aspirations, ayaw niyo ng pagmimina, ayaw niyo ng ibang mga bagay na tingin niyo makakasira sa inyo, pinapangako po namin na ganoon 'yung aming pamahalaan.

    Magbibigay po kami ng espasyo para sa lahat na maging bahagi ng aming pamamahala. Halos anim na taon po akong nag-Vice President, noong pumasok po ako sa puwesto, kakaunti ang mandato ng aming opisina, kakaunti po 'yung budget ng aming opisina, pero napakarami po naming tulong na naibigay sa napakaraming communities dahil siniguro po namin– siniguro po namin na tama 'yung paggastos namin ng pera ng taumbayan. Dito lang po sa Oriental Mindoro, marami po tayong binaba na mga proyekto dito. Kanina lang po– pagod na 'yung ating microphone. Ayan. [crowd cheers]

    Okay na, naririnig niyo? Ayan kanina lang po binisita namin 'yung isang barangay, coastal barangay dito sa Calapan, kasi binisita po namin 'yung proyektong binaba namin para sa mga mangingisda. Puwera po noon marami po tayong proyekto sa Pola. Meron po tayong proyekto para sa mga Calamansi farmers sa Naujan. Meron po tayong mobile clinic sa– ayun kayo 'yun? Kayo ba 'yun? Sa Mansalay, galing po ako sa inyo. Marami po tayong mga proyekto, marami tayong mga naibigay na tulong noong panahon ng Covid operations. Meron po tayong mga community learning hubs sa Bulalacao. Bakit po natin ito kayang gawin kahit kaunti 'yung pera natin? Dahil maayos 'yung paggastos natin ng pera ng pamahalaan. Kaya ang paniniwala po namin, pag ang gobyerno tapat sa kanyang sinumpaan, aangat 'yung buhay ng lahat dahil maaasikaso 'yung lahat.

    Marami po kayong anditong mga bata, bakit ba kayo nandito ngayon? [crowd cheers] Mahal niyo ako? Bakit kayo nandito ngayon? Anong pinaglalaban niyo? 'Yung kinabukasan niyo. Gustong sabihin, naniniwala po kayo na nasa kamay ninyo ang kinabukasan niyo. Tama? [crowd cheers] Dahil nasa kamay ninyo ang kinabukasan ninyo, sisiguraduhin po natin, hindi masasayang 'yung boto niyo ngayong darating na eleksyon. Meron pa pong 68 days mula ngayong araw. Handa ba tayong magtrabaho sa susunod na 68 days? Handa ba tayong magsakripisyo? Handa ba tayong magmahal ng radikal? Para makamtan natin 'yung mga pangarap at panaginip natin para sa ating bayan. Pag ang sagot niyo po, oo, napakalaki ng pag-asang manalo tayo. Maraming salamat.

    Alam niyo po mula noong dumating ako kanina, ang daming nagreregalo. Sabi ko baliktad na talaga 'yung mundo ngayon. Dati 'yung politiko 'yung nagreregalo, ngayon po kayo 'yung nagreregalo sa amin. Kaya maraming maraming salamat po sa pagmamahal. Pero sa akin lang po, baon ko. Baon ko po sa pagbalik namin sa Maynila 'yung init ng pagtanggap ninyo sa amin. 'Yung pagmamahal na pinakita niyo sa amin, ito po 'yung magbibigay sa amin ng lakas at inspirasyon sa susunod na 68 days. Pero ang sasabihin ko lang po sa inyo, wala man tayong pera, wala man tayong makinarya, pero 'yung pinagbigkis na lakas ng lahat sa atin, wala pong sinabi 'yung pera at makinarya.

    Kaya ako po, maraming salamat na kahit napakainit, kasama namin kayo ngayong hapon. Patuloy tayong bibisita sa napakagandang lungsod ng Calapan. Patuloy tayong bibisita sa napakagandang lalawigan ng Oriental Mindoro dahil dito po ramdam namin ang pagmamahal ninyo. Kaya maraming maraming salamat po sa inyo, mabuhay po kayo. Ipapakipaglaban natin ito sa darating na Mayo. Maraming salamat. Mabuhay po kayong lahat.

    [END 00:21:39]

     

    Posted in Transcripts on Mar 03, 2022