This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Calbayog People’s Rally

    Message of Vice President Leni Robredo at the Calbayog People’s Rally
    Calbayog City Sports Center, Calbayog City, Western Samar

    VP LENI: Maraming salamat! Magandang umaga Calbayog! Magandang umaga Samar! Ayan, maraming maraming salamat po. Maraming salamat sa ating minamahal na Former DILG Secretary, palakpakan po natin, Secretary Mel Sarmiento. Kasama din po natin ngayong umaga– ayan, upo daw muna, kung puwede daw umupo 'yung nasa harap para makakita 'yung nasa likod. Ayan, okay na? Okay na? Ayan. Kasama din po natin ngayong umaga ang ating dalawang gobernador from Northern Samar, palakpakan po natin, Governor Edwin Ongchuan. Ang atin pong minamahal na Gobernador ng Eastern Samar, palakpakan po natin, Governor Ben Evardone. Siyempre po ang aking kaibigan, ang aking kaibigan, ang ating napakagandang vice governor, palakpakan po natin Vice Governor Angelica Gomez. At 'yung lahat pong mga board members na kasama po natin dito sa harap. Nagpapasalamat din po ako sa ating pong mahal na mayor, Mayor Diego Rivera. At ang atin pong vice mayor, kasama po natin dito ngayong umaga, si Vice Mayor Jimjim Uy. Kasama din po natin 'yung ating councilors at may kasama din po tayong ibang mga mayors, San Jorje Mayor Jeck Alico, nandiyan po si Mayor Jeck. Saka pa 'yung kanyang vice mayor, Vice Mayor William. Kasama din po natin Almagro Mayor Amy Cano, nasaan po si Mayor? Nandoon sa harap. Maraming salamat po.

    At nagpapasalamat po tayo sa ating RPC Calbayog sa pangunguna po ni Ms. Aileen Lim, nasaan po si Ms. Aileen? Nandito? Ayan, nandito po. Palakpakan po natin. Sigurado pong puyat na puyat siya ngayon. Nag-resign daw siya para kumampanya sa akin. Nako ma'am, marami akong utang sa iyo. Marami pong kailangan pasalamatan, siyempre po ang ating congressman, palakpakan po natin, Congressman Edgar Sarmiento. 'Yung iba pa pong mga local officials na nandito, mga barangay officials na kasama po natin at siyempre, 'yung napakaraming mga volunteer groups na nagtulong-tulong para po hindi lang para maging successful 'yung okasyon natin ngayon, pero talagang naglalakad na kahit po wala ako dito ay patuloy na kumakampanya para sa amin ni Senator Kiko.

    Alam niyo po parang naninibago ako na 'yung pagbalik ko dito sa Calbayog very festive tayo. Kasi, 'yung pinaka huli ko pong punta dito 'yung wake ni Mayor Onald, dito din po 'yun. Dito din sa kung asan tayo ngayon, isang madilim na kabanata ng kasaysayan ng Calbayog. Pero ngayon na bumalik po ako, nandito kayong lahat nakakagulat kasi kahit– kahit po napakaaga nandito kayo lahat, anong oras ba kayo gumising? Hindi daw natulog, sino ba 'yung mga hindi natulog? Ayan. Alam niyo po, hindi ko inaasahan na hindi lang na ganito kayong marami, pero ganito kayo kasaya saka ganito kainit 'yung pagtanggap ninyo sa amin. Kaya maraming maraming salamat po.

    Kanina po na pinapakilala ako ni Secretary Mel, sinasabi ko po kay Vice Gov naiintindihan ko 'yung sinasabi niya kahit na Waray dahil napakalapit sa Bicol. Maraming– maraming parehong salita, di ba? Kaya kahit magkaiba 'yung Bicol sa Waray, naiintindihan ko pa din 'yung sinasabi ninyo. Pero ito po 'yung hindi lang sa salita tayo nagkakalapit pero maraming mga bagay na pareho 'yung nakakaapekto sa Bicol, saka dito sa inyo sa Samar.

    Unang-una, pareho tayong nangangailangan ng maraming tulong. Marami pong– mahabang panahon parang laging nakakalimutan 'yung Bicol saka Samar. Humahabol na lang tayo ngayon, kaya po ako ang pinaka una kong pangako, pag ako po ay binigyan ng pagkakataon maging pangulo ninyo, sisiguraduhin ko na talagang hindi kakalimutan 'yung Samar. Pero hindi– hindi lang po sa hindi kakalimutan 'yung Samar pero ibibigay dito sa inyo 'yung lahat na tulong na talagang kinakailangan niyo. Marami pong pangangailangan dito. Halimbawa na lang, marami pa din mga kalsada na kinakailangan pondohan ng pamahalaan. Napaka mahal din ng kuryente kaya kinakailangan talagang mag-subsidize ang pamahalaan lalong lalo na kasi may mga renewable sources naman dito. 'Di ba meron ditong geothermal sa Eastern Samar, meron tayong hydro, so kailangan talaga mag-subsidize kasi kung parating ganito kamahal, talagang hindi tayo aasenso dahil halimbawa na lang 'yung ating mga mangingisda. Di ba napakataas na ng gastos sa pangingisda kasi napaka mahal ng atin gasolina. Halimbawa 'yung mga magsasaka apektadong apektado. Hindi lang po 'yun, sisiguraduhin po natin kung ano mang development projects ang nangyayari na ngayon, sisiguraduhin natin na magpapatuloy ito.

    Pero ito po, hindi niyo ba napapansin, parang kakaiba 'yung kampanya ngayon. Napapansin niyo ba 'yun? Pinag-uusapan po namin ito lagi. Kami po ni Senator Kiko halimbawa, pareho naman po kami, ilang eleksyon na 'yung pinagdaanan. Pero ngayon pong eleksyon na ito, kakaiba kasi hindi lang po 'yung kandidato 'yung nagpapagod pero ngayon mas nagpapagod 'yung mga supporters kagaya ninyo. Hindi lang siguro, hindi lang hindi bayad, pero abonado pa. 'Di ba? Abonado pa. Nakikita ko nga– nakikita ko nga sa Facebook, nakikita ko sa Facebook kagabi, napakaraming taga labas ng Calbayog na gusto ding pumunta dito 'di ba? Tapos alam niyo kung bakit napaka touching sa amin? kasi ang dami ding mga supporters nag-ooffer na libreng sakay.

    Kaya po nakakatuwa na ngayon bakit ba ganito ka-involved ang mga supporters? Ang mga botante mismo ngayon hindi lang gumagastos pero talagang nagsasakripisyo, nagpapagod. Tingnan niyo naman 'yung mga tshirt ninyo, iba-iba, di ba? Iba-iba 'yung shade ng pink, iba-iba 'yung mga print. Gustong sabihin nagkakaniya-kaniya talagang pagawa. Pati po 'yung mga tarpaulin niyo, iba-iba din, di ba? Ngayon ang daming sariling gawa. Pero ang parati naming pinag-uusapan, ano ang kaibahan ng eleksyon na ito kumpara doon sa mga nakaraan?

    Ang akin pong palagay, lahat nakakaintindi na sobrang mahalaga 'yung eleksyon ngayon. Mahalaga 'yung eleksyon ngayon dahil hindi lang po tayo pipili kung sino 'yung kandidatong gusto natin, hindi lang 'yun. Pero ngayon ang pinipili natin, anong klaseng pamamahala at anong klaseng politika ang gusto nating mamayani sa ating bayan sa susunod na anim na taon?

    Ano po 'yung pinapangako natin? Ang pinapangako po natin isang gobyernong tapat. Kapag sinabi po nating gobyernong tapat, good governance, di ba? Pangako na kaming mga lingkod-bayan magiging mga matitino at mahuhusay na lingkod-bayan. Bakit po mahala na maging matino at mahusay kami? Para 'yung tao tumiwala sa pamahalaan. Nakita po namin ngayon kapag ang tao may tiwala sa pamahalaan, tao na mismo 'yung nagkukusang tumulong. Ngayon na lang po 'yung lahat na rallies natin, nakikita niyo naman siguro sa Facebook, no? Lahat na rallies natin tao ang nagkukusang pumunta. Hindi na kailangan magpilitan para mag-attend ng rally pero tao na mismo sumasama. Tao na mismo 'yung gustong magpahayag ng kanilang pakikiisa.

    Kapag sinabi po nating gobyernong tapat, angat buhay lahat, ang pinakamalaking ebidensya po niyan 'yung ating karanasan sa Office of the Vice President. Ang Office of the Vice President po alam niyo naman, di ba, napakalimitado ng aming mandato. Napakakonti ng aming resources pero bakit ba marami kaming programa at bakit marami kaming mga natutulungan? Dahil po pinapangalagaan namin ang pera ng taumbayan. 'Yung kakaunting meron kami, walang nahuhulog sa korapsyon. 'Yung kaunti pong meron kami nasisiguro na mapupunta siya doon sa mga lugar na talagang nangangailangan.

    Dito po sa Samar, marami po kaming proyekto. Dito po sa probinsya ninyo meron po kaming proyekto sa Gandara. Doon po sa Eastern Samar, marami po kaming proyekto sa Balangkayan, sa Salcedo, sa Hernani, sa Quinapondan. Ito po bahagi ng aming Angat Buhay Program. Pumupunta kami sa mga lugar na pinaka-kailangan kami para tumulong doon. Ang klase po ng mga proyektong ginagawa, merong mga proyekto sa edukasyon, meron sa kalusugan, meron sa mga magsasaka,

    Halimbawa po 'yung proyekto po natin sa Balangkayan saka sa Salcedo. Naglagay po tayo ng mga dormitory sa loob ng mga public highschool para 'yung mga bata na napakalayo ng inuuwian at dati naglalakad ng ilang oras para makapasok lang, meron nang titirhan na libre sa loob ng campus ng paaralan. Noong una po nito, nagbigay po muna tayo ng multicab. Nagbigay po tayo ng multicab, para siyang school bus para po sunduin 'yung mga nasa malalayong mga lugar. Pero po nadiskubre namin na pag pataas na pala ng bundok, hindi na kaya ng multicab. Kaya 'yung dormitory ginawa po natin para doon sa mga estudyante na hindi masusundo ng Multicab. Ano po 'yung resulta nito? Grabe 'yung improvement pa-attendance sa eskwelahan.

    Noong panahon po ng pandemic, laging kami 'yung nauuna magbigay ng mga PPE, ng medical supply, pagbakuna, pag-Swab Cab. Bakit namin 'yun nagagawa? Hindi lang dahil napapangalagaan namin 'yung kakaunting pera, pero dahil 'yung pribadong sektor malaki po 'yung tiwala sa atin dahil alam nila na kapag sila tumulong, 'yung kanilang tulong ay mapupunta sa pinaka nangangailangan. Ito po 'yung sinasabi natin na kapag ang tao may tiwala sa gobyerno, marami 'yung mangyayaring maganda.

    Kapag panahon po ng eleksyon, marami po 'yung bibisita dito sa inyo na hindi naman bumibisita dati. Pagbisita dito sa inyo, sigurado ako dahil kailanagan 'yung boto niyo pagpunta dito sigurado akong mangangako. Maraming pangako. Lahat naman po kaming mga kandidato sasabihin namin 'yung aming mga plano, 'yung aming plataporma, 'yung pangakong gusto niyong marinig sa amin. Pero ang pakiusap lang po natin, huwag na huwag kaagad maniniwala sa mga pangako. Papaano niyo po malalaman kung nagsasabi ng totoo? Kapag nagsabi pong mahal nila kayo tanungin ninyo, "Nasaan ba kayo noong kami nahihirapan?" Tanungin po ninyo, "Sinilip niyo man lang ba kami noong hindi pa kayo kandidato?" Kasi kadalasan, maiisip lang tayo kapag kandidato na tayo.

    Kapag nagsabi po na galit kami sa korapsyon, hanapan ninyo ng resibo. Madali lang sabihin na galit kami sa korapsyon pero kami po halimbawa, ano 'yung aming resibo? 'Yung resibo po namin tatlong magkakasunod na taon, ang opisina namin 'yung nakakakuha ng pinakamataas na COA Audit rating. Hindi lang po kami 'yung nagsasabi na kami malinis pero COA na mismo.

    Bakit ito mahalaga? Alam po natin na wala tayong aasahang pagbabago kapag ang gobyerno hindi natin nilinis. Kanina po, nag-ikot na kami galing po kami doon sa Diocese, galing na po kami sa City Hall, 'yung mga nakikikamay po sa atin parating sinasabi na, "Salamat at kumandidato ka."

    Sabi ko lang po sa sarili ko, pagbisita na lang ako pa 'yung pinapasalamatan, 'di ba ako dapat 'yung nagpapasalamat sa inyo? Pero iniisip ko po, bakit kaya nagpapasalamat? Siguro dahil minsan, ang iba sa inyo nawawalan na din ng pag-asa. Siguro ang iba sa inyo, nararamdaman na ano ba 'yan, bago ang eleksyon ang daming nangangako pero wala namang tumutupad sa pangako, hindi nagbabago 'yung mga buhay namin. Pero alam niyo po, ang kasagutan diyan hindi naman kaya ng pamahalaan na siya lang 'yung gagawa ng pagbabago. Lahat tayo, magiging bahagi ng pagbabagong mangyayari pero dapat mahalaga na 'yung tao, inspiradong makilahok kasi kung ang tao wala siyang paniniwala sa pamahalaan, hindi din siya ganadong tumulong pero pag ang tao nabibigyan siya ng pag-asa, pag ang tao nabibigyan siya ng pag-asa, mas ganado po siyang tumulong, nagiging bahagi siya ng solusyon.

    Kaya ito po 'yung aming pangako sa inyo, hindi lang 'yung pangako na aayusin namin 'yung mga proyektong kailangan niyo dito, pero pangako na bibigyan natin ang bawat isa ng pag-asa para sabay sabay tayong maghahanap ng solusyon sa mga problema natin. Alam ko po, gaya ng Bicol, ng Samar, daanan ng bagyo. Gaya ng Bicol, ang daming meron ang Manila na wala sa atin. Gaya ng Bicol, nangangarap din tayo na mas umunlad ang ating lugar. Ito lang pong Calabayog, grabe 'yung potential ng Calbayog. Nakikita natin marami na 'yung pagbabagong nangyayari at mas marami pa 'yung maaasahan nating pagbabago pag siniguro natin na tahimik dito sa inyong lugar, pag siniguro natin na tuloy tuloy 'yung progresong pinagtutulungan nating lahat at 'yun po 'yung klase ng pamahalaan na maaasahan niyo sa amin ni Senator Kiko.

    Kaya po ngayong umaga, masayang masaya po ako na nabigyan ulit ako ng pagkakataon na makasama kayo. 'Yung huli ko pong pagbisita bago po noong pagbisita ko kay Mayor Onald, 'yung huli ko pong pagpunta dito sa lalawigan niyo, sa Gandara po kami pumunta dahil po sa project namin doon. Pagkagaling po dito, papunta din kami doon pero ito pong Calbayog, natutuwa ako dahil maraming bagong nakikita, nararamdaman 'yung pag-asenso ng lugar lalong lalo na kung kaakibat niyo, kaantabay niyo 'yung national government na umaalalay sa inyo sa paghanap ng mga solusyon sa inyong mga problema. Kaya maraming salamat po sa lahat na pumunta, hindi ko lang nababasa 'yung ibang grupo pero nakita ko po dito, APEC, maraming salamat, maraming salamat po sa pagsuporta. "Thank you for protecting the Electric Cooperatives from privatization." Maraming salamat, maraming salamat po. Oh ito, ito naman iniwan niya daw 'yung pasyente para makita ang presidente. Kawawa naman ang pasyente mo, balikan mo na kaagad. Ayan, "Mga sakto lang ang ganda for Leni." "Hindi kami bayaran, pawis at–" Ano ito? "–ganda lang ang puhunan." Salamat. "Gobyernong tapat, angat buhay ang lahat. Leni-Kiko, 2022." Maraming salamat Calbayog Youth for Leni. "The Future is Female." Maraming salamat.

    "Ma'am Leni, 'yung number one supporter mo sa OSI na si Neneth, puwede daw po bang magpa-selfie? Volunteers for Leni." Puwede puwede po. "Kahit walang honey basta may Leni-Kiko." "#NoToRedTagging, Mamamayan lang kami na may malasakit sa bayan." Maraming salamat. "Any job is a woman's job." "Ekonomiya ang problema, sagot ay ekonomista." "This is no longer just your ordinary campaign, this is a revolution." "Student nurses for Leni." Maraming salamat. "Namjoon stan for Leni-Kiko." "Boto ko para sa kinabukasan ng mga Pilipino." "Kakampink 2022." Hindi ko nababasa 'yung isa, medyo malayo siya.

    "Mga Piraw for Leni." "Happy Birthday, Kennen." "Kusog ni Leni, Kusog han Samar." "Magiging CPA na si Leni ang Presidente." "Campus Journalists for Leni." "Mga suhag for Leni." "Mga walang ligo for Leni." Naku, wag niyong tatabihan. "Buong pamilya para kay Leni-Kiko." "Mga NGO at CSO for Leni." Maraming salamat po. "Can't wait to officially call you Madam President." "VP Leni, dami mong alam mag presidente ka na lang." "Birthday ko bukas." Happy birthday po. Ayan, meron dito "Free pink puto for Leni." Dito, dito, dito po. "VP Leni, pa-picture. Resibo ko sa dalawang anak na BBM." Meron kang assignment.

    "KPOP Stans for Leni-Kiko." "Majority of Gen Z for Leni." Ano ito? "Ma'am Leni, masyado ka nang maraming nalalaman. Kailangan mo na maging presidente." "Mga bagsak sa Math for Leni." Maraming salamat. "Robredo for Vice President 2016." Six years na 'yan, six years na. Maraming salamat. "Annyeonghaseyo Kim Leni imnida." "Madam Freshident, pa-picture. May research defense pa ako." Ayan, lapit na dito. "PWDs for Leni." "Mga nag-leave for Leni-Kiko." "Federation of LGBTQIA+ Calbayog." Maraming salamat.

    "Nangha-hunting ng jowa sa rally for Leni." Grabe naman, akala ko ba naman ako 'yung sadya mo. "Euphoria Girlies for Leni-Kiko." Maraming salamat. "Tumakas sa internship for Leni." Naku, mapapagalitan ako. Maraming salamat, pasensya na po 'yung iba hindi ko nakikita. "Sa gobyernong tapat, Samar ay aangat." Ano ba ito? "Tarangnan Youth for Leni." Maraming salamat, maraming salamat po sa iba't ibang mga bayan na represented dito ngayong umaga, maraming salamat, maraming salamat po sa pagpunta niyo dito. Magkikita ulit tayo pero mabuhay po kayong lahat.

    [END]

     

     

    Posted in Transcripts on Mar 28, 2022