This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Capas Mini Rally

    Message of Vice President Leni Robredo at the Capas Mini Rally
    Capas Municipal Hall, Capas, Tarlac


    VP LENI: Maraming salamat, maraming salamat Mayor Reycat. Magandang umaga Capas. Ayun, maraming maraming salamat. Bago po ako magpatuloy, ang aking pagbigay galang sa mga opisyal na kasama po natin ngayong umaga, sa pamumuno po ng ating minamahal na Mayor, palakpakan po natin Mayor Reycat. Nandito rin po ang aking tokaya, si Ma'am Leni saka ang ating first family. Kasama din po natin, kaklase ko po sa Kongreso, ang inyo pong three-term Congressman, ngayon magiging Mayor na, palakpakan po natin Congressman Noel Villanueva. At ang susunod po nating magiging Congressman dito po sa inyong distrito, palakpakan po natin Kap. Bong Rivera. Palakpakan din po natin ang ating susunod na magiging Vice Mayor, Councilor Clod Gamboa. Kasama din po natin ngayon si Director Aubrey Alimurong Maraming salamat. Kasama po natin ang ating ABC President saka 'yung lahat na mga kapitan dito sa Capas, Kap. Seto Arcilla nasaan po si Kap? Ayan, nandiyan si Kap. Nandito din po ABC President ng Bamban, Kap. Jose Salting Jr. Maraming salamat po. Kasama din po natin ang ating tourism officer na siya po 'yung ating organizer ng mga events dito, Ma'am Marissa Vidal, maraming salamat. Kanina po, ewan ko kung nandito pa siya, kanina kasama natin si Rev. Fr. Melvin Castro ng Mater Dolorosa.

    Gusto ko pong batiin 'yung iba't ibang mga grupo na nandito ngayong umaga. Unang una po diyan 'yung ating mga barangay officials, kanina po na-meet ko 'yung mga barangay captains, 'yung iba pong barangay officials na nandito, magandang umaga po sa inyong lahat. Nandito din po 'yung iba't ibang mga grupo gaya po ng Tarelco, nasan po 'yung Tarelco? Nandito sila, ayan. Tarelco II. Nandito din po 'yung Capas Youth for Leni. Nandito din 'yung National Center of Electric Cooperatives Consumer Incorporated, maraming salamat. Kasama din natin– kasama natin 'yung Paspas Capas Ladies Group, maraming salamat po. Ang ating mga solo parents. Nandito din po 'yung mga farmers groups, maraming salamat po sa inyo. Meron din tayong kasamang mga IPs from Santa Juliana, Bueno, Maruglu and Kalangitan, maraming salamat sa inyo. Meron din ako ditong kababayan, schoolmate ko dati, mga Isabelitas, maraming salamat. Oh meron ako ditong kamag-anak, Gerona Family, ayun maraming salamat po sa inyong lahat.

    Ang aga-aga nandito na kayo. Pero sabi ni Mayor Reycat, natulog naman daw kayo mahimbing at maagang gumising. Lagi naman po akong masaya pag napupunta ako dito sa inyo sa Capas. Nagkaroon po tayo, gaya ng sabi ng ating emcee, nagkaroon na po tayo ng ilang programa dito. Dalawang beses po akong bumalik para sa ating Vaccine Express para sa mga Aeta communities. Naalala ko po 'yung pinaplano pa lang natin 'yung Vaccine Express para doon sa mga Aetas, ang sabi po sa amin: Marami daw na mga ayaw magpabakuna pero pag punta po namin dito, nagbigay po tayong mga insentibo para sa kanila, muntik pa nga magkulang 'yung ating bakuna kasi napakarami gusto sa kanila magpabakuna. Pagpapakita po na pag tayo 'yung inilalapit natin sa kanila, mas nagiging magaan para sa kanila na alam niyo 'yun, 'yung magka-access sa mga programa ng pamahalaan.

    Naglagay din po tayo ng Community Learning Hub dito. Ano po 'yung Community Learning Hub? Ito po 'yung puwedeng puntahan ng ating mga estudyante noong nagsara ng eskwelahan na merong mga gadget, na merong mga tutors na trained para kahit sarado 'yung eskwelahan, puwede pa din silang makapag-aral. Kaya ko po ito kinikwento sa inyo kasi, ito po 'yung buod ng pamamahala na pinapangako namin sa inyo: Isang pamamahala na malapit sa tao. Alam niyo po, pagdating kasi ng eleksyon, marami 'yung pupunta dito sa atin magsasabing mahal ko kayo, di ba? Pag eleksyon, ganoon naman pero 'yung tanong natin, papaano nila pinakita sa atin 'yung kanilang pagmamahal. Ang pagmamahal pinapakita sa serbisyo, ang pagmamahal pinapakita sa presensya kaya kung meron pong mga tumatakbo para pangulo na pumunta dito, at sinabing mahal ko ang mga taga Capas, tanungin natin sila: Noong wala pang eleksyon, asan kayo? Madali lang pong magsabing mahal ko kayo. Pag panahon ng kampanya, nag-aagawan ang mga kandidatong pumunta at tumulong. Pero pag nakaupo na, hindi naman tayo naaalala.

    'Yung opisina po namin, alam, po ito ni Mayor Reycat, alam po ito ni Congressman Noel, talagang 'yung anim na taon na binigay sa amin, pumupunta po kami sa mga pinakamalalayong lugar na minsan hindi pa naaabot ng kahit sinong politiko para iparamdam sa mga tao doon na hindi sila nakakalimutan ng gobyerno. Ganyan po dapat ang gobyerno. Ang gobyerno dapat nagmamadaling samahan ka pag ikaw nahihirapan. Dapat po ang gobyerno, kahit anong oras puwede mong lapitan pag ikaw ay dumadaan sa kahirapan. Marami pa po kasing magsasabi, halimbawa sasabihin, ayoko ng korapsyon pero pag tiningnan naman natin 'yung record nila, hindi naman malinis 'yung record. Kami po, pag sinabi namin ayaw namin ng korapsyon, marami kaming resibo. Alin po 'yung resibo namin sa Office of the Vice President? Sunod sunod na taon, 'yung COA mismo ang nagsasabi na malinis ang aming mga proseso. In fact, nakukuha po namin 'yung pinakamataas na COA Audit Rating dahil sinisiguro namin na 'yung pera namin walang mapupunta sa korapsyon. Bakit po mahalaga na maging matapat ang gobyerno? Maraming pangangailangan. Pag hindi po naging matapat ang gobyerno, 'yung mga nakaupo lang ang yumayaman, pero ang tao mahirap pa din. Di ba? Pero pag ang gobyerno matapat, totoo na hindi yumayaman 'yung nakaupo pero nasisiguro niya na walang naiiwan sa laylayan. Kaya kami po, 'yun 'yung ating pangako para sa inyo. Kung ano 'yung pinakita natin sa mahabang panahon ng panunungkulan, ganoon din 'yung gagawin namin pag pangulo na kami.

    Ang gagawin natin pag pangulo na tayo, sisiguraduhin natin na ganoon pa din, makakabisita pa din ako dito sa Capas, makakabisita hindi para guluhin kayo, hindi para asikasuhin kami, pero makakabisita para tanungin kayo, "Kumusta na ba kayo?" Makakabisita para pakinggan kung ano ang mga hinaing ninyo. Pinakita na namin po ito. Sa aking pag-Vice President, marami kaming pinupuntahan, hindi nabibisita at natatanong, hindi kami pumupunta doon para magkaroon ng okasyon. Pero pumupunta kami doon para pakinggan lang ano ba 'yung gusto niyo, ano ba 'yung mga pangarap niyo, papaano ba kami makakatulong sa inyong mga pangarap.

    Ano 'yun? Grabe 'yung energy dito sa– ah, ako lang daw sapat na. Pero 'yun po 'yung aking mensahe na kaya po gusto kong– gusto kong paabutan ng pasasalamat 'yung ating mga barangay officials. Nasaan ba 'yung mga barangay officials dito? Kasama ko sila kanina. Ayun, nasa dulo. Kaya ko po sinasabi na kailangang alagaan natin 'yung mga barangay officials kasi kayo na nasa barangay, pag meron kayong kailangan, kanino kayo unang lumalapit? Sa Kapitan di ba? O sa kagawad? Kaya dapat inaasikaso sila kasi sila 'yung representation ng pamahalaan sa inyo.

    Noong ako po nakaupo pa bilang Congresswoman, nag-file po ako ng dalawang panungkalang batas. 'Yung isang panungkalang batas po na finile ko sa Kongreso, na sana i-professionalize natin 'yung mga Barangay officials. Meaning to say, ang kanilang suweldo dapat nasa batas na, para hindi 'yun depende sa kung mayaman 'yung barangay o hindi. 'Yung pangalawa, nag-file rin po ako dati ng panukalang batas para ma-postpone 'yung mga may elections at para ma-extend 'yung term dahil ang palagay ko po, 'yung tatlong taon na binibigay sa mga barangay officials kulang na kulang.

    Alam po natin na pag barangay official ka, nagseserbisyo ka seven days a week, 24 hours a day. Tapos kung every three years 'yung kampanya, na kakaupo mo pa lang, magrere-election ka na kaagad, hindi ka nakaka-concentrate sa trabaho mo. Kaya 'yung panukalang batas na finile ko po noon, sana hindi na lang tatlong taon 'yung termino, limang taon na lang. Pero ang pinaka purpose po niyan: para mas palakasin ang barangay dahil 'yung barangay 'yung nag-aasikaso ng lahat ng pangangailangan natin. Kaya nagbibigay pugay po tayo sa kanila sa lahat ng serbisyo na kanilang inilalaan sa atin.

    Sa mga magsasaka, meron ba ditong magsasaka? Meron? Sino po ang mga magsasaka rito? Ayun, nandoon sila sa likod. Ang mga magsasaka, napakahirap ng buhay ngayon dahil napaka taas ng abono. Napaka taas ng presyo ng abono, tumaas pa ang presyo ng gasolina. Madali lang pong sabihin ng mga kandidato ngayon pag nakinig po kayo ng mga debate, maraming mga kandidato, "Aasikasuhin ko ang mga magsasaka." Pero ang dapat tanong natin, "Ano 'yung resibo mo, papaano mo pinakita 'yung pagmamahal mo sa magsasaka noong nanungkulan ka noong walang eleksyon?" Kaya po ako ang pakiusap ko sa mga nandito, pag may pupunta dito, magsasabi sa atin, mangangako, wag lang tayo basta-basta maniniwala. Pero 'yung sa atin, lagi natin silang tatanungin, "Ano ba 'yung pruweba ninyo na 'yung pangako ninyong gagawin ninyo?"

    Ang pinaka malaking pruweba, track record. Pag sinabi pong track record, "Ano 'yung ginagawa mo noong wala namang eleksyon?" Kasi napaka raming nagsisipag lang pag panahon ng kampanya. Kaya ito po, kahit po kami saan pumunta– kagabi po nasa Nueva Ecija kami, hindi ko alam– nakita di ba sa Facebook 'yung pagpunta sa Nueva Ecija? Nagulat kami kasi napakaraming taong pumunta doon sa grand rally. Marami po akong nakakuwentuhan bago noon saka pagkatapos noon, tinatanong ko po sila. Sabi ko, bakit kaya ang daming pumunta na noong 2016 nga, talo ako sa Nueva Ecija. Pero bakit ngayon, hindi lang maraming pumunta pero parang grabe 'yung energy ng mga tao. Pare-pareho po 'yung sinasabi nila sa akin. Ang sabi nila, "Kuha mo na kasi," sa mabuti at disenteng pamamahala.

    Marami na kasi ang nagnanais na ayusin na sana natin 'yung pamahalaan kaya 'yung tanong ko, kayo bang nandito, ganoon din ba 'yung pakiramdam ninyo? Ninanais ba natin na 'yung pamahalaan, isang pamahalaan na hindi lang disente pero may mga lingkod bayan na matitino at mahuhusay? Dahil ito po 'yung pamahalaan na pag ang pamahalaan matino at mahusay, masasabi natin na ito 'yung gobyernong tapat. Pag sinabi natin, bakit gusto natin na maging gobyernong tapat? Para aangat ang buhay ng lahat. Bakit aangat ang buhay pag ang gobyerno tapat? Pareho ng sinabi ko sa inyo kanina, pag walang napupunta sa korapsyon, napupunta 'yan sa serbisyo sa taumbayan.

    Kaya 'yung sa akin po mula ngayong araw, 47 days na lang, mag-eeleksyon na. Maaasahan po ba natin ang inyong tulong sa darating na eleksyon. Noong 2016 po nagpapasalamat ako sa inyo kasi kahit baguhan ako noon, nanalo po ako dito sa inyo. Kaya maraming, maraming salamat po sa inyo, iikot po kami ngayon sa buong Tarlac. Pagkatapos po dito, pupunta kami sa Gerona, pag punta po sa Gerona pupunta kami sa Moncada, pupunta po kami sa Santa Ignacia, pero mamayang hapon meron pong grand rally sa Tarlac City. Sana po makita namin kayo doon. Sama-sama tayo para masaya. Maraming salamat po sa inyo, mabuhay po kayong lahat.

    [END]

    Posted in Transcripts on Mar 23, 2022