This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at CEBOOM!: Cebu Grand People’s Rally 2.0

    Message of Vice President Leni Robredo
    at CEBOOM!: Cebu Grand People’s Rally 2.0
    Ouano Ave., Reclamation Area, Mandaue City, Cebu

     

    VP LENI: Maraming salamat. Maayong gabii, Cebu. Maayong gabii, Mandaue. Maraming maraming salamat sa inyo. Alam niyo, umikot na ako ng northern part ng Cebu ngayon. Galing ako sa Bantayan, galing ako sa Bogo, galing ako sa Tabuelan, galing ako sa Tuburan, galing ako sa Danao, pero ganoon, ganito pa din kadami 'yung tao dito sa Mandaue. Maraming maraming salamat.

    [CROWD CHANTS: “LENI” AND “DAOG NA”]

    Maraming salamat, maraming salamat po sa lahat na mga regalo. Maraming salamat sa lahat na pinagpaguran niyo ngayon. Ano 'yan? Maraming, maraming salamat. Alam niyo, hindi pa ako nakakapag-umpisa ng mensahe ko, sinasabihan niyo ako ng Daog na. Sigurado ba tayo diyan?

    Alam niyo– alam niyo noong 2016, hindi niyo pa ako masyadong kilala. Ang baon ko lang dati, sipag at puso pero ang binigay niyo sa akin na boto, more than 800,000 votes.

    Noong 2016, wala pa akong masyadong nagpapakita sa inyo. Ngayon po, pagkatapos ng anim na taon, malakas ang loob kong bumalik dito sa inyo dahil matitingnan ko kayo, mata sa mata, na 'yung tiwalang binigay niyo sa akin noong 2016, hindi ko po kayo binigo.

    Alam niyo po, kahit napakahirap para sa akin 'yung anim na taon, kahit po limitado ang aming mandato, kahit limitado 'yung aming budget, pinakita ko sa bawat isang Cebuano na ang aking pagmamahal at paninilbihan sa inyo, lahat na oras maaasahan niyo ako. Dito po sa Cebu, dito po sa Cebu, lahat na sakuna, nandito po kami. Lahat na bagyong dumaan, nandito po kami.

    'Yung pinakahuli pong bagyo—

    [CROWD CHEERS]

    Gaya po ng sinasabi ko kanina, lahat na bagyo nandito ako, 'yung pinakahuli po doon noong typhoon Odette. Dalawang araw pagkatapos ng typhoon Odette, nandito na po ako sa Cebu para umpisahan ang aming relief operations. Ano 'yun? Maraming salamat, maraming salamat.

    Ganito pala pakiramdam pag napakalaki at napakaraming tao ang kausap. Noong nakaraan pong pandemya, noong nakaraang pandemya, saksi po kayo. Nong nahihirapan ang Cebu dahil sa dami ng COVID cases, nandito po ang Office of the Vice President para tumulong. Naglagay po tayo ng mga shuttle buses para sa ating front liners, nag-provide po tayo ng mga libreng dormitory para sa ating front liners, nagkaroon po tayo ng mga Swab Cabs, ng mga Vaccine Express, nagkaroon po tayo ng shuttle service mula Olango hanggang Mactan. At gusto ko pong magpasalamat sa SK Federation ng Cebu dahil hindi po namin magagawa 'yung trabaho namin kung hindi dahil sa tulong ninyo kaya maraming maraming salamat.

    Nagpapasalamat din po tayo sa mga local officials na mula noong 2016 hanggang ngayon, ang suporta talagang maaasahan. Kasama ko nga ngayong gabi, palakpakan po natin Vice Governor Junjun Davide. Maraming salamat din po sa mga mayors na kasama po natin, mga mayors na sumuporta para matuloy ang ating rally ngayong gabi, sa pamumuno po ng ating host mayor, Mayor Jonas Cortes ng Mandaue. Kasama din po natin si Mayor Efren Gica ng Dumanjug. Salamat din po former Mayor Tommy Osemeña ng Cebu City saka Mayoral Candidate Margot Osmeña.

    Maraming salamat din po sa ating organizers, RPC Cebu, former USEC Bimbo Fernandez, Attorney Gus Go and Candice Gotianuy, Sugbuanons for Leni-Kiko, Padre Madre Missionary saka Lay people. LENISIN Movement.

    Maraming salamat. Pasensya na po. Naipon na dito 'yung mga regalo sa akin, kaya maraming, maraming salamat. Mamaya ipapakita po natin. Maraming salamat. Nandito din po Mayor Julie Flores ng Barili, maraming salamat. Lahat po mga sectoral and volunteer groups, lahat na volunteer centers sa Cebu, lahat na volunteer artists. Maraming salamat din po sa napakaraming kababayan natin lalong lalo na mga OFWs na nanonood sa ating livestream ngayong gabi. Maraming salamat po sa inyong lahat.

    Alam niyo po, marami sa inyo, ang partners po natin dito. Nag-launch po tayo ng Angat Buhay Programs sa Cebu, kaya maraming mga lugar dito sa Cebu ang meron po tayong mga programa. Kanina po, binisita po natin ang Tabuelan, dahil po tumulong tayo doon magkaroon ng ambulansya. Binisita po natin ang Tuburan, dahil tumulong tayong magkaroon sila ng solar irrigation para sa kanilang coffee farmers.

    Sa Carcar, naglagay po tayo ng bagsakan center. Sa Naga, Cebu, nagkaroon tayo ng livelihood center. Sa San Remigio, naglagay po tayo ng mental health facility. Marami po tayong mga livelihood programs na ginawa sa iba-ibang mga lugar sa Cebu. Kahit po kaunti 'yung pondo namin, naglagay po tayong pera sa ibang mga ospital dito sa Cebu, para 'yung may problema sa pagbayad ng hospital bills, hindi na kailangan mamroblema, makakatulong ang aming opisina.

    Pero bakit ko po ito kinu-kwento sa inyo? Kinu-kwento ko po ito sa inyo dahil ito 'yung aming resibo. Resibo na kahit walang eleksyon, nandito kami kasama ninyo, pag kinakailangan ninyo kami. Marami po ang magsasabi na mahal nila ang Cebu.

    Pero, 'di ba dapat ang itanong natin sa kanila: papaano ba nila pinakita 'yung pagmamahal nila sa Cebu? Dahil ang pagmamahal, hindi naman nadadala sa salita, kundi ang pagmamahal pinapakita sa gawa.

    At dapat ang pagmamahal, lalo itong pinapapakita kung walang eleksyon. Kung naaalala lang tayo tuwing eleksyon, kailangan ba tayong tumiwala sa kanila? Kami po mahaba 'yung aming resibo na may eleksyon o wala, nandito kami lagi kasama ninyo. Ang aming pong pangako sa inyo, ang ibibigay namin sa inyo: gobyernong tapat–

    CROWD: Angat buhay lahat!

    VP LENI: –para umangat ang buhay ng lahat. Kanina po, may kasama akong mga local officials sa likod. Ang sabi po nila: ang mga tao, kusang pumunta dito sa rally site.

    [CROWD CHEERS AND CHANTS: "HINDI KAMI BAYAD! HINDI KAMI BAYAD!"]

    Gaya po ng lagi kong sinasabi, talaga namang hindi kayo bayad, pero karamihan sa inyo abunado pa. Kanina po, nandoon palang ako sa Bogo, nakikita ko may mga tao na dito, umaga palang. Gustong sabihin, ang iba sa inyo, ilang oras nang naka tayo. Napaka init pa naman ngayong araw.

    Pero bakit po kayo nagtiya-tiyaga? Hindi ba dahil nangangarap tayo lahat? Nangangarap tayo ng lahat na baka ito ng eleksyon na ito ang pagkakataon para mabago natin ang takbo ng ating pamahalaan? Marami sa atin, gutom at uhaw na sa matapat na pamamahala.

    Kaya marami sa atin nagsasakripisyo dahil naiintindihan niyo na ang eleksyon na ito hindi lang simpleng labanan ng mga kandidato, kundi ang eleksyon na ito pagsalba na sa ating bayan. Ang eleksyon na ito, gusto nating ipakita na ang tunay na kapangyarihan wala sa kamay ng mga politiko, pero ang tunay na kapangyarihan nasa kamay ng ordinaryong Pilipino. Ilang araw pong nakaraan–
    Alam niyo, alam niyo ang sinisigaw niyo: “Walang One Cebu.” Siguro walang One Cebu ng mga politiko, pero may One Cebu ng ordinaryong Cebuano. At ngayong gabi–

    [CROWD CHANTS: "LENI! LENI!"]

    Ngayong gabi, pinapakita natin na ang kapangyarihan nasa kamay natin. Paminsan po may pag alinlangan. Papaano kaya 'yan mukhang karamihan sa mga politiko nagsamasama na? Paano kaya 'yan wala tayong pera, wala tayong makinarya? Pero ngayong gabi, pinakita natin, walang sinabi ang pera at makinarya sa nagkakaisang taumbayan.

    [CROWD CHEERS]

    Pag pinakita po natin, pag pinakita natin sa resulta ng eleksyon na kahit wala tayong masyadong politikong kakampi, panalo tayo, mapapakita natin kung sino ang tunay na makapangyarihan. At kayo 'yun! Ngayon po, namamangha ako dahil hanggang doon sa pinakadulo may tao.

    [CROWD CHEERING: LENI]

    Kanina po, kanina, aaminin ko sa inyo, noong umiikot pa po kami sa Northern Cebu, marami pong mga balitang nakakarating sa amin tungkol sa kahirapan sa sasakyan, tungkol sa pag-asa na magkakanya-kanya na lang pumunta dito. Pero ngayong gabi pinakita po ninyo na pag taumbayan nag desisyon, ano mang kahirapan, kayang kayang lampasan.

    [CROWD CHEERING “DAOG NA!”]

    Sigurado ba kayo? Ipapakita natin 'yan sa May 9. Mula po ngayong gabi, meron na lang 16 days to campaign. Alam ko marami na kayong sakripisyo. Marami sa inyo nag-aabono, marami sa inyo nagha-house to house, marami sa inyo nagpapalugaw, marami po sa inyo puyat na puyat sa kaaasikaso. Ang pakiusap po namin sa inyo, sana sa susunod na 16 days ganoon padin tayo kasigasig. Kaya pa ba?

    [CROWD CHEERS]

    Kaya pa ba nating mangumbinsi?

    CROWD CHEERING: KAYA!

    VP LENI: Ngayon napakarami na natin pero kaya pa ba nating lalo pang magparami?

    CROWD CHEERING: KAYA.

    VP LENI: Kanina po, kanina tinatanong ako doon sa mga pinuntahan ko, bakit kayo umiikot pa sa malalayong mga munisipyo? Meron ng grand rally dito sa Mandaue. Noong February 24 na nandito kami, umikot din kami sa Southern part ng Cebu. Nagkaroon tayo ng rally sa Cebu City, 'yun din 'yung tanong namin– tanong sa amin, bakit kahit may rally na kayong malaki, pinupuntahan niyo pa din 'yung malalayong lugar?

    Isa lang po ang kasagutan ko, dahil 'yun 'yung aasahan ninyo pag ako maging Pangulo. Pag tayo po maging Pangulo, ang gobyerno ang lalapit sa inyo. Pag ako naging Pangulo, ang pangako ko sa inyo, lalo kayong malayo, lalo kayong mahirap puntahan, lalo namin kayong pupuntahan para iparamdam sa inyo na hindi namin kayo papabayaan.

    Kanina po, kanina may pinakita po sa akin na Cebu Development Agenda, na itong Cebu Development Agenda ang mga sumulat iba't ibang sectoral organizations dito sa Cebu. Noong binasa ko po siya, naka-align siya sa mga plano namin. At ang pinakamahalaga sa lahat, ang plano nanggaling mismo sa taumbayan.

    Ito po 'yung klase ng pamamahala na papasundan natin pag tayo maging Pangulo. Na ang gobyerno laging makikinig sa ordinaryong mamamayan.

    Sa mahabang panahon, nakikita natin at napapagod tayo sa luma at bulok na klase ng politika. Ang tanong ko sa inyo, ganoon pa din ba 'yung gusto nating politka?

    [CROWD CHEERING: HINDI!]

    Kung ayaw na natin sa ganoon klaseng politika, iparinig natin sa ating mga politiko ngayong darating na eleksyon. Pag sinabi po naming gobyenrong tapat, angat buhay lahat, ang gustong sabihin noon, aangat lang ang buhay ng lahat pag ang gobyerno niyo maging matapat.

    Ang amin pong pangako ng matapat na gobyerno, marami tayong resibo. Narinig niyo na ba ang pangalan ko o pangalan ni Senator Kiko o pangalan ng ating mga senatorial candidates na nadawit sa ano mang anomaliya? 'Yun 'yung aming resibo. Na kahit marami sa amin matagal na nanunungkulan, never na nadawit kami sa ano mang usapin ng korapsyon. Pag walang korapsyon, ang pera ng taumbayan napupunta sa kung sino ang pinaka nangangailangan.

    Noong huli po nating rally, sinabi ko po sa inyo, isa pang resibo namin, taon taon nakukuha ng opisina namin pinakamataas na COA audit rating. 'Yun po 'yug aming resibo pag sinabi namin galit kami sa korapsyon. Kaya malakas ang loob naming sabihin sa inyo na ang aming pangako, gobyernong tapat. Dahil 'yung 'yung unang susi para umangat ang buhay ng lahat.

    Pero ngayong gabi po, pinaramdam niyo sa amin ang inyong suporta at pagmamahal kaya maraming maraming salamat. Ang hinihiling po namin sa inyo, hanggang Mayo a nuebe, samahan niyo kami sa laban na ito.

    Maipangangako niyo ba 'yan sa amin na sasamahan niyo kami sa laban? Kaya pa bang humirit? Kaya pa bang kumumbinsi ng hindi pa kumbinsido? Handa ba tayong kumatok hindi lang sa pintuan pero sa puso ng ating mga kababayan?

    Pag handa pa din kayo, ito 'yung sinasabi natin: Tara! Ipanalo na natin ito. Maraming maraming salamat po. Mabuhay po kayong lahat.

    [END]

     

     

    Posted in Transcripts on Apr 21, 2022