This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Cebu People’s Rally

    Message of Vice President Leni Robredo at the Cebu People’s Rally
    Southwestern University – Phinma, Urgello St., Cebu City, Cebu


    [START 00:00:00]

    VP LENI: Maayong gabi, Cebu! Kumusta kayo lahat? Alam ninyo umikot na ako sa buong lalawigan ng Cebu maghapon. galing po kami sa Talisay kanina. Galing kami sa Argao. Galing kami sa Toledo. Napakaraming mga volunteers na nakilala namin. Akala ko kulang na 'yung tao ngayon kasi ang dami ko nang nakausap kanina, pero gulat na gulat po ako pagdating ko ngayong gabi kasi nandito kayo lahat. Kaya maraming, maraming salamat.

    Alam niyo, papasok pa lang po ako dito naririnig ko na 'yung mga boses ninyo. At 'yung sa akin– sa akin po, ang Cebu will always be very emotional for me dahil sa maraming dahilan. Ang pinakauna pong dahilan, ito po 'yung huling lugar na pinanggalingan ng asawa ko bago siya naaksidente. Matagal pong hindi ako bumalik dito sa Cebu, noong buhay pa po 'yung asawa ko, lagi po kaming bumibisita kasi matalik niya pong kaibigan si former Mayor Tommy Osmeña. Pero noong namatay po 'yung asawa ko, hindi po namin kaya ng mga anak kong bumalik dito dahil maaalala namin 'yung kaniyang pagkawala.

    Pero pagkalibing po ng asawa ko, bigla po akong naging kandidato na wala sa plano. Kumandidato po ako bilang Congresswoman ng Third District of Camarines Sur dahil po nagkagulo sa amin at kailangan akong mag-step in. Ito po 'yung pangalawa kong dahilan. 'Yung pangalawa ko pong dahilan noong panahon pong nagkandidato ako, ang kalaban ko po isa sa pinakamalakas na politiko doon sa amin. Walang-wala po ako sa sarilli ko, wala po akong masyadong kakampi, wala po akong kapera-pera. Alam niyo po kung sino 'yung tumulong sa akin? Mayor Tommy Osmeña.

    Ikukuwento ko lang po ito sa inyo kasi alam ko marami 'yung hindi nakakaalam ng kuwento. Noong ako po napasubo, kandidato din si Mayor Tommy as mayor dito, pinuntahan nyo po– pinuntahan niya po ako sa Naga para tingnan kung ano 'yung mga kailangan ko. 'Yung pinakauna ko pong mga polyetos, pinakauna kong kalendaryo, pinakuna kong tarpaulin ang nagtraining po sa lahat ng volunteers namin, Mayor Tommy Osmeña.

    Kaya 'yung kaniya pong– ang relasyon ko po sa kaniya, very personal. Kaya po ako nagpapasalamat na andito siya ngayong gabi, sinasamahan tayo. Of course kasama po ang buong BOPK Slate headed by our Mayoral Candidate, Margot Osmeña.

    Ang pangatlo– ang pangatlo ko pong dahilan kung bakit napakalaki ng utang na loob ko sa Cebu. Noong kumandidato po ako noong 2016 hindi pa naman ako kilala. Bagong salta ako pero ang Cebu, ang pinanalo ko po dito sa aking pinaka naging kalaban noong eleksyon almost 500,000 votes. Kaya kung hindi po ako tinulungan ng Cebu ng ganoon kalaki, hindi po sana ako Vice President ngayon.

    HOST: Madam President!

    VP LENI: Maraming salamat

    HOST: Madam President!

    VP LENI: Pero ako po 'yung sasabihin ko lang po sa inyo, noong tinulungan niyo po ako– noong tinulungan niyo ako na maging Pangalawang Pangulo hindi ko po kinalimutan 'yung lahat na pinangako ko dito sa Cebu. Marami po ang hindi nakakaalam, pero noong kami po ay nag-launch noong aming Angat Buhay Program, nagkaroon po tayo ng Cebu Chapter ng Angat Buhay at sunod-sunod po 'yung mga projects na dinala po natin dito. Hindi lang sa Cebu City pero sa buong lalawigan ng Cebu.

    Meron po tayong Mental Health Program sa San Remigio, Cebu. Ewan ko kung meron ditong taga-San Remigio pero pabalik-balik po ako sa kanila. Nagtayo po tayo doon ng isang mental health facility at isang mental health program na tuloy-tuloy. Ewan ko kung meron ditong taga-Tuburan. Meron ba ditong taga-Tuburan? Sa Tuburan po naglagay tayo ng water system para sa mga coffee farmers. Sa Lungsod po ng Carcar saka Naga nagkaroon po tayo ng Bagsakan Center para sa mga farmers. Naaalala niyo po siguro noong pandemic. Naalala niyo ba 'yung pandemic? Nagkaroon po tayo dito ng Bayanihan Sugbuanon at nagawa lang po namin 'yung Bayanihan Sugbuanon dahil napakaraming tumulong sa amin na mga volunteers dito sa Cebu. Naglatag po tayo ng shuttle buses para sa frontliners. Nagkaroon po tayo ng mga dormitories para sa frontliners. Nagkaroon po tayo ng ferry service from Olango to Mactan. Nagkaroon po tayo ng vaccine express, ng swab cab. Nag-tap po tayo dito ng mga mananahi na local dito sa Cebu para mag-provide ng mga locally produced PPE sets. Marami po tayong dito nagawa, pero hindi lang po iyon dahil sa akin pero dahil din sa tulong ninyo. Ito po 'yung klase ng leadership, ito 'yung klase ng pamamahala na aming inaaalay para sa inyo. Isang klase ng leadership na ang magaling hindi lang 'yung namumuno pero 'yung namumuno tinutulungan siya ng mga taong inspirado. Tinutulungan siya ng mga taong dahil may tiwala sa pamahalaan ay gustong gusto mag-ambag para sa kinabukasan ng ating bayan.

    Ito po 'yung gusto nating sabihin ng gobyernong tapat, aangat ang buhay ng lahat. Ito po isasa-puso natin. Ano pong gustong sabihin ng gobyernong tapat? Isang gobyerno na kung saan 'yung mga naka-upo na mga lingkod bayan, matitino at mahuhusay. Bakit kailangan matino at mahusay?

    Unang-una para pangalagaan ang kaban ng bayan. Pag napapangalagaan po ang kaban ng bayan, mapupunta din siya sa pagtulong sa mga pinaka nasa laylayan. Ang resibo po natin diyan sa Office of the Vice President, kakaunti po 'yung aming pondo. Pero bakit marami kaming nagagawa? Marami po kaming nagagawa dahil malinis 'yung aming pamamalakad. 'Yung bawat sentimo ng aming budget ay kuwentada namin. Sinisiguro namin na mapupunta siya doon sa mga pinaka malalayong lugar na nangangailangan ng tulong. Pero hindi lang po iyon, pag malinis ang pamahalaan may tiwala ang mamamayan. Pag may tiwala ang mamamayan-- at iyon 'yung nakita natin dito sa Cebu, pag meron kayong tiwala sa pamahalaan ninyo, handang handa kayong tumulong kahit kailan.

    Pag sinabi pong iaangat natin ang buhay ng lahat, ano ang gustong sabihin? Ang gustong sabihin niyan, ang gobyerno 'yung magaasikaso na meron tayong disenteng trabaho para sa lahat. Ngayong pandemic, marami ‘yung nawalang trabaho. Ang kinakailangan-- ang ating pong pangarap magkaroon tayo ng ayuda para sa mga nawalan ng trabaho at pagkatapos ng tatlong buwan na wala pa din siyang trabaho, gobyerno 'yung magbibigay sa kanya ng trabaho. Pero ang pinapangarap po natin hindi basta basta trabaho pero 'yung trabaho na magbibigay sa atin ng disenteng pamumuhay.

    Karamihan po dito sa inyo mga bata pero I am sure meron din ditong mga magulang. Sino po ang mga magulang dito? Tayong mga magulang, nako merong nagre-raise ng kamay na parang hindi naman magulang. Tayo pong mga magulang di ba? Wala naman tayong ibang pangarap kundi bigyan 'yung mga anak natin ng buhay na mas maganda kaysa sa atin. Makapagtapos 'yung ating mga anak para magkaroon sila ng magandang trabaho.

    Ang amin pong pinapangako sa inyo pag ang gobyerno matapat, sisiguraduhin natin na may disenteng trabaho para sa lahat para nabubuhay tayo ng may dignidad. Nandito po ako ilang buwan nang nakaraan, sigurado dalawa-- tatlong buwan, kasama ko din si Mayor Tommy. Kausap po namin 'yung mga BPOs dito sa Cebu, Meron ba ditong mga BPOs? Ayan, nakita ko meron. Pinagusapan po natin, "Ano ba 'yung mga kahirapan na pinagdadaaanan" at ang atin pong plano para sa inyo, sisiguraduhin natin na 'yung working conditions napapagaanan kayo, hindi magiging problema 'yung sasakyan pauwi, hindi magiging problema 'yung tirahan, hindi magiging problema 'yung lahat ng mga services na kailangan niyo sa pamahalaan. Dahil ang pamahalaan po ang aming binibigay sa inyo, isang pamahalaan na nakikinig all the time.

    Panahon po ngayon ng kampanya. Marami sa ating manliligaw, huwag po tayong magpapabudol. Pag panahon po ng kampanya, maraming mangangako. Pero pag meron po sa ating mangako, ang tanungin po natin, "Asan ang resibo?" Pag nagsabi pong, "Mahal ko 'yung mahihirap," ang dapat pong itanong natin, "Noong walang eleksyon, asan ka?" Pag sinabi po– pag sinabing "Galit ako sa korapsyon," ano ang pruweba mo? Hindi po tayo papayag, hindi po tayo papayag na basta lang mangangako pero wala namang resibo. Ngayon, ang dami niyong andito, lahat tayo masaya, lahat tayo high energy, lahat tayo passionate, ang tanong ko lang sa inyo, meron pa po tayong 73 days to go. Kaya ba natin na sa 73 days na 'yun ganito pa din kataas 'yung ating energy? Ganito pa din ba tayo ka desidido na tayo 'yung magdedesisyon kung anong klaseng pamumuno at pamamahala at politika 'yung gusto natin dito sa ating bansa.

    Ang eleksyon pong ito napakahalaga dahil 'yung lahat ng ayaw natin sa politika, pwede po nating baguhin sa pagpili ng tama ngayong darating na halalan. Sisiguraduhin po natin na 'yung ating mga inihahalal ay pareho 'yung mga paniniwala natin para sa ating bayan. Wakasan na po natin 'yung bulok at luma na klase ng politika dahil pag hindi po natin siya winakasan, wala naman tayong pagbabagong aasahan. Pinapakita niyo po ngayong gabi– pinapakita niyo ngayong gabi na ang kapangyarihan nasa bawat isa sa inyo, wala po sa aming mga politiko. Ang pagdedesisyon nasa inyo kaya ang amin pong pakiusap samahan niyo po kami sa laban na ito. Hindi lang po sa paraan ng pagboboto pero labanan po natin 'yung lahat na disinformation- labanan po natin lahat na fake news. Dahil pag hindi po natin lalabanan 'yun, ang eleksyon na ito madedesisyunan, ang basehan kasinungalingan. Kaya ang tanong ko, itong 73 days na dadating kasama ba namin kayo sa paglaban?

    Ngayon po napakarami na natin pero magpaparami pa tayo. Ang akin pong pakiusap– ang akin pong pakiusap kung tutulungan niyo po ako, tulungan niyo din po 'yung aking mga kasama dahil sila po 'yung magsisiguro na magagawa natin ng tama ang ating trabaho. Syempre po unang una, sa ating Vice Presidential candidate, Senator Kiko Pangilinan. Kasama din po natin Senator Sonny Trillanes. Kasama din po natin Attorney Sonny Matula. Kasama din po natin Senator Dick Gordon. Kasama din po natin Attorney Alex Lacson, kasama din po natin Congressman Tom Villarin, representing Senator Leila de Lima, pati po si Attorney Philip Sawali pareho si Senator Leila de Lima ang nire-represent, hindi po natin ngayon kasama 'yung ating birthday girl, Senator Risa Hontiveros, hihingi din po kami ng tulong sa ating iniidolo Dean Chel Diokno, at last but not the least ang atin pong IP, ang ating IP representative, siya po 'yung champion ng ating IPs, Congressman Teddy Baguilat. Meron din po tayong guest candidates- guest candidates, Senator Migz Zubiri, Senator Joel Villanueva, former Vice President Jojo Binay, saka Senator Chiz Escudero.

    Pero sa akin lang po hindi po matatapos ang gabi na hindi po ako nagpapasalamat sa lahat pong mga nag asikaso na napakaraming grupo dito. Kanina po kasama ko si Vice Governor Junjun Davide. Ewan ko po kung andito si Usec, si Usec Bimbo Fernandez isa po sa ating mga provincial heads, of course Mayor Tommy Osmena 'yung ating City- City head, along with matagal ko na pong idol, Mayor Margot dahil noong ko po ay NGO worker pa na nagtatrabaho para sa women empowerment and children's rights, 'yung mga programa po ni Mayor Margot dito sa Cebu 'yung ating sinusunod. And of course the entire BOPK slate, maraming salamat po sa inyo for joining us tonight.

    Iba iba pa pong mga grupo ang andito, sorry kung hindi ko mabasa 'yung iba dahil napakalakas ng ilaw. Cebu BPO for Leni, thank you po, Accountants for Leni Robredo, [Lipi 20:27] for Leni, Ikaw ang among gapili VP Leni, Daang Bantayan Volunteers for Leni Kiko.

    Meron pa po, kasama ko po siya. Kasama ko po siya sa 16th Congress, matalik po nating kaibigan, napakahusay na public servant, Congressman Abellanosa, nandito po siya sa likod. Pasensya na po, hindi ko nababasa 'yung iba, pasensya na sa iyo. Med Students Leni-Kiko, Lawyers for Leni nandoon po kanina. Maraming salamat. Cebu Law Students for Leni. Singles for Leni, [Normalites for Leni 21:28]. 2022 is a woman. My mom and dad will vote Leni-Kiko for my future. Leni– ano ba 'yan? Sunbaenim, I wanna rock with you, K-Pop Stans, Leni Revolution, ito pakinggan ninyo maganda ito, Yes to lugaw, No to magnanakaw.

    LGBTQIA+ for Leni. Ito, Walang Jowa for Kiko. Ano po 'yun? PolSci Students for Leni, Cebu People's Campaign Assembly, tama ba? She overcame everything that was meant to destroy her, thank you po. Pink akong boto. Ito po, Special prayer sa mga nag-take ng bar exams. Nakalagay po sa gobyernong tapat, papasa sa bar exam ang lahat. Future SocSci Teachers ba 'yan? Teachers for Leni, maraming salamat. Iskolars for Leni, [Cloud 00:23:20] chasers for Leni, Green– ano 'yun? Green Lancers for Leni, maraming salamat. Babaye na pud, ito, wag mo iboto si Leni dahil mahal kita, iboto mo si Leni because that's what we deserve.

    Alter for Leni. Ito pa, Solid North, kay Leni tayo, Palahubog for Leni. Pasensya na po, Gobyernong Tapat, Yassified Lahat. Ayan, Leni sa Sugbo, Pink ang boto, tunay na pagbabago. Oh, kung pink imong bugan, pink sad imong botaran. Maraming salamat.

    Ay ito, di baleng walang AFAM, basta may Leni-Kiko sa Malacañang. Ayan ito, Even the introverts are here Leni-Kiko. Ayan, meron pa, Lugaw man sa kanilang paningin, pero Leni is the last man standing. Naga, Cebu for Leni, Daks for Leni-Kiko, maraming salamat.

    Maraming salamat sa car stickers, merong damit pangaso hindi niyo ba napansin? Dahil sa inyong passion, 'yung creativity ng lahat, lumalabas. Kaya alam niyo po, last na talaga ito, last na, kasi alam kong pagod na kayo. Pero alam niyo po, ayan meron pa, If you want it done right, let a woman do it, thank you. Salamat.

    Alam niyo po, gaya ng sabi ko last na talaga ito. Grabe po 'yung saya na binibigay niyo sa amin lahat. Alam niyo po, pag umiikot kami dadating kami sa bahay andami dami naming dala na mga souvenirs from all of you. Ang mga souvenirs po ang creativity, sobrang grabe. Pagpapakita lang na lahat tayo invested ngayon. Wag po nating sasayangin 'yung puso dahil ang puso ang magpapanalo sa atin sa eleksyon na ito. Maraming Salamat po sa inyo, mabuhay po kayong lahat. Pasalamat din po, magpapasalamat po tayo sa PHINMA for hosting us tonight. Sir Chito Salazar and the rest of the team, maraming salamat, mabuhay po kayo!

    [END 00:27:28]

     

    Posted in Transcripts on Feb 24, 2022