This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Concepcion People’s Rally

    Message of Vice President Leni Robredo at the Concepcion People’s Rally
    Municipal Hall Grounds, Concepcion, Iloilo

    [START 00:00:00]

    VP LENI: Maayong aga Concepcion! Grabe ang aga- aga nandito kayo lahat. Maraming maraming salamat. Ayon. Bago po ako magpatuloy, ang aking pagbigay galang sa ating minamahal na Governor, palakpakan po natin, Governor Toto Defensor [applause]. At siyempre ang atin ding minamahal na Congressman, Congressman Nonoy Defensor. [applause]. At ang paborito ng lahat ng taga- Concepcion, siyempre Mayor Dok Raul Banias at ang lahat po ng mga officials ng Concepcion. 'Yung lahat na iba't ibang grupo na kahit maaga ay inabangan tayo. Maraming maraming salamat sa inyo.

    Alam ninyo, alam niyo naman, ilang beses na akong pumunta dito sa Concepcion [cheers] dahil po marami tayong mga projects dito. Galing pala ako dito ilang buwan na nakakaraan. Binisita ko si Mayor dito sa Munisipyo pero ang hindi ko makalimutan na pagbisita ko dito, 'yung ni-roll out natin 'yung ating nutrition program, nag-brown out [laughter]. Hindi ko iyon makalimutan dahil na-busy tayo lahat kaka-hanap ng generator. 'Di ba Mayor Raul? Pero kahit brown out, kahit hindi, ang amin pong pag-alay ng serbisyo sa inyo ay nandiyan araw-araw na binibigyan kami ng pagkakataon makapag-silbi. Kaya maraming maraming salamat po sa inyo.

    Ito po, marami 'yung– marami 'yung mga kabataan na nakita ko pagpasok. Nasaan ba 'yung mga kabataan dito? [cheers] Alam niyo, ito 'yung pagkakaiba sa eleksyon na ito. Ang napansin po namin– ang napansin po namin sa eleksyon na ito, napakaraming kabataan ang lumalaban. Kaya 'yung tanong ko po, "Bakit kaya dati 'yung mga kabataan hindi ganito ka-involved?" Pero ngayon talagang ang lakas– ang lahat ng lakas nila inaalay nila para tumulong sa kampanya. At 'yung dahilan po noon, alam natin na napaka-halaga nitong eleksyon na darating. MMahalaga siya– mahalaga po siya dahil ang pinaglalaban dito, hindi lang ito contest ng mga politiko, pero ang pinaglalaban dito, ano bang klaseng pamahalaan at politika 'yung gusto nating mangyari [cheers] sa ating bansa sa susunod na anim na taon?

    Nakita naman po natin dito sa Iloilo. Ang Iloilo, isa sa pinaka paborito nating lalawigan at may dahilan iyon. Hindi lang dahil mababait ang mga Ilonggo, hindi lang dahil masarap 'yung pagkain dito, pero dahil 'yung pamamahala dito mabuti dahil ang mga Ilonggo marunong pumili ng kanilang mga lingkod bayan. Nasaksihan po natin ito noong 2016. Noong 2016 po, prinesenta ko 'yung sarili ko sa inyo. Baguhan ako., Hhindi niyo ako kilala., Nnangangako lang ako na malinis at matapat na pamamahala pero tumiwala po kayo sa akin. Napaka laki ng panalo ko dito sa Iloilo. [cheers] Ngayon po bumabalik kami. Noong 2016, lahat palang ay pangako pero kayo 'yung naging saksi na 'yung pangako po namin lahat namin tinupad dito sa inyo. [cheers]

    'Yung opisina po namin kahit napaka-liit ng budget– dahil maayos po 'yung aming panunungkulan– 'yung maliit namin na budget, marami kaming communities na natulungan lalo na po dito sa inyong magandang lalawigan. [cheers] Iyon po 'yung klaseng pamamahala na pinapangako namin ulit sa inyo. Isang gobyernong tapat para umangat ang buhay ng lahat. [cheers] Pag sinabi po nating gobyernong tapat, ang pangako po natin matino at mahuhusay na mga lingkod bayan. Ang pangako po natin pag sinabi natin na aasikasuhin natin ang mga nasa laylayan, sisiguraduhin po natin na may magandang trabaho para sa lahat.

    'Yung mga magulang na nandito, sino 'yung mga magulang na nandito? [cheers] 'Di ba? 'Yung mga magulang na nandito, ano 'yung pangarap natin sa buhay? Ang pangarap natin sa buhay, mabigyan natin ng buhay 'yung mga anak natin na mas magaan kaysa sa pinagdaanan natin. Na mapatapos natin 'yung mga anak natin 'di ba? Na malusog 'yung ating pamilya. Ang gobyerno pong pinapangako namin– sa inyo aasikasuhin natin 'yung lahat na pangangailangan na iyan dahil magiging matapat tayo sa ating panunugkulan. [cheers]

    Pero ito, ang pakiusap po namin csa inyo, meron nalang 72 days bago mag-eleksyon. Marami po tayo ngayon pero kailangan pa po nating magparami. [cheers] Kaya ang ihihingi po namin sa inyong tulong, sabayan niyo po kami sa laban na ito. Puwede ba iyon? [cheers] Sa susunod na 72 days, willing ba tayo lumabas? Kausapin 'yung aming mga kakilala, ang ating mga kaibigan, ang ating mga pamilya para kumbinsihin silang sumama na din sila sa laban nating ito. [cheers] Dahil kung tayo po ay magtatrabaho in the next 72 days, mananalo tayo. [cheers]

    Kaya ito po, 'yung energy ng mga kabataan ngayon, 'yung passion na nakikita namin sa inyo, 'yung commitment na nakikita natin sa inyo, siguraduhin po natin na pag dating ng May 9, ay maco-convert natin iyon sa boto. [cheers] Dahil kahit ano pong ingay natin kung hindi po tayo magpadagdag, walang mangyayari sa atin. Kaya ito po, in the next 72 days sana kasabay namin kayo araw-araw na sinisiguro na 'yung mensahe– 'yung mensahe hindi lang ng pagkakaisa pero mensahe ng matapat na pamamahala, eh ito 'yung pinapangarap ng bawat Pilipino.

    Maraming salamat sa mga gumawa ng posters. Sabi niyaga, "Leni, ka-guwapa– " Ka-guwapa ano iyan? "Ka-guwapa simo," ayon. Maraming salamat. [cheers] Oh ito [Speaks in Ilonggo 7:09 - 7:17] [cheers] Alam niyo ba sa amin sa Bicol, marami tayong magkakaparehong salita kaya nakakaintindi ako ng Ilonggo. [cheers] Pero pag pumupunta ako sa Iloilo, parati akong sinisigawan, “Daog na! Daog na!” [Speaks in Ilonggo 7:30] [cheers] Alam niyo sa amin, ang gustong sabihin ng “daog” [speaks in Ilonggo 7:35] kabaligtaran, talo na. [laughter] Kaya noong una kong narinig, sabi ko "Nako, matatalo ako sa Iloilo." [laughter] Sa amin po ang “daog” [Speaks in Ilonggo 7:43] talo, ang panalo ay "Gana." Kaya kapag sinabi ninyong “daog” [Speaks in Ilonggo 7:48], ngayon alam ko na kaya hindi na ako ninenerbyos, [laughter] kabaligtaran pala 'yung gustong mangyari. Kaya maraming salamat. [cheers]

    "Vote For Leni to Pass this Sem," nako kailangan mo din mag-aral para makapasa. [laughter] [Speaks in Ilonggo 8:05 - 8:09], maraming salamat. [cheers] "Doon tayo sa kayang mag-18 hours," maraming salamat. [cheers] Ano ito? "Kabataan para sa Team Robredo-Pangilinan Ka-tropa San Dionisio," maraming salamat. [cheers] Maraming salamat po, "Agri kami kay Leni, Hashtag Agriculturists For Leni." [cheers] Ayon, Ito nagpapasigurong hindi babaklasin 'yung kanyang tarpaulin, kaya ang sabi niya "Congratulations Attorney Maria Leonor Leni Robredo for Passing the 1997 Bar Exams." [laughter] Hindi iyan babaklasin. Ayan, maraming salamat .

    Sino pa ba 'yung nandito? "Team Positive For VP Leni," maraming salamat. "Husay at Tibay, Vote Leni Robredo." "Gobyernong Tapat, Angat Buhay Lahat." "First time voter ako, first time ko si Leni. Hashtag Laban Leni." [cheers] "Abante Babae." Oh my God. Ay, itatago ko sa iyo 'yung anak ko. "Kung nanay mo si Leni, Will you marry me?" [laughter] "Singles For Leni." "Youth For Leni." "Babaeng Bicolana ang Mananalo," maraming salamat. [cheers]

    So maraming salamat sa lahat ng nag-pagod, sa lahat na gumising nang maaga ngayong umaga para lang po makita kami. "[speaks in Ilonggo 9:31] Hala bira Leni and Kiko." Humihingi rin po kami ng tulong hindi lang para sa sarili ko pero pati rin kay Senator Kiko Pangilinan at sa buong line up natin. So, Concepcion saka po 'yung buong Distrito, papunta din po kami sa Ajuy pagkatapos nito, pero sa inyong lahat, maraming maraming salamat. 'Yung meron pong oras mamaya, meron po tayong Grand Rally sa Iloilo Sports Complex. Kung may oras po kayo, sana magkita-kita tayo doon. Mabuhay po kayong lahat, maraming salamat sa suporta.

    [END 00:10:07]

    Posted in Transcripts on Feb 25, 2022