This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Dasalan sa Batangas: Kaliwanagan sa Halalan

    Message of Vice President Leni Robredo
    at the Dasalan sa Batangas: Kaliwanagan sa Halalan
    National Shrine of Padre Pio, Sto. Tomas, Batangas

     

    VP LENI: Magandang hapon po, maraming salamat, maraming salamat. Nagpapasalamat po tayo sa inyong imbitasyon para makasama namin kayo dito po sa community prayer natin ngayong hapon. Unang-una po salamat po sa– salamat po sa ating organizer, 'yung Lipa Archdiocesan Council of the Laity, sa pangunguna po ni Ms. Elizabeth Quinto. Maraming salamat din po sa National Shrine of Padre Pio, sa NSPP Pastoral Council saka sa buong parish community, sa pangunguna po ng ating parish priest, si Fr. Oca Andal. Maraming salamat din po sa ating main celebrant, Fr. Balita. Maraming salamat po sa ating parish priest saka rector, Fr. Jojo. Maraming salamat din po sa lahat ng kaparian ng Archdiocese of Lipa, sa pamumuno po ni Archbishop Gilbert Garcera. 'Yung mga sisters na kasama po natin ngayong hapon. Brother Armin Luistro. Siyempre 'yung ating supporters, RPC Batangas, maraming salamat sa inyo.

    Kasama din po natin ngayong hapon 'yung national president ng Council of the Laity, Mr. Jun Cruz. Kasama din natin 'yung head coordinator ng Ligaya ng Panginoon Mr. Manny Santos, maraming salamat. Kasama din po natin president ng Familia, Mr. Willy Salvador. At siyempre po 'yung mga kasama ko: Senator Kiko Pangilinan, Dean Chel Diokno, Attorney Sonny Matula, saka po Senator Leila De Lima represented-- represented this afternoon ng kanya pong kapatid, Mr. Vic De Lima.

    Sa inyo pong lahat, magandang magandang hapon muli at ang akin pong malaking pasasalamat na nag-organize kayo ng ganitong event. Gaya po ng sabi ni Father Jojo kanina, sa– in difficult times like this, napaka-importante na nagdadasal tayo sabay sabay, dahil 'yung atin pong laban ay ang pinaka buod nito 'yung pag-asa na nararamdaman natin para sa ating bansa at 'yung pananalig na kahit mahirap, hindi tayo papabayaan ng Diyos. Hindi ko po pagkakahabaan 'yung mensahe ko pero may isa lang po akong pakiusap, at ang pakiusap ko po na lagi kong inuulit-ulit, na sana matuto tayong magmahal ng radikal. Na gusto pong sabihin– gusto pong sabihin, habaan natin 'yung ating pag-intindi na kahit 'yung mga kasama natin na hindi kapareho ng ating paniniwala, sana po matutunan nating mahalin sila at intindihin sila.

    Wala pong mangyayari pag i-insist natin na tayo ang laging tama. Walang mangyayari kung hindi natin kasundo, aawayin natin sila. Ngayon po 'yung panahon na dapat may ownership tayo na dapat bahagi tayo ng solusyon. Kahit po ako, hindi ako mangangako na masosolusyonan ko 'yung lahat ng problema natin kung hindi ko kayo kasama sa laban na ito.

    Nagpapasalamat po ako sa ating mga kaparian, sa buong religious community for providing us the strength. Gaya ng sabi ko kanina, kahit mahirap, lumalaban tayo dahil alam natin na pinaglalaban natin 'yung tama. Kaya sana po– sana po patuloy natin itong ipaglaban. 'Yung eleksyon ang ating dasal. Dapat 'yung dasal natin hindi lang tayo manalo, pero 'yung dasal natin ngayong eleksyon na ito, 'yung ating mga kababayan ay mag-desisyon according to their conscience. Na 'yung ating mga kababayan magdesisyon na binigyan silang pagkakataon sa impormasyon na tama. Na ang eleksyon na ito hindi magiging basehan 'yung kasinungalingan. Pero pagtutulong-tulongan po natin 'yun. Kailangan– kailangan responsibilidad natin na maging bahagi tayo ng paghanap ng solusyon. Maraming maraming salamat po, mabuhay po kayong lahat.

    [END]

     

    Posted in Transcripts on Mar 21, 2022