This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo District 2 Volunteers Assembly with Rep. Mike Gorriceta and Dr. Kathy Gorriceta

    Message of Vice President Leni Robredo
    District 2 Volunteers Assembly with Rep. Mike Gorriceta and Dr. Kathy Gorriceta
    Brgy. Cabugao Sur (along national highway), Santa Barbara, Iloilo


    VP LENI: Maraming salamat. Maayong hapon! Ayan. Maraming salamat.

    [crowd cheers]

    Ano ‘yun? Ayan, may request po dito. Hindi sila nakakakita kaya siguro ‘yung mga, ano ito, mga placards, baba muna natin. Huwag nating i-cover, baba muna tayo. Baka puwedeng wala muna tatayo, may special request dito.

    Ayun, kumusta kayo?

    [crowd cheers]

    Napakainit, pero napakainit din ng pagtanggap ninyo. Maraming, maraming salamat. Bago po ako magpatuloy, ang akin pong pagbigay galang at pasasalamat sa host po natin ngayon. Ang ating minamahal na Second District Representative, Mike Gorriceta, maraming salamat po. Saka si Doctora Kathy. Doctora, maraming salamat.

    Kasama din natin siyempre ang minamahal ng Iloilo, Senator Frank Drilon. Kasama din po natin, Governor Toto Defensor. At kasama din natin, Third District Representative, Nonoy Defensor.

    Ang akin din pong pagbigay galang sa ating mg local officials— kay Mayor Luigi ng Pavia, kay Mayor— Ano ‘yun? Akala ko sabi mo, sunog. Mamaya, mamaya sisigaw tayo, sabay-sabay. Magme-mensahe muna ako [laughs].

    Kay Mayor Lina ng Leon, Mayor Kalay ng Alimodian, Mayor Rema ng Santa Barbara. Maraming salamat din po kay Vice Mayor Jeffrey Araneta ng New Lucena, ang ating SB member, Rowena Sumagaysay ng Santa Barabara, Barangay Captain Marites Soltis ng barangay Cabugao Sur.

    Ang iba pa po nating mga kasama, mga local officials, mga SB members, mga barangay— barangay captains and barangay officials. ‘Yung iba’t ibang mga grupong nandito po ngayon, syempre RPC - Iloilo, maraming salamat sa inyo. Segundo Distrito para kay VP Leni Robredo, LGBTQ Association of Segundo Distrito, Second District Youth Volunteers for Leni Robredo, Pinknalangga - Iloilo Youth for Leni Network A-Lenimodianon Kita. Ayun, Lawyers for Leni, maraming salamat. Doctors for Leni, maraming salamat. Youth for Leni galing sa iba’t ibang mga lugar. San Migueleños for Leni. Leonians for Leni. Santa. Barabara for Leni-Kiko. New Lucena for Leni-Kiko.

    Ayun, mapalad din po tayo, kasama natin ngayon, ang minamahal na anak ng ating Vice President, Kiko Pangilinan, si Frankie Pangilinan.

    [crowd cheers]

    Alam niyo po, homestretch na tayo ngayon. Kaya kami po, iba-iba na ‘yung lugar na pinupuntahan namin para mas marami ‘yung mapasalamatan namin. Kagabi po, ‘yun ‘yung last big rally natin sa Baguio. First rally natin ‘yung sa Baguio pero talaga pong siningit natin sa schedule na makabalik dito sa inyo para magpasalamat.

    Alam niyo po, hindi ko naman— hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang Iloilo ay paborito kong lugar.

    [crowd cheers]

    Paborito kong lugar dahil sa maraming dahilan. Unang una, napakababait ng tao dito. Pangalawa, napakasarap ng pagkain ninyo. At pangatlo, ang Iloilo po, maliban sa aking home province, ang Iloilo ang nagbigay sa akin ng napakataas na boto noong 2016.

    [crowd cheers]

    Noong 2016 po, noong 2016, tinulungan niyo na ko ng lubos-lubos kahit po hindi niyo pa ako masyadong kilala. Pero, ang akin lang po, masasabi ko sa inyo ng diretsahan, hindi ko po sinayang ‘yung tulong na binigay ninyo sa akin.

    [crowd cheers]

    Nanilbihan po tayo ng tama, noong past six years. Kaya po pagbalik ko dito sa Iloilo noong February, sinabi ko sa inyo: siguro naman hindi na ako dapat mahiya humingi ulit ng tulong dahil masasabi ko po ngayon, talagang ginawa ko yung trabaho ko sa lubos ng aking makakaya.

    Ngayon lang pong nasa Second District ako, hindi ko po maiwasan na malungkot na hindi natin kasama na si Cong. Kadio. Kasi po si Cong. Kadio, siya po ‘yung kasama ko sa— kami po nina Gov. Toto, kami ‘yung magkakasama sa 16th Congress. At si Cong. Mike po dati, Mayor ng Pavia, naalalala ko, Cong. Mike, ‘yung una kong bisita sa Iloilo bilang kandidatong Vice President, napakarami kong streamers dito sa inyo. Kaya po— galing po sa inyo ni Cong. Kadio— kaya po ako, kahit wala na po siya dito, ang aking pong pasasalamat kay Cong. Kadio saka sa buong pamilya niya, sa pagtitiwala po sa akin.

    Siguro po nakita niyo naman ‘yung ikot natin sa buong Pilipinas. Nakakabigla, nakaka-taba ng puso kung gaano po tayo tinanggap ng taumbayan. Hindi po namin inaasahan dahil alam namin, napakahirap ng laban na ito. Pero mula po noong nagdesisyon akong kumandidato, nakita natin kung paano lumabas ‘yung taumbayan para sa kanilang sariling mga efforts, magkampanya ng todo para sa amin.

    Kaya po itong pagbisita namin dito— galing na po kami, kasama ko po si Senator Frank, si Gov. Toto, saka si Cong. Nonoy— galing na po kami kanina sa Antique, galing na po kami sa Aklan. Ito po ‘yung pangatlo naming daan. Mamaya, lilipat po ako sa Negros Occidental, pupunta po ako sa Bago City, saka po sa Bacolod. Lahat pong ikot ko ngayong araw, pasasalamat dahil alam ko po, kahit wala kami dito ni Senator Kiko, talagang lahat kayo nagpapagod.

    Nag-umpisa po tayo sa mga lugawan, nagkaroon tayo ng mga motorcade, nagkaroon po tayo ng malaking rally dito noong February 25. Kahit po wala na kami dito, tuloy-tuloy ‘yung pag house to house ninyo.

    [crowd cheers]

    Paminsan po iniisip ko, bakit kayo ‘yung eleksyon na ito, kakaiba? Kakaiba siya kasi ngayon natin nakikita kung gaano kadesidido ‘yung ordinaryong Pilipinong makipaglaban. At alam po natin, ganito ‘yung energy, ganito ‘yung passion ninyong lahat dahil alam niyo ang pinapakipaglaban ninyo hindi lang kaming dalawa ni Senator Kiko, pero ang bayan natin.

    Mas mapalad po kayo dito sa Iloilo. Nakita ko na 'yung mga eleksyon dito, marunong kayong pumili ng mga lingkod-bayan. Nakita po natin, nakita po natin noong mga nakaraang eleksyon, walang sinabi ang pera, walang sinabi ang makinarya sa kagustuhan na nagkakaisang taumbayan. Dito sa Iloilo, pinakita niyo 'yun.

    Pinakita niyo po dito sa Iloilo na ang tunay na kapangyarihan, nasa kamay ng ordinaryong Ilonggo, wala po sa aming mga politiko at inaasahan ko po sa May 22, ganoon pa din ang mangyayari.

    Ako po, buo 'yung tiwala ko, kita niyo naman sobrang init ng araw, nandito kayo tumatiyaga. Tumatiyaga kayo kasi alam niyo na 'yung laban na ito, mas malaki sa ating lahat, mas malaki po ito sa laban naming mga kandidato. Ang laban na ito, bayan na natin ang nakataya. Kaya po, dahil bayan na natin ang nakatay, tara ipanalo na natin ito.

    Maraming maraming salamat po sa inyo, mabuhay po kayo. Oh, babasahin ko lang ito, "Nag-withdraw ng candidacy for Leni - Councilor Jess." Maraming maraming salamat Councilor Jess. "Barotaknon para kay Leni-Kiko." Napakaganda naman nito, "Galing sa Hamindangnon for Leni Robredo." Galing po sa Jamindan Capiz. Maraming salamat. Ang pakiusap ko po, bawat boto kay Leni, sino ang kasama?

    CROWD: Kiko!

    VP LENI: Bawat boto kay Leni-Kiko, ang ating mga senador, Senator Leila de Lima, Senator Sonny Trillanes, Senator Risa Hontiveros, Senator Dick Gordon, Attorney Sonny Matula, Attorney Alex Lacson, Dean Chel Diokno. "VP Leni, buhay ko'y sakto lang. Walang labis, ikaw ang kulang."

    May nakalimutan ako, Congressman Teddy Baguilat. "Bag-on tanang Ini - Iloilo Youth for Leni-Kiko Movement." "Let Leni Lead me to Chinito." "Basta pink madaog, madaog gid la." Ano ito? "Pangkuloys for Leni." "Jamindan delegation." "Engineering students for Leni-Kiko." Taga-West for Leni." "Maritime students for Leni-Kiko." "Accountancy students for Leni-Kiko." "Iskolar ng Bayan for Leni." "Doon tayo sa pipiliin at ipaglalaban ka araw-araw. Leni-Kiko." "Jungkook for Leni." Maraming salamat.

    "Educators for Leni-Kiko." "Eightfinity for Leni-Kiko." Opo, tapusin ko lang po. "Walang tulog for Leni." "BTS Army for Leni-Kiko." "Doon tayo sa transparent." Ayos ha. "Mga bayaning puyat for Leni-Kiko." "Making my papa proud in heaven by voting for Leni-Kiko." "Kay Leni lang ako magko-commit." "Nursing students for Leni-Kiko."

    "Pamangkin ng BBM Supporter for Leni-Kiko." "Bato Leni." Bato din sa inyong lahat. "Sa arkitekto, sigurado kay Leni-Kiko panalo." "VP Leni, sure ka ba na 57 ka na?" Bakit mo ina-announce edad ko? Bawal yan. "’Cause you look 17, 17th President of the Philippines." "Iloilo student leaders for Leni-Kiko." "Future Psychologists for Leni-Kiko." "Bobo sa klase pero matalino sa pagpili ng presidente." "Altar servers for Leni." "Sa gobyernong tapat–" May mga kasama po tayong mga kaparian. Maraming salamat po sa inyo father, nandito po sila.

    "We just wanna ask VP Leni to be our president. Yes or Yes?" "Mga may sun and moon for Leni-Kiko." "First born for Leni." "Mga takot sa commitment for Leni-Kiko." "[inaudible] students for Leni." "They think it’s over but it’s just begun." "Taga-report ng trolls at fake news peddlers sa FB." "Tamang tao kami ni Leni. Taga-Barotak Nuevo, taga-Kwatro distrito." "Isa sa mga dakila sa bintana para kay Leni Robredo."

    "Models for Leni-Kiko." Ano 'yun? Mapapagalitan kayo ni Sen. Frank. Ano lang, good boys and girls lang tayo. Hayaan na natin sila, basta tayo sa tama lang lagi ang laban. Ano 'yun? "Hindi baraklon ang barutaknon." Ano ito? "Hindi ko pagbaylos sa 1,500 ang akon boto." 1,500 ba? Napaka, napakataas ng presyo. "Ayaw ko sa mahilig sa Royal. Si Leni ang naisip kong Royal." "Kidney donor for Leni-Kiko." "Magpapatapon sa bintana for Leni." "Pabiyanons for Leni." Maraming salamat.

    Ano ito? "VP Leni Robredo, Barotac Viejo volunteers." Ah, Barotac Nuevo. "Mga iyakin for Leni-Kiko." Oh, anak daw ng BBM for Leni. "Taga-West for Leni." Oh ito, "All colors for Leni-Kiko." "Hindi man ako straight, pero straight akon boto para kay Leni Robredo." "Mga hindi pa tapos ang labrep for Leni and Kiko." "Lawyer, ekonomista, naninindigan. Igalaw ang baso, blackpink. What if umiyak ako?"

    "Mas pipiliin ko 'yung sinasabi niyong lutang kaysa sa kandidatong sinisingil ng BIR dahil sa utang." "San Miguel for Leni." "Manonood ng–" Ano ito? Oh my god, "Manonood ng pagbitay for Leni-Kiko." Wag na, wag na. Awat-awat. "Lawyer, ekonomista. Nyehehe I miss you." "Adik sa iyo Leni-Kiko sa akin." "Kiko is my VP, Donny is my bibi." Frankie, sabihan mo si Donny.

    "Mga walang label for Leni." "Papunta pa lang tayo sa exciting part." "Please support Leni-Kiko, Monticello Villas Homeowners Association, Brgy. Balabag, Pavia, Iloilo." Maraming maraming salamat po. Mabuhay po kayong lahat.

    [END]

     

     

     

    Posted in Transcripts on May 03, 2022