This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo during her Visit to Bayugan City Hall

    Message of Vice President Leni Robredo during her Visit to Bayugan City Hall
    Bayugan City Hall, Bayugan, City, Agusan del Sur


    VP LENI: Maraming salamat, maupo po tayong lahat. Kamusta po kayo? Ayan, bago po ako magpatuloy ang akin pong pagbigay galang sa atin pong minamahal na Governor, [Salvador 00:24] Cane. Sa atin pong minamahal na City Mayor, Mayor Kirk Asis, sa atin pong Vice Mayor, Vice Mayor Kim Lope Asis, sa atin pong mga Councilors, sa lahat pong mga kababaihan. Siyempre, priority ngayon kababaihan kasi Women's Day kahapon. Sa atin din pong mga Department Heads, sa lahat pong mga kasama natin dito ngayong umaga, magandang, magandang umaga po muli sa inyong lahat.

    Ayan, maraming salamat, Mayor, for having us dito po sa Bayugan. Kinukuwento ko po kay Mayor parang first time ko po nakita 'yung Bayugan na maliwanag pa. Kasi 'yung punta ko po dito dati gabi, so hindi ko po nakita 'yung kagandahan ng Bayugan. Kanina po papasok kami sabi ko po sa mga kasama ko, ang ganda pala buti na lang nag sasakyan tayo. Dapat po lilipad kami kaninang umaga, nasa Surigao po kami kahapon. Pero kanina po paggising namin napakalakas ng ulan sa Surigao City. Kaya nagdesisyon po kami na magsasakyan. Kahit tatlong oras 'yung biyahe, sulit na sulit kasi nakasama ako ninyo ngayong umaga. Kaya maraming salamat po.

    Unang-una po gusto kong magpasalamat dahil ngayon lang po ako nakabalik ulit. Gaya po ng sabi ni Mayor Kirk ay napakalaki ng pinanalo ko dito noong 2016, kaya maraming salamat po sa inyo. Dumating po si Senator Kiko Pangilinan. Ayan, dito daw po ako. Hintayin lang po natin makapasok si Senator Kiko.

    [SENATOR KIKO ENTERING 02:18-02:30]

    VP LENI: Ayan, palakpakan po ulit natin, Senator Kiko Pangilinan.

    [SENATOR KIKO ENTERING 02:35-02:02:48]

    VP LENI: Ayan, maupo po ulit tayo. Hindi niya po kasama si Sharon. Nasa puso niya lang dala-dala niya araw-araw. Ayan, gaya po ng sabi ko maraming-maraming salamat po sa inyong suporta dahil dito po sa Bayugan napakalaki po ng panalo ko noong 2016 elections saka sa buong lalawigan ng Agusan del Sur. Ayan, kaya maraming-maraming salamat po sa inyo.

    Gusto ko din pong magpasalamat sa pagkakataon na makasama kayo ngayong celebration niyo po ng National Women's Month saka National Women's Day. Masaya pong makita na napakaraming mga kababaihan ngayon kaya ito po ay– wala man po ako– alam niyo po sa pinanggalingan ko sa Bicol, napaka-active ko din po sa mga women's groups. Pero ngayon po hindi nila ako kasama, kasama ko naman kayo. Kahapon po sa Surigao, women's groups din 'yung kasama ko. Kaya sa atin pong mga kababaihan, isulong ang kalakasan ng mga kababaihan. Sa mga kalalakihan din maraming salalmat sa suporta niyo parati. Kaya ito po nagagawa lang po namin 'yung mga kaya naming gawin dahil nakasuporta kayo sa amin.

    Ito po, buong araw dito po kami sa Agusan del Sur saka Agusan del Norte. Pagkagaling po namin dito pupunta po kami sa Cabadbaran. Pagkagaling po namin sa Cabadbaran, pupunta po kami ng Butuan. Bahagi po ito ng pag-ikot namin sa– para sa darating na eleksyon.

    Ayan, ang lagi po naming pinaglalaban, isang gobyernong matapat para umangat 'yung buhay ng lahat. Pinakita po namin sa Office of the Vice President sa nakaraang anim na taon na pag 'yung gobyerno pinapangalagaan ang pera ng bayan, mas maraming natutulungan. Kaya 'yung mga programa po para sa kalusugan, mga programa sa edukasyon, programa sa trabaho. Lahat noong mga kandidato merong programa niyan. Pero ang amin pong pakiusap, huwag lang 'yung programa 'yung titignan pero tignan 'yung track record. Tignan po 'yung karakter ng kandidato kasi 'yung track record saka karakter 'yun 'yung pagpapatunay kung pag 'yung mga pangako ay gagawin.

    Sa amin po sa Office of the Vice President, pinakita po namin ito, kaya kami po natutuwa na nabigyan kami ng pagkakataon makita kayo ngayong umaga, mabisita po si Mayor saka si Governor. Governor, maraming salamat po at nagbiyahe kayo galing po sa Prosperidad papunta dito sa Bayugan para po makita namin kayo. Sa inyo pong lahat, maraming, maraming salamat ulit sa pagkakataon na ito. Mamaya po may People's Rally, iniimbitahan po namin kayo. Sana po magkita-kita tayo doon. Maraming salamat, mabuhay po kayong lahat.

    [END: 05:46]

    Posted in Transcripts on Mar 09, 2022