This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo during the Visit To Nuestra Señora de Candelaria

    Message of Vice President Leni Robredo
    during the Visit To Nuestra Señora de Candelaria
    Nuestra Señora de Candelaria Parish, Silang, Cavite

    [START 00:00:13]

    VP LENI: Maraming salamat. Magandang umaga, Silang! Magandang umaga po sa inyong lahat. Maraming, maraming salamat sa pag-abang po sa amin ni Senator Kiko kahit napaka-aga pa. Kaya sabi noong isa, "Puyat for Leni", maraming salamat. Alam niyo po, napaka-symbolic, di ba, napaka-symbolic na nandito tayo sa harap ng simbahan. Nandito kayo lahat, kaniya-kaniya kayong pumunta. Marami sa inyo ilang buwan na, ilang linggo na nagpapagod para sa ating kampanya. Ito po 'yung nakaka– ito po 'yung dahilan kung bakit napaka-extraordinary ng campaign na ito.

    Marami po sa mga nakakausap namin ni Senator Kiko sinasabi na first time nilang maging active sa kampanya. Kayo din ba? Marami pong nagsasabi "hindi nga kami bumoboto dati pero ngayon very active kami sa kampanya". Kaya ang parati pong tanong namin, "Bakit napaka-active ninyo ngayon?"

    Maraming salamat. Ang tingin ko po, hindi lang naman 'yun dahil sa akin. Hindi lang naman 'yun dahil kay Senator Kiko, pero lahat siguro tayo dito nare-realize kung gaano ka-importante ang eleksyon na ito. Hindi lang po ito pagalingan ng kandidato, pero ang pagpili po natin sa eleksyon na ito pagpili kung anong klaseng pamamahala at politika ang gusto nating mangyari sa bansa natin sa susunod na anim na taon.

    Tinitignan ko po paminsan, ang dami mga bata, ang daming mga estudyante. Pero ngayon tinitignan ko halo lahat. Hindi lang mga bata ang nandito merong mga ka-edad ko, merong mas senior sa akin, merong mas bata ng kaunti. Marami pa din 'yung mga estudyante. Pero di ba, ito 'yung nakakapaganda ng laban natin ngayon. Ang nakakapaganda po ng laban natin ngayon kasi kahit iba-iba 'yung pinanggalingan natin, ibang-iba 'yung ating mga paniniwala siguro dati pero pinagkakaisa tayo, pinagbubuklod tayo ng iisang dahilan at 'yun ay pagmamahal sa bayan.

    Maraming salamat po. Maraming salamat, thank you. Thank you po, Tatay Maraming salamat. Ayan di ba, pag tinignan mo po– tinuturo ni sir si ma'am na maputi na 'yung buhok. Senior na nakikipagsiksikan pa. Ma'am, ii– mag-iingat po kayo, ha. Mag-iingat po kayo. Pero di ba, ito 'yung nakakapaganda ng lahat. Pumunta tayo dito– meron ba sa inyong pumilit na pumunta dito? Wala naman nagbayad? Kasi paminsan naaakusahan tayo na nagbabayad tayo para pumunta. Bawal 'yan sa atin, di ba?

    Ang bawal sa atin 'yung klase ng politika na walang pagrespeto sa pagkatao natin lahat. Nandito po tayo dahil sa paniniwala na nasa kamay natin 'yung kinabukasan nating lahat, di ba? Parati po nating inuuna– parati nating inuulit "Gobyernong tapat, angat buhay sa lahat". Anong gustong sabihin noon? Nasa kamay po natin ang pagsiguro na 'yung susunod na pamamahala dito sa atin, ang ating mga lingkod-bayan ay matitino at mahuhusay dahil 'yun lang 'yung dahilan– 'yung gobyernong tapat lang 'yung dahilan para maasikaso natin 'yung mga pinaka nasa laylayan.

    Tuwing eleksyon maraming mga pangako, kung anu-anong pangako pero ang pinakamahalaga: ano 'yung track record, ano 'yung karakter, kasi 'yung magsasabi kung 'yung pangako ay gagawin. Pag sinabi pong mahal nila 'yung Cavite, pag sinabing mahal nila 'yung mahihirap, huwag naman sana tayong maniniwala agad. Ang gawin po natin hanapan natin ng resibo. Papano pinakita ang pagmamahal? Pag sinasabi pong "mahal ko 'yung mahihirap", baka naman mahal lang 'yung mahihirap tuwing nagkakampanya. Pero pag naka-upo na ay hindi na nakikita.

    Kaya 'yung para sa akin po kaya ko sinasabi na nasa kamay natin lahat dahil tayo 'yung magsasabi kung anong klaseng mga politiko, anong klaseng mga lingkod-bayan ang gusto nating mag-represent sa atin. Ang atin pong iboboto dapat magkahawig 'yun sa mga paniniwala natin. Hindi po 'yun ang pagboto po hindi pasikatan. Hindi po tayo magbototo– 'yung mga Bicolano dito, sino ba dito 'yung mga Bicolano? Alam ko sa Cavite maraming Bicolano. Pero sana hindi niyo lang ako bobotohan dahil Bicolano ako pero dapat bobotohan niyo ako dahil Bicolano akong puwede niyong ipagyabang dahil nagtatrabaho ng maayos. At 'yung mga kababaihan po dito sana hindi niyo lang ako binoboto dahil babae ako, pero binoboto niyo ako dahil babae ako na nagtatrabaho ng maayos para sa inyo.

    Ganoon po dapat 'yung ating mga hinahalal tuwing eleksyon dapat sila nasisi– siniguro natin, sinisiguro po natin na may eleksyon o wala nandiyan sila para sa atin. Ito– parang mahuhulog na 'yung photographer natin sa inyo. Pero ngayon, magkikita tayo mamaya, di ba? Magkikita tayo mamaya sa Gen. Tri. Ngayon po, hindi kami makakatagal dito kasi marami pa tayong lugar na dadaanan. After nito, parang pupunta po kami sa Dasma, pupunta kami sa Imus, pupunta sa Noveleta, pupunta sa Tanza, pupunta sa Rosario. Tapos mamayang gabi magpupunta tayo sa Gen. Tri., sana po nandoon pa din kayo para ito 'yung pag-celebrate natin na– marami tayong kailangan ipagpasalamat. Bihira po mangyari ito, di ba? Naalala niyo na ba 'yung mga nakaraang eleksyon kung merong ganito? Wala, di ba?

    Dati po naalala ko pag nagkakampanya kami parang pagod na pagod kami. Pero ngayon hindi kami napapagod dahil nakukuha namin 'yung energy niyo lahat. Napakasaya po ng mga kampanya ngayon dahil kasama namin talaga 'yung taumbayan sa pakikipaglaban. Marami pong nasasabi mahirap 'yung laban dahil wala tayong pera, wala tayong makinarya. Ang sagot ko lang po diyan, walang sinabi ang pera saka makinarya sa pagkaka-isa ng taumbayan.

    Pero bago po ako magpaalam, gusto ko lang pong pasalamatan 'yung atin pong mga kaparian, 'yung ating mga pastor na nagdasal po para sa atin. Siyempre po sa pangunguna ng ating Bishop Emeritus, Bishop Pedro Arigo, maraming salamat po. Sa atin pong Parish Priest, maraming salamat po for hosting us this morning, Reverend Father Luisito Gatdula. Saka po 'yung ating Parochial Vicar, Reverend Father Ansley Falame, saka po 'yung Diocese of Imus na mga kaparian. Kasama din po natin kanina si Mayor Cory Poblete, maraming salamat po. 'Yung atin pong mga interfaith pastors, saka siyempre 'yung mga Silangeños na kasama natin ngayong umaga.

    So, mamaya po salamat po sa pagbigay sa amin ng energy ngayon. Mamaya magiging masaya tayo. Magkikita po tayo lahat sa GenTri. Ayan, marami salamat sa "Wattpaders for Leni". Maraming salamat po sa inyo. "Leni in our area", "She is the revolution”, alam niyo, hindi ako 'yung rebolusyon. Tayong lahat.

    Ayan, "Great woman indeed. A woman can lead". Definitely, a woman can lead. Ano to, "800k minuSilang". Ayan, sige tignan natin. "Si Leni ang ihalal, huwag kayong mameke ng credentials", "Let Leni Lead". "Nag-aaral akong mabuti so bakit ako magse-settle sa walang college degree?" Ayan, tama 'yan, tama 'yan mag-aral nang mabuti. "Non scholae sed vitae". Ka-schoolmate ko to! Ano 'yan, 'yan 'yung motto ng aming law schoo– ng aming school kung saan po ako nag-law. O 'yun, kababayan.

    "Mama Leni, ampunin niyo na kami", oh my god. Wala po akong bahay hindi tayo kasya sa bahay namin. "Para sa ating kinabukasan, Leni-Kiko ang samahan", ayan thank you. "Bunyog Partylist", thank you po sa inyo. "You go girl", "VP, pa-picture may deadline pa po ako", okay. Pag hindi ka naka-submit ako 'yung may kasalanan. Lapit ka na dito. "Nag-iisa ka sa puso ko, President Leni, mahal kita", thank you very much. 'Yun naman, "Ang boto ko ay para sa mga anak ko", thank you. "800k minus us", "Leni, Kiko, pa-picture naman may online class pa po ako", bilisan na natin para balik na kayo sa online class. "Itinakwil ng buong angkan", ang lungkot naman noon. "Itinakwil ng buong angkan for Leni", ito tulungan natin siya na kumbinsihin 'yung kaniyang buong angkan.

    Ano ba 'yan, "To Taylor Swift"? "Kay mamshie Leni Robredo angat buhay lahat", thank you. "Leni”– ano 'yan "Shantay you stay", ayon thank you! "I hope we'll be okay soon", maraming salamat. Ayan nabasa ko na 'yan, nabasa ko na. Maraming salamat. "Para sa kinabukasan", thank you.

    Pero ito po, magpapaalam na po kami ngayon– ano 'yun "BFF for Leni, pa-selfie po please". Sige, lapit kayo. Magpapaalam na po kami ngayon pero hindi pa ako magsasabing goodbye kasi magkikita-kita pa tayo mamaya. "Leni, iboboto ka namin para sa kinabukasan ng aming mga anak", thank you very much po. "We love you, the next President". Maraming salamat po. Mabuhay po kayong lahat!

    [END 00:11:21]

    Posted in Transcripts on Mar 04, 2022