This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at Elyu Pink Wave People’s Rally

    Message of Vice President Leni Robredo at Elyu Pink Wave People’s Rally
    Saint Louis College Gymnasium, San Fernando City, La Union


    VP LENI: Maraming salamat! Magandang umaga, La Union! Magandang umaga sa inyong lahat. Alam niyo kinakabahan ako bago ako pumunta dito. Alam niyo kung bakit? Noong 2016 elections, ang nakuha ko ditong boto, hindi nga 10%, alam niyo 'yung nakuha ko ditong boto parang 19,000 against 338,000

    [crowd cheering: Babawi kami].

    Maraming salamat. Alam niyo naiintindihan ko naman kung bakit. Dahil alam ko na 'yung Pilipino masyadong regionalistic di ba? Kaya bawat kampanya ko sa amin sa Bicol Region, lagi ko sa kanilang sinasabi na pag kayo magdedesisyon, huwag niyo akong botohan dahil Bicolano ako. Ang titingnan niyo, kung hindi ba ako Bicolano bobotohan niyo pa din ba ako? 'Yun 'yung parati ko sa kanilang tanong.

    Kaya nakikita ko 'yung ginagawa ninyo napaka sipag ninyo, 'yung ating volunteers. Hindi lang 'yung volunteers natin sa La Union, pero 'yung volunteers din natin sa Ilocos Sur, maraming salamat. 'Yung volunteers natin sa Ilocos Norte, napaka tapanag. Maraming salamat. 'Yung volunteers natin sa Abra, maraming salamat. Meron din yata dito volunteers from Baguio, Benguet, maraming salamat.

    So, ako actually, 'yung sabi ko sa campaign team, dahil noon 2016 elections hindi ako dito nagkaroon ng rally na ganito. 'Yung pagpunta ko dito meeting meeting lang na maliit na meeting. So, sabi ko sa campaign team, ngayong 2022 bababaan natin kayong lahat pero bisita lang sa volunteers. 'Yun 'yung sabi ko sa kanila.

    So, noong prinopose na magkakaroon ng rally, medyo kinabahan ako. Sabi ko baka kakaunti 'yung magpakita, baka matakot 'yung mga volunteers na pumunta. Kaya sobrang ginulat niyo ako ngayong umaga. Maraming maraming salamat.

    Ayun pero bago lang ako magpatuloy gusto ko lang batiin 'yung mga opisyal na kasama natin ngayong umaga. Ang akin pong kaibigan, Board Member Nancy Bacurnay, maraming salamat. Vice Mayor Henry Bacurnay ng Bauang, maraming salamat. At sobrang maraming salamat for allowing us to use the school's facilities kahit very short notice, Reverend Father Ramon Calusa, ang ating College President. Ang alam ko po noong Sunday evening lang tayo nagpaalam pero right away pumayag kaya maraming salamat. Thank you din po kay Attorney Edwin Siapco, ang ating VP for Admin saka Dean ng College of Law. Kasama din po natin ngayong umaga si Bishop Daniel Presto ng Diocese of San Fernando, maraming maraming salamat po. Siyempre ang akin ding kaibigan, ang ating former Mayor, Mayor Mary Jane Ortega, former Mayor ng San Fernando.

    'Yung lahat na volunteers, hindi ko na po iisa isahin 'yung lahat na groups kasi sinabi na ni Senator Kiko kanina. Pero 'yung lahat na volunteer groups from La Union, from Ilocos Sur, from Ilocos Norte, from Baguio, Benguet, from Abra, ewan ko lang kung may Pangasinan pa dito, meron pa ba? Hindi pa ba kayo nagsasawa sa amin? Kagagaling lang natin sa inyo. at maraming salamat din kasi ginulat niyo din kami. Napakarami ding tao sa Pangasinan.

    Gusto din po nating i-greet 'yung ating pong mga OFWs na nanonood po sa ating live stream ngayong umaga. Lagi po silang nag aabang kaya maraming maraming salamat po, na kahit malayo kayo sa Pilipinas, hindi niyo pa din po nakakalimutan 'yung ating bansa.

    Ayun gaya ng sabi ko kanina, sobrang talo ko dito sa inyo. Pero kaya ko siya sinasabi, kaya ko po siya sinasabi dahil kahit talo ako, noong umupo na po ako ng Vice President, hindi ko kayo kinalimutan. Bawat sakuna na tumatama dito sa inyo, andito po kami. 'Yung typhoon Ompong saka typhoon Maring, nandito po kami. Nagkaroon po kami ng relief operations dito sa inyo.

    Noong pandemic, hindi po namin kayo nakalimutan. Halos lahat ng medical institutions dito sa inyo, pinapadalhan po natin ng PPE sets saka medical supplies. Kaya ko po 'yan ngayon sinasabi dahil dapat ganoon naman. Pagkatapos ng eleksyon dapat tapos na ang politika. Pagkatapos ng eleksyon, trabaho na kaagad. Pagkatapos ng eleksyon dapat wala ng kulay na tinitingan.

    Alam ko po na halos lahat dito naka pink. Pero ang pakiusap ko sa lahat na naka pink, sana buksan pa din natin ang mga puso natin doon sa mga taong iba pa 'yung kulay. Sana buksan pa din ang puso natin para sipagan tayo na ayain 'yung mga taong iba pa 'yung paniniwala, mas maging mapagmahal po tayo, mas iintindihin natin 'yung iba, na kahit iba 'yung paniniwala nila, kapatid na din natin sila.

    Kaya ko po 'yan sinasabi dahil ang tunay na pagkakaisa, nanggagaling sa pagmamahal sa bawat isa kahit iba ang paniniwala. Ang tunay na pagkakaisa, hindi po pagkakaisa ng mga interes ng mga politiko. Ang tunay na pagkakaisa, nanggagaling sa bawat isa sa atin.

    Tingnan niyo naman po tayo dito, iba iba ang ating pinanggalingan, di ba? Karamihan sa inyo never pang na-involve sa kahit anong eleksyon in the past, di ba? Karamihan sa inyo iba iba din 'yung pinanggalingan na paniniwala, iba iba 'yung estado sa buhay, iba iba 'yung– merong professionals, merong mga estudyante, merong mga first time voters, merong mga seniors, nandito sa harap, pero nandito tayo lahat dahil mahal natin 'yung ating bayan.

    `Yung gaya po ng sinabi ko noong 2016 po, admin candidate po ako. Halos lahat– maraming mga politiko ka-alyado natin. Kami po ni Senator Kiko magkasama dati. Si Senator Kiko tumatakbo siya bilang Senador, ako po tumatakbo bilang Vice President. Si Senator Kiko po napakarami ng eleksyong pinagdaanan. Ako, ganoon din. Ako po mismo pangatlong eleksyon ko na ito, 'yung asawa ko po dati six term Mayor, anim na eleksyon din 'yung pinagdaanan. Pero for the very first time, ngayon lang po namin nakikita kung gaano ka-invested ang taumbayan.

    Sa mga rallies lang, ayun sa Pangasinan, nakita niyo di ba? Sa mga rallies, hindi po namin inaasahan. Napakarami 78,000 ba 'yung count? 78,000 na tao 'yung pumunta. Ngayon pong umaga kahit may pag-alinlangan ako na hindi natin mapupuno itong gymnasium na ito, hindi lang pala tayo puno pero naglagay pa tayo ng extension sa labas dahil hindi na nagkasya. Pero 'yung tanong bakit ba nandito tayo? Bakit ba sobrang invested tayo? Meron ba dito sa inyong binayaran para mag attend? [crowd cheering: Wala!] Meron ba ditong hinakot para mag attend? [crowd cheering: Wala!. Ito hindi na lang sa hindi kayo binayaran, pero karamihan sa inyo abonado pa di ba? [crowd cheering]

    Alam ko marami sa inyo gumagastos ng sariling pera para magpa lugaw, para mag motorcade, para mag imprenta ng mga election paraphernalia. 'Yung mga t shirt ninyo hindi ko alam kung saan nanggaling pero kanya kanya din ng pa-imprenta. Pero ang tanong nga, bakit baliktad ngayon?

    Datirati, kami pong mga nagka kandidato, kami– lahat nanggagaling sa amin. Kami 'yung nag-oorganisa, kami 'yung magpapa imprenta ng tarpaulin, kami 'yung magpapadala ng t-shirts. Ngayon, baliktad na. Kahit po saan kami pumunta umuuwi kami napakarami naming bitbit. Pati tarpaulin kami 'yung binibigyan. Kung anuanong mga souvenir kami 'yung binibgyan.

    Bakit kaya ganoon? Ang amin pong palagay, naiintindihan ng taumbayan ngayon kung gaano kahalaga ang eleksyon na ito. Hindi lang po natin pinipili ang kandidatong type natin. Pero ang dinedesisyunan natin ngayon, anong klaseng gobyerno, anong klaseng politika ang gusto nating makita sa ating bansa in the next six years.

    Sa amin po klaro. Klaro po ang pangako namin sa inyo ni Senator Kiko. Gobyernong tapat, [crowd cheering: Angat buhay lahat], para umangat ang buhay ng lahat. Ano pong gustong sabihin ng gobyernong tapat? Ang pinapangako po namin sa inyo, mga lingkod bayan na matitino at mahuhusay. Pag mahuhusay at matitino ang lingkod bayan, ang tao may tiwala sa kanyang mga namumuno. Pag may tiwala ang tao, nag aambag siya. 'Yun po 'yung tunay na pagkakaisa. Pag ang gobyerno saka ang tao tulong tulong sa paglutas ng mga suliranin ng ating bayan.

    Ganoon po kami sa Office of the Vice President. Alam niyo naman po napakaliit ng mandato ng opisina namin. Napaka kaunti ng aming budget. Pero bakit po nagawa namin 'yung Angat Buhay Program? Bakit nagagawa naming tumulong sa lahat na sulok ng Pilipinas? Ang unang dahilan, dahil ang kaunti naming budget pinapangalagaan namin. Walang napupunta sa korapsyon. Pag ang pera walang napupunta sa korapsyon, nakakaabot siya sa mga pinaka nangangailangan.

    Pangalawa, pinagpaguran po namin ang reputasyon ng aming opisina. Kakaupo pa lang po namin noong 2016, ang pinagtrabahuhan na namin maging ISO Certified kami. Ano pong gustong sabihin na ISO Certified? Gustong sabihin, maayos 'yung pamamalakad sa opisina. Ang mga proseso according to International Standards. Bakit siya mahalaga? Dahil ganoon naman dapat pag naninilbihan ka sa taumbayan. 'Yung pinaka maayos na serbisyo ang dapat mong binibigay.

    Pag nagsabi po kaming galit kami sa korapsyon, mahaba ang aming resibo. Sunod sunod na taon, nakukuha po ng Office of the Vice President ang pinakamataas na COA audit rating. Hindi na po kami ang nagsabi, pero COA na ang nagsasabi na malinis ang pamamalakad namin sa OVP.

    Ano po 'yung resulta noong ISO certification namin saka COA audit rating? Maraming nagtitiwala sa aming mga private organizations. Pag maraming nagtitiwalang private organizations, nag-aambag sila para mas makatulong kami sa taumbayan. 'Yun po 'yung dahilan kung bakit nakakatulong kami mula Batanes hanggang Tawi-Tawi. Sa pinakamahihirap na lugar, pinakamalalayo, andoon po kami. Dahil lang 'yan sa pagtutulungan ng gobyerno, ‘yung aming opisina, saka ng mga private organizations. Ganoon pong klaseng pamamahala ang aming ipinapangako sa inyo. Ang pinapangako po namin, isang pamahalaan na hindi magto-tolerate ng korapsyon. Isang pamahalaan na ang politika, ginagamit sa tama.

    Ngayon po kasi pag sinabing politiko– Kami ni Senator Kiko politiko din kami, pero ang pangako po namin sa inyo: magkakaroon ng magandang reputasyon ang isang politiko. Ngayon pag sinabi mong politiko parang nahihiya ka pa magsabi na politiko ka. Pero ang pinapangako po namin sa inyo, bibigyan namin ng dignidad 'yung titulo ng pagiging politiko. Dahil dapat 'yung mga bata na kagaya ninyo nag-aambisyon din maging lingkod bayan. Pero hindi kayo mag-aambisyon kung masama ang reputasyon ng pagiging politiko.

    Si Senator Kiko po napakatagal ng naninilbihan, since 2001, pero may narinig na ba kayo ng any instance na ang kanyang pangalan nai-involve sa kahit anong anomaliya? Wala. 'Yun po 'yung dahilan kung bakit siya 'yung pinili natin. Na hindi lang siya mahusay, pero matino din. At 'yun po 'yung aming pangako sa inyo. Matino at mahusay na paniniwala para mapagsilbihan natin ang taumbayan.

    Alam ko po na pag panahon ng kampanya, maraming mangangako. Mangangako na papagandahin ang ekonomiya, mangangako na ang edukasyon saka ang kalusugan bibigyan ng tutok, mangangako na agrikultura popondohan.

    Ganoon din po kami, 'yun din 'yung aming pangako. 'Yung mga plataporma po namin nasa website na namin, lenirobredo.com. Pero ang sinasabi ko po ngayon, hindi lang 'yun pangako na mga programa, pero kung papaano namin gagawin 'yung mga programa. Gagawin po namin 'yun sa pagiging matapat na pamamahala.

    Kaya po ito, ngayong umaga, napakarami niyo dito, hanggang sa labas meron pa, ang akin pong paniniwala: Nandito kayo kasi pareho din 'yung paniniwala ninyo sa amin. Hindi niyo kami binobotohan dahil si Leni Robredo saka si Kiko Pangilinan kami, pero bobotohan niyo kami kasi 'yung paniniwala namin na gobyernong tapat, matitino at mahuhusay na lingkod bayan, 'yun din 'yung inaasam ninyo para sa ating bayan.

    [crowd cheers]

    Kaya po kami, nagpapasalamat po kami sa inyong lahat. Hindi niyo po alam kung gaano niyo po pinasaya at pinalakas 'yung aming loob ngayong umaga.

    [crowd cheers]

    Alam ko po na hindi madali para sa inyo. Hindi madali para sa inyo na kampihan kami. Marami po sa inyo– Ayan nababasa ko 'yung mga post ng ating Ilocos Norte volunteers na marami sa inyo dumadaan sa harassment, marami sa inyo dumadaan sa pangangantiyaw, pero ginagawa niyo padin 'yung sa tingin niyong tama. Ganoon po 'yung inaasam natin na mga taumbayan na magiging kasama natin. Na ang sinasamahan lagi 'yung tama, hindi lang 'yung popular. Na sumasama kayo hindi lang dahil Ilokano kayo, pero sumasama kayo dahil palagay ninyo ito 'yung makakabuti para sa ating bansa.

    Kaya po maraming maraming salamat sa inyo. Mabuhay po kayong lahat. "Elyu Now, Malacañang Later." Maraming salamat.

    [crowd cheers]

    "Babae ang presidente ng Norte." "Advance Happy Birthday, VP Leni." Birthday ko po next week. "Sorry sa May 9 ko pa ibibigay gift ko, ha?" Best birthday gift po 'yun. "Proud to cast my first ever vote for Number 10, Leni Robredo." "Mga pinagbawalan for Leni-Kiko." "Sigaw ng Masa: Leni-Kiko ang Pag-asa." "Kung ang San Fernando may Dong Gualberto, sa Malacañang dapat may Leni Robredo."

    [crowd cheers]

    "Pagod na sa Med School for Leni." Laban lang. Laban ng laban. "Payakap, Mama Leni, para sa med tired student tulad ko." Lapit po dito. "Baguio, Benguet Lawyers for Leni-Kiko." "VP Leni, pa-autograph po para sa resibo lang." Dito po. "Itakwil man ako ng buong angkan, Leni, you're still the one."

    [crowd cheers]

    "Happy birthday for Leni." Thank you. "Malapit na po graduation ko, pwede po pa-picture?" Sure. Lapit na po kayo dito. "Ang highlight for today's video ay track records nina Leni at Kiko." "Future Architects for Leni-Kiko." "Tanghalang SLU for Leni-Kiko." "Student Nurses for Leni." "Pa-hug po or else cry ako." Huwag kang mag cry, dito ka sa harap. "Hindi mapapagod mag fact check for Leni." Thank you. "Chemists for Leni-Kiko." "Awan Ti Solid North."

    [crowd cheers]

    "Ilokano para sa Bicolana." "VP Leni sagot sa–" Pa-straight po, hindi ko nababasa. "VP Leni sagot sa angat buhay ay angat sweldo ng mga guro - ACT Teachers." Maraming salamat po. 'Yun po, sinabi ko na ito na magde-declare tayo ng education crisis. Aasikasuhin po natin 'yung mga guro natin.

    [crowd cheers]

    "Mga paboritong anak for Leni-Kiko." "La-Onion for Leni." Mga hindi paboritong anak pala. "Pa-picture po, Mommy Leni - Medtechs for Leni." Lapit po dito. "Philippines looks better in pink." Oh my God, 'yung picture ko ito doon sa windmills nahanap niyo. "VP Leni, payakap at pa-picture kasama si Senator Kiko." Lapit lang po dito. "Biniyayaan ng acad break for Leni-Kiko."

    [crowd cheers]

    "Ilocos Norte for Leni-Kiko." "Working students for Leni-Kiko." "Picture muna tayo para may pa-post ako. Labyu, number 10." Maraming salamat po. May nakita akong dinosaur doon sa likod. Meron tayong guest of honor na dinosaur. Ano ba? Nasaan ka na? Ayun. "Baguio Rally Please." Tatanungin po natin 'yung ating campaign team. "Ilokano ako, kay Leni ang boto ko." Mamaya. Mamaya. "Guys, nasa tamang tao na ako. Keep-up, Pilipinas. Kaya ba this Halalan 2022?" "Pamilya ko nag-Baguio, Ako nandito." Thank you. "Babae kami, hindi Babae lang."

    [crowd cheers]

    "Math Wizards for Leni-Kiko." "VP Leni, pa-picture." 'Yung mga magpapa-picture lapit na dito. "Ang barangay secretary na tumindig para sa'yo, VP Leni." Maraming salamat. Lakas ng loob. "Sampung shot ng tequila para kay Leni."

    [crowd cheers]

    After ng elections, pag nagse-celebrate na tayo. "Craving for lugaw with good governance and transparency." "Kung si Blythe may Ricci, kami may Leni." "Piliin mo sila Leni-Kiko tapos ako." "Absent sa work for Leni." "Linkers for Leni." "L for Leni-Kiko, U for Me." "Kami 'yung sinasabi niyong sibuyas." "Doon tayo sa may care plan." "Lumalaban para kay Leni-Kiko." "Pink Ti Botok."

    [crowd cheers]

    "Ikaw ang nag-iisang tiyak, sa isang libong duda." "Hi, Ninang. Love, all the way from Naga." Taga-Naga ka? Ang layo. Ay, Kiara. Oh my God, Kiara. Neighbor namin si Kiara. Oh my God. Kiara and April, dito kayo. Neighbor namin. Katabi namin sa apartment. Uy, pumasa ka sa Bar? Oh my God. Akyat ka dito. Akyat ka dito. Dito ka. Dito ka.

    [crowd cheers]

    Halika. Halika dito. Padaanin niyo siya. Halika, halika. Kalalabas lang ng results ng Bar exam.

    [crowd cheers]

    Ayan. Palakpakan po natin, Attorney John Michael Mugas. Newly minted lawyer! Ayos! Swerte natin may kasabay tayong bagong abogado. "Mamartek for Leni." "Tumakas sa mga parents na Marcos apologists for Leni."

    [crowd cheers]

    "Shoutout sa kapatid ko–" Oh my God, kayo 'yun. Magkita tayo mamaya. "VP, kamukha mo si Mama ko. Pa-picture po." Of course. Ayun. Hindi na daw ako puwede kasi late na daw kami sa susunod. Tatlo nalang babasahin ko. "Ma'am VP Leni, pa-pic po para hindi ako ma-outside the kulambo. Order ni misis." Maraming salamat po. Thank you very much. Ayan. Teka, kukuha lang tayo dito. Ano 'yan? "Huwag iboto ang taga-Norte na madaming kaso sa korte." [laughs] Ayan. "Breakers of Solid North for Leni." "Mga malapit ng itakwil ng pamilya for Leni." "Things won't be as it was pag manalo si Leni." Pasensya na hindi ko na ma– Mag na-nine– Ito, ito pakinggan niyo. "Magna-90 na ako this October, at wish ko nakakatayo pa ako at kayo ay naka-upo na."

    [crowd cheers]

    Nay, lapit po kayo. Puwede ba natin siya ipaakyat? Akyat po kayo dito. Akyat kayo dito. Ayan. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Mabuhay po kayo.

    [END]

    Posted in Transcripts on Apr 12, 2022