This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo Endorsement by Tuy Local Officials

    Message of Vice President Leni Robredo
    Endorsement by Tuy Local Officials
    Covered Court, OLPA,Tuy, Batangas


    VP LENI: Magandang umaga. Salamat po, salamat. Maraming salamat. Maraming salamat. Alam niyo po, pangalawang pagkakataon na nakabisita ako dito sa inyo. Kaya masayang-masaya po ako na nagkaroon ako ng pagkakataon. 'Yung unang bisita ko po, kasama ko si Mayor Randy doon sa relief operations noong pumutok 'yung bulkang Taal noong January 2020.

    Pero bago po ako magpatuloy, ang akin lang pong pagbigay galang siyempre sa ating minamahal na mayor, Mayor Randy. Sa atin pong minamahal na vice mayor, susunod na mayor na ulit ng Tuy, Vice Mayor Jay, former Congressman Tom Apacible, siyempre si Father Egay, ang ating Parish Priest.

    'Yung lahat pong mga kasama natin ngayon umaga, hindi ko na kayo iisa-isahin. Pero kanina po nakilala ko 'yung mga volunteers, 'yung mga tumutulong sa atin, nakakataba naman po ng puso. Nakakataba ng puso na napakaraming tumutulong sa atin.

    Ano 'yun? Ayan, gusto ko lang i-recognize, nasaan po 'yung RPC Tuy? Maraming salamat sa inyo, Tuy Volunteers for Leni-Kiko. Parang ang daming naka-pink ngayong umaga. Pero 'yung laging mensahe kahit hindi naka-pink, mamahalin natin. Lahat po dito welcome. Lahat ay talagang kasama natin sa laban dahil ang pinaglalaban po natin dito hindi lang kaming mga kandidato, pero ang pinaglalaban natin dito ang kinabukasan ng ating bayan.

    Kaya natutuwa po ako na marami talaga 'yung lumalaban, marami 'yung naglalakas ng loob. Kakaiba po 'yung eleksyon na ito, napansin niyo ba? Sino ba dito sa inyo 'yung unang pagkakataon nakilahok sa kampanya?

    [crowd cheer]

    Marami, di ba? Napakarami ngayon na 'yung mga nakaraang eleksyon hindi naman aktibo sa kampanya pero ngayon bigla-bigla, sobrang aktibo na. Hindi lang po– hindi lang na kumakampanya pero nagpapalugaw, nagmo-motorcade, nagha-house to house, lahat talaga ginagawa. At 'yun ay dahil lang sa pagmamahal sa bayan.

    Pero di ba tinatawag ako dito, "Leni Lugaw"? Pero alam niyo, totoo 'yun dahil 'yung pinakahuli kong punta dito sa Tuy, pumunta kami nina Mayor sa Barangay Bolbok, nagpalugaw kami. Nagpalugaw tayo doon saka namigay ng mga banig, ng mga higaan, ng mga pangangailangan ng pagkain para po sa mga evacuees noong pumutok 'yung Bulkang Taal [Mayon].

    Meron din tayo dito– meron din po tayo ditong Community Learning Hub, nagpapasalamat tayo. Noong nagsara po 'yung mga paaralan dahil sa pandemic, naglagay tayo ng iba't-ibang mga Community Learning Hubs sa buong bansa. Ang pinaka konsepto po ng Community Learning Hub, merong isang lugar na kahit sarado 'yung mga paaralan nakakapunta 'yung mga estudyante natin para kung kinakailangan nilang gumamit ng computers, para kung kailangan nila ng tutors, meron tayong– meron silang napupuntahan para hindi nahihinto 'yung kanilang pag-aaral.

    Kaya nagpapasalamat po tayo sa mga nangangasiwa ng ating Community Learning Hub dito po sa Tuy, Ginhawa Community Learning Hub dahil 'yung mga nangangasiwa, mga trained tutors kaya maraming salamat sa inyong sakripisyo.

    Dito po sa Batangas, napakarami pong programang ibinaba ng aming opisina. Noong amin pong ni-launch 'yung Angat Buhay Program, 'yung pinaka unang bayan dito sa Batangas na in-adopt natin, 'yung bayan ng Taysan. Pumunta po tayo sa bayan ng Taysan at nagbigay doon ng mga proyekto.

    Pero sa nakalipas na anim na taon, hindi na lang Taysan 'yung tinutulungan pero napakarami pang ibang bayan dito sa Batangas na ating binabaan ng proyekto.

    Bawat sakuna, nandito po 'yung Office of the Vice President. Kung naalala niyo 'yung lumindol dito? Naalala niyo ba 'yung lindol? 2017 ba 'yun o 2018? Basta 'yung nakaraan, nagkaroon po kami ng relief operations sa Mabini dahil doon po malaki 'yung destruction.

    Tapos sabi ko nga, noong pumutok 'yung bulkan January 2020, napakarami pong bayan dito sa Batangas ang nagkaroon po tayo ng relief operations. Ako po mismo 'yung bumababa. Bawat bagyo, nandito po kami. Bawat sakuna, nandito kami.

    Bakit ko sa inyo ito sinasabi? At bakit– kung mapapansin niyo po sinusuyod namin bayan-bayan. Mamayang gabi, pupunta ba kayo sa Bauan? Meron tayong isang grand rally sa Bauan. Pero kanina po, maaga kami nasa Nasugbu kami. Ito pangalawang lakad namin sa Tuy. Pagkatapos po nito, pupunta kami ng Lemery. Pagtapos ng Lemery, pupunta kami ng Taal. Pagkatapos ng Taal, pupunta kami ng Santa Teresita. Pagkatapos po ng Santa Teresita, magda-drop by pa kami ng Lipa at Batangas City bago pumunta sa Bauan. At ito po, pangatlong balik na namin ito dito sa Batangas. Noong mga una pong bisita namin, ibang bayan naman ‘yung pinuntahan. Pati po ‘yung mga anak ko, balik-balik din dito. ‘Yung bunso ko po, si Jillian, nandito din ngayon, ibang bayan ‘yung pinuntahan.

    Pero bakit namin ito ginagawa? Ginagawa po namin ito para iparamdam sa inyo na hindi kayo kailangan lumapit sa gobyerno dahil ‘yung gobyerno mismo ang lalapit sa inyo.

    [Crowd cheers]

    Ito po ‘yung klase ng pamamahala na pinapaniwalaan natin: mga lingkod bayan na binababa ‘yung sarili niya sa mga komunidad para siya mismo ‘yung nakikinig sa mga hinaing ng taumbayan para siya mismo ‘yung nakakaalam kung ano ‘yung mga kahirapan na pinagdadaanan.

    Kaya ito pong kampanya, alam po namin na hindi lahat makakapunta ng Bauan. Kaya sabi po namin, ‘yung hindi makakapunta ng Bauan, kami ‘yung pupunta kaya po andito kami sa inyo.

    [Crowd cheers]

    Pero ang laki pong pasasalamat namin sa suporta pong nakukuha natin sa inyong mga lingkod bayan sa pamumuno po ni Mayor Randy, kaya Vice Mayor Jay, ‘yung mga lahat na LGU family ng Tuy, pati po ang parish priest.

    Bihira po ito na naglalakas loob ang mga city officials na tumayo para sa atin, kaya po grabe po ‘yung ating pasasalamat na malakas ‘yung loob nila, na kahit pakiramdam dehado tayo sa laban, lumalaban pa din.

    Lahat pong mga laban ko, mahihirap. Noong una po akong lumaban noong 2013 bilang Congresswoman, kalaban ko po sa amin pinakamalaking political dynasty sa amin. Akala po ng lahat hindi ako mananalo, pero nanalo ako.

    [Crowd cheers]

    Noong lumaban po ako noong 2016, wala ding nag-aakala na may pag-asa ako, lalong-lalo na kasi noong nag-umpisa po ako, 1% lang ako. Sa anim na kandidato bilang Vice President noon, pang-anim ako sa surveys, pero wala po kasing makakatalo sa sipag ko.

    [Crowd cheers]

    Talaga pong masipag ako. Masipag ako, hindi lang sa kampanya, pero lalo na sa trabaho.

    [Crowd cheers]

    ‘Yung 1% ko po, ‘yun ‘yung naging tulay at ‘yung sipag para tayo ay maging Vice President.

    Pero, kukunin ko ang pagkakataon na ito para magpasalamat sa mga Batangueño dahil dito po sa Batangas, napakalaki ng panalo ko.

    [Crowd cheers]

    Kung wala po siguro kayo, kung wala po siguro kayong tulong, baka hindi ako naging Vice President.
    Noong 2016 po, pumunta ako dito sa inyo, humingi ng inyong tulong, wala pa po akong track record noon. Ang track record ko lang, bilang Congresswoman. Pero ngayon, bumabalik ako sa inyo, pwede ko na kayong tingnan sa mata para sabihin, hindi ko sinayang ‘yung anim na taon na binigay niyo sa akin.

    [Crowd cheers]

    At ‘yung track record po natin, hindi lang kami ‘yung nagbubuhat ng bangko para sa ‘min, pero ‘yung mga recognition galing sa iba’t-ibang mga ahensya ng pamahalaan, pinapakita na talagang inayos namin ang aming serbisyo.

    ‘Yung COA na po mismo nagsasabi, walang korapsyon ang opisina namin kaya po taon-taon nakukuha po namin ‘yung pinakamataas na COA audit rating. Kahit po ang Civil Service Commission, inaawardan ang opisina namin dahil sa mahusay na pamamalakad.

    Kaya ito po, ngayon na nasa harap niyo ko, puwede kong sabihin magre-report ako na ‘yung mandatong binigay niyo sa akin noong anim na taon, hindi ko sinayang. At ako, humihingi muli ng tulong ninyo, nangangako na hindi ko din sasayangin ‘yung mandato na ibibigay niyo sa ‘kin bilang Pangulo.

    [Crowd cheers]

    Ang resibo ko po diyan, ‘yung aking track record.

    [Crowd cheers]

    [Supporter shouts] Ano ‘yun?

    SUPPORTER: VP, I love you!

    VP LENI: Maraming salamat.

    Ang amin pong hinihiling sa inyo, na ‘yung pagtulong po sa amin sa eleksyon, hindi lang po dahil pumunta kami, hindi lang dahil nanalo kami noong 2016, o hindi lang dahil si Fr. Egay napaka-supportive. Hindi lang po dahil si Mayor Randy saka si Mayor Jay, tinutulungan kami, pero bobotohan niyo kami kasi naniniwala kayo sa klase ng pamahalaan na aming isinusulong.

    [Crowd cheers]

    Ito po, hindi na po kami magtatagal dahil napakahaba pa ng aming araw. Pero gusto ko lang pong sabihin sa inyo, maraming salamat dahil kahit ang aga-aga pa, pinaramdam niyo na sa amin ang inyong suporta at pagmamahal. Kaya mabuhay po kayo. Hindi lang po para sa akin ‘yung hinihiling natin na tulong, para din po sa aking Vice President, Senator Kiko Pangilinan–

    [crowd cheers]

    –at ‘yung mga senador na sinasama po natin: Senator Sonny Trillanes, Senator Risa Hontiveros, Senator Leila de Lima, Senator Dick Gordon, Dean Chel Diokno–

    [crowd cheers]

    –Attorney Sonny Matula, Attorney Alex Lacson, saka Congressman Teddy Baguilat. Maraming, maraming salamat po sa inyo. Mabuhay po kayong lahat.

    [END]

    Posted in Transcripts on Apr 30, 2022