This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo Faith Colleges, Tanauan, Batangas

    Message of Vice President Leni Robredo

    Faith Colleges, Tanauan, Batangas

    [START 00:00]

    VP LENI ROBREDO: Sino sa inyo ang taga Tanauan?

    [crowd cheers 00:02 to 00:21]

    VP LENI ROBREDO: Salamat. Salamat. Sabi ko sana parang napansin ko noong nag– ‘yung tumayo ‘yung taga-Sta. Tomas parang ‘yun din ‘yung taga-Tanauan. Hindi niyo naman ako binibiro? Pero gusto ko rin tawagin ‘yung iba’t ibang mga grupo, siyempre ‘yung aking core group na Tanaueños for Leni, nasaan po kayo? Hindi ko na po iisa-isahin. Nasaan po ‘yung Robredo People’s Council? Nasaan ‘yung Leni Action Movement for President - Ina ng Bayan? Nandirito ata.

    [background noise 01:02 to 01:13]

    Ano ‘yun? [inaudible 1:13 to 1:20] Asan ‘yung mga taga [inaudible 1:21 to 1:22] Pasensya na hindi kumpleto, pero babasahin ko nalang ‘yung mga mababasa ko ha? Sta. Rosa? Pasensya na. “Rosas ang Kulay ng Bukas.” Ayan. “Rosas ang Kulay ng Bukas,” Sta. Rosa, Laguna [inaudible 01:47 to 01:51]. Maraming salamat din [inaudible 01:53] for Leni. Maraming salamat sa Sto. Tomas for Leni. Maraming salamat sa Bayan Muna Partylist. Maraming salamat din sa Makabayang [inaudible 02:18] 2022. Ito naman, Babae naman.

    Pasensya na po hindi ko mabasa ‘yung iba. Halika sir. Ikaw ‘yung may gawa? Ang ganda, palakpakan natin si sir. Ayan na. Parang hindi kayo nagugutom, no? Marami pa ring kayong energy, maraming salamat. Maraming-marami pa ring energy ang mga taga-Talisay, taga-Malvar, taga-Laurel, taga-Tanauan, ayun. Pero ito po, masayang-masaya po ako na nakabalik po ako dito sa Faith College. Hindi po ito ‘yung unang pagkakataon na bumisita ako dito, kasi noong 2017, nandito po ako para sa graduation. Dito din po sa stage na ito pero napaka solemn noong graduation at ngayon para tayong fiesta.

    Alam niyo po, maraming nangyayari ngayon na hindi ko pa naranasan. Ay, andito pa pala si Dean Chel Diokno ay saka si Atty. Sonny pa pala, sorry po hindi ko kayo nakita kanina. Nandito pa rin Dean Chel Diokno at saka Atty. Sonny Matula. Marami po ngayong nangyayari na first time namin pinagdadaanan kahit po marami na kaming eleksyon na pinag-trabahuhan. Kaya po sinasabi kong maraming nangyayari, first time naming nararamdaman dahil ngayon lang po kami dumadaan sa isang kampanya na napaka-sipag at dedicated ng mga volunteers. Alam niyo naman po na medyo huli na ako nag-desisyon. Nag-desisyon ako last hour, kaya po after po ako nag-file, hindi pa ako handa ng aking mga campaign materials pero kayo, handang-handa na.

    Noong 2016 po – at palagay ko alam niyo naman ito – baguhan ako noon, hindi ninyo pa ako kilala, nagpapakilala palang ako, ‘yung kasabay ko pong nagkakandidato for Vice President mga kilalang pangalan na. Solo din akong babae, pero kahit baguhan ako sobrang laki ng pinanalo ko dito sa Batangas. At ‘yun po, ‘yung panalo ko dito hindi ko ‘yun inaasahan dahil alam ko na ‘yung mga katunggali ko noong 2016, mas kilalang kilalang niyo na, pero tinulungan ninyo ako ng malaki. At ‘yung tulong po sa akin ng Batangas, napakalaking factor kung bakit nanalo ako as Vice President.

    Pagkatapos po ng eleksyon – Vice President na ako – pero doon ko po na-realize na madami palang kahirapan na pagdadaanan. Unang-una, limitado ‘yung aming mandato. Pangalawa, limitado ‘yung aming budget. Pero desido kami na hindi namin ‘yun hahayaan. Hindi natin hahayaan ‘yung pagkukulang na maging sagabal sa gusto naming gawin. Alam po namin na magagawa lang namin ‘yung gusto naming mga gawin sa mga pinili naming communities at makipag-bayanihan sa amin ‘yung private sector. Pero kayo po, alam na alam niyo na ‘yung private sector hindi tutulong kung wala silang tiwala sa iyo. Ang tiwala, ang tiwala hindi po 'yun nadadala sa pangalan, hindi po 'yun nadadala sa posisyon. Pero ‘yung tiwala, pinagpapaguran. Kaya noong umpisa noong nanungkulan akong Vice President, ‘yung tinutukan po namin sa umpisa pa lang ng term, lilinisin namin ‘yung aming opisina, ipapakita namin na seryoso kami sa aming mandato, ipapakita namin na malinis ‘yung aming pamamahala, prinofessionalize namin ‘yung buong opisina, nagawa po namin ‘yun. Kaya po kami may ISO certification for three straight years, unqualified opinion rin po sa COA, na-recognize po kaming excellent sa Human Resource Management, bakit po mahalaga iyon? Kasi gusto namin tiwalaan kami ng taumbayan.

    Kahit po kaunti ‘yung aming budget, maraming pinakamahihirap na communities sa buong bansa ang natulungan namin. ‘Yung tulong po noon nag-range from housing projects, mga dormitories sa mga public high schools, pati po public education, pati healthcare, women empowerment. Sa pinakamalalayong lugar sa bansa, nagawa po natin iyon dahil sa pagbabayanihan with the private sector. Pag mayroong sakuna, nauuna kami sa ground na sumaklolo gaya po noong Taal eruption, nandito po ako ilang araw. Lahat ng bagyong dumaan, lahat ng lindol na dumaan, lahat ng bahang dumaan pati po itong pandemic, unang-una kaming nagrerespond kasi isang tawag lang, nandiyan na ‘yung private sector.

    Ang paniniwala po namin, ‘yung leader, hindi lang siya dapat mahusay, hindi lang siya dapat matino, pero kailangan ‘yung leader inspirational, para ‘yung tao nagugusto siyang makiambag. Dahil po ang tao po ayaw makiambag dahil wala siyang tiwala. Hindi naman kaya ng gobyerno sagutin ‘yung lahat ng problema. Masasagot lang ‘yung mga problema pag ang ordinaryong mamamayan tumulong sa paghanap ng solusyon. At ‘yun po ‘yung nagawa namin sa Office of the Vice President.

    Pero sasabihin ko po sa inyo, hindi madali makuha ‘yung tiwala lalo na po sa amin na mga politiko. Dahil po dito sa bansa natin, kapag sinabi na politiko kami, karamihan sa– ayun, karamihan sa mga tao, iba na kaagad ang pagtingin. Pero ako po ‘yung misyon ko, gusto kong ipakita na ang pagiging politiko, hindi siya masama. Pero puwede siyang gamitin para magdala ng kabutihan sa ating bansa. ‘Yun po ‘yung aking misyon, ipakita sa tao na ‘yung luma at bulok na klase ng politika, kayang-kaya matalo ng matino at mahusay na pamumuno.

    Napakita na po natin ‘yun. Napakita na po natin ‘yun noong ako ay Pangalawang Pangulo in the last five and a half years. Lalong lalo na kung tayo ay mabibigyan ng pagkakataon na manilbihan nang mas malawakan. Pero hindi po mangyayari, hindi po ako magiging Pangulo kung hindi niyo ako tutulungan. Alam ko po, alam ko po na marami sa inyo, marami ng ginagawa para tumulong. Ang ginagawa niyo po beyond doon sa ine-expect sa inyo. Nakikita ko ‘yung pictures niyo, nakikita ko sa Facebook, nakikita ko sa Twitter, nakikita ko sa Instagram ‘yung lahat ng ginagawa ninyo at lagi po akong namamangha na merong mga kagaya niyo na nagdesisyon na ang laban na ito ay hindi lang laban ko pero laban niyo din.

    Palagay ko po ito ‘yung pagkakaiba kumpara sa mga nakaraang kampanya. Noong mga nakaraang kampanya parang simpleng laban lang siya between mga kandidato. Pero ngayon iba, dahil ang laki ng stakes ng eleksyon na’to. Ang eleksyon po na ’to hindi na pinag uusapan kung sino ‘yung better candidate pero ang pinag uusapan dahil very clear po ang battle lines ang pinag-uusapan anong klase politika at pamamahala ang gusto nating mamayani sa bansa natin in the next six years. Dahil ako po klaro ‘yung klaseng pamamahala na aking ino-offer sa inyong lahat. At ito po ‘yung pamamahala na tapat, matino, mahusay. Hindi ‘yung pamamahala na nadadaan sa politika at transaksyon.

    Ang akin pong pakiramdam kaya sobrang invested kayo ngayon, dahil naiintindihan niyo, naiintindihan niyo na kung ano ang magiging resulta ng eleksyon sa Mayo, ito ‘yung magsasabi kung anong mangyayari sa bansa natin in the next six years. Marami po tayong reklamo ‘di ba? Kahit ako. Paminsan pakiramdam natin wala na tayong pag-asa kasi pare pareho lang sila. Pero actually po hindi kami pare pareho. At nasa kamay niyo lahat ‘yung kapangyarihan para sabihin, ito ‘yung klase ng politika na gusto kong mamayani sa bayan natin. Pag panahon ng eleksyon maraming manliligaw, maraming makikiusap, pagandahan ng plataporma pero wala pong saysay ‘yung plataporma kung hindi natin pag-aralan ‘yung pagkatao, hindi natin pag-aralan ‘yung track record na nagsasabi ng plataporma.

    Ang klase po ng pamamahala na pinaniniwalaan ko, hindi ako magpapagawa ng isang bagay na hindi ko kayang gawin na ako mismo. Gusto kong sabihin, gusto kong sabihin- kung gusto kong tumulong sa community kailangan ako mismo ‘yung pumunta, kung gusto kong tumulong, kailangan ako mismo ‘yung makinig. Dahil kung ang tinitingnan ko lang mga papel, hindi ko nakikita ‘yung mga mukha saka mga kwento sa likod noong papel na ‘yun. Noong ako po Vice President in the last five and a half years, ganoon po ‘yung ginawa ko. Ako mismo ‘yung bumababa, ako mismo ‘yung nakikiusap, ako mismo ‘yung nakikinig. Dahil pag hindi ko po ‘yun ginawa, pwedeng ‘yung ating ekonomiya ay bumuti pero marami pa din ‘yung maiiwan sa laylayan ng lipunan dahil hindi natin sila pinakinggan.

    Hindi ko po alam kung nanood kayo noong kick-off rally natin na ginawa sa Naga. Ang isa po sa mga commitment ko doon na ‘yung laylayan ang gagawin natin na bagong sentro. Gustong sabihin, lahat ng ginagawa natin sisiguraduhin natin na bitbit natin ‘yung lahat at hindi lang ‘yung mayayaman hindi lang ‘yung makikinabang lagi, hindi lang ‘yung may– nakikipag transaksyon, pero sisiguraduhin natin na lahat ng desisyon natin walang maiiwan. Dahil walang saysay ang kahit anong development kung marami pa din tayong mga kababayan na naghihirap. Pero hindi ko po ito kaya kung wala kayo sa tabi ko. Pag binigyan po ako ng pagkakataon, ang una ko pong hihilingin sa inyo, samahan niyo ako sa laban na ito.

    88 days na lang. Ready na ba kayo? Pero hindi lang ready bumoto at hindi lang ready na mag sakripisyo para mag kampanya, pero kailangan i-ready rin natin ‘yung ating mga puso kasi hindi po tayo makakasabi na papakinggan natin ‘yung mga nasa laylayan kung ngayon pa lang na kampanya hindi natin kayang pakinggan ‘yung ibang mga paniniwala.

    Kaya po ako ang pakiusap ko sa inyong lahat, radikal na pagmamahal. Anong gustong sabihin ng radikal na pagmamahal, madaling mahalin ‘yung kapareho natin na paniniwala pero mas mahirap mahalin ‘yung mga iba ‘yung pinanggalingan at paniniwala. Kaya ang tanong ko sa inyo, kaya ba natin na in the next 88 days – makinig muna kayo, hindi ko pa nga tinatanong – nauuna ang recitation wala pa ‘yung tanong. Ang tanong ko sa inyo, in the next 88 days, kaya ba natin magsakripisyo para ‘yung pagmamahal natin maging radikal? In the next 88 days, kaya ba natin na lumabas sa ating mga kinasanayan, mag-reach out sa ating mga kababayan, makinig, umintindi, gagawin ang lahat para sa bayan? Pag ang sagot po natin kaya, mananalo tayo. Kaya sana po isapuso ninyo, hindi po tayo mananalo dahil lang sa akin pero mananalo po tayo dahil sa ating lahat.

    88 days na lang, hindi po tayo dapat mawalan ng pag-asa. Gaya po ng kwento ko kanina, wala po akong laban na pinasukan na madali, lahat ng laban ko mahirap – nawalan ako ng asawa, naging byuda, naging single parent. Noong kumandidato po ako ang kalaban ko ‘yung pinakamalakas na politiko sa amin, nanalo ako. Noong lumaban po akong Vice President, ako ‘yung pinaka baguhan pero nanalo ako. Ang paniniwala ko po, ang tao, given the choice, palagi niyang pipiliin ‘yung mabuti.

    Kaya ngayon mahirap pero sabi ko nga pag willing kayong mag sakripisyo in the next 88 days, mananalo tayo. Ako po mahaba pa ‘yung biyahe pero sobrang excited akong makilaban alongside all of you. Maraming maraming salamat sa lahat ng sakripisyo na ginawa niyo na. Maraming salamat sa lahat ng sakripisyo na gagawin niyo pa.

    Ang pakiusap ko lang po kung tutulungan niyo po ako, tulungan niyo din po si Senator Kiko as Vice President. Tulungan niyo din po ‘yung aking mga senatorial slate kahit po hindi niyo pa gaano kilala ‘yung iba, ako na po ‘yung nag ga-garantiya sa inyo na matagal pinag-isipan, matagal pinag-debatehan kung sino ‘yung kabahagi ng slate. Insurance po ninyo ako na mga mabubuti at mahuhusay na tao sila.

    Babalik pa po ako sa Batangas, hindi po ito ang huli. Pero pagbalik ko, sana kasama ko pa rin kayo. Mula po noong dumating ako kaninang umaga, nauna po ako sa Padre Garcia, lumipat po ako sa Rosario, lumipat kami sa Balayan, Lipa, ngayon nandito ako sa Tanuan. Mula kanina hanggang ngayon, ramdam na ramdam namin ang inyong pagmamahal. Kaya maraming maraming salamat po sa pagmamahal na ‘yun, ‘yun ‘yung nagbibigay sa amin ng lakas ng loob na lumaban. Maraming Salamat. Mabuhay po kayong lahat.

    [END 23:16]

    Posted in Speeches, Transcripts on Feb 10, 2022