This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the General Santos People’s Rally

    Message of Vice President Leni Robredo at the General Santos People’s Rally
    Oval Plaza, General Santos City, South Cotabato

    Daghang salamat, GenSan! Sino dito, ang naarawan, naulanan pero nandito pa din, hindi gumagalaw. Grabe, ramdam na ramdam po namin ni Senator Kiko at ng ating Tropang Angat ang pagmamahal ninyong lahat, kaya maraming maraming salamat. Malayo pa po sa kalendaryo itong dalaw namin dito, ang dami na sa inyong naghahanda. Ito ba 'yung sinasabi ng ibang hakot daw? Wala pang naka-set na rally dito sa GenSan, ang dami na pong nagme-message sa amin na pumunta raw kami dito. Balita ko nga po para makapunta dito, may mga nag-offer ng libreng sakay para sa kanilang kapwa volunteer na kakampink, kaya ‘yung lahat na nag-offer ng libreng sakay at nagbabayanihan, maraming maraming salamat po sa inyo.

    Sa inyo pong ginagawa at ginawa ipinakita po natin lahat na ang ating People's Campaign ay tunay na krusada na. 'Yung creative energy ng mga Pilipino, in full display sa ating laban. Ang dami pong mga mural naming nadaanan. Galing po kami kanina sa Kidapawan, lumipat po kami sa Koronadal, hanggang papunta po dito sa GenSan, ang daming mga artwork, ang daming murals, ang daming iba-ibang klaseng mga tarpaulin, at marami po kaming naririnig na mga kanta. Kanya-kanyang hanap ng kartolina para isulat ang inyong mga hirit. Ngayon nga tinitignan ko nga napakaraming– mamaya bibigyan natin ng oras. Kanya-kanyang din pong tali ng mga ribbon, kanya-kanyang tali ng mga tarp. Ang daming gumising na madaling-araw para magpalugaw.

    Sa kabila po nito, may nagsasabi pa din na bayad daw kayo? Alam ko naman ‘yun. Alam kong hindi lang kayo bayad; pero marami sa inyo talagang abonado pa.

    Dito po sa GenSan, gaya ng bawat lalawigang nilalapagan natin, malinaw po, malinaw: Ang ipinaglalaban natin, hindi lang ‘yung ating kulay, hindi lang pangalan o apelyido ng partikular na kandidato ang ating ipinaglalaban. Ang ipinaglalaban po natin, 'yung mga pangarap natin: para sa ating bansa, para sa ating mga komunidad, para sa ating mga pamilya, para din sa ating mga anak at magiging anak.

    At sa nagkakaisa po nating boses, nagiging klaro din ang ating mensahe: Hindi po sapat na palitan lang ang apelyido ng mga politiko. Ang papalitan po natin, 'yung mismong luma at bulok na klase ng politika, ‘yung klase ng politika na nadadaan sa transaksyon at palakasan. Ang kailangan po natin ipalit: Matino, mahusay, masipag, at makataong pamamahala. Gobyernong agad na sasaklolo sa mga nangangailangan; na handang pumunta kahit saan, kahit na anong oras; handang humarap sa kahit anong laban; walang itinatago, walang pagtataguan, walang aatrasan, kaya walang maiiwan. Gobyernong tapat na mag-aangat ng buhay ng lahat.

    'Yung gobyerno pong isinusulong natin, may sense of urgency, dahil alam nating palaging urgent ang inyong mga pangangailangan. Dito po mismo sa GenSan, noong kasagsagan ng COVID-19, mahaba ang listahan ng mga ospital at mga opisina na pinadalhan po natin ng mga PPE sets at mga COVID care kits.

    Nagawa natin ito, kahit kakarampot ang ating budget at sobrang limitado ang makinarya. Sa matinud-anon nga gobyerno, makasalig ka nga walay pinalabi, walay gamay o dakung siyudad, walay duol o layo sa luwag sa Manila. Lahat po kayo mahalaga; lahat tututukan ng puwersa ng gobyerno para masolusyonan ang ating mga problema.

    Dito po sa GenSan: Alam kong kabilang sa intindihin ninyo ang peace and order. Asahan po ninyo: Para sa GenSan at sa buong Mindanao, prayoridad po ng Angat Buhay sa Seguridad. Whole of Nation approach po tayo sa terorismo, violent extremism, at insurgency. Hindi lang tutugisin ang lawless elements; tututukan po natin ang kahirapan, kalusugan, edukasyon, kabuhayan, at katarungan.

    Para magawa po natin ito, sisiguraduhin po natin na maging maayos at masinop ang implementasyon ng Mandanas ruling, para ang pondong nakalaan sa komunidad, naibababa agad at nagagamit sa mga programang kinakailangan.

    Alam ko rin na ang tuna industry, hindi lang po siya pride of GenSan, kundi pride ng buong Pilipinas. Maraming mangingisda ang apektado sa nangyayaring pagtaas ng presyo ng krudo. Malinaw po ang solusyon dito: Maglalaan tayo ng pondong sasagot sa subsidies na direktang darating sa bulsa ng mangingisda. Sa long-term naman, iaatas po natin: Kapag pumalo ang presyo ng krudo, sususpendihin ang excise tax para maibsan ang pahirap na dala nito.

    Maaasahan po ninyo: Sa anumang suliranin, kakampi ninyo ako. Kahit na po sobra pa sa 18 hours, handang handa po tayo mag trabaho para masolusyunan ang ating mga kailangan. Excited po akong magtrabaho na kasama ninyo dahil ngayon pa lang sa People's Campaign natin, kitang-kita na po natin ang uri ng Pilipinong kasama natin dito sa GenSan. Lahat handang magbayanihan. Nagbubuhos po ng talento at panahon, nag-aambagan, nagbibigkis, nagsasanib ng lakas para sa ikaaangat ng lahat. Ganito po ang totoong pagkakaisa. Pagkakaisa hindi lang ng mga politiko sa politiko para sa pansariling interes– kundi Pilipino sa Pilipino para sa kolektibo nating kinabukasan.

    55 days to go. Naa ko'y pangutana sa GenSan: Naa pa ba tay kusog na ihatag? Kaya pa ba nato i-doble ang kakugi? Maabri pa ba nato ang atong kasing-kasing, para ipakita sa kauban ang atong radikal na paghigugma?

    Tinatawag ko po kayo ngayon: Lumabas tayo sa ating nakasanayan. Pagkatapos po nating tumindig: Tumawid tayo. Hanapin ang hindi pa kabilang sa ating hanay. Araw-araw, kumausap ng mga tao at kumatok sa mga pinto, pakinggan ang mga kuwento ng kapwa, makiisa sa mga nagdurusa. Huminto para sa mga nadarapa, at hatakin natin sila patayo dala ang ating mensahe: Iisa ang pinagdadaanan natin, iisa ang laban natin, iisa ang mga pangarap natin. At ang landas tungo sa mga pangarap na ito: Gobyernong tapat sa tungkulin, tapat sa prinsipyo, tapat sa pinaglilingkurang Pilipino.

    Kauban ninyo ako, GenSan. Ali na. Daugon na nato ni.

    Daghang salamat ulit sa inyo. Bago po ako magpaalam, gusto ko lang pong paabutan ng mga pasasalamat ang maraming mga grupong nagtulong tulong dito lalo na po ang RPC GenSan sa pangunguna ni [Kris Lopera 12:14], palakpakan po natin. Nagpapasalamat din po tayo, Former Sarangani Governor Migs Dominguez and family. Nagpapasalamat– Ano 'yun? Ano 'yun? Medic? medic, meron na. Medic. Puwede ba ditong i– ha? Okay na? Sure kayo? Kasi baka puwedeng ipunta siya dito. Okay na? Sure kayo ha? Ayan. Pasensya na po kayo, alam kong marami na kayong pinagdaanan mula kanina. Maraming maraming salamat sa inyo, sa lahat ng sakripisyo.

    Pero gusto ko po din pasalamatan, Governor Migs Dominguez, Former Secretary Lou Antonino, palakpakan po natin. 'Yung iba't ba pong mga grupong andito, saka hinihingian ko po ng tulong hindi lang sarili ko pero siyempre po ang ating ka-partner, palakpakan po natin, Senator Kiko Pangilinan. Si Senator Sonny Trillanes, represented po ngayong gabi ng kanyang maybahay, Mrs. Arlene Trillanes palakpakan po natin. Senator Risa Hontiveros, represented tonight by Paeng David. Senator– Attorney Sonny Matula, represented by kanyang maybahay, Melba. Attorney Alex Lacson, Senator Dick Gordon, Attorney Chel Diokno, Senator Leila De Lima, represented by Congressman Tom Villarin at Congressman Teddy Baguilat.

    Gusto ko din pong pasalamatan: "Tomboys for Leni." "Machos for Leni." Ano ito? "Dartero for Leni-Kiko?" "Employees ng BBM for Leni." "Clout chasers for Leni." "Mga nasawi sa internet love for Leni." Ayan, "Lingkod Leni." Ito, pakinggan niyo, "Mga mahal pa rin ang ex for Leni." Sino mga kasali dito? Ito din, "First time voters," sino ang mga first time voters? "I am a first time voter, my vote is not for sale." "Psychologists for Leni." Meron ditong pangako, "Pag nanalo si Leni, hindi na ako matutulog sa online class." Promise mo 'yan ha? Ano itong nasa taas? Ah "Bakla from UP, boboto kay VP." "Nag-iisang tiyak sa isang libong duda." "Bobo sa Math para sa gobyernong tapat." "Mga takot sa commitment for Leni." "Okay lang lutang, 'wag lang baon sa utang." "Sa gobyernong 'di tapat, respect my opinion ang sabat." Ano ito? "Magsasayang ng laway sa debate for Leni."

    "Kay Leni-Kiko, hayag ang kaumaon namo." Ay ito, "VP, pag nabasa mo ito, jojowain ko na ang crush ko." Andito ba crush mo? Andito? Oh, katabi mo? "Solo parents for Leni." "Artists for Leni." "Pink na boto para kay Leni." Ano ito? Uwu ba 'yan? "Mga palahubog?" Kayo, wag niyo ako ibenta, ang iba hindi ko naiintindihan. "Kaibigan namin, di pinayagan for Leni." Oh, naka-ekstra naman kaibigan mo. "Hindi kami bayaran." "Lenie cutie." "VP, selfie dito." Mamaya. "Oh sabi daw may 500? Fake news." "VP Leni, pa-hug. Gusto ko lang ulit maramdaman ang kalinga ng isang ina." Mamaya, halika. Lapit ka dito. Lapit dito, dahan-dahan, baka mahulog ka, dahan-dahan, halika, akyat ka dito. "Bahala na walang honey basta manalo lang si VP Leni." "Anak ng BBM supporter para kay Leni."

    Ayan, "Occupational Therapists for Leni-Kiko." "Mga hindi na-survey for Leni Sunbaenim." "Irregular students for Leni." "Pahiram naman ng oras mo kahit six years lang." "Marine Biologists for Leni." "Doon tayo sa MaLenis." Ano ito? "Nag-left the G-Meet for Leni-Kiko." "Yes to Leni, No to absentee." Ano ito? "Mommy, Daddy, let's vote for Leni." Pinapahirapan niyo naman ako magbasa. "My Leni, we love you." Maraming salamat. "Sa gobyernong tapat, Yassified lahat." "Kaya ligtas ang mga tahimik dahil sa mga sumisigaw." Baka mahulog kayo. "Sa GenSan, Leni is the one." Okay 'yan ha. "VP Leni, pa-picture po, may class recitation pa po ako." Yes, ano ito? "Biniyayaan–" Naku, hindi ko ata 'yan mababasa. Mapapagalitan tayo. Ito, "Iniwan ng BBM na jowa for Leni." Ito, "[inaudible] for Leni." Parang ang dami niyong hugot? Ito, "SunLeni for clearer skin." "Bakit si VP Leni Presidente ko? Ganito kasi 'yan, I miss you." Kanino mo 'yan ina-address? "Swifties for Leni." Kasali ako diyan. "May exam bukas for Leni."

    Dito naman, kasi nagbasa na ako diyan kanina. "Campaigned for the wrong candidate before but today, we will make bawi." Ayun, "Madam President Leni Robredo, Sir Vice President Kiko Pangilinan, may problema po ako, tulungan po ninyo ako–" Huwag po kayong gumalaw diyan, lalapitan ko kayo.

    "Ayuda at trabahong ligtas lahat" "Leni for President" "No to open pit mining" "Madam Leni pa-picture po kami.” Yes po. Ano ito? Sorry naililito po ako. "Leni-Kiko got our back" "Marurupok for Leni" Ayan, "Momshies for Leni" "UP Agri-Business Economists for Leni." Ito "Mabuti pa ang tuna sa GenSan high grade 'yung isa." "VP Leni pa-picture," okay po pa-picture. Ayan. "Mga 'di dapat sayangin: Leni, Kiko, at ako" "Kalma photoshop lang kami," baka maging sibuyas kayo mamaya. Kabilang side naman. "PhiScians for Leni" "Mga 'di makaalis sa taking stage for Leni" "Arki graduates for Leni" "Bahala ang lugaw basta ang rally 'di nilalangaw," "I'd rather eat kinalaw than vote a magnanakaw." "Sa Mindanao panalo si Leni at Kiko," maraming salamat. "Masarap kumain ng lugaw lalo't 'di galing sa nakaw." "Geologists for Leni."

    Grabe naman ito "Warfreaks for Leni," huwag kayo makikipagaway. Ayan "Mga conyo for leni" "[placard in Bisaya 23:29] for Leni." "Hindi tatawa sa pagmamando pero sasaya sa mabuting pamumuno," maraming salamat. "Mga baklang may ka-ldr," salamat salamat. "Rosas para kay Leni, posas para kay–" magkaka problema ako sa inyo. Grabe. "Kay Leni tayo na lang pease" "Mga gwapo for Leni." Ano tio? Hindi ko mabasa sorry. Ano 'yun? "Leni pa-hug," ang dami niyo hindi ko kayo kaya. Mamaya, mamaya.

    Ayan ako lang po ito lang. Napapansin niyo, iba na ngayon 'yung mga rallies 'di ba? Dati mga kandidato lang ang salita nang salita, pero kaya ko pinaglalaanan ng oras na basahin 'yung mga ginawa niyo kasi ito 'yung paraan kung papaano niyo sa amin mapapaabot 'yung gusto niyong sabihin at ang inyong saloobin. Ito po 'yung sinasabi namin nina Senator Kiko, ibang iba na ang kampanya ngayon. Napapansin niyo 'yun? Dati po kaming mga kandidato, kami nag aasikaso lahat, pero ngayon kayo 'yung nag aasikaso para sa amin. Kaya po nasasaktan kami pag sinasabing binabayaran kayo, dahil alam namin 'yung inilalaan niyong sakripisyo, oras, at abonado pa kayo.

    Pero ngayon, iba iba po 'yung pinanggalingan natin dito. Pero ang pinaka mahalaga, iba man 'yung pinanggalingan natin, nagkakaisa tayo sa pangarap natin para sa isang bansa. Sa ating bansa. At 'yung pangarap natin 'yung tanong ko po sa inyo kanina, handa ba nating ipaglaban 'yun? Dahil kung handa po nating ipaglaban 'yun, mananalo po tayo. Mabuhay po kayo. Maraming maraming salamat. Daghang salamat ulit GenSan. Mahal po namin kayong lahat.

    [END]

    Posted in Transcripts on Mar 15, 2022