This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Guimaras People’s Rally

    Message of Vice President Leni Robredo at the Guimaras People’s Rally
    San Miguel Provincial Capitol Gym, San Miguel, Jordan, Guimaras


    [START 00:00:00]

    VP LENI: Magandang umaga, Guimaras! Maraming-maraming salamat po. Napakainit ng inyong pagtanggap sa amin ngayong umaga kahit napaka-aga, andito kayong lahat kaya maraming, maraming salamat.

    Bago po ako magpatuloy, ang akin pong pagbigay galang. Sa napakahusay po natin na Congresswoman, Congresswoman Lucille, maraming salamat po. Palakpakan din po natin 'yung ating tinitingalang leader dito po sa Guimaras. Kasama ko po siya sa 16th Congress, Former Congressman, former Governor Rahman Nava. Ang ating pong napakahusay din na Governor, Governor Sam, magandang umaga po sa inyong lahat. Pati po 'yung mga provincial officials natin, Vice Governor Edward, 'yung atin pong mga Sangguniang Panlalawigan Members.

    'Yung atin po mga Mayors na kasama ngayong umaga, siyempre sa pangunguna ni Mayor Manny ng Nueva Valencia, na siyang tumutulong mag-lead ng ating volunteer efforts. Nandito din po 'yung ibang mga mayors na papasalamatan po natin for joining us this morning: Mayor Ruben, of course, Mayor Ruben, nasaan si Mayor Ruben? Nandiyan si Mayor Ruben kanina. Mayor Ruben of Jordan, Mayor Annabelle of Sibunag, Mayor Ninfa of San Lorenzo. Kasama na po 'yung iba pang mga Local Officials, Vice Mayor Attorney Paul Vincent dela Cruz ng Nueva Valencia also, Vice Mayor Dr. Cecile Gumarin ng Buenavista. 'Yung mga Barangay Captains po ng limang munisipyo dito sa Guimaras.

    'Yung atin pong mga local candidates, at siyempre, 'yung ating mga volunteers na ang dami nang ginagawa bago pa po tayo pumunta dito. Special mention po, of course kay Mayor Manny ulit, kay Pepe Tico, kay Shak Salcedo, kay Katya Delgado, at sa inyo pong lahat. Sa inyo pong lahat na nagpaparamdam ng pagmamahal sa amin. [cheers] Salamat po. Salamat! Mas matamis pa sa mangga ng Guimaras ang pagmamahal ni Leni. Maraming salamat.

    Alam niyo po napaka-espesyal ng Guimaras para sa amin, siguro alam niyo naman 'yun. Pagkaupong-pagkaupo ko po bilang Vice President, ang inyong magandang lalawigan ay isa sa pinakauna kong binisita. Nagbisita po ako sa Sibunag. Ewan ko kung nandito 'yung ating partner organization, Dasal Sibunag Vegetable Farmers Association. Nandito ba kayo? Pagbisita po namin doon, kasama po namin si Congresswoman Lucille, nakausap po natin sila sa isang dialogue. In-identify po nila 'yung kanilang pangangailangan, at nagkaroon po tayo ng project sa Sibunag with them. Nakabigay po tayo ng isang motorized patrol boat. Ewan ko kung nakita niyo 'yung tarpaulin sa labas, nandoon po 'yung picture ng ating patrol boat saka po shredder para doon sa ating vegetable farmers.

    Naalala ko nga nagtanim ako ng niyog. Nagtanim ako ng niyog sa Sibunag. Hindi ko po alam kung nabuhay 'yung aking tinanim pero sana oo dahil 'yun 'yung tagda ng pagmamahal ko dito.

    Pero 'yung pangalawa ko pong punta, pumunta po ako sa Jordan. 'Yung susunod ko naman pong pagpunta medyo malungkot na pangyayari dahil 'yun po 'yung just after noong aksidente na marami 'yung namatay. 'Yun po 'yung pinakahuli kong punta dito, at ilang beses ko na ding pinlano na pumunta. Mabuti po ngayong umaga ay finally natuloy na 'yung pagbisita ko sa Guimaras. At bawat pagbisita ko– bawat pagbisita ko gandang-ganda po ako sa inyong lalawigan.

    Maraming pagbabago na laging nakikita bawat punta. At ito po 'yung pinakamagandang halimbawa na pag ang gobyerno matapat, umaasenso ang lugar. Nakita po natin 'yung leadership dito, nagkaka-isa, nagtutulungan. Ito po 'yung ating pinapangakong klase ng pamamahala.

    Kanina pag pasok ko, sumisigaw kayo ng "gobyernong tapat, angat buhay lahat." Pero ano ang gustong sabihin noon? Ang gusto pong sabihin, pag ang gobyerno matapat, napapangalagaan ang kaban ng bayan. Pag ang gobyerno matapat, ang kaniyang mga lingkod-bayan matitino at mahuhusay, kaya nakakapaglingkod ng maayos sa taumbayan. Pag sinabi po nating aangat ang buhay ng lahat, hindi puwedeng iilan lang 'yung umaasenso. Kahit po may umasensong ilan kung may naiiwan sa laylayan, hindi pa din angat buhay 'yung lahat.

    Kaya po sa atin pag sinabi nating "angat buhay lahat," lahat may pagkakataong magkaroon ng disenteng trabaho. Lahat ng mga bata hindi magiging hadlang ang kahirapan para hindi makapag-aral. 'Yung mga pangangailangan natin sa ating kalusugan, naaasikaso natin dahil ang gobyerno matapat.

    Sa amin po sa Office of the Vice President, meron na po kaming resibo na hindi hadlang 'yung kawalan ng pondo para makatulong. Kahit po napaka konti ng pondo ng Office of the Vice President, nakakatulong po tayo sa pinakamalalayong mga communities. In fact, 'yung Guimaras kahit maliit siyang lalawigan, meron tayong mga projects dito. Ayun nakita ko– nakita ko po 'yung Community Learning Hub. Meron tayong Community Learning Hub sa Jordan, sa Barangay San Miguel. Maraming, maraming salamat sa ating tutors. Hindi po namin ito magagawa kung wala tayong tutors kaya maraming salamat sa inyo.

    Pero ito po 'yung klaseng pamamahala na aming pinapangako sa inyo. Na 'yung mamamahala hindi lang kami na binotohan niyo pero tayong lahat. Kaya po importante na 'yung leadership nagbibigay ng pag-asa at insipirasyon, dahil kung hindi po inspiring 'yung leadership, hindi naman nagiging involved 'yung mga tao. Tignan po ninyo ngayong umaga, di ba. Tignan niyo po ngayong umaga, andito kayong lahat. Di ba, mga estudyante? Sino ba mga estudyante dito? Ayun, marami din tayong kababaihan. Kinukwento po sa akin ni Congresswoman Lucille kanina na meron ditong napakalaking kababaihan na group, IWAG. Nasaan 'yung mga members ng IWAG? Ayun, napakarami.

    Marami tayo ditong mga magsasaka. Marami tayong iba't-ibang mga representatives galing po sa iba't-ibang mga sektor, gaya po ng Hoskin Sailors Association. Mabuti po andito kayo. Angat Buhay partner din po natin sila. Nandito po 'yung SK for Leni, Sangguniang Kakampinks. Nandito 'yung K-Pop Stans for Leni. Nandito 'yung Singles for Leni. Nandito po 'yung Anime DILF for Leni. Nandito po 'yung Archi for Leni. Ito– okay ito "Leni in Guimaras.” Pahiram nga ipapakita natin sa kanila kasi parang gusto ko 'yung itsura ko dito. [cheers] O di ba, sa Guimaras gumaganda ako? Mga Guwapo for Leni, sige nga tignan nga natin kung totoo.

    Ayun, iba-ibang grupo 'yung nandito: Singles for Leni, ayan. "Kung ang mangga ng Guimaras ay matamis, ang Gobyernong Robredo naman ay tapat at malinis." "Kay #LeniKiko liliwanag ang bukas." [Baskugon 09:36] ang boto kay Leni. Ayan, ito pa isa, "All of us are decent. Sprinkling– o Sprinkling Leni dust for every Kakampink in Guimaras." Sana all Pink ang boto, Montefalcos for Leni, K-12 Pioneers for Leni Kiko, Get in Bestie we're saving the country, Lalaki pero– Lalaki hanap ko– Oh my God– Lalaki hanap ko– baka naman makompromiso ako dito– Lalaki hanap ko pero ngayon Leni-Kiko muna tayo. Ayun, oh di ba? Handang-handang ipagpaliban ang lovelife para kay Leni-Kiko. I know your sacrifices, my Leni we love you, [reads sign in local dialect 10:43 - 10:47], Swifties for Leni, ayan marami pala akong ka-Swifties dito, Gonzaga Sisters Guimaras for Leni, maraming salamat, Pretty, young, rich, drunk and Titas for Leni. Sino ba 'yung mga drunk Titas? Naku isumbong natin kay Gov., Gov. Sam, may mga drunk Titas dito. Anak ng– [laugh] ayan, Anak ng BBM supporters for Leni [cheers].

    Ayun, meron kayong assignment, alam niyo na 'yun. Di ba, meron pa tayong 72 days para baguhin? Kaya may assignment kayo. Ano ito, Palahubog for Leni. Sa Gobyernong tapat Yassified lahat, Matam-is nga mga boto para kay Leni– sobrang creative naman ng mga taga Guimaras. Ay ito mahirap ito, Jowang jowa for Leni, ano 'yun, MTJAF for Leni, maraming salamat, Aking boto Pink man, Dapat si Leni, Hashtag– parang ang daming broken hearted dito at naghahanap ng jowa– #MagJowa for Leni, Leni para sa Bagong Pinas, Our parents raged– ay raised– Our parents raised Leni supporters, not enablers of thieves and oppressors. Naku, congratulations sa mga parents niyo. Hi Robredo, ano 'yun, [reads sign in local dialect 12:55 - 12:59] [cheers]. We are young but don't assume we know nothing. Tama. We Bleed Pink, Political Science students for Leni, Lenlen for the win, [inaudible 13:10] for Leni, naku ang daming mga grupo dito, my President is Leni, Lawyer, ekonomista, nanay na masipag i-aangat ang buhay ng lahat, I deserve good governance, I deserve Leni and Kiko. Papaano pag pronounce nito, [inaudible 13:33] tama ba? Vietnamese restaurant support Leni-Kiko, maraming salamat po.

    Ayun hindi niyo ba napapansin, ibang-iba 'yung eleksyon na ito di ba? Sino ba 'yung nai-involve sa kampanya for the first time? Ang iba first nila itong kampanya, pero kung napapansin niyo, ibang iba 'yung involvement ninyo. At ang tingin ko po kaya ganito kayo ka-desidido kasi naiintindihan niyo kung gaano ka-importante ang eleksyon na ito, hindi lang po para sa kandidatong sinusuportahan niyo pero para po sa ating bayan. Napakaraming nakataya dahil 'yung resulta ng eleksyon, ito 'yung magsasabi kung anong mangyayari sa bansa natin in the next six years.

    Kahapon po doon sa rally sa Iloilo, nanood ba kayo? Napakasaya. Pero sa rally sa Iloilo, sinabi ko po doon na pinapangako ko na pag ako po tinulungan ninyo, pag tayo binigyan ng pagkakataon, sisiguraduhin po natin na matutuloy na 'yung Negros-Guimaras-Iloilo bridge. Pinag aralan na po 'yun ng matagal. Natulog siya in the last six years, pero sisiguraduhin natin na matutuloy na siya dahil magiging life changing siya lalong lalo na for Guimaras. Pero kaya ko po ito naipapangako dahil alam ko na talagang dapat papunta na tayo doon sa hindi lang pangako, pero ang pangako laging may resibo. Parati ko po itong inuulit, na pag eleksyon, maraming mga kandidato ang hindi pa naman ninyo nakita kahit noon, pupunta dito sa inyo, liligawan kayo, mangangako. Pero ang sabi ko lang po, pag merong mga ganoon, parating tanungin ninyo, noong hindi pa kayo kandidato, naalala niyo ba kami. Noong hindi pa kayo kandidato, ano ‘yung ginawa niyo para ipakita niyo na may pagmamahal ka sa amin? Marami pong mga bata dito, alam ko marami sa inyo sanay ligawan, tama ba? Sanay bang ligawan 'yung mga bata dito? Pag sanay kayo– ah walang nanliligaw? Grabe naman kayo.

    'Yung mga nililigawan, hindi tayo basta-basta naniniwala di ba? Pag merong pinangako sa atin, lagi nating tatanungin, ano 'yung resibo para gagawin mo 'yung pangako mo? Ang pinaka resibo po sa lahat, track record, may eleksyon o wala, nagtatrabaho, may eleksyon o wala, naiisipan kayong bisitahin. Dahil 'yun 'yung pagpapatunay ng karakter, 'yun 'yung pagpaptunay ng pagmamahal sa inyo.

    Kaya ngayon po, 72 days to go, nakita po namin sa video kanina, marami na kayong ginagawa. Ang pakiusap po natin, sana patuloy 'yung mga ginagawa ninyo in the next 72 days. 'Yung naglagay ng– 'yung may sign doon tungkol sa kanilang magulang, meron pa po kayong 72 days para kumbinsihin ang ating mga magulang. Meron pa po tayong 72 days para kumbinsihin ang mga kaibigan. Meron pa tayong 72 days para iparamdam na ang pamahalaan na ating pinapangako ay pamahalaan na may puso, dahil puso ang magpapanalo sa atin sa eleksyon na ito. Kaya maraming, maraming salamat po sa pagbibigay sa amin ng pagkakataon makasama kayo ngayong umaga. Maraming salamat po sa pagpaparamdam sa amin na mahal niyo po kami dito sa Guimaras. Sana po pag balik ko, andiyan pa din kayo, pag balik ko, kasama pa din namin kayo sa laban na ito. Maraming salamat po. Mabuhay po kayong lahat.

    Hihingi lang po ako ng tulong hindi lang para sa akin pero para din kay Senator Kiko Pangilinan. Hihingi din po ako ng tulong para po sa ating mga senatorial candidates, kasama po natin ngayon, Attorney Sonny Matula, kasama po natin representative ni Senator Leila de Lima. 'Yung iba pong hindi sa atin nakasama ngayon, Attorney Chel Diokno, Senator Risa Hontiveros, Senator Sonny Trillanes, Attorney Alex Lacson, Congressman Teddy Baguilat. May mga guest candidates po tayo kagabi po kasama namin sa Iloilo, si Senator Dick Gordon, Senator Chiz Escudero, Senator Jojo Binay, Senator Migz Zubiri, Senator Joel Villanueva. Maraming maraming salamat ulit Guimaras. Mahal ko po kayong lahat.

    [END 00:19:40]

     

    Posted in Transcripts on Feb 26, 2022