Message of Vice President Leni Robredo at the Hinigaran City Whistlestop
Hinigaran Public Plaza, Hinigaran, Negros Occidental
[START 00:00:28]
VP LENI: Magandang hapon, Hinigaran. Magandang hapon, Negros Occidental. Naku pinasaya niyo naman kami. Ang dami ng lugar na pinuntahan ngayong araw, akala po namin pagod na kayo, pero andito kayo lahat naghihintay kaya maraming maraming salamat sa inyo.
Salamat. Salamat. Mamaya meron tayong Grand Rally sa Bacolod, pupunta pa ba kayo doon? Sana magkita kita tayo doon. Pero para po sa mga hindi pupunta mamaya, para sa mga hindi pupunta mamaya, ang mensahe ko lang po sa inyo, nandito po kami para hingiin ang tulong niyo para sa darating na eleksyon. Ang masasabi lang po namin, unang una, maraming salamat dahil noong kumandidato po ako noong 2016– Ayan kasama ko po 'yung mga anak ko. Ayan po si Aika, at andito si Tricia. Ayan. Kasama ko po 'yung mga anak ko ngayon, dalawang anak lang ang kasama ko. Nasaan na si Aika? Andito po si Aika, andito si Tricia. Sama sama po kami para kumustahin kayo lahat. Ayun maraming salamat sa napakainit na pagtanggap. Ayan lahat excited.
Ayan. Salamat. salamat. Maraming salamat po sa "MedTechs para kay Leni.” “Pumunta na may prinsipyo, 'di nagpabayad ng libo,” maraming salamat. Ayan “Sa gobyernong tapat, may biglang nag cancel ng biyahe agad,” “Mga hindi bayad for Leni-Kiko,” “Future Pharmacist for Leni,” “Leni Sunbaenim you deserve a win, bigyan ng six years 'yan,” “Tara VP Leni angkas na, joyride tayo papuntang Malacañang vroom vroom vroom.” Ayan “Iwawagayway ang aking boto mula Batanes hanggang Jolo,” “Ang akun boto ihatag mo kay Leni robredo.” Ayan ano ito, ito pakinggan niyo, “Pumuntang masaya, umuwing may dala na pag-asa.” “Being a woman is not a disadvantage, I am a woman, I can lead.” “Teachers for Leni,” maraming salamat po. “Tam-is ang tubo pero mas tam-is ang boto ko para kay Robredo,” “Mga dili sugtan for Leni Robredo,” “Mangingisda para kay Leni- Negros,” Maraming salamat. “Ahon laylayan Negros for Leni,” “Sa kandidatong lahat, si Leni ang nararapat,” “Hindi mali ang lumaban, may mali kaya may babaeng lumalaban.” Ayun “STEM for Leni,” salamat.
Hi Father, magandang hapon po. Maraming salamat po. Pasensya na po sa istorbo namin. Maraming salamat po. [placard in local dialect 05:58], salamat. Salamat. Maraming salamat po. Ayun, magkita kita po tayo mamaya sa Bacolod 'yung mga makakapunta, pero 'yung mga hindi makakapunta kayo po 'yung dahilan kung bakit dumaan kami dito sa Hinigaran. Para kahit po hindi na kayo pumunta doon at least nagkita kita tayo. Ayun. Maraming salamat. Sige po. Sige po. Dahan dahan, dahan dahan. Salamat. Ingat ho kayo. Ingat kayo. Salamat. Salamat.
[END 07:35]