This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Iloilo Grand People’s Rally

    Message of Vice President Leni Robredo at the Iloilo Grand People’s Rally
    Iloilo Sports Complex, Iloilo City, Iloilo

    [START 00:04:00]
    *parts highlighted in yellow are in Ilonggo

    VP LENI: Magandang gabi Iloilo, kanina pa kayo dito pero ang energy level ay napakataas pa rin. Alam niyo, kahit Bikolana ako, pakiramdam ko, Ilongga na rin ako. Isa sa mga paborito kong balik-balikan ang Iloilo. Napakasarap ng pagkain, maganda ang tanawin, at sobrang bait ng mga Ilonggo. Tuwing pupunta po ako dito, lagi ninyong ipinaparamdam ang matinding pagmamahal ng mga Ilonggo sa amin. [cheers]

    Hindi ko po makakalimutan ang grabeng suportang ibinigay ninyo sa akin noong 2016. [cheers] Sa sobrang kadako sang abanse naton diri sa Iloilo, may nagprotesta pa nga. [cheers] Gindaya kuno naton sila diri. Matuod-tuod: Indi madaya ang mga Ilonggo. Kabalo lang mag pili sang tama nga mga lideres.

    Ramdam na ramdam ko pa rin ang lakas ng suporta ninyo ngayon at sa bawat pagpunta ko po dito mula nang nagdeklara ako. Pinapatunayan ninyo ang pagsisikap ninyo. Ang ipinaglalaban po natin, mas malaki pa sa isang kandidato, mas malaki pa kaysa sa amin ni Senator Kiko. Ang ipinaglalaban po natin, 'yung kinabukasan natin at ng mga anak natin. Ramdam na ramdam ko po: Kung ang Ilonggo magpalangga, alisto ipakigbato ang iya pinalangga. [cheers]

    Malapit na malapit din po kayo sa puso ko. Halos lahat na bayan at lungsod dito sa inyong lalawigan napuntahan ko na dahil sa iba't ibang mga proyekto natin sa Office of the Vice President. Ang isang tumatak po sa akin: 'Yung lambing ng Ilonggo. 'Yung katapatan sa salita at gawa. At ang pinakahinahangaan ko: 'Yung kapasidad ninyong magbayanihan. Sa marami pong sakunang dinaanan ng kapwa Pilipino, may Ilonggong laging sumasaklolo. Nito lang pong nakaraang Pasko, masigasig kayong nakilahok sa mga relief operations para sa mga nasalanta ng bagyong Odette. At dito sa People's Campaign natin, nakikita ko ang lahat ng ginagawa ninyo: Ang pagsisikap, ang lahat ng sakripisyo, at paghugot sa sariling bulsa; ang pagbubukas ng puso, pakikinig, pagbabahagi ng ating mensahe; ang pag-aambagan para tumulong sa kapwa.

    Ganito pong krusada ng pagmamahal ang dadalhin natin sa buong bansa. At bibitbitin din natin sa gobyerno ang mga prinsipyong dala ko mula po noong abugado pa lang ako para sa mga nasa laylayan, hanggang nang ako ay nasa Kongreso, hanggang sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo. Gobyernong tapat, [cheers] na mag-aangat ng buhay ng lahat.

    Kung may mahahanap po ng patunay sa mensahe nating ito, nandito sa Iloilo ang pinakamabisang resibo. [cheers] Sa Iloilo, ang gobyerno, nagsusuot ng tsinelas at nagmamadaling sumaklolo. Sa Iloilo, ang progreso, ramdam mula sa laylayan hanggang sentro– mula sa karaniwang Ilonggong nagtatrabaho hanggang sa mga may-ari ng negosyo. Dito, ang mamamayan, pinakikinggan; ang boses ninyo, pinahahalagahan.

    At ang ugat ng lahat na ito: Ang mga lingkod-bayan na pinipili ninyo. Tama. Siyempre una diyan si Mayor Jerry Treñas, na napakahusay na punong-bayan at hinahangaan nating lahat. Talagang huwaran sa paglilingkod. Nandiyan po 'yung ating ini-idolo, si Governor Toto Defensor, na ulirang public servant, simple ang pamumuhay at talagang malapit sa mga pinalangga natin na mga Ilonggo.

    Sa pambansang antas, nandiyan si Senator Frank Drilon. Alam ko nalungkot kayo noong sinabi niya magre-retire na siya. Isa sa pinaka magaling na senador ng ating bayan. Kapag nakikita natin ang pag-unlad ng buong Iloilo, alam natin na naging posible lang ito at ang marami pang proyektong dinala dito dahil hindi pinabayaan ni Senator Frank ang inyong lalawigan. Kasama din po natin dito Former Governor Art Defensor, na matagal nakipaglaban sa diktadurya. Nandito po si Congressman Nonoy Defensor, na mahal na mahal natin dahil sa kaniyang pagiging lingkod-bayan. Lahat po sila, nakasama ko na, nakatrabaho ko na, at masasabi ko nang buong puso: Isinasabuhay nila ang gobyernong tapat. Kaya naman sa Iloilo, umaangat ang buhay ng lahat. [cheers]

    Nakikita rin po natin: Sa gobyernong tapat, hindi lang angat ang lahat, kundi aangat agad. Ang mga programang uunahin nating ipatupad– agarang tugon sa mga pinakamatinding pangangailangan ng pamilyang Pilipino.

    Bawat pamilya, dapat may nalalapitan na libreng doktor. Hindi magiging dahilan ang kahirapan para makatanggap ng serbisyong pangkalusugan ang lahat ng nangangailangan.

    Trabahong marangal, na mag-aangat ng dignidad ng bawat Pilipino. May sasahod sa bawat Pamilya; ang mawawalan po ng trabaho na hindi niya kasalanan, tatlong buwang may ayuda. Kung pagsapit ng ikatlong buwan, di pa rin nakakahanap ng bagong trabaho, gobyerno mismo ang magbibigay ng trabaho para sa iyo. [cheers]

    Bubuksan na din po natin ang mga eskuwelahan sa ligtas na paraan. Ibubuhos po natin ang puwersa ng estado para bawat bata, magkaroon ng de-kalidad na edukasyon.

    Diri sa Region 6: siguraduhon naton nga makompleto sa malip-ot nga tini-on ang Jalaur River Multipurpose Project. [cheers] Pag nahuman ini, makay-o ang sistema sang irigasyon, kag maging bugana ang produksyon kag ani sang aton mangunguma.

    Ang nagtulog nga Panay-Guimaras-Negros Island Bridge, [cheer] padayunon na naton kag tutukan, para pagsugpunon ang mga probinsya, sa mas dasig nga pagtabok sang produkto, bangud sini bugtawon naton ang komersyo.

    Sa aton pagtinghuwa nga ipa nami-on ang Iloilo Fish Port para sa aton pinalangga nga mangingisda, para mas masulit ang preska nga hulik sa kadagatan kang probinsiya.

    Ini, ipatigayon ta nga tampad, para sigurado kita nga ang kada piso halin sa kaban sang banwa, diretso sa pagpahilway sang kabuhi sang tanan, kapin pa ang ara sa laylayan.

    Ilan lang po ito sa mga programa at proyektong agaran nating tututukan. Ang paniniwala ko: 'Yung mga malalaking salita na laging ginagamit sa kampanya– kaunlaran, ekonomiya, katarungan, pagbabago– magiging totoo lang kung walang naiiwan sa laylayan.

    Ito ang ibig sabihin ng angat buhay lahat. Alam ko po: May mga magsasabi na napakatagal na itong ipinapangako ng iba't ibang politiko. Ngayong araw mismo, mas maigting ang katotohanang ito, dahil ipinagdiriwang natin ang anibersaryo ng People Power Revolution.

    Naaalala ko pa po noong 1986, marami sa inyo hindi pa buhay. Ang pagtindig at pagkakaisa ng taumbayan para wakasan ang pang-aabuso ng diktadurya. Ang kuwento po sa akin, dito mismo sa Iloilo, kahit halos hatinggabi nang umabot ang balitang napatalsik ang diktador, bumukas ang mga ilaw, tumunog ang mga kampana, at nagmartsa ang mga residente papunta sa Katedral ng Jaro. [cheers] Ang mga sundalo, nakipagkamayan sa karaniwang tao. Nagyakapan ang mga estranghero.

    Naging nagkakaisang bansa tayong nagsulat ng mga slogan sa piraso ng karton, ginagawa ulit natin ngayon, naglakad sa tirik ng araw, nag-abot ng tinapay sa kung sino mang makasalubong. Naaalala ko ang pagkakapit-bisig para madaig ang takot at pangamba; ang pagkakaisa, ang pag-asa, ang nag-uumapaw na pagmamahal sa kapwa at sa bansa na pumuno sa mga kalsada.

    Ganito pong enerhiya ang muli nating binubuhay ngayon. Ganitong lakas ang muli ninyong ginigising. At sa pagwagi natin sa Mayo, bibitbitin natin ang mga aral na nakaraang tatlumpu't anim na taon: Na pinakamatibay ang pagkakaisa kung nakatuntong ito sa katotohanan at hustisya. Na hindi lang kulay o apelyido ang dapat palitan. Kailangang wakasan ang luma at bulok na uri ng politika. Kailangan itong palitan ng sistemang aktibong nakikinig, aktibong hinahanap ang nadadapa para itindig sila.

    Ang itatayo po natin, sistemang walang palakasan, walang pami-pamilya, dahil lahat nabibigyan ng lakas, at bawat Pilipino, itinuturing na bahagi ng isang pambansang pamilya.

    Magtatagumpay po tayo sa agendang ito dahil titiyakin natin: Pagbibigkisin ng gobyerno ang husay, ang kabutihan, at ang sipag ng bawat Pilipino.

    73 days na lang po ang natitira bago mag-eleksyon. Ibuhos na po natin ang lahat– hindi lang po para sa akin, pero para din kay Senator Kiko, para po sa ating Senate Slate na kasama natin ngayon: Teddy Baguilat, Leila de Lima, Richard Gordon, Risa Hontiveros, Sonny Matula, Sonny Trillanes, Chel Diokno, at ‘yun atin pong mga guest candidates. Ginagarantiya ko, makakatrabaho natin sila para iangat ang buhay ng lahat. [cheers]

    Asahan po ninyong titindi pa ang pagdadaanan natin sa darating na dalawa't kalahating buwan. Pero buong-buo ang tiwala ko sa mga Ilonggo; buo din ang paniniwala ko sa mga Pilipino: Tatapatan po natin ang anumang hamon ng pinagbigkis nating lakas. Dadagsa pa ang mga tao sa kalsada; hahaba pa ang parada ng mga bisikleta; dadami pa ang magsusulat sa kartolinang gamit ang pentel pen gaya ng ginagawa niyo ngayon [cheers], mag-aambagan, patuloy na magkakaisa, at patuloy at sama-sama nating pagtindig. Bilang na po ang oras ng luma at bulok na uri ng politika. [cheers] Hindi niyo ba nahahalata? Ang ating pong People's Campaign ay nagiging krusada na.

    Kaya, ang aking mga kasimanwa: Upod kita. Lakat na. Dag-on tana ini! [cheers] Mabuhay po kayong lahat. Maraming maraming salamat.

    [END 00:17:23]

     

    Posted in Transcripts on Feb 25, 2022