This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Koronadal People’s Rally

    Message of Vice President Leni Robredo at the Koronadal People’s Rally
    Rizal Park, Koronadal City, South Cotabato


    VP LENI: Ayan, maraming salamat. Magandang hapon, Koronadal! Magandang hapon, South Cotabato! Alam niyo, napakainit ng panahon pero mas mainit ang pagtanggap ninyo sa amin kaya maraming, maraming salamat. Bago po ako magpatuloy, ang akin lang po pagbigay galang sa mga kasama po natin dito sa harap sa pangunguna po ng dating DILG Secretary natin ang atin pong minamahal, Former Secretary Mike Sueno. Maraming salamat po. Kasama din po natin dito sa harap, Former DSWD Regional Director, Director Sarah Taha, magandang hapon po. Kasama din po natin 'yung ating City Administrator, Attorney Rene Jumilla, maraming salamat. Kasama din po natin ang ating RPC Provincial Coordinator, Landy Loria. Palakpakan po natin si Landy.

    Nandito din po ang iba't-ibang mga grupo na kailangang pasalamatan sa pangunguna po ng RPC South Cotabato saka RPC Region 12, Youth for Leni South Cotabato. Saka po 'yung mga volunteers and supporters galing sa iba't-ibang mga bayan ng South Cotabato. Meron po ba ditong galing Tupi? Galing Polomolok? Galing Surallah? Galing Norala? Galing Banga? Mga nanggaling T'Boli? Galing Lake Sebu? Galing Santo Nino? Galing Tampakan? Galing Tantangan? At siyempre galing Koronadal

    Gusto din po natin pasalamatan 'yung iba't-ibang mga grupo na mula pa noon, tumutulong na po sa ating kampanya. Nandito po 'yung ating mga RobreDocs Frontliners. Nasaan po 'yung mga doktor? Na-meet natin 'yung iba kanina, maraming salamat sa inyo. Meron din pong representatives dito 'yung RPC Sultan Kudarat, maraming salamat. Bukas nandoon kami. 'Yun atin pong mga marshalls from Green Valley College, maraming salamat po. 'Yung mga galing pong City Government of Koronadal na nag-provide po ng marshalls saka security ngayong hapon, maraming salamat.

    UP Alumni Socs for Leni, Social Workers for Leni-Kiko, Maranao Community for Leni-Kiko, IPs for Leni-Kiko, Blue TODA UKATDA-Drivers Association, Kingfisher TODA, Kalipi Women's Koronadal Probationaries, Lake Sebu Indigenous Women Weavers Association, kanina po nag-introduce sa atin si Jenita. Meron din po dito Mindanao Farmers for Leni, PWDs for Leni, UP Alumni ng SOCSARGEN. Nandito po Agri Partylist. Nandito po Recoboda Partylist, maraming salamat. Nandito din po 'yung Women for Leni, maraming salamat.

    Ano 'yan? "Sabi ni Lazada lahat ng gusto mo nasa Lazada 'yan! Bakit wala ka doon, Ma'am Leni?" Mahirap na kung available na ko sa Lazada. "Leni-Kiko only, walang ibang option." "Marami na ang para kay Leni, nasaan 'yung para sa akin?" "Sinayang niya man ako pero never kong sasayangin ang boto ko." "Leni-Kiko ang buong pamilya ko #FamiliaJumilla." Ayan, "Gusto ko maLENIs na serbisyo," "Psych majors for Leni," "Future lawyer for Leni. Kung di papalarin, future ni Donny na lang." Ibang klase ang choices mo. "Koronadal Youth for Leni," maraming salamat. "VP Leni, sa iyo na si Jungkook basta sa amin ka for six years." Karibal ko 'yung anak ko kay Jungkook.

    "Introvert na lumabas ng bahay for Leni," "VP Leni, I love you! Pa-picture po pang-motivate lang para mag-aral ng mabuti." Of course! Ayan, "Sa inyo ang Tallano sa amin si Robredo." Ayan, "VP Leni, pa-picture po please." 'Yung mga magpapa-picture dito na po sa may harap pero mamaya na.

    Ano 'yun? "Bakit si Leni? Bright man gud ako." "Kulay rosas ang bukas." Ano ito, "VP Leni and Senator Kiko, pa-fansign po para may ipakita ako sa parents ko." "Laban, Leni girl!" Ayan, "[reads placard in local dialect 11:06-11:09]." Japon? Hapon? Ayan, "Sa gobyernong tapat, it's the love shot." "Ayoko sa magnanakaw gusto ko sa maLENIs," "Basta kakampink gwapa." "VP Leni, pa-picture papakita ko lang sa pamilya kong BBM supporters." Ayan, parang maraming tinamaan? Sino ang mga tinamaan? 'Yung mga tinamaan po meron kayong assignment, 50 days to go.

    "Doon tayo sa may plano. Future Architects for Leni," "Hindi ako judge ng The Voice pero I choose you, Leni at Kiko." 'Yan, "Bright wins for Leni-Kiko," "[reads placard in local dialect 11:59-12:04]." "Inalis man ang sapatos, degree naman ay tinapos." "Sa gobyernong tapat, walang energy gap." Ayan, parang kayo grabe 'yung taas ng energy niyo. "Non-binary for Leni." "Ang L sa Lee Hi Sung ay Let Leni lead."

    "Weaving dreams with Leni," "Sabi ng mama ko President na raw itawag ko sa iyo." O, ito buti ka pa, "Mga amoy baby powder for Leni-Kiko." Buti pa siya, kami amoy pawis na. Ano ito? "[reads placard in local dialect 12:50-12:53]. Kulay rosas ang bukas." "Sa gobyernong tapat, may Kim Mingyu lahat." Ayan, "Leni from House Robredo, the rightful queen of Malacañang Palace."

    Uy, ito ha, mapapagalitan ako ng teacher niyo, "Nag-skip ng class for Leni." Uy, huwag niyo namang hahayaang maging bad influence ako sa inyo. Ito pa, isa pa ito, "Aabsent for Leni." "Suki sa helpdesk for Leni." "Mga ulol na ulol kay Mark Lee for Leni." "Educated people for Leni." Ano ito, "Mine gobyernong tapat payo?" "Medyo delikado ang second sem for Leni." Ayan, magtulungan tayo, ha. Assignment niyo 'yan, 'yung mga medyo delikado magtulungan.

    "Babaeng abogado ang susunod na Pangulo." "Iskolar ng Bayan kay Leni sa halalan," "Gobyernong tapat how you like that?" "Mga flat for Leni," "No to open pit mining. Save South Cotabato!" Ayan, "Free educ–" Ano ito, "[reads placard in local dialect 14:29-14:34]." Ano ito, "Yes to SOGIE Bill. Justice for New Bataan Five!" "Strict ang parents for Leni," "Single for Leni," "K-Pop Stans for Leni," "Sa gobyernong tapat, may diploma lahat." " Volunteers are not terrorists." "Mga hindi paboritong anak for Leni," may hugot kayo. Ano ito, "Real change is coming." "Mga na-ghost for Leni," huwag papayagan na ma-ghost. "Ma'am Leni, single ba si Jillian?" Bakit niyo tinatanong? "Leni in your area." "From 16% to 17th President." "Ma'am Leni, ano ba ang magandang gawin bukod sa maging Presidente ka namin?"

    "VP Leni, sayo na ang Koronadal." "Sa gobyernong tapat, magkaka-bike lane lahat." "Tinatagong ill gotten wealth ang hukayin, hindi ang kabundukan namin." Ano ito, "Birata nga tunay, si VP Leni lang ang tibay." Ano 'yan? "Dating DDS for Leni." Welcome. "The future is Female." "Overthinkers for Leni." "Sa gobyernong tapat, thesis approved lahat." Ayan, di magpapa– ano ito? "Di magpapabudol sa Burger." "Kami ay 100 percent volunteer." "Ang daming for Leni pero wala pa ring for me." Sino kaya ang pinaparinggan? Baka andito din? Lakasan natin, wala pa kaming ring. "Kahit sa ibang bagay, mag 50/50 basta sa Mayo ay guaranteed full kay Leni." Ayan, "Sa gobyernong di tapat, respect my opinion ang sabat." Oh, ito meron din itong hugot. "Sa gobyernong tapat, magka-nobyo ko oliwat." Malay mo, dito mo mahanap. "Hindi na papa-scam ulit, biktima ng Kapa for Leni." "Swifties for Leni." Swifties din ako. Ano 'yan? "I be a fearless leader, I be an alpha type." "Mga gwapa for Leni." "Leadership empowerment nationalistic, I miss you." "Tupi for Leni." "Bahala bottom basta si Leni botohan."

    "VP, napagod ka ata katatayo, upo ka muna six years." "Leni malupit, hindi puppet." Ano ito? "Boto kong rosas ay mamumukadkad." "Sinong mga hindi dapat sinasayang? Leni at ako." Ayan, ito galing ito sa ano, inspired ito ng fake news. "4 times 40 = 16 million votes for Leni." "Norala for Leni." Maraming salamat. Ay grabe ito, babasahin ko ba ito? Pahiram na lang, papakita natin sa kanila. Pakita mo, tignan niyo 'yun. "Mama Leni, dahil sa'yo–" Ayan, ano ito? "Doon tayo sa totoo and in the difficult times, nagpapakita." Ayan, "Emotional wrecks for Leni." "UP Mindanao, BS FT for Leni." "Unang boto ko kay Leni Robredo." Sino ba ang mga first time voters dito?

    [crowd cheers]

    Oh ito, meron din itong hugot. "Mga na-fall sa officemate for Leni." oh di ba? Kasali ako diyan, alam niyo kung bakit? 'Yung asawa ko 'yung boss ko. Ayan, siyempre, kwinento ko na sa inyo lovelife ko ano. "PolSci para kay Leni-Kiko." "Future Geologists for Leni." "Bikolana ang botohan San Marvel." "Sorry Baby M, na kay VP LEni boto ng parents ko." "VP Leni, pa-hug please." "Maristas for Leni." "Super Lenlen ng Koronadal, tagapagtanggol ni VP Leni sa mga bashers." Ayun, ano ito? "Para kay VP Leni ang boto ng mama ko." Salamat. "Sa gobyernong tapat, ginawa ko naman lahat." Bakit sad face? May hugot ka din. "Red man ang buhok ko, pink naman ang boto ko." "Leni see, you are my hope." Ano ito? "Sorahae –" Ano 'yan? "Aborahae." Oh my god, sorry. "Wala na siyang iban pa kay Leni-Kiko kita." Salamat.

    Pero ito, babalikan ko mamaya kasi baka makalimutan ko 'yung mensahe ko sa inyo. Kaya ko siya binabasa kasi di ba, ang saya na hindi lang kami 'yung nagsasalita pero kayo din. At ito 'yung klase ng pamahalaan na puwede niyong asahan sa amin, na bawat mamamayan ay may boses sa pamahalaan. Alam niyo, di ba 'yung overarching natin na tema ay “gobyernong tapat, angat buhay lahat?” Ano ba ang gustong sabihin niyan? Pag sinabi nating gobyernong tapat, 'yung pinaka-first step para maging matapat 'yung pamahalaan, 'yung pagbigay sa inyo ng mga lingkod bayan na matitino at mahuhusay. Hindi enough na matino lang, hindi enough na mahuhusay lang, dapat matino at mahusay. Kaya ko sinasabi inyo kasi bawat election, nangangarap tayo ng pagbabago. Pero alam niyo, 'yung pagbabagong hindi naman 'yan mangyayari kung pare-pareho din na bulok na klase ng politika 'yung ating binoboto.

    Pero pag election kasi, ang daming manliligaw sa atin, di ba? Marami sa ating manliligaw, sasabihin 'yung lahat na gusto nating marinig. Pero sa akin lang, 'yung aking pakiusap, pag sinabing mahal ko kayo, mahal ko 'yung mahihirap, mahal ko ang South Cotabato, dapat ang sunod na tanong natin, paano niyo sa amin pinakitang mahal mo kami? Kasi, baka naman naisipan bisitahin lang kayo dahil kandidato, di ba? Marami 'yung mga manliligaw sa atin pero pupunta dito dahil kandidato lang. Pero pag wala pa namang election, hindi naman naisipang silipin lang man tayo, tanungin kung ano 'yung kailangan natin.

    Para sa akin, pag sinabi kong aasikasuhin ko kayo, mahaba ang aming resibo. Kanina, nagsalita si Jenita. 'Yung Lake Sebu, isa lang 'yun sa mga projects namin dito sa South Cotabato. Dalawang beses akong bumalik pero 'yung opisina namin, ilang beses pabalik-balik doon dahil sa unang bisita namin, ang nirereklamo nila kuryente, ang nirereklamo nila tubig, na nakakaapekto sa kanilang pagbuhay. Kaya 'yung opisina namin, hinanapan ng paraan para mabigay 'yung kanilang kailangan. Pero hindi lang 'yung sa Lake Sebu; sa Polomolok, sa Tampakan, naglagay tayo ng classrooms. Sa Tampakan, meron tayong proyekto para sa mga magsasaka. Sa buong South Cotabato, noong panahon ng pandemic, pabalik-balik tayo dito dahil nagbibigay tayo ng mga PPE sets, ng mga medical supplies.

    Kaya pag sinabi naming aasikasuhin namin kayo, marami kaming ebidensya. Pag sinabi naming ayaw namin sa korapsyon, meron kaming ebidensya. Ano 'yung ebidensya namin? Ang ebidensya namin, taon-taon, nakukuha namin 'yung pinakamataas na COA Audit Rating. Kaya pag sinabi naming ayaw namin sa korapsyon, meron kaming ipapakita sa inyo. Pag sinabi namin na interesado kami, gusto namin talagang malinis 'yung pamamahala, aasikasuhin 'yung mahihirap, dapat tingnan ninyo. Ano ba 'yung ginagawa namin bago kami naging kandidato. 'Yung sa amin– ako hindi sa pagbubuhat ng bangko, wala pa ako sa politika, abogado na ako para sa mahihirap. 'Yung inasikaso namin mga magsasaka, mga mangingisda, mga lumad, mga urban poor, mga manggagawa, women and children. Hindi pa ako noon politiko, hindi pa ako nangangailangan ng boto.

    Noong nasa Kongreso na ako, karamihan sa mga nagkakandidato dumaan naman sa Kongreso, dumaan sa Senado, pero tingnan niyo, anong klaseng mga batas ang inihain nila? Pag tiningnan niyo 'yung mga inihain kong batas, lahat 'yun para sa mga basehang sektor. Pag tiningnan niyo 'yung mga bills na finile ko, lahat 'yun anti-corruption measures. Pag sinabing aayusin ko 'yung aking pagtatrabaho, makikita niyo naman kung anong ginawa natin sa anim na taong nanungkulan ako bilang Vice President. Kanina nagsasalita si Sec. Mike, sinasabi ni Sec. Mike, lahat na lang na, 'di ba lahat na lang na masasamang salita sinabi na sa akin. Sinabi na akong lutang, bobo, lugaw, ano pa ba? Kung anu-ano. Ngayon NPA na ang sinasabi sa akin. Pero anim na taon, kahit ganoon 'yung kanilang treatment sa akin, hindi ko 'yun hinayaan na makaharang sa trabahong ginagawa ko.

    Kahit kami ay marami kaming pinagdadaanan na panggigipit, wala kayong narinig sa akin. Nagtrabaho pa din akong nagtrabaho, hindi ako nag reklamo, tuloy tuloy lang ang ating pagseserbisyo. Ganoon dapat ang lingkod bayan. Na para sa akin, dapat pag nagdedesisyon tayo, kaya sabi ko huwag sayangin, lalo na 'yung mga first time voters. Dahil 'yung boto natin 'yun 'yung kapangyarihan natin. Kung susunod lang tayo dahil 'yun 'yung sabi ng iba, susunod tayo pag tinanong tayo, bakit mo 'yan bobotohan, ay basta, o bakit mo 'yan bobotohan, 'yan kasi 'yung mananalo. Tama ba 'yun na basehan ng pag boto? Dahil kung kahit wala namang binibigay sa atin na serbisyong tunay pero binobot pa din natin ng binoboto, kasalanan na natin kung walang pagbabagong mangyayari.

    Pero alam niyo, ngayon natutuwa ako. Ang eleksyon na ito, ibang iba sa mga nakaraang eleksyong pinagdaanan ko. Alam niyo nagkandidato ako noong 2013, hindi naman ganito. Nagkandidato ako noong 2016 kung saan nanalo akong Vice President, hindi ganito. 'Yung asawa ko, anim na taon na nag-Mayor sa amin, dumaan sa eleksyon, wala namang ganito. For the first time, mula noong pumasok kami sa politika, ngayon ko uit nakikita kung gaano ka-invested, lalo na 'yung mga kabataan. Marami kayong sinasakripisyo. Ang iba sa inyo, hindi ko pa nabibisita, hindi ko pa nakikilala, pero napakarami nang sinasakripisyo sa paniniwala na ang eleksyon na ito, hindi lang naman tungkol sa aming mga kandidato. Pero ang eleksyon na ito, ito 'yung kinabukasan ninyo.

    Magkamali tayo ngayon ng pagpili, anim na taon nanaman. Anim taon na naman na walang pagbabago na inaasam. Kaya 'yung sa akin, nagpapasalamat ako kasi 'yung pagbabago nakikita ko na hindi galing sa amin pero galing sa inyo. At ito 'yung gusto nating klaseng pamamahala at politika. 'Yung pamamahala na hindi lang 'yung lider 'yung mahusay, pero 'yung mga taong nakapaligid sa kanya, mas mahusay pa sa kanya. Pero 'yung lider, dapat siya 'yung nagbibigay ng pag-asa saka inspirasyon para 'yung lahat na tao maramdaman niya na kabahagi siya ng solusyon. Hindi 'yung klaseng lider na patronage lang, di ba? Inaasahan niya lang na magkautang na loob sa kanya 'yung kanya 'yung mga tao para sumunod sa kanya. Walang pagbabago 'yan na maidudulot. Ang pagbabago magmumula sa ating lahat. Pero dapat 'yung hinahalal natin na lider, 'yun 'yung nagbibigay sa atin ng inspirasyon para mag invest tayo sa ating kinabukasan.

    Ngayon 'yung nakikita ko, ganyan kayo. Meron pang more than 50 days bago mag eleksyon, kaya 'yung tanong ko sa inyo: kaya pa ba? Handa ba tayong ipaglaban 'yung kinabukasan natin sa susunod na 50 days? Dahil alam niyo kung kaya niyong ipaglaban 'yung inyong kinabukasan, magiging maliwanag ang halalan. At 'yung pagbabagong inaasam natin, makikita natin dahil mananalo tayo. Pero kung hindi tayo mag trabaho, kung tayo ay hanggang sa sarili lang natin 'yung paniniwala natin, baka hindi natin kayanin. Kaya ito, isang pasasalamat sa inyong lahat, pero isang pakiusap din. Pakiusap na samahan niyo kami sa laban na ito. Dahil ang laban na ito, hindi ko lang ito laban bilang kandidato, pero laban natin itong lahat para sa minamahal nating bayan.

    Kaya ito mamaya pagkatapos nito, pupunta ako ng GenSan, 'yung mga puwede imbitado doon. Gaya ng tema, sabi sa akin ni Attorney Rene, ang tema natin ngayong hapon, hindi ito rally pero isang celebration. Ano ba 'yung sine-celebrate natin? Sine-celebrate natin 'yung pagkakaisa. Tingnan niyo 'yung mga suot niyong t-shirt, iba ibang shade ng pink 'di ba? Ang mga imprenta iba iba. 'Yung mga tarpaulin niyo kanya kanyang pa-print. 'Yung mga walang pang print kanya kanyang gawa. Ang pinanggalingan niyo iba iba. Maraming kabataan pero marami din ang mga kaedad ko, Gusto kong sabihin, iba iba man ang pinaggalingan, nagkakaisa tayo sa pagmamahal sa ating bayan. 'Yun 'yung dapat nating i-celebrate ngayon. At mamaya pagkatapos nito, dadamihan pa natin 'yung ating celebration, magkita kita po tayo sa GenSan para together 'yung mga taga dito sa inyo mag celebrate tayo with other people. Papakita natin na ang tunay na kapangyarihan nasa kamay ng bawat isa sa inyo. Ano man 'yung kakulangan natin sa makinarya, ano man 'yung kakulangan natin sa resources, talong talo 'yan sa pagkakapit bisig ng taumbayan. Kaya mabuhay po kayo.

    Grabe naman ito, "Tatahol para kay Leni." Meron akong nakita doon, "Bagsak sa Chem for Leni," ayun "Para kini Leni-Kiko," ano ba ito? "Mga na-redtag din for Leni," welcome to the club. Ayan, "Mga anak ng fuschia para sa aming fuschiang ina." "Mama Leni, imuha ra jud ang akong tibook boto," ayan salamat. "Leni for President, ako for you," maraming salamat. "Baluarte ni Leni ang Mindanao." Oh, meron akong proposal dito, "President Leni, I wish to be a first gentleman," sige nga kayo nga magkilatis. Maraming salamat po. "Philo student laon for Leni," ano ito? Hindi ko babasahin 'yung pangalan pero "Angat Buhay hindi akyat bahay," "Mga batang may pangarap for Leni-Kiko," "Sa magnanakaw maghihirap kami, sa lugaw mabubusog kami," "Walang jowa pero boboto nang tama," "'Di baleng madaming backlogs basta 'di bobot sa corrupt." "Discord kittens for Leni," "Let women lead." Ano ito? "Ang boto ko ay pink," "Mahal ang gas pero mas mahal namin sieni-Kiko," ayan "Pag inggit pinit," "Madam Leni only stole our hearts not our money," ayan.

    Ako po magpapaalam na ako dahil iintayin tayo sa GenSan. Pero maraming maraming salamat sa inyo. Mabuhay po kayong lahat.

    [END]

     

    Posted in Transcripts on Mar 15, 2022