MESSAGE OF VICE PRESIDENT LENI ROBREDO AT THE LAUNCHING OF HRVOTE2022
Hello sa mga bumubuo ng HRVote2022 at congratulations sa inyong launch! Masaya akong makasama at makausap kayo nito lang nakaraang linggo. Muli, gusto kong magpasalamat sa suporta ninyo hindi lang para sa akin, pero sa lahat ng adbokasiya at pangarap na isinusulong natin. Kasama kayo, buo ang loob ko na kayang-kaya nating wakasan ang luma at bulok na klase ng pulitika na ugat ng paghihirap ng sambayanang Pilipino. Papalitan natin ito ng matino at mahusay na pamumuno—ng gobyernong may pagpapahalaga sa buhay, sa karapatan, at sa dignidad ng bawat isa. Dahil kasama namin kayong tumitindig, tiwala akong maipapanalo natin ang karapatang pantao sa 2022. Maraming salamat, mabuhay kayong lahat! #