This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at Leniwanag Sa Baliwag North Bulacan People's Rally

    Message of Vice President Leni Robredo
    at Leniwanag Sa Baliwag North Bulacan People's Rally
    Star Arena, Baliuag, Bulacan

    [START]

    VP LENI: Maraming salamat! Maraming salamat. Magandang hapon, Baliuag! Nakakagulat kasi meron tayo mamayang malaking rally. Sinadya lang namin 'yung Baliuag para doon sa mga hindi makakapunta sa rally, pero sana pumunta pa din kayo mamaya.

    Ayun, bago lang po ako magpatuloy ang akin lang pagbigay galang sa organizers ng rally na ito: RPC Baliuag, Baliuag for Leni-Kiko, kasama po natin 'yung ating lead convenor, Mr. Patrick Cruz, maraming salamat. Nandito din po si Maggie Lipana. Nandito si Geoffrey Cruz saka si [Leo Duwal], ayan palakpakan po natin sila dahil sila 'yung nag-organize nito.

    Maraming salamat din sa iba't-ibang mga grupo na kasama po natin ngayong hapon: Baliuag Youth for Leni-Kiko, ano ito, [CACESCO Youth for Leni], RobreDocs Baliuag, Lawyers for Leni - Baliuag, Riders for Leni, TODA for Leni, at 'yung iba pong mga RPCs na nakipag-partner. Kanina galing kami doon sa San Rafael. Meron din doong taga-Candaba, Pampanga saka Bustos. Ayun, maraming salamat. Teka, mamaya na magmemensahe muna ako, ha?

    Ayan. Alam niyo, masaya ako na nabigyan boses 'yung iba't-ibang sektor. Mamaya ka na sumigaw. I-save niyo 'yung boses niyo kasi meron pa tayong Malolos. Huwag niyong ubusin ngayon. Ayan, 'yung sinasabi ko– uulitin ko 'yung sinasabi ko kasi sumigaw na kaagad tayo. Mamaya na tayo sumigaw pagkatapos ko.

    Ang sinasasabi ko po kanina, masaya ako na naisipan noong organizers na bigyan ng boses 'yung iba't-ibang sektor dahil 'yun naman talaga 'yung buod ng ating pamamahala pag tayo ay binigyan pagkakataon na maging Pangulo ng ating bansa. Alam niyo po, kanina ewan ko lang kung nakikinig kayo pero kanina paulit-ulit sinasabi, pagbibigay ng boses, pagbibigay ng kapangyarihan, pagpapalakas, empowerment - 'yun po 'yung pinakapuso ng ating pamamahala.

    Pag merong eleksyon maririnig natin sa lahat ng kandidato, pangako ng pagbabago, di ba? Laging may pangako ng pagbabago. Pero pagkakatapos ng eleksyon, nafru-frustrate tayo kasi 'yung inaasahan nating pagbabago, hindi naman nangyayari. Hindi 'yun mangayayari dahil sa maraming bagay. 'Yung pinakauna, pag hindi tapat 'yung gobyerno talagang wala tayong aasahan na pagbabago. Pag hindi tapat 'yung gobyerno, paulit-ulit lang 'yung ating problema ngayon kahit pa magpalit ng lider, 'yun pa din 'yung problema natin.

    Pero kami po, 'yung pagiging matapat ang pamahalaan, pinakita namin 'yun sa Office of the Vice President. Kahit kakaunti 'yung aming pondo, marami tayong natutulungan. Dito lang po sa Bulacan, kinuwento ko na ito noong nasa Malolos tayo, 'yung pinaka-unang rally natin na napakarami naming proyektong binaba dito sa Bulacan.

    Pagkaupong-pagkaupo ko lang po, 'yung pinakaunang bayan na in-adopt ng aming opisina 'yung Doña Remedios Trinidad. Pabalik-balik po kami sa DRT dahil marami tayong mga programa doon. Programa para sa mga magsasaka, programa para sa vegetable growers, programa para sa mga malnourished children, programa sa trabaho. Pero hindi tayo natapos sa DRT, pumunta din tayo sa iba't-ibang mga lugar dito sa Bulacan para magbigay ng tulong. 'Yung tulong nagre-range from– kanina narinig natin, 'yung natulungan nating medical assistance, isa lang 'yun sa napakarami nating natulungan.

    Bakit po napaka-active ng mga doktor ngayon sa kampanya natin? Napaka-active nila kasi nakita nila na noong pandemic, tayo 'yung pinaka-unang tumutulong sa lahat na larangan. Hindi lang 'yung pagbigay ng mga PPE sets pero pagbigay ng mga medical supplies, pag-provide ng ambulansya, paghahanap ng mga ospital, pagtulong sa kung anu-ano pang mga bagay.

    Nararamdaman ng tao na pag ang gobyerno nandiyan, maraming pagbabagong mabibigay. Dito po sa Bulacan, napakaraming nawalan ng trabaho noong pandemic kaya napakarami nating mga programa dito. Programa para sa mga jeepney drivers, programa doon sa mga naging unemployed bigla, mga livelihood programs para sa mga mangingisda, para sa mga kababaihan, para sa mga magsasaka.

    Pero bakit natin ito nagagawa? Kasi napapangalagaan ng opisina namin ang pera ng taumbayan. Ngayon lang tignan natin: 'yung mga nandito ngayon hinakot ba kayo?

    CROWD: Hindi!

    VP LENI: Di ba, pambihira? Pambihira na pag eleksyon nasanay na tayo. Pag eleksyon bawat kampanya, 'yung mga kampanya nakakaraan, di ba 'yung gumagalaw 'yung mga politiko? 'Yung mga nakaraan politiko 'yung gumagalaw. Bawat galaw ng politiko aasahan natin nagbibigay sila ng mga masasakyan, magbibigay ng pagkain para lang tayo pumunta.

    Pero itong eleksyon na ito baliktad, di ba? 'Yung eleksyon na ito, kusa ang taumbayan 'yung gumagalaw. Hindi lang sa hindi nababayaran pero abonado pa nga.

    Ako tingin ko, marami sa inyo uhaw na ngayon. Marami ngayon gutom na. Marami matagal nang nakatayo. Pero alam niyo sa napakaraming rally natin, walang awayan. Lahat pinaparamdam 'yung pagmamahal sa bawat isa. Pag merong nahihirapan, nagtutulungan. Pag merong nagugutom, nagbibigayan ng pagkain. 'Yung mga walang sasakyan, lahat naghahanapan ng paraan para makauwi ng bahay. Napakasarap sa pakiramdam. ‘Di ba, masarap sa pakiramdam na nagiging mabuting Pilipino tayo dahil sa pagmamahal natin sa bayan.

    Pag ganito at ganito tayong parati, ito 'yung magdadala ng pagbabago. Ang magdadala ng pagbabago hindi politiko, pero 'yung magdadala ng pagbabago taumbayan na nagiging inspirado dahil nakikita niya na 'yung mga lingkod bayan niya, matitino at mahuhusay. Kasi kung hindi naman matitino at mahuhusay ang lingkod bayan, hindi siya inspired, 'di ba? Pero ngayon, kahit mahirap, kahit matagal nakatayo, kahit nakikipagsiksikan, aalis na masaya pa din kasi nakapagsilbi sa ibang tao.

    Ito 'yung gusto nating maramdaman ng bawat Pilipino sa ating panunungkulan. 'Yung Pilipinong nararamdaman niya na ang lingkod bayan niya naaasikaso siya kaya aasikasuhin niya din 'yung iba. Alam niyo, kung ang lider hindi ganyan, pag hindi inspired ang tao, ang tao naghihintay lang ng serbisyo ng lider nila na sila hindi nag-aambag.

    Pero kung tao nakikita niya na 'yung lider niya nagsasakripisyo kasama niya, pag ang tao nakikita niya na ang lider niya hindi kurakot, pag ang tao nakikita niya na ang lider niya nagsisipag, siya nagiging ganoon din.

    Kaya ito po, maraming pangako. Hindi ko na uulitin 'yung lahat na pangako kasi pare-pareho naman kami ng pangako. Pero ang pangakong sasabihin ko sa inyo na pag ako maging Pangulo, si Senator Kiko maging Vice President, ang maipapangako ko sa inyo: gobyernong hindi lang magiging tapat, pero magiging matino at mahusay. Gobyerno na lahat kayo magiging bahagi. Hindi 'yung naghihintay lang kayo.

    Alam niyo, merong mga grupo ngayon na tina-track 'yung mga activities ng lahat na kandidato. Sinasabi nila, ako daw 'yung pinakamarami ng lugar na napuntahan, kahit malalayong lugar, pinupuntahan.

    Bakit ganoon?

    Dahil kami po, walang malayo para sa amin, walang maliit, kahit kaunti lang 'yung botante doon, pupuntahan namin. Kahit mahirap puntahan, hahanapin ang lahat na paraan para mapuntahan. Dahil pag kami naging Pangulo, ito 'yung pamahalaan na 'yung pamahalaan 'yung lumalapit sa tao na lahat na oras na kailangan kami, meron kayong boses, makikinig kami.

    Kaya ito po, 'yung lahat na pangako, ibibigay, pero 'yung sa akin lang, laging merong resibo. Ang resibo 'yung mahabang panahon na panunungkulan namin ni Senator Kiko. Pinakita po namin sa inyo walang korapsyon, walang anomaliya, malinis 'yung pamahalaan, masipag kaming magtrabaho. Hindi matatawaran ang sipag namin.

    At kami, hindi po kami nagdidikta lamang, kami mismo kasama sa hardwork. Di ba kasama kami na nagtatrabaho, kasama kaming pumupunta sa pinakamalalayo. Nakikipag-meeting po kami kahit tatlo lang ka-meeting, kahit lima lang ka-meeting.

    Halimbawa nalang 'yung pandemic, pabalik-balik po ako dito sa inyo. Pabalik-balik ako dito sa inyo kasi meron tayong mga grupo na binibigyan ng livelihood. Halimbawa, 'yung binibigay natin na mga PPE sets sa mga medical frontliners, dalawang grupo 'yung nagtatahi dito sa Bulacan– isang grupo sa San Rafael, isang grupo sa Santa Maria. Ano, meron tayong mga PPE sewers, binibista natin sila. 'Yung mga mangingisda sa Hagonoy, tinutulungan natin. Halimbawa, dito po sa Bustos, meron tayo, sa Plaridel, meron tayo, sa Pandi, meron tayo, sa Malolos, meron tayo. Pero pagpapakita na pag tayo po 'yung namumuno, kasama niyo kami. Kasama niyo kami sa hirap o ginhawa.

    Kaya po nagpapasalamat kami kahit napakainit ng panahon, napakainit pa din ng pagtanggap ninyo sa amin. Tingnan niyo naman 'yung suot ko, napakarami 'di ba? Kasi maraming sumalubong sa labas, sabi ko: pakiramdam ko para akong beauty queen.

    [crowd cheers]

    Di ba? Parang merong Miss Congeniality, merong Best in Long gown, wala lang siguro ditong Best in Swimsuit kasi hindi na tayo puwede, pero maraming, maraming salamat. Meron lang akong itatanong– Nawala na. Kanina may nakita ako diyang ATM machine.

    [crowd cheers]

    Bakit may ATM machine diyan? Pagwi-withdraw-hin niyo ba ako? Ayun, nakita ko. Grabe, sinong gumawa niyan? Ang tiyaga. Bakit tayo may ATM machine? Hihilahin ko daw. "Ipanalo natin para sa lahat." Oh, ayan ‘yung na-withdraw natin. Grabe, ang tiyaga niyo. Maraming salamat sa mga gumawa nito. Ito naman, "VP Leni mag-withdraw ka na ng pang inom sa May 9."

    [crowd cheers]

    Ayan, ay ikaw ha? Grabe, ito hindi ako nagsabi, siya, binabasa ko lang, "Isang ngiwi este ngiti naman, diyan naman dine, VP." "Undecided man sa kukuning kurso, sigurado naman kay Leni Robredo." Ano 'yun? "Baliuag, huwag kang boboto ng magnanakaw." "Mga walang jowa for Leni-Kiko." Baka dito ka makahanap. Alam mo, pwera biro, marami ng nagkatuluyan sa kampanya. "Student nurses for Leni-Kiko."

    Ito po, ngayon po kung napapansin niyo, ako lang nandito, hiwa-hiwalay na po kaming maglakad ngayon kasi kulang na ang araw, 12 days na lang. Ngayon, kung nasa Bulacan ako, si Senator Kiko po nasa Malabon. Marami po kaming mga ginagalawan na. So, ako po ang hinihingi kong tulong, hindi lang para sa akin, pero para din kay Senator Kiko bilang Vice President natin.


    Para din po sa ating mga senador: Senator Leila De Lima, Senator Risa Hontiveros, Senator Dick Gordon, Senator Sonny Trillanes, Dean Chel Diokno, Attorney Alex Lacson, Attorney Sonny Matula, saka Congressman Teddy Baguilat.

    "OFWs Qatar for Leni," maraming salamat. O ito, ito gagawin akong messenger nito, "I love you Abby," ah ikaw 'yun. "Kulay rosas na bukas." "Nag-iisang kakampink sa pamilya," meron ka pang 12 days. "President Leni, Rawrbredo, shabay shabay." Ano ito? Baliktad ang hawak mo, baliktad. 'Yan sandali, para mabasa ko. "Nasa inyo ang balota, nasa aming ang suporta, mama Leni aarangkada na." Ayan, "VP Leni panahon na para tanggalin ang 'V'." "Mga palalayasin na for Leni," bakit naman? Huwag naman. "Mga takas for Leni." Oy karibal kita, "Abs ni Jungkook for Leni." "Queen of receipts. Resibo lang ang ipapakalat, hindi fake news," tama ang dami pong fake news ngayon. "Mga sakristan for Leni," maraming salamat. "Imao like Doc Tricia for Leni." "VP, Bday ko po sa May 10, pa-greet po ako," happy birthday po. "VP Leni, first time ng buong family na lalantad–" hindi ko nababa--ayan, "--na lalantad, baka po puwedeng ma-selfie nang mai-post ko na sa Facebook ko. Love you Leni-Kiko," sige na, kumpleto ba kayo? Magkakasama kayo? Lapit po kayo doon para maayos 'yung picture natin. "Sa arkitekto plano lang ang may revisions hindi history." "Future architects for Leni." "Birthday ko po sa May–" sandali, "Birthday ko po sa May 9, puwede po magpa-picture?" Opo, puwede magpa-picture. "Mga nag-under time for Leni." "Love you mama Leni." "Swifties for Leni." "Ex-BBM supporter for Leni."

    Ayan po ah, inuulit-ilit ko, bukas tayo para sa lahat na kulay. Kahit po iba 'yung kulay niyo, mamahalin namin kayo dahil pagsisilbihan po natin kahit sino. "Mga iniwan for Leni." "VP Leni, puwede po ba kaming isama sa Malolos?" puwedeng-puwede. "Di na baleng bagsak sa Calculus, basta naka-attend sa caucus" Mahirap nito, papagalitan kami ng mga teachers niyo. "I am for and with Leni," maraming salamat. "Future physical therapists for Leni," maraming salamat po. "Kung sila ay may tigre, meron tayong Bulldogs ng Norte." "#Nationallians for Leni." "Pinili ko si VP Leni hindi dahil siya ang pinili ng mga boss ko, kung hindi dahil siya ang gusto ko," pinili ba ako ng mga boss mo? Salamat sa kanila ha?

    "Birthday ko ngayon," happy birthday! Happy birthday. Anong pangalan mo? Ano pangalan? Maclen? Maclen? Happy Birthday Maclen! O kita mo di ba, pinili niyang i-spend and birthday niya kasama tayo. Ayon, "#Leni-Kiko 2022." "#Leni-Kiko all the way." "#" ano 'yung pinakababa? "Ipanalo na natin ito." "Mama Leni, pa-picture kami ng jowa ko," nasaan si jowa? Ayan, lapit dito 'yung mag-jowa. "ARMY for Leni." "Benildeans for Leni." "'Di namin birthday pero puwede bang magpa-picture? Siyempre naman." "VP Leni, magka-birthday tayo," belated happy birthday.

    "NCTzens for Leni-Kiko," ayan si Sharon mahilig din sa NCT. "I am not a voter but I am not risking my future," okay. "Vince Alexis Designs." "VP Leni pa-selfie naman po," opo. Ano ito? "Basallio? for Leni-Kiko. Pa-picture." "Kasama ni Leni, #kasama mo ako." "USRNs for Leni." "Umuwi ng Pilipinas galing SIngapore para sayo ma'am Leni," thank you. Maraming salamat, maraming salamat po. Lahat na pa-picture babalikan ko 'yung magpapa-picture. "Magka-birthday din tayo ma'am Leni, nasa Pasay din po ako," thank you. Tatlo na tayo ditong April 23. "Huwag kayong pala-desisyon, Baliuag is Pink." Ayan, "VP, nag-switch na nanay ko sayo," yay! Congratulations!

    "Hindi man ako maaaring bumoto, iboboto naman po kayo ng nanay ko," maraming salamat. "May jowang BBM supporter for Leni." Hindi pa ba nako-convert? Hindi pa? "Lawyer, Ekonomista, Naninindigan, I miss you Chaneul." "Sa gobyernong tapat, pupunta na tayo sa exciting part." "Baluktot ang buto, pero diretso kay Leni ang boto. #scoliotic for Leni."/

    “Engineers for Leni,” “Pa-autograph.” Okay po. “Birthday sa May 4, pa-selfie.” Okay. “Future doctor for Leni-Kiko,” “Mag-ina for Leni.” Kayong dalawa mag-ina? Ayos. “VP na saan si Doc. Tricia?” Duty siya ngayong araw. Nasa ospital, duty siya. Pero bukas, pupunta siya ng Bukidnon. Maraming salamat, ang ganda naman ng– sa iyo galing? Salamat. “Anak ng apologist, tumakas for Leni.” Huwag ka nang tatakas, kumbinsihin na lang natin. Kapag tumakas ka, mas lalong magagalit sa akin, hindi ba? “Laging pinapagalitan ng mama for Leni-Kiko.” Bakit naman? “Birthday ko sa May 10, pa-picture po VP Leni.” Opo. “Ma’am Leni birthday ko po sa May 1, huwag ka mag-withdraw.” Ay, nag-withdraw na tayo. “Imbitado ka po.” “Aamin na kami ng jowa ko sa tatay ko, basta picture tayo Ma’am Leni.” Na saan si jowa? Oh, aamin na. Palakpakan natin, aamin na. Congratulations. Ayos, pagdadasal namin kayo. Picture tayo. “Baliuag for Leni-Kiko.” “Sa kabilang parlor mga...” Oh my god, hindi ko na ‘yan babasahin ah, ‘yung naka-all caps pero maraming salamat.

    “VP Leni pa-pic po with Cong. Kit,” hindi namin siya kasama ngayon. Nag-reveal siya mga Gwapo for Leni kaya hindi namin kasama. “Active voter. Anak ni Aling Vicky for Leni-Kiko,” ayun, maraming salamat. “Sa gobyernong tapat, hindi masu-suspend ang FB account ng lahat,” “Rise of the woman, rise of the nation. Let Leni lead,” “Pa-selfie po, papakita ko sa kapatid kong nasa work,” “Future pharma for Leni-Kiko,” “DENR employee for Leni,” Oh my god, hindi ba tayo papagalitan? “VP Leni, pang 4th rally ko na ito, umaasa ng selfie, #SeniorsForLeni,” Uunahin kita Ma’am. “Nationalians for Leni,” “Jihyo stans for Leni,” “Pa-selfie po Mama Leni, papakita ko lang kay Daddy, nasa work po siya,” Opo. “Marcos ang pangalan ko pero Leni ang suporta ko,” “Mga kamag-anak ng OFW Kuwait for Leni-Kiko,” “Leni-Kiko ipanalo, alamano ilampaso,” “Gusto namin may malinis na track record.” Patulong ako magbasa. Ano ‘yun? “Baliuageños for Leni-Kiko.”

    ‘Yon, ano ‘yon? Ah, “[inaudible] family for Leni-Kiko,” maraming salamat. “Si Leni ang maguurong sa Pilipinas,” Ano ito? “Mga burong kanin for Leni,” “Mamink-mink na rosas for Leni-Kiko,” “With highest honors for Leni.” Ah, sana all. “B-day ni Mommy ngayong VP, pa-greet naman po.” Happy birthday, Mommy. Happy birthday. May dalawa na tayong birthday celebrants. Anong pangalan niyo po? Ayan, happy birthday kay Ma’am Elsa. “Pa-picture VP Leni, ang ganda mo.” Uy, sipsip ka pa ha. “Non-voters for Leni,” “Madam pa-pic,” babalikan ko ‘yung mga magpapa-pic. “Madam ang ganda mo, deserve mo ng picture with me.” Wow.

    “Kulay pink ang buto ng tatay ko,” “Birthday po ni hubby bukas, pa-picture po.” Happy birthday kay hubby. “Gab Tolentino for Leni,” thank you, Gab. Ano ‘yan? “Humanistang Nationalian for Leni, pwede pong pa-picture?” Opo. Mamaya, babalik po ako. “Mga Bicolanang talaga for Leni,” “Ang boto ko ay para sa kinabukasan ng anak ko,” “VP Leni magiging presidente ka o hindi?” Hindi ako ang makakasagot, kayo ang makakasagot.

    “Mama Leni, you marcos my heart,” “First time voter for Leni-Kiko,” “Anak ng BBM supporter for Leni-Kiko,” “VP Leni, ganda mo for today’s video,” “Pa-picture po, President Leni,” “Drop your korean skin-care routine, VP,” “Pa-greet po kay Paul Clemente, birthday niya po.” Happy birthday, Paul. “VP Leni kung number ten...” ay nawala. “Pa-shout out po kay Arianne Kyle.” Kaway-kaway. “VP Leni kung number ten ka sa balota, number one naman si Doc Tricia sa puso ko.” Sasabihin ko sa kanya.

    “Future Engineers for Leni,” “Mga bilad sa araw dahil sa house-to-house for Leni and Kiko.” Sino dito ang mga nagha-house to house? Maraming salamat sa inyo. Sana patuloy tayo, 12 days na lang. “Teachers for Leni,” lahat na ito pa-picture. “Papasa sa second sem for VP Leni,” “Hi Michelle and Ria,” “Mga ga-graduate for Leni,” “Third rally ko na po, pa-selfie naman,” “VP Leni pa-picture, pakita ko lang sa BBM supporter ko na magulang,” “Hindi magwi-withdraw pero may resibo,” “Ako si Kirsten for president, number ten,” “Janitors for Leni,” “Pablo family for Leni,” “Game Kabataan Bustos for Leni.” Ayun, “VP Leni, may na-convert po kami. BBM to Leni.” Congratulations.

    Ayan, mabuhay po kayo. Maraming maraming salamat. Iikot ako, iikot ako. Maraming salamat po.

    [END]

     

    Posted in Transcripts on Apr 27, 2022