This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Maasin City People’s Rally

    Message of Vice President Leni Robredo at the Maasin City People’s Rally
    Sunken Garden, Capitol Grounds, Maasin City, Southern Leyte


    VP LENI: Ayan, maraming salamat. Magandang umaga, Maasin! Magandang umaga, Southern Leyte!

    HOST: Okay, ah, gi-request ang drummers to stop. And thank you so much.

    VP LENI: Maraming salamat. Ayan, palakpakan natin ang napakahusay na sumayaw para sa atin. Ano ito? "VP Leni, kamukha niyo po ang susunod na Presidente." Ayan, maraming salamat. Siguro itabi natin para hindi natin ma-cover 'yung nasa likod. Ayan, ayan, okay na ba? Okay na?

    Ayan, bago po ako magpatuloy magandang umaga ulit, Maasin. Magandang umaga, Southern Leyte. Bago po ako magpatuloy, ang akin pong pasasalamat sa ating RPC Leyte sa pangunguna po ni Ms. Daisy Llanes, palakpakan natin si Ma'am Daisy. 'Yung Kay Leni Tayo na grupo, maraming salamat. Youth for Leni, maraming salamat. Ang ating Southern Leyte Municipal Coordinators, maraming maraming salamat. Saka maraming salamat sa inyo dahil tinitiis niyo ang init. Ilang oras na ba kayong nakatayo? Ilang oras? Maraming salamat. Maraming salamat. Ito lang, alam niyo po– ano 'yun?

    [crowd cheering]

    VP LENI: Ayan. Parang hindi kayo naiinitan? Kahit napakainit, ang taas pa din ng energy level ninyo. Pero alam niyo, kaya sobrang saludo ako sa inyo dahil alam ko hindi madali para sa inyo ang pag-organize. Alam ko na nagsasarili kayo, nagsasakripisyo. Hindi lang sa hindi bayad pero abonado. Pero–

    [crowd chants: "hindi kami bayad"]

    VP LENI: Ayan, hindi na nga bayad pero abonado pa. Pero kahit ganoon, alam natin na kaniya-kaniya tayong galaw. Alam natin na abonado tayo. Alam natin na napaka-init. Alam natin na matagal na kayong nakatayo diyan pero andito pa din kayo, nakikiisa sa laban natin na ito.

    Ako lang po, kung naaalala ng iba nating volunteers, andito ako noong December. Pumunta po ako dito noong December para sa relief operations natin para sa Typhoon Odette pero nasira po 'yung aking schedule dahil sa masamang panahon. Dapat po sana pupunta ako sa Sogod pero hindi ako noon natuloy kaya ngayon matutuloy na ako. Pagkatapos po nito, pupunta ako doon. Pero alam ko na 'yung relief operations natin dito kahit po nagpadala tayo ng team dito, kayo 'yung tumulong sa ating team para siguruhin na 'yung tulong natin makaabot sa iba't-ibang bahagi ng Southern Leyte. Kaya maraming maraming salamat. Sino ba sa inyo 'yung mga volunteers na tumulong? So, maraming salamat sa inyo.

    Ano 'yun? Kayo 'yung mga tumulong? Ayan, kaya maraming stud– maraming salamat sa tumulong sa volunteers natin. Ito po alam niyo na 'yung tulong na ginawa natin quietly, di ba? 'Yung ating pagtrabaho para sa mga Typhoon Odette victims napakasimple lang ating operations pero alam niyo ba 'yung naibaba nating tulong kahit kulang po 'yung pera ng Office of the Vice President, noong naipadala na– naibaba natin tulong dito, more than 30 million pesos. At 'yan 'yung gustong sabihin kapag sinasabi nating gobyernong tapat, angat buhay lahat dahil po 'yung opisina namin kaunti lang naman 'yung pondo.

    Pero kahit kaunti 'yung pondo, lahat pong lugar na tinamaan ng Typhoon Odette nakatulong tayo. At 'yung tulong natin hindi lang po siya relief packs pero alam niyo siguro may resibo tayo. Mahigit 100 families 'yung nabigyan natin ng 10,000 pesos each para makapag-umpisa ulit sila. In fact, 'yung pupuntahan po natin sa Sogod– ang pupuntahan natin sa Sogod ito po 'yung mga mangingisda na tinulungan natin dahil sila 'yung pinakatinamaan.

    Marami pa po tayong naidalang tulong, hindi lang po livelihood assistance, hindi lang relief packs pero nagbigay din tayo ng shelter kits sa napakaraming mga pamilya. Kaya siya sinasabi natin na pag ang pamahalaan ay tapat sa kanyang trabaho, napapaabot niya 'yung tulong sa lahat na pinaka nangangailangan. At 'yan po 'yung klase ng pamahalaan na pinapangako namin sa inyo ni Senator Kiko. Pag sinabi po nating gobyernong tapat, ang gustong sabihin nito walang korapsyon kaya 'yung kakaunting pera ng pamahalaan siguradong mapupunta sa pagtulong sa mga pinaka nahihirapan. Hindi lang po ngayong typhoon Odette tayo tumulong, pati pa po 'yung lahat na krisis na dumating, kahit po noon pandemic maraming ospital dito pinadalhan natin ng mga PPE sets saka mga medical supplies na regularly tumutulong tayo. Pero bakit natin 'yung nagagawa? Dahil marunong tayong humawak ng pera ng pamahalaan.

    Alam niyo po, pag eleksyon napakaraming pupunta dito sa inyo mga kandidato. At pag eleksyon lahat mangangako. Pero kami po, pag nangako kami na matapat na pamamahala, alam niyo na mahaba ang ating resibo. Ano po 'yung resibo natin sa Office of the Vice President? Hindi vang po kami 'yung nagsasabi na walang korapsyon 'yung opisina pero COA mismo, 'yung COA po sunod sunod na taon nakukuha natin 'yung pinakamataas na COA audit rating. Pag sinabi po nating aasikasuhin natin 'yung mga magsasaka saka mangingisda, magaba po 'yung ating resibo lalong lalo na dito sa Southern Leyte. Dahil karamihan sa mga programa natin, mga magsasaka saka mga mangingisda 'yung ating tinutulungan. Hindi lang po ito relief packs, na ang relief packs pagkatapos ng isang linggo wala na. Pero ang tinutulong natin sa kanila, kabuhayan, kung saan makakapag umpisa ulit sila pag sila tinamaan ng mabigat na sakuna gaya noong typhoon Odette.

    Ito po, ano 'yun? Ano 'yun? [laughs]. Pambihira. Pa-hi daw siya kay Julia Baretto [laugh]. Sasabihin ko sa kanya. Pero ito pag tiningnan natin, 'yung mga nandito, ano ito "In behalf sa 1,113 families na tinulungan ng OVP noong lockdown sa barangay namin, daghang salamat." So, ganiyan po 'yung ginagawa natin sa Office of the Vice President, hindi kailangang ipaalam sa iba. Kahit nga dito sa Southern Leyte hindi niyo alam kung ano 'yung tinutulong natin. Pero ang pinaka resibo natin 'yung tinutulungan mismo. 'Yung tinutulungan mismo, siya po 'yung makakapagsabi. Hindi natin ginawang politika 'yung pagtulong. Hindi po natin tinitingnan ang kulay, kung sino 'yung nangangailangan siya 'yung bibibgyan ng tulong. At 'yun po 'yung pinapangako natin sa inyo. Pag sinabi po nating gobyernong tapat, sisiguraduhin natin na hindi politika ang konsiderasyon. Sisiguraduhin po natin na 'yung mga lingkod bayan matitino at mahuhusay para lahat natutulungan.

    Alam ko po na marami sa nyo kailangan pa mangumbinsi ng sariling mga magulang. Marami pa po ang kailangan mangumbinsi ng mga kaklase, mga kapitbahay. Meron pa tayong 40 days para mangumbinsi. Alam ko marami na kayong sakripisyo, pero handa pa ba tayo mag trabaho in the next 40 days? Huwag po tayong makukuntento na tayo tayo lang 'yung nag uusap. Dahil ang pinaglalaban natin dito hindi lang naman ngayong eleksyon pero 'yung magiging daan na tatahakin ng ating pamahalaan in the next six years. Kaya ang pakiusap ko po sa inyo, mag trabaho pa tayo. Mangatok pa po tayo sa mga pinto ng ating mga kapitbahay, palitan po natin ng katotohanan ang lahat na kasinungalingan.

    Ang hinihingi ko po sa inyong tulong hindi lang po para sa sarili ko pero lalong lalo na po sa aking Vice President, palakpakan po natin Senator Kiko Pangilinan. Ang atin pong mga Senatorial candidates: Congressman Teddy Baguilat, Senator Dick Gordon, Senator Risa Hontiveros, Senator Leila de Lima, Senator Sonny Trillanes, Attorney Sonny Matula, Attorney Alex Lacson, Dean Chel Diokno.

    Mahalaga pong kung tutulungan niyo ako, tulungan niyo din sila dahil sila po 'yung magiging katuwang natin para ibigay sa inyo ang gobyernong tapat para aangat ang buhay ng lahat. Hindi na po kami magtatagal dahil pupunta pa po kami sa Sogod, pero maraming maraming salamat sa lahat ng sakripisyo ninyo. Mabuhay po kayong lahat.


    [END]

     

     

    Posted in Transcripts on Mar 30, 2022