This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at Manalakaran: Pampanga People’s Rally

    Message of Vice President Leni Robredo
    at Manalakaran: Pampanga People’s Rally
    Robinsons Starmills, San Fernando City, Pampanga

     

    VP LENI: Mayap a bengi, Pampanga! Kumusta kayo? Alam niyo, dumating kami dito sa San Fernando kaninang tanghali, galing kami sa Aurora, marami na kaming nasalubong naglalakad papunta dito sa venue. Sino ba 'yung sa inyo ang nandito, umaga pa? Sabi niyo kanina hindi naman kayo bayad. Nakatayo kayo kanina pa, napakainit, malamang gutom na kayo, pero bakit kayo nagsasakripisyong ganito? Dahil sa napakalaking pagmamahal ninyo sa bayan.

    [crowd cheers]

    Naiintindihan niyo na ang eleksyon na ito, hindi lang pagpili ng type niyong kandidato. Pero, ang eleksyon na ito ang magsasabi kung ano ang kinabukasan ninyo. Ang eleksyon na ito ang magsasabi, anong klaseng pamahalaan magkakaroon tayo sa susunod na anim na taon. Anong klaseng politika ang makikita natin sa susunod na anim na taon.

    Klaro sa atin: Kailangan na natin ng pagbabago. Pagbabago na hindi manggagaling sa mga politiko, pero pagbabago na magmumula sa puso at isipan ng bawat Pilipino. Ang tunay na lakas, hindi manggagaling sa aming mga politiko. Ang tunay na lakas, hindi manggagaling sa pera o makinarya. Pero, ang tunay na lakas magmumula sa nagkakaisang taumbayan. At ngayong gabi, pinakita ng Pampanga.

    [crowd cheers]

    Alam niyo, alam niyo naman na talo ako dito noong 2016.

    [crowd chanting: "Babawi kami"]

    Kaya alam niyo, hindi ko man lang panaginip o pangarap na tatayo ako dito sa entablado na ganito kadami ang tao! Pinaparamdam niyo sa amin, na hindi niyo lang ako mahal, pero talagang napakalaki ng pagmamahal niyo sa taumbayan.

    At talaga namang pinapabilib kami ng Pampanga. Dalawang gabi na nakakaraan, nakikita na namin sa social media ang pagod na ginagawa ninyo para sa rally na ito. Hindi ko pa nga ngayon nakikita ngayong gabi 'yung napakagandang entrance ninyo na parang kasalan. Nandoon ba 'yun? At 'yung ating mga giant parol, nandoon? Nakita ko din kanina napakaraming may dala ng pagkain na sine-share sa iba. 'Di ba ito 'yung tunay na pagbabayanihan? Ito 'yung tunay na pagmamahal na ninanais natin para sa ating bayan. Ito ang tunay na pagkakaisa. Pagkakaisa hindi ng mga interes ng mga politiko, pero pagkakaisa ng taumbayan na dala ng pagmamahal niya sa bansa nating Pilipinas.

    Sabi ko kanina hindi ako dito nanalo, sabi niyo babawi kayo.

    [crowd chanting: "Babawi Kami"]

    Pero alam niyo, ito 'yung gusto ko sa inyong sabihin. Na magmula noong nanalo ako noong 2016, pinakita ko na sa inyo ang pagmamahal ko. Kung ano 'yung pagmamahal na pinakita ko sa mga lugar na nanalo ako, pareho din 'yung pagmamahal na pinakita ko kahit sa mga lugar na natalo ako dahil 'yun 'yung obligasyon namin bilang mga lingkod-bayan. Ang obligasyon namin: dapat kami maging lingkod-bayan sa kahit anong kulay. Ngayon, marami sa inyo naka-pink pero pag ako naging Pangulo, magiging Pangulo hindi lang ng mga naka-pink pero magiging Pangulo ako ng lahat na kulay.

    [crowd chanting: "Leni! Leni!"]

    Ang atin pong paniniwala, pag tapos na ang eleksyon dapat tapos na din ang politika. Dapat ang inaasikaso na natin, 'yung mga pag-asikaso ng mga kababayan natin na nangangailangan. Ang amin pong pangako sa inyo ni Senator Kiko saka ating Senatorial Candidates: gobyernong tapat–

    CROWD: Angat buhay lahat!

    –para umangat ang buhay ng lahat. Ano po ang gustong sabihin ng gobyernong tapat? Pinapangako po namin sa inyo na 'yung mga lingkod-bayan na pipiliin natin at kami mismo, magiging matitino at mahuhusay na lingkod-bayan.

    Bakit napakahalaga na matitino at mahuhusay ang inyong mga lingkod-bayan? Pinakita po namin 'yan sa Office of the Vice President na kaya naman pala ng pamahalaan maging matino. At kapag naging matino ang pamahalaan, napapangalagaan ang pera ng taumbayan.

    Napakalilit lang po ng budget ng aming opisina, pero 'yung maliit po namin na budget, lahat na sulok ng Pilipinas pinupuntahan namin para tumulong. Dito na lang po sa lalawigan ng Pampanga. Lahat na sakuna, nandito po kami para umalalay sa inyo. Ngayon lang pong pandemic, napakarami po nating mga programang ibinaba dito sa inyo. Nagkaroon po tayo ng Vaccine Express dito sa San Fernando, dalawang beses. Sa Magalang nagbakuna din tayo ng mga residente ng bagul– Magalang. Nagbaba po tayo dito ng medical assistance, Php 10.5 million para po 'yung mga kulang 'yung pambayad sa ospital makatulong tayo. Nagdala din po tayo ng mga antigen tests noong panahon na kulang 'yung ating antigen tests. Nagpadala po tayo ng mga PPE sets, mga medical supplies sa 47 medical institutions dito po sa buong lalawigan ng Pampanga.

    Marami po sa inyo hindi nga 'yan alam, di ba? Dahil hindi naman po natin pinapangalandakan. Mayliban po diyan, nagdala po tayo ng mga livelihood programs. Meron po tayong livelihood programs sa iba't-ibang lugar dito sa Pampanga. Meron po sa Floridablanca, meron po sa Lubao para sa mga magsasaka. Meron po tayong mga Community Learning Hubs na nilagay sa Magalang saka sa Guagua. Namigay po tayo ng mga tablets sa mga estudyante ng Madapdap High School sa Mabalacat at sa Sitio Target Integrated School sa Angeles. Meron din po tayong programa para sa mga out-of-school-youth na galing sa Mexico, under po ito ng ating Trabahope Program.

    Matagal na nating ginagawa 'yung mga programa ngayon– ng aming opisna dito sa inyo pero bakit ngayon ko lang ito sa inyo kinukuwento? Dahil po ito ang aking resibo. Ito po 'yung resibo namin na pagnangako kami sa inyong hindi namin kayo pababayaan lalo na sa pag-oras ng pangangailangan, pinakita na po namin 'yan noong nakaraan anim na taon. Hindi na lang po ito pangako pero ginawa na namin. Kahit po konti ang aming pondo, nagawa namin ang mga ito dahil po pinangalagaan namin ang pera ng taumbayan.

    Lalo na kung bigyan tayo ng mas malaking mandato. Kaya ko din po ito sinasabi dahil pag panahon ng kampanya marami pong manliligaw sa inyong mga kandidato. At 'yung mga manliligaw sa inyong kandidato, mangangako, ang mga pangako ito 'yung gusto niyong marinig. Pero ang dapat pong sagot natin sa kanila: bakit kami maniniwala sa inyo, asan ang resibo?

    Kami po pag sinabi namin kami ni Senator Kiko ayaw sa korapsyon, mahaba ang aming resibo. Si Senator Kiko po, mula 2001 lingkod bayan na, pero may narinig man lang ba kayo na [nadawat] ang kanyang pangalan sa ano man na anomaliya? Wala di ba? Ako po, hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, pag sinabi ko pong galit kami sa korapsyon, ang resibo ko hindi nanggaling sa amin pero nanggaling sa COA. Sunod sunod na taon, nakukuha po ng opisina namin, pinakamataas na COA audit rating, pagpapatunay na malinis, pagpapatunay na iniingatan namin ang pera ng taumbayan. Kaya pag kami po nangako sa inyo, ito 'yung aming ebidensya na tutuparin namin ang aming pangako dahil ito na talaga 'yung aming ginagawa.

    Ngayon po napakarami niyo dito, ilan na ulit?

    [crowd cheering: 200,000 13:59]

    Almost 200 na ba? Pinaka malaking crowd na yata ito.

    [crowd cheering 14:08 - 14:12]

    Sino bang mag aakala? Di ba sino bang mag aakala na almost 200,000 ang taong andito ngayon. Siguro naman kung bayad, bayad ba kayo?

    [crowd cheering: Hindi 14:30]

    Hinakot ba kayo?

    [crowd cheering: Hindi 14:34]

    Abonado pa di ba? Siguro kung hinakot lang kayo o bayad kayo, siguro ngayon nagsiuwian na kayo. Pero tinitiis ninyo ang pagod, tinitiis ninyo ang init, tinitiis ninyo ang gutom dahil uhaw na uhaw na kayo sa mabuting pamamahala. At ito 'yung pagkakataon na isigaw ninyo: kailangan na namin ng pagbabago.

    Kanina tinanong kayo ni Sharon, sino ba ang mga boboto for the first time, napakarami. Dapat po hindi natin sayangin ang ating boto. Ipakita po natin sa buong bansa na ang kapangyarihan nasa kamay ng bawat isa sa atin. Noong ako po nag-file ng aking Certificate of Candidacy, ang sabi ko po sa inyo, tumindig kayo at makikita niyong may titindig din sa tabi ninyo. Hindi ako nagkamali. Noong una ko pong pumunta dito pagkatapos kong mag file, kaunti pa lang 'yung aking kausap. Bawat balik ko, parami ng parami. Ngayong gabi, isang buwan eksakto bago ng eleksyon, ganito na kadami 'yung ating mga kasama.

    Pero meron pa po tayong 30 days mula ngayong araw. Dapat 'yung target natin lalo pang padamihin ang ating mga kasama. Kaya kaya natin 'yun?

    [crowd cheering: Kaya!]

    Isipin niyo na lang po, ang pinaglalaban natin dito, anim na taon na pagsalba sa inyong henerasyon. Kaya po ako, napakalaki po ng aking pasasalamat na ngayong gabi lalo niyong pinadama sa amin ang inyong pagmamahal, lalo niyo pong pinalakas ang loob natin, pinapakita niyo na handa tayong makipaglaban para sa ating bayan. Kaya maraming maraming salamat po sa inyo.

    Marami din po akong gustong pasalamatan. Meron po tayong apat na mayors na kasama ngayong gabi. Palakpakan po natin, Mayor Edsa ng San Fernando. Mayor Pogi ng Angeles. Mayor Dante ng Guagua. Mayor Rene ng Candaba. Former Mayor and Former Congressman Oca Rodriguez ng San Fernando.

    Marami din po tayong mga barangay captains na tinulungan tayo at kasama natin. Kanina po nandiyan 'yung ABC president ng Santa Ana, Jose Lagman. Kasama din po natin kanina si Kapitan Tony Mamac ng Angeles. 'Yung lahat pong mga local officials na kasama natin ngayon, lalo na po 'yung mga tumulong sa atin pong mga supporters. Nandito din po 'yung representatives ng iba't ibang mga sektor. Gusto ko din pong pasalamatan 'yung core group na nag-aasikaso ng ating kampanya dito.

    "Pampanga for Leni-Kiko 2022." Napakaraming kailangang pasalamatan. Mame-mention ko po 'yung iba lang. Among Ed Panlilio, maraming salamat po. Councilor Reden Halili maraming salamat. Doctor Joe Sandiko maraming salamat. Irwin Nucum, maraming salamat. Fidel Ocampo maraming salamat. Mahaba pa po ang listahan, hindi ko na po masasambit 'yung lahat na pangalan, pero 'yung Robredo-Pangilinan People's Council, nandiyan po si Billy San Juan, si Tess Laus, Irene Manabat, Aldrin Angeles, at marami pa pong iba. 'Yung iba't ibang mga grupo na nandito po ngayong gabi, RPC Angeles sa pangunguna ni Manny So. Youth for Leni, maraming salamat. Tsinelas for Leni-Kiko Movement. Magsilbi Tamu. Alterpol. Holy Angel University Teachers, Employees Union, Contractors for Leni, TLR Pampanga, Tropang Pampanga, AC for Leni, Kulasas for Leni, Pampanga Live Events for Leni, Lawyers for Leni, Doctors for Leni, Architects for Leni.

    Kukumustahin din po natin ang mga kapatid natin na mga OFWs galing po sa iba't ibang bansa sa buong daigdig. Meron po sila ngayong watch party. Ayan, kaya kumusta po kayong lahat? Sana po nasa mabuti kayong kalagayan. Mula po bukas, mag-uumpisa na 'yung absentee voting. Kaya ngayong gabi po, kasama natin sila.

    Sa inyo pong lahat, "Mga apo ng mga magsasaka for Leni," "Campus Journalists for Leni-Kiko," "Nursing students for Leni-Kiko," "Future chefs for Leni-Kiko," "Caballeros for Leni," marami pang ibang mga grupo pero ang pinapakiusap ko po sa inyo, kung tutulungan niyo po ako, dapat po kasama din ang aking Vice President, palakpakan po natin Senator Kiko Pangilinan. Ang atin pong mga senatorial slate: Congressman Teddy Baguilat; Attorney Sonny Matula; Attorney Alex Lacson; Dean Chel Diokno; Senator Leila De Lima; Senator Sonny Trillanes; Senator Risa Hontiveros; Senator Dick Gordon. Sa inyo pong lahat, maraming maraming salamat.

    "Flight attendants for Leni," maraming salamat. "Online sellers for Leni." "Civil Engineers for Leni." "Louisian pharmacists for Leni." "Angelites for Leni-Kiko." "Mga umuwi ng Pampanga for Leni." "Bayanihan E-Konsulta volunteers." "AUF for Leni." "Thomasians for Leni-Kiko." “May mga hang over for Leni." Wag munang uminom masyado, pagkatapos na ng eleksyon, pag panalo na tayo. Babawi tayo pag panalo na tayo. Ayan. "Mga manyaman for Leni." Ano ito? "PSCASGC for Leni-Kiko." "Ika–" ano? "[speaks in local dialect]." "Future educators for Leni." Ayan, sa inyo pong lahat, maraming maraming salamat. Mabuhay po kayong lahat!

    [END]

     

    Posted in Transcripts on Apr 09, 2022