This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    MESSAGE OF VICE PRESIDENT LENI ROBREDO MEET AND GREET WITH BATANGAS PROVINCE AND BATANGAS CITY LGU OFFICIALS, TODA OFFICIALS, AND MARKET VENDORS

    MESSAGE OF VICE PRESIDENT LENI ROBREDO MEET AND GREET WITH BATANGAS PROVINCE AND BATANGAS CITY LGU OFFICIALS, TODA OFFICIALS, AND MARKET VENDORS

    Plaza Mabini, Batangas City, Batangas

    [recording starts] sa inyong lahat! [cheers] Ayon, parang ang aga ng mga gising niyo ngayong umaga. Pero bago po ako magpatuloy, ang akin lang pagbigay-galang at malaking pasasalamat sa ating city officials na matagal ko na pong kaibigan. Siyempre, sa pangunguna ni Mayor Bev at saka ni Cong. Marvey. Si Vice Mayor Doc Jun, iyong mga members ng City Council. Hindi ko na po iisa-isahin kasi tinawag na kayo lahat kanina. Iyong ating chief-of-police. Iyong iba-ibang mga grupo na nandito, hindi ko na rin iisa-isahin kasi tinawag na rin kanina pero maraming—may fans club ka pala dito, Councilor Aileen? Ayan si Councilor Aileen, ilang araw na yata itong walang tulong. Maupo po tayong lahat. Ayon.

    Napakasaya ko po na finally, nabisita ko rin kayo dito sa Batangas. [applause] Alam niyo po ilang linggo na at ilang araw ko nang nakikita iyong mga pictures ninyo. Alam ko po na marami sa inyo ang nagsisipag, marami iyong mga nag-o-organize, marami iyong mga nagdedepensa sa atin sa Facebook—[cheers]—marami iyong nagpapakilala sa atin. At sabi ko po kay Councilor Aileen, baka puwedeng tulungan tayo—tulungan ako na makilala kayo lahat. Kaya nagpapasalamat po ako kay Cong. Marvey at saka kay Mayor Bev na na-organize po itong araw na ito na mabisita ko kayo dito sa Batangas City. [applause] Kaya maraming-maraming salamat sa inyong lahat.

    Hindi pa naman po puwedeng magkampanya kasi ang official campaign period ay February 8 na. Pero sabi ko po, ayaw kong hintayin mag-February. Gusto kong puntahan na kayo ngayong araw para kahit man lang sa kaunting sandali, personal akong makapagpasalamat sa inyong lahat. [applause] Marami po akong lugar na pupuntahan ngayon. Iba-ibang lugar dito sa Batangas kaya lahat lang po kaunting dako sa mga lugar para lang makapagpasalamat. Kasi alam niyo naman po iyong kahirapan ng panahon natin. Hindi po kagaya noon na puwedeng ipunin sa isang malaking lugar iyong lahat na gusto nating makausap. Ngayon po, hindi na iyon puwede dahil sa ating physical distancing rules. So pagpasensyahan niyo na po na iyong pagdako natin ay hindi matagal para mapuntahan lahat.

    Pero kukuwentuhan ko lang po kayo nang kaunti. Alam niyo po since 1988, involved na po ako sa kampanya dahil sa asawa ko. Iyong asawa ko po anim na beses na nagkandidato ng mayor ng Naga at nanalo. Eh siyempre bilang asawa, tumutulong ako. Tapos noong namatay po iyong asawa ko, ako naman iyong kumandidato. Unang-una, noong 2013 bilang congresswoman. Pangalawa, noong nag-VP na ako. Pero alam niyo po, kukuwentuhan ko kayo na ito iyong unang pagkakataon na ganito kadesidido iyong mga supporters. [audience: “Yes!”; applause] Naalala ko po noong 2016, pumunta rin ako dito ng ilang beses, ‘di po ba. Si Mayor Bev at saka si Cong. Marvey kasama ko na. Pumunta po ako dito nang ilang beses. Pero noong 2016, parang conventional iyong pagkakampanya—kami iyong kandidato, kami iyong magpapa-organize, magtatawag kami ng mga meeting. Paminsan, iyong mga kandidato po siya iyong nag-aasikaso ng mga tarpaulin, siya nag-aasikaso ng mga t-shirt, kung ano-anong campaign paraphernalia, ganoon iyong kinasanayan ko na kampanya. Pero ngayon po dahil napaka-late na akong nagdesisyon, dapat po sana hindi ako kakandidato, pero dahil po napaka-late ko nang nagdesisyon, hindi pa kami handa noong ako ay nag-announce pero gulat na gulat po kami. Kasi noong araw na nag-announce ako, ang dami na naming nakitang naka-t-shirt. Ang dami na naming nakitang nakasabit na mga tarpaulin. Kung ano-ano po, pati iyong mga aso at saka pusa may costumes. Kahit ano po iyong nakikita namin ngayon, very creative iyong tao pero ni isa po walang galing sa amin. Lahat talaga galing sa mga supporters. [applause] Sabi ko nga po, dati pinagkakaabalahan namin, nagpapa-print kami ng tarpaulin. Pinagkakaabalahan namin—nagre-request iyong mga supporters paano namin ipapadala. Ngayon po, baliktad: iyong supporters iyong mayroong tarpaulin, sila iyong nagpapadala sa amin. Kayo iyong nagpapadala. [applause] Dati po mayroong iisang look, ‘di ba. Mayroong iisang look pati iyong tarpaulin, pati iyong t-shirt, isa lang iyong hitsura. Parang tawag nila doon branding. Pero ngayon nakikita niyo iyong mga t-shirt niyo, iba-iba, ‘di ba. Iyong mga tarpaulin, iba-iba. Iyong mga gimmick, iba-iba. At nararamdaman ko po na iyon iyong kagandahan ng magiging kampanya at saka eleksyon natin, na iyong mga pinanggalingan na magkakaiba, magkakaisa sa iisang aspirasyon. [audience: “Yes!”; applause]

    Mahirap po iyong magiging laban sa 2022. Alam niyo lahat iyon. Mahirap iyong magiging laban dahil ang iba, handang-handa na. Ang iba, maraming resources. Ang iba, malaki iyong makinarya. Kahit po ako, iyon iyong dahilan kung bakit hindi sana ako kakandidato. Sabi ko po, wala akong ilalaban sa ganitong klaseng eleksyon. Pero iyong nakikita ko sa inyo ngayon, binibigyan ako ng inspirasyon, lakas at pag-asa na parati ko hong sinasabi, totoo siguro na ang dami nila na wala ako. Pero mayroon din akong wala sila—at kayo iyon. [cheers; applause] At dahil po sa pinapakita niyong sigasig, dahil sa pinapakita niyong pagmamahal, ang paniniwala ko, walang sinabi ang pera, walang sinabi ang makinarya sa lakas ng taumbayan. [applause]

    Kaya sa akin po, nandito lang ako ngayong umaga para magpasalamat. Hinihingi rin iyong tulong niyo na sana habaan natin iyong sipag natin dahil mahaba pa iyong laban. Hinihingi ko po iyong tulong niyo na sa bawat pagsuot natin ng pink, alalahanin natin kung anong gustong sabihin nito. Ang gustong sabihin ng pink ay pagmamahal. [audience: “Yes!”; applause] And sa pagmamahal, maraming, maraming pasensya iyong kailangan natin, ‘di ba. Maraming pagsubok pero ang pagmamahal, iyon iyong magdadala sa atin sa kaginhawaan. Nakikita ko po iyong ginagawa ninyo. Ang iba sa inyo, nagpapalugaw. Mayroon pong mga supporters na nagtu-tutor sa mga bata. Mayroong mga supporters na nagka-conduct ng mga medical mission. Pinaparamdam natin sa kanila na kapag nabigyan tayo ng pagkakataon, ito iyong kanilang aasahan sa susunod na administrasyon—mga Pilipinong nagtutulungan, mga Pilipinong tumutulong sa bawat Pilipino. Hintuin na po natin iyong pagkakahati-hati. Kung mayroong mga nang-aaway sa atin, huwag po tayong papatol. Doon na lang po tayo sa kung ano ang mabuti at tama. Dahil sa gitna naman ng maraming kahirapan, sa dulo ng lahat, kabutihan lang iyong mananaig. [audience: “Yes!”; applause]

    Babalik po ako rito. Babalik po ako sa tamang panahon para pormal na hingiin ang inyong tulong para sa 2022 elections. Pero ngayon pa lang po, malakas iyong aking paniniwala na kapag katabi ko kayo sa labang ito, ang imposible kayang-kayang maging posible. [cheers; applause]

    Maraming, maraming salamat po sa inyo! Sa atin pong mga local officials, maraming salamat. Mahal ko po kayong lahat! [audience chanting: “VP Leni! VP Leni!”]

    Posted in Transcripts on Nov 10, 2021