This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Meet and Greet with Noveleta Volunteers and Supporters

    Message of Vice President Leni Robredo
    at the Meet and Greet with Noveleta Volunteers and Supporters
    Primark Town Center, Noveleta, Cavite

    VP LENI: Ayan. Maraming salamat Noveleta. Maraming salamat Kawit. Maraming salamat Rosario. Maraming salamat Cavite City. Maraming salamat.

    Ayan, maraming salamat po sa lahat na sumalubong sa atin ngayong hapon dito sa Noveleta. Ayan. Alam niyo siniguro po naming dadaan kami dito. Alam niyo naman na nag-umpisa 'yung araw natin ala-siyete kinse ng umaga, nasa Carmona na tayo. Pagkagaling po natin sa Carmona, lumipat tayo ng Silang, lumipat tayo ng Dasmariñas, lumipat tayo ng Imus, ngayon nandito na tayo. Mamaya-- magkikita tayo lahat mamaya di ba? Magkikita tayo mamaya sa Gen. Tri.

    Ayan, hindi po sa akin iba 'yung Noveleta. Nasaan na si [Joan 00:56]. Ayan. Alam mo po kami ni [Joan 1:00], halika [Joan 1:01]. Ayan. Ito po 'yung dahilan kung bakit pumupunta ako dito sa Novoleta. Kami po ni Joan, roommates po kami sa UP. "Sana all", mas matanda kayo-- mas matanda kami sa inyo so hindi puwedeng all. Kami na 'yung mga magulang niyo. Pero kami po ni Joan, roommates kami sa UP kaya meron pong mga pagkakataon na nabisita ko siya dito.

    Naalala ko, 2016, namatay 'yung mom ni Joan, nandito din po ako. Naalala ko, galing yata akong Bohol noon, galing akong Bohol, nalaman ko na namatay 'yung mom niya, pumunta ako dito sa Noveleta. So, pamilyar na pamilyar po sa akin 'yung Novoleta. Kaya noong sinabi pong may staff kami dito sa Novoleta, ay excited ako-- excited po tayo dahil alam natin na parang pamilya, pamilya 'yung Noveleta. Saka napaka sipag po nitong roommate ko. Napaka sipag po mangampanya. Kinukuwento niya sa akin, Kinukuwento niya po sa akin kung gaano kayo kasigasig sa pag-kampanya. Kaya po noong papunta kaming Cavite, ang request ko lang po sa campaign team na makadaan po kami doon sa mga lugar na maraming volunteers para po-- para po bago noong rally mamayang gabi ay makapunta na ako dito para makapagpasalamat sa inyo.

    Ngayon po ay-- ngayon po ay 66 days to go bago mag eleksyon. Alam ko na ang dami niyo nang sinakripisyo. Alam ko na grabe na 'yung sipag niyo kaiikot, marami na kayong mga ginawa para makatulong sa kampanya. Pero may ipapakiusap pa po tayo, Meron pa tayong 66 days para lalo tayong magsipag? Puwede pa ba iyon? Meron pa ba-- meron pang ihihirit? Meron pa? Magsisipag tayo dahil magpaparami tayo.

    Kanina ang sabi sa akin, ang target daw natin dito 800,000. Kaya ba natin iyon? Ayan. Pero meron ditong nagdala sa akin ng sapatos. Alam mo hindi ko kaya 'yung heels na ‘yan, parang five minutes pa lang magpapaa na ako. Pero maraming salamat sa concern. Talagang hindi tayo sanay na naka heels ng matagal. 'Yung “makiki-rally pero 'di kakalimutan ang acads”, promise niyo iyan dahil pag kinalimutan niyo ang acads, gustong sabihin bad influence kami sa inyo. Di ba? So dapat kahit nagkakampanya, ay nagsisipag pa din sa pag-aaral. Ayun, may promise kayo.

    "Silent supporter noon, nag-iingay na ngayon," maraming salamat po. Ito, "VP Leni, arat shot, balita ko marami kang ambag." Oh “Leni-Kiko oh may payong--" maraming salamat. Maraming salamat lola, maraming salamat po. "Sa gobyernong tapat, love mo ko dapat." Oo naman. "Bare foot Leni saka Bare Back for Leni." "Kaya ligtas--" ano ito? "Kaya ligtas ang mga nanahimik ay dahil sa mga nag-iingay," tama naman, maraming salamat sa nag-iingay. Oh may nagche-check attendance dito. "Attendance, Robredo present!" Ayan, "Audit opinion: unqualified for OVP, Leni Robredo most qualified for President”. Maraming salamat. "Kay Leni at Kiko tayo, o puwedeng tayo na lang?" Sino-- sino ang pinapatamaan mo niyan? Diretsuhin na natin. "Leadership by example not by intimidation," "We'll stand up as champions on May 9," "Swifties for Leni," maraming salamat. "Leni ikaw ang nag-iisang tiyak sa sanlibong duda." "Anak ng Fuchsia." Oh ito, may pa-survey si-- sino ba may hawak nito? Kayo ah. Ah deleted na, okay sige. ‘Yon. "Sa gobyernong tapat, sho-shot lahat." Bakit ba kayo ang init init ng hapon, lahat shot 'yung naiisip niyo? Ayan. Babasahin ko lang hanggang sa Letter N ha? "Miss na kita." Kayo iko-kompromiso niyo ako. "Tulad sa kanta ni Regine Velasquez, ang pangarap ko ay nag-mula sa iyo Leni." Ayos, ayos. Hindi ko po nababasa 'yung nasa likod kasi naco-cover. Ano iyan bork? Bark? Anong gustong sabihin niyan? Ha? "Bark for Leni," ah "Delete bad governance--" ano ito? "-- not delete tweet." "Sa gobyernong tapat, yassified lahat." "VP Leni, isang picture lang po para ma-inspire po akong--" di ko na nababasa "--gumawa ng thesis." Ayan, mamaya. Ayan, "Ibalik ang ninakaw hindi ang magnanakaw." Ayan, ito, ito gusto ko din ito sa Hamilton, "Tomorrow there will be more of us," ayan. "We love Leni-Kiko," maraming salamat sa inyo.

    Ito, pinaka mensahe natin. Kinuwento ko na ito doon sa mga pinagdaanan na iba at I am sure makaka- relate kayo lahat dahil karamihan dito sa inyo first time na na-involve sa kampanya, di ba? Marami ngang iba, ang kuwento– ang kuwento sa amin ng iba, wala nga silang pakialam doon sa mga dumaan na eleksyon. Pero all of a sudden, ngayon kampanya na ngayon, grabe pagka-invested. Invested masyado kasi nararamdaman na napakahalaga ng eleksyon na ito. Hindi lang siya-- hindi lang siya contest ng mga kandidato, pero ang pinagdedesisyunan natin dito, anong klaseng pamunuan, anong klaseng politika 'yung gusto natin para sa ating bayan in the next six years. And ako, sigurado ako, kahit di niyo sa akin sabihin, 'yung lahat tayo dito, iyon 'yung nag-uunite sa atin lahat: 'Yung pangarap natin na linisin ang pamahalaan, para mas lalong makatulong ang gobyerno sa taumbayan.

    Kaya lagi natin sinasabi, gobyernong tapat, angat buhay lahat. Dahil pag hindi naman talaga matapat ang pamamahala, wala tayong aasahan na pagbabago. Ang pinaka resibo ko po niyan, kami sa Office of the Vice President. Kakaunti lang po 'yung pondo namin, kaunti 'yung mandato namin pero napakarami naming nagawa dahil pinangalagaan namin ang kaban ng bayan, at iyon ang pangarap natin para sa bansa natin: Linisin ang pamahalaan para 'yung tao, tumiwala ulit. Pag may tiwala ang tao, mas aambag siya, di ba? Gaya nga ng sa inyo. Gumagastos kayo ng sarili, nagpapa-imprenta ng mga sariling t-shirt, kayo 'yung bahala sa mga campaign paraphernalia, kung ano-anong regalo 'yung natanggap namin mula kaninang umaga. Pero bakit niyo ito ginagawa? Kasi inspirado kayong mag-ambag di ba?

    Ang dami kong "I love you" nakuha ngayon buong araw. Kaya, ayan, salamat. Pero di ba? Kaya kami po ni Senator Kiko, sobrang inspired kami, tinatanong kami kung napapagod kami, sa totoo lang po hindi kami napapagod dahil kahit saan kami pumunta, nagru-rub off sa amin 'yung energy ninyo. Kaya sana-- sana in the next 66 days, ganoon pa din tayo kasigasig dahil too much is at stake. Lalaban tayo in the next 66 days, para ang sunod namin na balik-- hindi pala, babalik pa kami pero 'yung susunod namin na balik dito after the elections, magvi-victory party na tayo.

    Kaya Cavite, maraming maraming salamat po. Maraming salamat sa pagmamahal na pinaramdam ninyo sa amin, maraming salamat sa lahat ng sakripisyo, maraming salamat po sa init ng pagtanggap, magkikita-kita po tayo mamayang gabi. Sec. Jun maraming salamat po. Sa lahat pong kasama natin dito, maraming maraming salamat. Mabuhay po kayong lahat.

    [END 11:06]

     

     

     

    Posted in Transcripts on Mar 04, 2022