This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo Meet and Greet with Pampanga for Leni Volunteers Orchid Gardens, Lazatin Boulevard, San Fernando City, Pampanga

    Message of Vice President Leni Robredo, Meet and Greet with Pampanga for Leni Volunteers

    Orchid Gardens, Lazatin Boulevard,

    San Fernando City, Pampanga

     

    Maraming salamat! Magandang hapon. Magandang hapon po sa inyong lahat.

    Ang aking pagbati sa aking partner, Senator Kiko Pangilinan—ang susunod na Pangalawang Pangulo ng bansa natin; siyempre si Mayor EDSA; si Councilor Reden, ang aking kumpare; Among Ed at saka iyong mga core group ng Pampanga—Kapampangan ba o  Pampanga?—Pampanga for Leni Movement; sa inyo pong lahat, magandang, magandang hapon muli!

    Alam niyo po kung sinong may kasalanan kung bakit natuloy ako sa pagkakandidato? Mga kapampangan ang may kasalanan. [laughter and applause] Alam niyo po, hayaan niyo po na ikuwento ko nang kaunti. Tama iyong sabi ni Senator Kiko, wala po talaga akong balak tumakbo. Alam po iyon ng mga malalapit sa akin—alam iyon ni Among Ed. Tama iyong sinabi niya, tama iyong tinext ko sa kaniya noong sinasabi po nilang tumakbo ako. Maraming dahilan kung bakit ayaw ko. Iyong una, bugbog na bugbog ako noong nakaraang five and a half years. Nasanay po ako na halos lahat na local officials—hindi naman lahat—pero halos lahat ng local officials, kapag pupunta ako sa lugar nila, takot silang makita na kasama ako kasi baka may repercussions. Naiintindihan ko iyon. Maraming pinaghirapan at pinagdaanan iyong opisina namin dahil sa ayaw nating mag-compromise ng mga bagay na iba iyong paniniwala natin. Iyon iyong dahilan kung bakit natanggal ako sa Cabinet, iyon iyong dahilan kung bakit after 18 days tinanggal ako as ICAD co-chair. Hindi naman sa napagod ako pero ang iniisip ko lang, hindi ko gusto na ganito, na kung ano iyong kulay. Na ang dami ko sanang gusto na gawin pero dahil sa politika, hindi ako buwelong gumawa. Kaya sabi ko, parang nababagay ako sa lokal kasi iyong lokal, iyong pinaka gusto ko kasi talaga iyong babad ako sa communities. Kung lokal ako, babad na babad ako. Pangalawa, sa lokal, hindi ako masyadong makiki—parang magbabalanse all the time dahil ang accountability ko, sa aking constituents. At pangatlo, sabi ko dahil sa experience ko in the past five and a half years, hindi talaga ako nababagay sa national.

    So palapit nang palapit iyong eleksyon, pinuntahan ako ni Among Ed. Siguro, August yata iyon, Among, ano? Kami lang dalawa nag-usap. Nagpatalo ako kay Among Ed. Kasi pinapaliwanag ko kay Among Ed, kinukumbinse ko siya. Sabi ko, “Among, tumulong na lang tayo. Huwag nang ako iyong kumandidato kasi wala naman akong pag-asang manalo. Wala akong resources. Wala namang tutulong sa akin na local officials”—maliban na lang siguro kay Councilor Reden kasi wala siyang choice. [laughter] Kumpare ko siya, eh. Hindi ko pa pala nakakausap si Mayor Ed Tan. Pero sabi ko, wala sa aking sasama. Sabi ko, napakahirap. Papaano ako iikot? Mababa iyong numero ko. At si Among Ed—talagang mahaba iyong aming diskusyon. Ang explanation sa akin ni Among Ed, “duty mo ito kasi wala, eh. Parang walang mapapagpilian. Mahirap na”—although ang sinabi niya naman, “Kung anong desisyon mo, igagalang namin. Pero iyon iyong aming nasa loob.” Basta sabi niya, “Basta pabayaan mo lang kami. Basta iyong ginagawa namin sa Pampanga, tuloy-tuloy lang.” So actually, hindi ko ito sa inyo sinabi pero nag-aalala ako kasi sigurado ako noon na hindi ako tatakbo, eh. Nag-aalala ako na ang dami niyo nang efforts. Sabi ko, “madi-disappoint sila na grabe.” Si Mayor EDSA, parang dalawang beses, Mayor, ano na papunta siya sa opisina, every time na may appointment siya sa office, nae-expose siya. Nagka-COVID o na-expose. Si City Admin iyong pumunta one time so hindi kami natutuloy. Hindi ko actually alam kung ano iyong pag-uusapan namin. Nandito ako three weeks ago para doon sa first dose ng Vaccine Express, kausap ko sila. Wala noon si Mayor kasi na-expose siya. Naka-t-shirt sila na Pampanga for Leni, pinapalit ko pa sila ng t-shirt. Sabi ko, “huwag kayong sasama sa akin na naka-t-shirt” kasi sabi ko nakakahiya sa mga tao na hindi ako tutuloy. In fairness, sumunod sila. Pero sino sa inyo iyong walang dalang—si Doc yata walang dalang t-shirt na iba so nanghiram sila sa iba para makasama sila sa akin.

    So ako talaga, nag-devote ako ng maraming oras para subukang i-unite lahat. Pero iyong week bago ng filing, parang iyong lahat na efforts ko in the past two months, sunod-sunod na nag-fail. Akala ko mayu-unite ko sila, biglang may umayaw, biglang gumawa ng mga statement na iyong kaniyang paniniwala salungat sa paniniwala ko. Na parang napakahirap na mag—‘di ba, dahil lang ba sa politika, kahit hindi ka sang-ayon sasama ka na lang? Ako, naghahanda ako. Iyong sa probinsya po namin nahirapan ako kasi ang akala nila tatakbo ako ng governor. Mayroon na ring mga nasubo sa amin. Tapos one week before binisita niya ako—natuloy na iyong pagbisita ni Mayor Ed sa akin. Noong pagpunta ni Mayor EDSA, pareho iyong diskusyon namin kay Among. So sabi ko kay Mayor, “Mayor, bakit naman ako sasabak diyan? Sigurado akong talo.” Sabi ko, sa local officials pa lang, wala sa aking sasama. Ayon, parang pari si Mayor EDSA. Nilekturahan ako nang napakahaba. [laughter] So ang sinasabi niya, iba itong eleksyon na ito. Sabi niya, ang eleksyon na ito, “walang sinabi iyong mga local officials. Tao iyong gagalaw.” [crowd: “Yes!”] Wala pa iyan. Noong kausap ko si Mayor EDSA, wala pa. Parang nag-fail na noon iyong talks pero ang nasa isip ko kasi noon pilian ko na lang kung sino iyong pinakamaayos na samahan. Pero si Mayor EDSA talagang very, very emphatic na, “Hindi, makikita mo iyan. Mag-file ka lang. Gagalaw iyong mga tao.” Pero ako kasi, medyo sinet aside ko iyon. Sorry, Mayor. Ang biro ko sa kaniya, iyong paalis na siya, sabi ko, “magfa-file na ako ngayon kasi nakumbinse mo ako.” Hindi pa noon filing, eh. Tapos after noon, nag-fail iyong talks, dumating si Mayor EDSA. Ni-nominate ako ng 1Sambayan. Noong ni-nominate ako ng 1Sambayan, parang doon ko unang sineryoso na tingnan na mukhang dito na talaga papunta. Pero wala ako ni isang paghahanda. Marami kaming kakampi, lumipat na sa ibang kandidato kasi nagsabi na ako na hindi ako kakandidato. Marami kaming kakampi. So noong iniisip kong baka matuloy ako, sabi ko, “sino pa kaya iyong matitira? Halos wala nang matitira, lalo na iyong may mga laban sa lokal.”

    So, ano iyon, Monday, na-finalize iyong plano ko, wala pa akong vice president. So kausap ko—marami akong kinausap. Marami iyong may mga assessment kung papaano pero at the end of the day, Tuesday, parang buo na iyong loob ko na si Senator Kiko iyong aayain ko. [applause] Ilan iyong nakausap ko na ang sabi sa akin si Senator Kiko iyong pinaka-logical choice. Pero ako kasi, nagi-guilty akong i-offer kay Senator Kiko kasi alam ko nakakasa na siya na tumakbo sa Senado. At alam ko na kapag tumakbo siya, maraming magiging personal na complications para sa kanilang pamilya. Pero sinabi ko rin sa kaniya—pero ako, handa akong magsabi siya na hindi. Kung humindi siya, maiintindihan ko. Pero alam ko na sa sarili ko na kapag humindi siya, hindi na ako kukuha ng vice president. Kakandidato na lang akong solo kaysa—[applause]—kaysa iyong kumuha ka dahil wala ka nang ibang makukuha o kumuha ka for political convenience. So noong sinabi ni Sen. Kiko na, “Ma’am, nakausap ko na si Sharon. Puwede bang bigyan mo ako ng magdamag, pagdadasalan ko lang.” Tapos the following day, hindi niya pa sinabi kung anong resulta ng pagdadasal niya. Ang sabi niya pupunta raw siya sa opisina ng alas-11 ng umaga. Pagpunta ko, kausap ko si USec. Boyet—chief-of-staff ko. Sabi ko, “patay tayo rito. Pupunta raw dito. Duda ko magsasabi na ng hindi.” Kasi sabi ko kung oo, siguro tinext na niya ako kaninang umaga. So ready na ako, dumating na si Sen. Kiko. Pag-upo niya, nauna na nga ako, eh. Sabi ko, “Sen. Kiko, hindi ako nakatulog kagabi kasi nag-aalala nga ako,” iyong burden sa kanila ni Sharon. Tapos um-oo si Sen. Kiko. Hindi ko iyon inaasahan. Siyempre, sobrang… sobrang natuwa ako. [applause] Pero noong natuwa ako, na-realize ko at sinabi ko ito in one of the interviews, na madali naman sa kaniyang magsabi ng hindi. Pero um-oo siya kasi—ang term na ginamit ko, patriot talaga na—[applause]—kahit mahirap, iyong tawag ng bayan hindi hinihindian. So ang sagot sa akin ni Sen. Kiko, “alam mo, Ma’am, parang wala akong karapatang humindi. Kasi noong hiniling namin sa iyo, alam namin na ayaw mo, pero hindi mo rin kami hinindian. So parang kami, wala kaming karapatan.”

    So ngayon, hindi pa naman puwedeng magkampanya. Noong Thursday lang ako nag-announce, Friday si Sen. Kiko. One week pa lang since the announcement. Pero alam niyo, one week ito ng sobrang daming surprises para sa amin. Kasi after the announcement, alam kong magiging masaya si Among. Alam kong magiging masaya iyong Pampanga for Leni. [crowd: “Yes!”; applause] Pero, akala ko ganoon lang. Pero alam niyo after the announcement, ang dami naming nakukuhang bisita, tawag, e-mail, lahat kami na nagvo-volunteer ng support. At hindi lang ito—[applause]—hindi lang ito nangangako, hindi lang nangangako na, “iboboto kita.” Pero ang tinatanong, “ano ang puwede naming gawin?”—[applause]—and sa tingin ko, ito iyong magiging iba sa eleksyon ngayon kumpara doon sa mga nakaraang eleksyon. Hindi natin kayang lumaban ng sabay sa kanila kasi hindi natin kaya iyong kaya nila. So ang expectation ko magiging very unconventional iyong campaign. Wala tayo siguro masyadong local officials na kakampi puwera na lang iyong naglalakas ng loob. Pero, magiging people’s campaign ito. Nakikita na natin ngayon. [applause] At alam niyo, iyong pinaka-mabuti sa lahat, hindi siya simpleng supportive lang sa amin ni Sen. Kiko, hindi iyon, eh. Pero ngayon, ang pakiramdam namin, ang pakiramdam noong lahat na nagri-reach out, laban din nila ito. Laban para sa kanila, laban para sa mga anak nila, laban para sa mga apo nila. [applause] And iyon iyong klase ng laban na masusustain natin kasi galing sa paniniwala, ‘di ba. Hindi ka—hindi iyong, “susuportahan ko siya kasi siya iyong supported ni Mayor.” Hindi ganoon, eh, ‘di ba. Susuportahan ko siya kasi naniniwala ako na ine-embody niya iyong panaginip ko para sa mga anak ko. [applause] And having said that, naging eksakto iyong sinabi ni Among, naging sakto iyong sinabi ni Mayor EDSA, na tao ang lalabas.

    So ngayon, may happy problem tayo. May happy problem tayo kasi in the past week or so, wala na kaming ibang ginawa [kundi] umanggap ng mga volunteers para sa kampanya. Inaya ko si Senator Bam. Dapat kakandidato para sa Senate. Noong nagdesisyon ako, sinabi ko sa kaniya, “Sen., hindi ako lalaban na wala ka sa tabi ko.” Kasi noong 2016, si Senator Bam din iyong nag-manage ng kampanya ko. And kampante ako kung siya iyong kasama kasi nakita ko kung paano siya magtrabaho. So si Sen. Bam, without batting an eyelash, iniwan iyong kaniyang Senate plans. Nagsabi ng oo. So ang dami ritong nagsasakripisyo, hindi lang ako, hindi lang si Sen. Kiko, hindi lang si Sen. Bam, pero lahat kayo. Kasi siguro nakikita niyo naman sa Facebook, dahil kadedesisyon ko lang, hindi pa tayo handa. Wala pa tayong anything. Pero nakikita namin, ang dami nang mga campaign jingle gawa ng mga volunteers. Ang dami nang mga pa-streamers gawa ng volunteers. Ang daming tarps, ang daming mga t-shirt, kung ano-anong merchandise. Pati iyong Shopee, ang daming benta. Nag-desisyon ako ng Lunes, may nakapagsabi sa akin na iyong lucky color ko raw blue. Blue iyong suot ko pag-announce pero lahat ng tao naka-pink. Sabi ko, susunod ako sa tao. [applause] So iyong pink—lucky color ko pa rin iyong blue—pero iyong pink, ito iyong simbolo ng ating pagkakaisa sa iisang layunin.

    Kaya ngayon, gaya ng sabi ko hindi pa naman puwedeng magkampanya, pero gusto kong magpasalamat sa inyo. Gusto kong magpasalamat sa paglalakas ng loob, gusto kong magpasalamat sa tapang, gusto kong magpasalamat sa maraming nagdadasal para sa amin. Mahaba iyong laban na ito. Alam natin kung ano iyong mga kalaban natin. Pero sa atin, kahit wala tayo ng lahat na mayroon sila, iyong lakas ng taumbayan, walang pera, walang kapangyarihan ang puwedeng makatalo. [applause]

    Kaya ito siguro last na ito, ang campaign period ay February pa. Pero marami na tayong puwedeng gawin between now and February. Ano iyong mga puwede nating gawin? Iyong mga hindi muna gawin. Iyong mga hindi muna gawin, huwag kayong makipag-away sa Facebook—[laughter]—pakiusap ko po iyon. Huwag tayong maging pareho noong mga taong ang paniniwala natin hindi dapat sila ganoon. May ibang mas maayos na paraan para salungatin natin iyong mga kasinungalingan. Kaya iyong pakiusap ko po sa mga volunteer na mga digital warriors, sabi ko, huwag tayong mag-asta troll. Maging truth warriors tayo. [applause] Kung may kasinungalingan… kung may kasinungalingan, eh ‘di ibigay natin iyong katotohanan. Huwag po nating sisisihin iyong mga naniniwala sa kasinungalingan kasi hindi naman nila kasalanan. Bigyan natin sila ng alternative na iyon iyong totoo. Tiyagaan natin, intindihin, tingnan natin ano ba iyong nararamdaman nito bakit sila napapapaniwala kahit kasinungalingan? Tiyagaan po natin. Kasi iyong unity, umpisahan na natin ngayon. Hindi po tayo puwedeng mag-umpisa ng unity kapag nanalo na tayo. Kasi kapag nanalo na po tayo, kailangang mag-trabaho na tayo Day 1 pa lang. So iyong unification, gawin natin ngayon.

    So ang assignment po nating lahat, una, siguruhin na iyong mga pamilya natin tama iyong pagkaintindi sa mga bagay. Kasi halimbawa, kung tama iyong pagkaintindi nila sa mga bagay, iba pa rin iyong choice nila, galangin natin. Pero baka kasi ganoon iyong choice nila kasi iba iyong alam nila, ‘di ba. So pagtulung-tulungan natin. Kapag tiningnan—sino ba rito sa inyo ang nagti-TikTok? Ako kasi hindi—oh, mayroon na. Kapag tiningnan niyo iyong TikTok ngayon, grabe iyong historical revisionism. So ngayon, ang daming nagvo-volunteer na pupunta sa TikTok. Kapag pumunta po tayo sa TikTok, huwag na huwag tayong gagawa ng kasinungalingan. Kung mayroon tayong ipo-post, siguraduhin natin na tama iyong mga sources natin. Kasi ang ayaw nating mangyari, nagiging pareho tayo sa kanila. Dapat ang objective natin, mahatak natin sila sa atin. So iyon iyong unang assignment ng lahat.

    Ang pangalawang assignment, huwag tayo-tayo lang iyong mag-usap. Palawakin natin iyong hanay natin. Hindi kailangang bigla, kahit paunti-unti. Kasi kailangan pong mag-start tayo on the right footing. Kasi maniwala tayo na kapag nasa tama tayo, iyong Diyos lagi tayong gagabayan. Iyong sa akin po, ang dami pang puwedeng mangyari. Ang sabi po ngayon, bibigyan namin ng freedom iyong lahat na volunteers to do what they want to do pero maglalagay kami ng isang website na iyong lahat na advisory, iyong lahat na mga announcement, doon nakalagay para alam niyo na legitimate ito. Kasi ngayon, may mga kaniya-kaniyang—hindi mo na alam kung alin iyong totoo. Bigyan lang po kami ng mga one or two weeks to do that. Ipapadala namin sa inyo iyong lahat na detalye. Pero ngayon, doon po sa Team Leni Robredo Facbeook page, marami na doon mga tarps, maraming mga t-shirt designs na puwedeng pagpilian habang wala pang official. Puwede na po natin iyon—wala po tayong  panggastos pero sipag na lang iyong ating ipapalit, ‘di ba. Hindi kailangang magastos iyong kampanya. Sabi ko nga, baka blessing in disguise naman na pandemic ngayon so walang pressure na magkaroon ng mga malalaking rally na magastos. Ngayon po, attend ako nang attend ng mga Zoom meetings. Ang mga attendance, 1,000 plus, 800 plus. Sabi ko, talo pa nito iyong mga rally na walang gastos.

    So iyong sa akin, wala pong maliit na hakbang. Lahat mahalaga. So kahit maka-impluwensya ka lang ng buong pamilya mo, ang laking tulong na noon. Kaya iyong sa atin po, mayroon lang tayong mga target—may mga targets lang tayo every month. Halimbawa, iyong grupo natin sampu tayo ngayon. Next month, dapat bente na, ‘di ba. Dapat sa susunod na buwan, trenta na. O kung 50 kayo ngayon, ang objective natin next month 100 na tayo. Pero ako po, maganda, magaan, tahimik iyong aking pakiramdam about the whole thing. Sabi ko nga kay Sen. Kiko, kasi si Sen. Kiko ganoon din. Parang sabi niya everything is falling into place. Sabi ko, “Sen., ang Diyos naman marunong lagi, ‘di ba.” Sabi ko, “kapag tama naman iyong ginagawa natin, iyong blessings laging nandiyan.” So noong nakita ko kayo—actually, hindi ko po inaasahan na ganito kayo karami. [applause] Akala ko po mas malaki-laki lang doon sa core group meeting natin, iyong lunch natin noong last kong punta. So pagpasok ko kanina, sabi ko, “Oh, ang dami pala!” Pero again, happy problem, ‘di ba. Sabi ni Councilor Reden, parang kinontrol niyo lang na three per municipality.

    So ngayon po, kampanya natin ito. Ang laban po natin sa 2022, hindi po ito laban namin ni Senator Kiko , pero laban natin lahat. Kaya maraming salamat sa inyo—[applause]—maraming salamat sa suporta at paniniwala. Ready na ba? Ready na ba tayo? [cheers; applause] Maraming salamat!

    Posted in Transcripts on Oct 15, 2021