This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Meet and Greet with Rosario Volunteers and Supporters

    Message of Vice President Leni Robredo
    at the Meet and Greet with Rosario Volunteers and Supporters
    Diocesan Shrine of Our Lady of the Most Holy Rosary, Rosario, Cavite

    [START 00:00:00]

    VP LENI: Magandang hapon po. Kumusta kayo? Kumusta po ang mga taga-Rosario? Bago po ako magpatuloy, ang akin lang pong pagpasalamat kay Father Leo. Sa atin pong Municipal Admin, kasama po natin 'yung ating Municipal Admin, Tani Sabas, Councilor Bamm saka Councilor Mark Jay. 'Yung atin pong mga RPC, nasaan dito 'yung RPC sina Michael Leyba? Mga kakampink na mga taga-Salinas. Gusto po nating pasalamatan 'yung lahat ng mga tumutulong sa inyo, tumutulong po sa ating mga volunteers. Mamaya magkakasama naman tayo, di ba? Oo, magkakasama tayo sa Gen. Tri. pero siniguro po namin na makadaan dito sa Rosario kahit saglit kasi alam po natin na marami nang ginagawa dito 'yung mga volunteers. And gusto po nating magpasalamat in a very special way sa inyo.

    At alam po natin na hindi madali, pero pag nakikita namin 'yung mga volunteers na talagang hindi iniinda 'yung init, 'yung pagod, gumagastos ng sarili. Talagang wala po kaming maisukli kundi 'yung pangako ng mabuting pamamahala pag kami ay nabigyan ng pagkakataon. Maraming salamat. Maraming salamat. Thank you. Maraming salamat po.

    Ayan, "My friends can't come so, I came to represent. Count us out of 800,000", thank you. "I'd be a fearless leader, I'll be an alpha type - Swifties for Leni". Papaanong pag-pronounce nito? "Isang [radio lang? 02:26-02:27]", "Leni Sunbaenim", "Hindi ako anak ng pucha, anak ako ng fuschia". "Si VP Leni ang unang babaeng nanligaw sa akin and it's a yes for me!". At least hindi ako basted! Maraming salamat.

    "Madam Leni, we got your back dito sa etivaC", maraming salamat. "Lider na maaasahan. Hindi magnanakaw. Nakikinig sa masa. I miss you, balik ka na hehe". Sino ang umalis? "Leni-Kiko tandem is not the smart choice. It is the right choice". "Tomboys for Leni", ito presidente ninyo. "Leni, ang pagmamahal ko sa iyo ay parang diploma, hindi peke".

    Ayan, "Sa gobyernong tapat, magkaka-oppa lahat". Okay 'yan, a. "Mama Leni, pa-picture po", "I love my President. Enjoy my town"-- ay ano 'yan? "Enjoy Rosario, Cavite", thank you– "Welcome Rosar"-- maraming salamat. HIndi po ito first time na bumisita ako sa Rosario. Nakapunta na po ako dito a few times in the past pero konektado po sa trabaho. Pero ngayon ay nandito ako para manligaw. [cheers] Pero 'yung aking panliligaw po ay– marami na akong yes na nakuha. Pero 'yung aking panliligaw ay may kasamang pakiusap. Meron pa po tayong 66 days to go, hindi tayo puwede magkampante. Magpaparami pa tayo.

    Pero alan niyo, very proud ako sa inyo kasi sabi po sa akin ni Father Leo kanina, sabi– makinig kayo kasi kayo 'yung sinabi niya, sabi ni Father Leo kanina, maganda daw 'yung influence ko sa volunteers kasi nakikita niya daw ngayon na 'yung young people dito sobrang mabubuting tao, very generous saka matulungin. So siyempre, bilang nanay ninyo proud ako, kaya maraming salamat sa inyo. Maraming salamat sa inyo mga– ito po, "Mga ready na sa commitment for Leni". Sinu-sino kayo?

    Pero ito, di ba ngayon masaya tayo, magkakasama tayo. Pero huwag nating kalimutan kung bakit tayo magkakasama. Magakakasama tayo dahil may pinapakipaglaban tayo. Ang pinapakipaglaban natin mabuting pamamahala, matapat na gobyerno, dahil alam natin na 'yung pagbabagong matagal na nating inaasam makakamtan lang natin 'yun pag naging matapat ang ating pamahalaan. Ayan, "Universe for Leni-Kiko", "#KPopStansForLeni", "Boto ko para kay Leni Robredo", maraming salamat po. "800k minus one", "Leni sa Malacañang". Ayan pareho, "800k minus one". Ano 'yun? "Bayots for Leni", ayan salamat.

    Ayan, kumpleto tayo ngayong hapon. "Salamat po sa pagtulong mo sa hometown ko sa Negros noong Bagyong Odette", opo marami po tayong– maraming salamat. Galing po tayo doon two times. May pabahay po tayo doon, ginagawa natin ngayon. Ayan, so pag ganito 'yung energy in the next 66 days, maipapanalo natin.

    Kaya, excited na ba kayo? Excited na kayo? Excited tayo para mamaya pero mas excited tayo pag eleksyon dahil sama-sama tayo makikipaglaban. So, maraming salamat sa inyo. Mabuhay kayong lahat!

    [END - 06:59]

     

    Posted in Transcripts on Mar 04, 2022